Mabilis lang akong nakaka-recover sa pagka-Hospital ko. Limang araw pa lang maayos na ang pakiramdaman ko. Naghilom na rin ang sugat ko sa braso at ulo.
Laking pasalamat ko, hindi ako masiyadong napuruhan sa pagka-bangga ng kotse. Kaya naging okay na ako sa loob lang ng limang araw mula noong magising ako.
Kahit gusto ko ng umalis hindi ko magawa dahil sabi ng doctor kailangan kong tapusin ang buong linggo bago ako makaalis. I need to have a fully recovery.
Napagpasyahan ko na rin na manatili muna sa Hospital kahit ayos na ang pakiramdaman ko dahil na rin may pagkain araw-araw sa Hospital. Masarap na sa panlasa ko iyon, isa pa kung aalis ako sa Hospital saan ako pupulutin? Wala na akong pera, sobrang hirap ng buhay ko. Mabuti pa rito may libreng pagkain sa pasyente saka private pa, dahil mag-isa lang ako sa isang room, with aircon iyon.
Ang sarap sana tumira doon dahil naka-foam at malamig, pero ang boring masiyado. Wala akong kausap, nakatulala lang ako. Mas lalo kong naiisip ang maiiwan kong pamilya sa probinsiya.
Sa huling araw ko sa Hospital. Habang nagbibihis ako ng bagong laba kong damit. Biglang pumasok ang isang nurse. May dala itong mga papel na familiar sa akin.
"Ma'am, ito nga pala iyong mga gamit niyong hawak noong dinala kayo rito sa Hospital. Binigay ito noong driver na nakabangga sa'yo. Sabi niya itago ko raw."
Nanlaki ang mata ko pagkakita ko sa mga papel.
"Maraming salamat po!"
Grabe ang saya ko dahil nandito pa rin ang sulat ng totoo kong ina pati ang lokasyon ng mga Moonzarte. Hindi pa rin ako nawalan ng pag-asa na makaharap at mapatunayan sa totoo kong ama na anak niya ako.
Nawala na ito sa isipan ko, mabuti na lang binigay ng nurse. Nakasilid pa ang mga papel sa isang plastic na maliit.
"Okay na po ba ang pakiramdam niyo, Ma'am?"
"Okay na po ako," sagot ko sabay ngiti.
Tumango-tango siya. Tumalikod na ito, ngunit agad natigil nang may pahabol pa siyang salita.
"Nga pala, Maam. Nasa nurse station ang driver na nakabangga sa'yo. Sabi niya puntahan mo raw siya doon. Kadarating niya lang. Hinihintay ka niya."
Habang sinasabi iyon ng nurse may kislap sa kanyang mga mata. Napakunot noo ako, mag tatanongin sana ako tungkol sa driver pero agad na siyang lumabas na masayang-masaya. Nagmamadali pa ito.
Mabilis kong inaayos ang sarili ko. Pinasok ko sa bulsa ng palda ko ang papel na dala-dala ko. Sinisiguro kong naka-safe iyon.
Nang ready na akong harapin ang driver ng nakabangga sa akin. Hindi ko ma-explain ang naramdaman ko sa mga oras na iyon.
Gigil akong magalit sa nakabangga sa akin. How dare him! Ngayon pa siya nagpakita na nakalabas na ako sa Hospital samantalang dapat siyang managot sa akin, dapat niya akong alagaan rito sa Hospital lalo na't wala akong kamag-anak sa Manila.
Tapos malalaman ko ngayon na nandito siya kung kailan huling araw ko na rito. Magaling din iyon e! Tingnan mo! Siya ang mananagot sa mga kasalanan niya sa akin. Magbayad siya!
Kuyom ang dalawa kong kamao habang naglalakad sa hallway ng hospital.
Nang makarating ako sa nurse station. Nakita ko ang nurse na kausap ko kanina, tumitingin siya sa lalaking nasa counter.
May lalaking nakasuot ng itim na t-shirt na mukhang mamahalin at isang itim na pantalon. Nakatalikod siya sa gawi ko. May kausap siya sa cellphone niya habang sa kanyang gilid mga limang nurses na panay tingin sa kanya, bulong ng bulong sabay namumula. Halata ang pagkahanga nila sa lalaki.
Habang ako, nag-aalab na ako sa sobrang irita. Nang makarating ako sa kanyang likuran. Doon ko lang na pansin na ang tangkad niya at ang bango pa.
May nabubuhay palang ganito sa mundo?
"Yes of course! I'll take responsibility sa babaeng binangga ko. Just don't tell Mom and Dad about this!" narinig kong sabi niya sa kabilang linya. Napakalalim ng boses niya, lalaking-lalaki. Sobrang buo.
Sa tindig at pangangatawan niya pa lang, pati pananamit halatang pang mayaman na.
"I don't know her name, kuya Harris. I'm sure she is fine. The nurses said she was awaked few days ago and today is her last day in the Hospital."
Hindi na ako makapaghintay na matapos siya sa pakikipag-usap sa kuya niya kaya bigla kong hinablot ang kanyang braso nang malakas.
"Huy! Lalaki! Ang lakas ng loob mong pumunta rito---"
Agaran siyang napaharap sa akin. Mabilis akong natigilan nang makita kong nakasuot siya ng shades na itim, at tanging pagkunot noo ang bumakas sa kanyang mukha, saka matangos niyang ilong ang nasilayan ko, salihan mo pa ang mapupulang labi na hugis puso.
Hindi ko maiwasang matameme sa kanyang mukha. Kaya pala panay tingin sa kanya ang mga nurses dahil may itchura siya. Sobrang puti, magulo ang buhok na parang stylish niya iyon upang mabihag ang mga mata ng mga babae.
"I'll call you later kuya," paalam niya sa katawagan saka niya binaba ang mamahalin niyang cellphone.
Lumunok ako. Hindi alam ang gagawin sa pagkat natataranta na ako. Wala akong idea sa mga susunod na sasabihin. Gayong ready na akong magwala, sa isang pagkita ko lang sa kanyang hugis na mukha. Agad tumikom ang bibig ko. Nawala ang mga gusto kong ibatong salita. Masiyadong nakakadala ang porma niya ngayon dahilan para matigilan ako.
Nakakasilaw ang pagtitig niya sa akin kahit nakasuot siya ng tinted na shades. Parang naputol yata ang dila ko dahil sa nakakalusaw niyang tingin.
"Yes, Miss? Do I know you?" walang ganang tanong niya.
Nakita ko sa gilid ng mga mata ko ang mga nurse na sumisinghap. Para silang hihimatayin bawat rinig nila sa sinasabi ng lalaki.
Pinilit kong kinalma ang sarili. Marami akong gustong ibatong salita sa kanya pero tila umurong nang makaharap ko na siya. I was expected na may edad na ang nakabangga sa akin ngunit hindi ko akalain na isang binata pala at ganito ka kisig.
Kahit kailan man, hindi pa ako nakakasagupa nang ganitong lalaki. Siya pa lang ang nakitang kong nagpatigil sa mundo ko.
Hindi ko akalain na puwede pa lang mangyari ang ganoon, iyong feeling na kaming dalawa lang ang nasa paligid namin. Walang mga nurse, walang pasyente ang dumadaan. Tanging ako at siya lang ang nakikita ko. Possible pala iyon?
"Miss? I am talking to you? May I know who you are?" Agad siyang namulsa. Bored na bored habang naghihintay kung kailan babalik ako sa realidad.
Umiling ako, upang mabalik sa huwisyo. Pinilit kong kumalma.
"U-Uh... A-ako iyong binangga mo ng kotse. Salamat sa pagbayad ng hospital bills," sa wakas na sabi ko rin pero malumanay. Malayo sa inaasahan kong galit kanina.
Nawala ang tapang ko bigla. Nawala rin ang mga gusto kong sabihin sa kanya na panagutan niya ako dahil hindi niya ako binantayan sa Hospital.
"So... You are the stupid girl who's running at the center of the road while it was in a go signal?"
Napantig yata ang tenga ko sa sinabi niya. What did he say? Ako? Stupid na babae?
Binabawi ko na ang sinasabi ko na mala-anghel siya. Sobrang gaspang ng ugali niya. Siya pa itong nakabangga sa akin, siya pa itong mang-insulto ng babae.
"Hindi ako stupid, sir! For your information! May hinahabol akong mga bata. Ninakaw nila ang ba---"
"Tsk... Save your explanation. I don't want to hear it. Whatever your reason...Still your so stupid. Mananagot pa ako sa'yo dahil sa katangahan mo."
Para akong na sampal ng libo-libong insulto sa kanya. Narinig kong pinagtatawanan ako ng mga nurse. Gusto kong maiyak dahil sa sobrang sama ng ugali niya.
Ngayon lang ako napahiya nang ganito. Ang sakit niya magsalita. Ang sakit niya mang-insulto.
"Sumusobra naman po yata kayo! Dapat nga magpasalamat kayo buhay ako. Kayo pa ang nakabangga sa akin ikaw pa ang may ganang magsabi na tanga ako? Akala ko nandito ka para manghingi ng sorry sa nagawa mo pero mukhang nandito ka lang para mang-insulto!" galit kong sigaw.
Nagtaas baba ang kanyang dibdib.
Sinandal niya ang siko sa counter. Tinagilid niya ang ulo sa kabila nang sa ganoon mas matitigan niya ako lalo. Kahit suot niya ang tinted na shades para akong nilamon ng mga titig niya sa akin.
"I'm not the type of man who's saying sorry sa hindi ko kasalanan. It's not my fault why you suddenly run in the road, when in fact there is a Go signal," seryoso niyang sabi sabay taas ng kanyang kilay.
Kahit kailan talaga napaka-aroganti ng dating niya, di porket gwapo siya ganyan na kung umasta.
"Tinangay nga ng mga batang magnanakaw ang bag ko kaya---"
"So glad seeing you that you are okay. I don't have any responsibility anymore."
Gusto ko siyang suntukin. Hindi ko alam pero nangigil ako sa preskong pagkikita namin ngayon. Ang lakas talaga ng loob niya. Hindi ko akalain na ganito ang mga lalaki sa Manila, masiyadong arogante. Walanghiya!
"Meroon kang responsibilidad, sir. Ikaw ang managot sa akin! Kung hindi mo ako binangga makukuha ko pa sana ang mga gamit ko na ninakaw ng mga bata! Pero dahil---"
"Shut your mouth, Miss. You're too noisy. You want money to shut you up? I can give it to you. What is your bank number? I will send the money right away."
Napaatras ako nang nilapit niya ang mukha sa akin. Masiyadong awkward para sa akin dahil pinagtitinginan kami ng mga pasyente, nurse saka doctor.
"A-Ano iyon? Wala ako nun!"
Umayos siya sa pagkakatayo. Pinatunog niya ang dila bago niya ako sinuyod ng tingin mula ulo hanggang paa. He smirked when he saw what I am wearing right now.
"Mukhang galing ka pa yata ng bundok. I see, mahirap ka lang. I only accept bank accounts as a p*****t, pero kung wala ka nun. I can't pay you. I don't bring cash in my wallet."
Huminga ako nang malalim. Kotang-kota na talaga siya sa pang-iinsulto sa akin. Alam kong mukha akong manang ngayon pero dapat ba talagang ipamukha pa sa akin kung gaano ako kahirap?
Ultimo bank number wala akong kaalam-alam nun.
Gusto ko siyang barahin pero hindi ako iyong tipo ng babae na kinakausap ang kagaya niyang arogante.
Kahit ayaw ko ng pera niya, wala akong choice kundi ang makakuha sa kanya kahit pamasahe man lang dahil walang-wala ako ngayon.
"Ganoon? Ayaw mo akong bigyan ng pera? Paano kong sasabihin ko sa mga magulang mo na nakabangga ka ng babae? Tapos hindi mo pinapanagutan? Tinakbuhan mo lang?"
He looked at me intensely. Nakita kong nagbago ang kanyang reaksyon. Galing sa pagiging walang gana, nakita ko ang pamumutla niya.
Narinig ko kasi kanina sa kausap niya na hindi niya pinaalam sa magulang niya na nakabangga siya. I wonder, bakit siya takot?
"You don't know them. How do you contact my parents?" He confidently asked.
Ngumisi lang ako. Dahil naka-usli lang naman ang cellphone niya sa kanyang pantalon. Mabilis ko iyong kinuha. Agad siyang napamura sa bilis ng galaw ko.
"Tatawagan ko ang parents mo rito. Tingnan natin," panakot ko saka ko inilag sa kanya ang cellphone.
"Fvck! Give me my phone!"
Lumayo ako sa kanya upang hindi niya ako maabot. Mabuti na lang hindi naka-password ang kanyang cellphone kaya nakita ko lang ang mga contacts niya. Isang black na dragon ang nasa wallpaper niya.
Nang makita ko ang number ng kanyang Mommy. Mabilis ko iyong tinawagan, nag-ring naman agad.
"Fine... I'll give you a fvcking money. Give me my phone?!"
Naglahad siya ng kamay. Agad sumuko sa pagiging palaban ko. Umiling-iling ako. Hindi mo ako maguguyo sa ganyan mo!
Ano'ng akala niya sa akin? Hilo? Maniniwala agad sa simpleng sabi niya lang.
"Hello, iho? What's the problem? I'm in the meeting right now. Make it fast," saad ng kabilang linya.
Napatingin ako sa lalaki. Miserable niya akong tiningnan. Hindi na ma-echura ang mukha niya habang pinapakinggan namin ang Mommy niya.
"Hello po, ako po ang binangga--"
"Damn it... "
Mabilis niyang pinatay ang tawag. Mabuti na lang nalayo ko agad ang cellphone sa kanya kaya hindi niya nakuha.
"Give me my phone now!" mariin niyang sabi sa punong tenga ko nang mahuli niya ang bewang ko.
"Ayaw ko!" Mabilis ko iyong pinasok sa dede ko dahilan para mas mapamura siya nang malakas. Ngayon, he looks problematic.
"I'll give you money. Come to me!"
Hinawakan niya ang braso ko pagkatapos lumabas kami ng Hospital. Ramdam ko ang panggalaiti niya sa galit. Gusto kong matawa sa kagagawan ko.
Akala niya maisahan niya ako. No way! Face your problem.