Chapter 3: Destiny

2027 Words
Dala ang aking back pack, tinawid ko ang probinsiya namin papuntang siyudad. Kailangan ko pang sumakay ng bus na abot hangang limang oras ang byahe bago makarating sa pier kung saan doon ako sasakay ng barko nang sa ganoon makarating na ako ng Manila. Habang nasa byahe, hindi ko maiwasang mangulila kina inay Esmeralda at sa tatlo ko pang mga kapatid. Iyak lang ako nang iyak sa byahe. Hindi ko maiwasang manlumo, dahil bakit kailangan pang mangyari ito sa buhay namin. Kung may pera lang sana kami, hindi ko na hahanapin ang totoo kong ama upang manghingi sa kanya ng tulong. Tanggap ko naman na hindi ako totoong anak nina Nanay Esmeralda at tatay Jerry. Pero ang sakit isipin na kailangan ko silang iwan para lang gumaling si itay sa pagka-comatose niya sa Hospital. Kailangan kong puntahan ang totoong ama ko, nang sa ganoon makahingi ako ng tulong sa kanila. Kahit hindi ko alam ang kahinatnan ko kapag magpakilala ako sa kanya. Hindi madali sa akin ang pag-alis ko. Hindi ko na nga sinabi kay Nanay Esme na umalis na ako papuntang Manila dahil alam kong wala rin naman siyang pakealam kung aalis man ako o hindi. Mas gugustuhin pa noon na makaalis ako kay sa manatili. Samantala ang mga kapatid ko naman, hindi ko na rin magawang sabihin sa kanila na iiwan ko sila dahil alam kong pipigilan nila ako. Napamahal na sila sa akin, kaya masakit na makitang umiiyak sila dahil lang ayaw nila akong umalis. Umalis akong luhaan, umalis akong may pangungulila sa kanila. Sa kasamaan ni Nanay Esme kailangan ko iyong tiisin. Nang makasakay ako ng barko, ilang oras pa ang hinintay ko bago kami makarating sa Manila. First time ko rito at wala akong kaalam-alam kung saan ako patungo ngayon. Hindi ko alam kung saan ang lokasyon ng mga Moonzarte. Tanging hawak ko ang sulat ng totoo kong ina, ito ang ipapakita ko sa ama ng mga Moonzarte. Siguro pruweba na rin na may anak nga siya sa labas. May kaba ako sa puso kung makikita ko na ang ama ko na walang alam na may anak pala siya sa ibaang babae. Ang sabi sa sulat, tumakas ang ina ko noong na buntis ako at hindi alam ng ama ko iyon na buntis siya. Ano kaya ang magiging reaksyon niya kapag nakita niya ako? Magagalit kaya siya? Tatanggapin niya kaya ako? Base sa sulat, napakayaman daw ng mga Moonzarte. I wonder what kind of rich it is. Hindi kaya mata-pobre sila? Nang sa wakas huminto na ang barko. Halos malula ako sa nakikita kong mga kabahayan. Ang liliit lang pala, at kadalasan nasa dagat pa nakatirik. Palinga-linga ako sa paligid sa pagkat hindi ko alam kung ano itong lugar na pinuntahan ko. First time kong makarating dito sa Manila kaya masiyado akong nalula sa mga nakikita ko. "Byahe papuntang Quezon City!" Sa kalalakad ko na punta ako sa lugar na may maraming bus. May nakalagay sa placard nila ang destinasyon kung saan iyon papunta. "Manong, pasakay po," sabi ko sa isang kondoktor ng bus. Sumakay na ako sa loob. Mas pinili kong maupo sa gilid ng binatana. Mahangin kasi, nasusuka ako kapag wala akong hangin na maamoy sa bus. Nang mapuno na ang bus, umaandar na ito. Wala akong idea kung para saan itong sinasakyan kong bus. Basta na lang akong nagtiwala sa instinct ko. Inaayos ko ang papel kung saan may nakasaad ng exact location ng bahay ng mga Moonzarte. Tanging ito lang ang hawak ko upang matuntun ko ang bahay nila. Nakatulogan ko ang pagsakay ng bus. Pagod na pagod ang katawan ko. Nang magising ako, naririnig ko ang ingay ng mga sasakyan, jeep at motorsiklo. Nagmulat ako ng mata, ang unang bumungad sa akin ang matatayog na mga building na hinding-hindi ko pa nakikita sa buong buhay ko. Hindi ko maiwasang humanga sa mga malalaking t.v na nasa pinakatuktok ng mga matataas na building, sobrang ganda pagmasdan. May pinapalabas na mga commercial. Iba ang lugar na ito kay sa noong makababa ako ng barko. Dito ang daming ilaw, ang daming tao. Ang tatayog ng mga buildings. Gusto ko ng bumababa habang pinagmasdan ang mg tanawin sa labas. Sobrang daming sasakyan na hindi ko pa nakita sa tanang buhay ko dahil sa bukid puro kabayo ang sinasakyan doon. Marami ring tao na busy sa kanilang ginagawa. Masiyadong pormahan, may iba nakasuot ng shades, iyong iba halos unti lang ang tela na suot. "Nandito na tayo sa Avenue!" sigaw ng konductor. Agad akong bumababa ng bus pagaktapos kong magbayad. Hirap pa akong dalhin ang back pack ko at isang hand bag na malalaki. Palinga-linga ako sa paligid dahil ang dami kong nakakasalubong na mga tao. Halos matulala ako sa magandang siyudad. Ito na pala iyon... Ganito pala ang mukha ng Manila. "Ang ganda rito!" naka-awang bibig kong banggit. Hindi ko maiwasang matuwa habang naglalakad. Hindi ko alam kung saan ako patungo. Mabuti na lang may pera ako sa alkansiya ko na nasa back pack ko kaya may magastos ako kung saan man ako ngayon. Hindi ko alam ang sasakyan ko papunta sa bahay ng mga Moonzarte. Sana kasya pa itong pera ko sa paghahanap ng mansyon nila. Mula noong tumungtong ako ng ten years old. Nagsimula na akong mag-ipon para sa pag-aralan ko ng college balak ko kasi rito sa siyudad mag-aral dahil sa lugar namin hangang senior high school lang ang meroon. Ngunit sa kasamaang palad mukhang hindi na mangyayari ang gusto ko, ang makapag-aral ako. Hindi ko akalain na ito na pala iyon. Nawawala ako sa sarili ko. Habang pinagmasdan ang kapaligiran. Puno ng mga usok ng dyip. Maingay sa paligid. Sa pag-iisip ko nang mangyayari sa akin dito sa Manila biglang may humablot na limang bata sa dala kong back pack at hand bag. Puwersahan nila itong itinakbo palayo. "Hoy! Akin iyan!" sigaw ko Hinabol ko ang limang bata na pinagpasa-pasahan ang bag ko. Takot ang naramdaman ko sa mga oras na iyon. Nandoon pa naman ang pera ko, mga damit... Ang tanging hawak ko ngayon ang sulat ng totoo kong ina bago ako iniwan kina Mommy Esme. Tapos isang papel na nagsasabi kung nasaan ang lugar ng mga Moonzarte. Mabuti na lang kanina ko pa ito hawak. Hindi nila nasali sa pagtangay, pero ang kawayan kong alkansiya nasa bag ko. "Tumigil kayo! Akin ang mga gamit ko! Hoy! Mga bata! Akin iyan!" Hinahabol ko pa rin sila sa kalagitnaan ng gilid ng kalsada. Nanghingi ako ng tulong na habulin ang limang bata pero nakatingin lang ang mga tao sa akin. Nakapagtataka tuloy kung ganito ba talaga ang siyudad. Bakit maraming magnakaw ng bag. Pati pera ko natangay. Hindi ko akalain na ganito ang dadanasin ko. "Habulin niyo po ang mga batang iyan!" sigaw ko pa rin. Hirap akong tumakbo dahil ang haba ng palda ko. Natatapakan ko ito sa tuwing hinahakbang ko ang paa. Bigla tuloy akong natalisod buti na lang nagawa ko pa ring tumayo. Abot hanggang paa ang palda ko kaya ang hirap. Tapos naka-tsinelas lang ako. "Sabing tumigil kayo!" Ang layo na ng mga bata. Ang bilis nilang tumakbo. Hindi pa rin ako nawalan ng pag-asa, patuloy ko pa rin silang sinusundan hanggang sa makita kong papunta sila sa kabilang daku ng kalsada. Nang mag-stop-light. Tumakbo sila sa kabila. Bago ko pa maabutan ang stop-light. Nag-Go signal na ito kaya umaandar na ulit ang mga sasakyan. Dahil desperada na akong makuha ang mga gamit ko. Hindi ko iniindang may mga kotseng mabilis na nagtakbuhan. Tinakbo ko rin ang distansiya ng kabilang kalsada kung saan doon tumakbo ang mga batang magnakaw. Panay busina ang mga kotse sa akin dahil ako lang ang mag-isang tumawid. Kamuntikan na akong mabundol nang mabilis akong tumakbo. Nasa kalagitnaan na ako ng malapad na kalsada. Nakarinig ako ng malakas na busina. Natigil ako roon dahil sa lakas ng pagpapatakbo ng isang kotse na papalapit sa akin. Tiantangay na nga ang buhok ko. Isang itim na kotse iyon, ang ganda. Ang kintab. Ang ginawa ko sa mga oras na iyon. Mukhang walang balak na tumigil ang kotse. Umupo ako sa kalagitnaan ng kalsada saka umupo. Tinakpan ko ang dalawa kong tenga sabay pikit ng mariin dahil sa takot. Ang huling narinig ko, ang malakas na pagbangga ng kotse sa akin. NAGISING AKO NA MASAKIT ANG LIKOD. Pati balakang ko masakit. Ang ulo ko parang naalog at nahihilo. Ngumiwi ako sa sakit. "Aray!" daing ko pa sabay hawak sa ulo ko. Dahan-dahan kong binuksan ang mga mata. Tiningnan ko ang paligid. Isang puting ding-ding at nasa single bed ako nakahiga. Nang ginalaw ko ang katawan, para akong binugbog ng sampung tao sa sakit. Naramdaman kong may benda ang ulo ko. Habang ang isa kong kamay may benda rin. Hindi ko maigalaw ang buo kong katawan. Namamanhid sa sakit. Ang huli kong naalala. Nabangga ako ng isang kotse na humaharurot sa gitna ng kalsada. Pagkatapos nun nawalan na ako ng malay. Bigla akong napaiyak nang maalala kong nanakaw ang mga gamit ko. Hindi ko maiwasang magdusa sa sinapit ko ngayon. Bakit ako pa itong nadatnan ng malas. Akala ko madali lang mamuhay sa siyudad ngunit ang hindi ko akalain ganito ang aabutin ko sa pagpunta rito. Natigil ko ang mga luha ng may pumasok na nurse at doctor. Nagulat sila dahil gising na ako, iyon nga lang hindi ko maigalaw ang leeg ko. "Mabuti at gising ka na, iha. Ano ang pangalan mo?" sabi ng doctor. "Elizabeth po," mahina kong sabi. He nodded. Sinulat ng nurse ang pangalan ko. "May mga kamag-anak ka ba rito?" Umiling ako. "Galing pa po akong probinsiya. Wala akong kakilala rito." "Kaya pala wala naming mahanap na contact number man lang. Na bangga ka ng kotse, hindi naman grabe ang pinsala dahil naagapan naman agad ang mga sugat mo. Natigil ng driver ang kotse niya nang saktong na bangga ka na. Pero ang sabi niya na bangga ka raw ka unti at natumba ka kaya nawalan ka ng malay. What do you feel right now?" "Masakit po ang ulo at likod ko, doc." "I see. Dahil iyan nahiga ka sa kalsada noong tumama ang ulo mo sa kotse. Kahit hindi ka tumilapon noong na bangga ka. Still... Mananagot pa rin ang driver kahit hindi ganoon kalaki ang pinsala mo." "Saan po iyong nakabangga sa akin?" tanong ko. Gusto ko siyang makaharap nang sa ganoon pagbayarin niya itong ginawa sa akin. "Pagkatapos ka niyang dinala rito sa Hospital hindi na siya nagpakita sa amin. Isang linggo kang nakahiga rito at ngayon ka lang nagising. Iisang linggo na rin na hindi namin nakitang bumisita ang nakabangga sa'yo. But don't worry iha, binayaan na noong driver ang lahat ng bills mo." Hindi ko maiwasang mapakuyom sa kamao ko. Hindi ko alam kung ano ang naramdaman ko sa sarili. Good thing hindi niya tinakbuhan ang pagka bangga ko. "Puwede bang malaman ang pangal---" "Wala siyang binilin na kahit ano'ng impormasyon, iha tungkol sa sarili niya." Tumango-tango ako. May sinusulat ang doctor sa papel. Pagkatapos binigay niya sa akin ang reseta. "Kapag sumasakit ang ulo mo ito ang inomin mo, it's pain reliever. May gamot na rin dito." Binigay niya sa akin ang papel. Huminga ako nang malalim. Kahit hindi ko nakita ang driver, good thing at buhay pa rin ako. "Kamusta na po ang kalagayan ko? Makakalakad po ba ako?" Ramdam ko kasing hindi ko maigalaw ang mga paa. "Yes... You can walk. You need to rest at least one week, after that babalik na sa dati ang naramdaman mo. That's only mild pain. No need to worry." "Salamat doc," saad ko pa. Umalis na ang doctor at nurse pagkatapos nila akong ma-check. Ngunit sa pag-iisa ko, ramdam kong nangungulila ako bigla sa mga kapatid ko at kay Nanay Esme. Lalo na si Tatay Jerry. Kamusta na kaya sila ngayon? Masaya siguro si nanay Esme kapag nalaman niyang umalis na ako at ganito ang inabot ko sa pagpunta ko ng Manila. Hindi ko na alam kung saan na ako pupulutin ngayon, dahil sa mga oras na ito, para akong daga na walang patutunguhan. Natangay lahat sa akin, pati pera, damit. Pakiramdaman ko pinapahirapan ako ng tadhana. My destiny is not going well.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD