Chapter 5: Nowhere

2006 Words
Bawat kaladkad niya sa akin palabas ng Hospital. Halos matapilok na ako sa rahas ng kanyang pagkakahawak. Para ng mababali ang mga buto ko sa braso sa higpit din ng kanyang pagkakahawak sa akin. Hindi naman ako makapagreklamo dahil nakakatakot ang aura niya. Parang kulang na lang ibalibag niya ako sa simpleng pagsasalita ko. Sumusunod lang ako sa kanya. Hindi ko alam kung saan kami pupunta. Nang makarating kami sa isang pulang sasakyan, pinasok niya ako nang pabagsak sa loob. Nauntog pa ang ulo ko sa upuan sa rahas ng pagpasok niya sa akin. Para siyang nagdala ng hayop sa kulungan na bast-basta na lang tinatapon. "Dahan-dahan naman!" reklamo ko sabay tingin ng masama sa kanya. Walang gana niya lang akong tiningnan pagkatapos pabagsak rin na sinirado ang pintuan. Pakiramdaman ko mabibingi ako sa lakas ng pagbagsak nito. Gusto ko siyang murahin, kung hindi lang siya gwapong nilalang baka kanina ko pa siya pinagsasalitaan ng masama. Wala yata sa kanila ang good manners and right conduct sa school kaya ganito siya kasama. I wonder kung nag-aaral ba siya? Bakit sobrang sama ng ugali niya? Sa mga kakilala kong lalaki sa probinsiya namin hindi ganito ang ugali, marunong gumalang ng babae. May respeto, hindi katulad niya. Hindi man lang siya marunong magdahan-dahan. "Saan mo ba ako dadalhin?" tanong ko nang makapasok siya ng kotse. "Will you shut your mouth?" mabagsik niyang tanong. Kung hindi lang siya nakasuot ng shades kanina ko pa sana nakita ang mga mata niya na umaapoy sa galit. Pasalamat na lang ako at natatakpan pa rin ang mga mata niya. Bigla tuloy akong nakuryuso kung ano ang kompletong hitsura niya kapag wala siyang suot na shades sa mata. Kahit may shades pa nga siya ang guwapo na niya. Paano na lang kaya kapag wala iyon. "Edi fine! Manahimik ako," nag-cross arm ako ng braso. "Huwag mo lang akong dalhin sa ilog pagkatapos itapon. Gusto ko pa mabuhay,' bulong-bulong ko pa. Narinig ko ang malakas niyang pagmumura na para bang konti na lang ang pasensiya niya sa akin. "Wear your seatbelt and stop talking," sa puntong ito kalmado na ang kanyang pananalita. Mabuti naman, nakakatakot talaga siya sa totoo lang. Ewan ko ba, ba't napapayag niya akong sumakay sa kotse niya. Symepre hindi naman ako choosey, at responsibilidad niya ako dahil binangga niya ako. "I said put your damn seatbelt so that we can go," tagis bagang niyang wika nang hindi ako umimik. Nakatingin lang ako sa kanya. Nasa harapan ang kanyang tingin. Nagtagis ang bagang niya mula kanina. Mukhang mahabang pagtitimpi ang ginawad niya sa akin. Hawak niya ang steering wheel ng mariin. "Huh? Ano iyon?" ignoranteng tanong ko. Napatingin siya sa akin nang masama. Napanguso ako saka nagkamot ng ulo. Kasalanan ko bang wala sa bundok namin ang sinasabi niyang seatbelt. "Seriously?" hindi makapaniwala niyang saad. Suminghap siya sabay lapit ng kanyang mukha sa akin. Bigla akong natuliro sa bilis ng pagtibok ng puso ko, feeling ko mauubusan ako nang paghinga. Bakit ang lapit ng mukha namin. Halikan niya ba ako? Ang bango niya sobra. Plus points iyon sa kapogian niya. Lumunok ako at pumikit. Ready na sa igagawad niyang halik. "There? That's a fvcking seatbelt!" iritado niyang wika sabay layo sa akin. Napamulat ako ng mata. Biglang nahiya. Naramdaman kong humigpit ang inuupuan ko kaya pagtingin ko. May nakatali na sa aking tinatawag niyang seatbelt. Gusto kong mapasapo sa katangan. "Ahh okay!" Tumango-tango ako. Naintindihan na kung ano ang sinasabi niya. Akala ko pa naman hahalikan niya ako kanina. Ang lapit lang kasi ng mukha niya sa akin. Hindi ko akalain na nakakairita nga talaga ang pagiging ignorante ko. Ilang sandali pa, tahimik na kaming dalawa nang pinaandar niya ang kotse. Napatingin ako sa mga nadadaanan namin. Grabe, mas lalo akong humanga sa Manila. Hindi ko alam kung saan kami patungo, basta na lang akong sumama sa kanya. Sabi niya bibigyan niya ako ng pera? Saan kaya siya kukuha ng pera? Di ba wala siyang cash na dala? Mang-holdap kaya siya para may maibigay sa akin? Hindi naman yata niya gawain iyon. Mayaman siya, tapos gwapo, bakit siya mang-holdap? Baka naman manghingi siya sa tabi-tabi? Mamalimos? Tapos isasama niya ako? Ganoon kaya? Huminto kami sa isang bank. Hindi ko alam kung ano itong hinintuan namin, pero base sa nababasa ko sa ibabaw. Bank... Means bangko? Nasa bangko kami? Oh my! Hindi kaya maguguyo siya sa loob? Mang-holdap ng pera? Marami raw pera sa bangko. "Stay in here. I'll just widraw money. Don't you dare touched everything on my car," babala niya gamit ang awtoridad na boses. Tumango-tango lang ako. Hindi naman ako magnanakaw, mahirap lang ako pero hindi ako tinuruan nina Nanay Ismeralda at Tatay Jerry na magnakaw. "Hindi ka magdadala ng baril?" inosenting tanong ko. Di ba kapag mang-holdap ng pera may dalang may patalim na dala. "What the?!" hindi makapaniwalang saad niya. Napahilot siya sa sintido. Ngumisi lang ako. "Sige na mag-ingat ka." Sumaludo ako. Katakot naman ang lalaking ito. Wala naman kasi akong alam sa sinasabi niyang 'widraw' malay ko kung ano iyon. Tiningnan niya ako ng panghuli bago siya pumunta doon sa machine. Nakikita ko lang siya sa loob ng sasakyan dahil hindi naman siya pumasok doon sa bank. Pumila siya doon sa mga nakalinyang mga babae. Lima sila doon at sa pagdating niya nakuha ng mga ito ang atensyon nila. Mahahalata ang paghanga nila sa lalaking kasama ko. Sino ba ang hindi mahuhumaling sa kanya? Sa lakas ba naman ng appeal, para siyang actor ng mga television ngunit medyo badboy ang datingan. Kahit nakatayo lang siya doon, kinausap siya ng mga babae habang kinikilig pa ang mga ito. Pinauna siya sa harapan ng machine tapos mas nahuli iyong mga babae na mas nauna doon. "Ano'ng meroon?" tanong ko sasarili habang pinapanood ang lalaki na may pinipindot doon sa machine. Ilang segundo lang siya doon pagkatapos bumalik na siya sa kotse. Nang nasa harapan siya ng sasakyan. Nakikita ko ang halos mabaling mga leeg ng mga babae sa pila kanina kasusunod ng tingin sa kanya. Para silang fan girl, kinikilig pa ang mga ito. Halata ang panghihinayang ng makaalis si Ram. Kumunot ang noo ko. Nang mabuksan niya ang pintuan. Napaayos ako ng upo nang mukhang badtrip pa siya. "That's why I hate widrawing money." Napahilot siya sa kanyang noo. Bulong lang ang sinabi niya pero naririnig ko. "Ano'ng ginagawa mo doon?" tanong ko. "Akala ko mang-holdap ka ng pera." Agad siyang natauhan nang makitang may katabi pala siya. Nagtagis ang kanyang bagang. "What are you talking?!" bulyaw niya. Mukhang galit na naman siya sa akin. Tinikom ko ang bibig para hindi na makapagtanong pa. "Where are you staying? Ihahatid na kita," seryosong sabi niya. Pinaandar niya ulit ang kotse. Sa puntong ito, hindi ko na alam kung ano pa ang ginagawa ko sa kanyang sasakyan. Bakit pumapayag akong sumama sa kanya. Siguro na enjoy ko lang ang pagsakay ng magara niyang kotse. "Wala akong bahay dito, galing pa ako sa probinsiya. Lumuwas lang ako ng Manila dahip hinahanap ko ang papa ko, sa kasamaang palad nanakaw ang mga gamit ko, tapos na bangga mo pa ak---" "I'm just asking where do you live. Hindi ko sinasabing isalaysay mo ang buhay mo," iritado na naman niyang saad saka mas nilakasan ang pagharurot ng kotse. Ngumuso ako. Hindi alam kung ano ang gagawin sa mga oras na iyon. Mali ba ang sagot ko? Gusto ko lang naman malaman niya kung bakit wala akong tinitirhan ngayon. Biglang tumunog ang kanyang cellphone sa dede ko na kanina ko pa pala nilagay doon. Nagkatinginan kaming dalawa. Nakita kong ngumiwi siya nang makita ang cellphone ko doon. Nawala rin agad ang tunog ng cellphone. May kinuha siya sa bulsa niya. Maraming pera iyon. Napalunok ako habang tinitingnan ko iyon. "I widraw money earlier. Here... Take this, I don't have any responsibility to you now." Nilahad niya ang pera sa akin. "Ang laki naman niyan. Kahit one thousand lang okay na sa akin." "Take this all or I don't give you any penny?" pagbabanta niya. Natakot naman akong mamulubi rito sa Manila kaya kinuha ko na lang iyon. Ngunit naglahad pa rin siya ng kamay. "Give me my phone?" saad niya nang hindi ako umimik. Napangisi na lang ako sa katangahan ko. Oo nga pala, binubudol ko siya kapag hindi niya ako bibigyan ng pera hindi ko ibibigay ang cellphone niyang mamahalin. Kinuha ko ang cellphone niya sa dede ko na may pawis pa. Bigla tuloy akong nahiya kaya pinahid ko muna sa palda ko pagkatapos nilahad ko na sa kanya. Napangiwi naman siya nang maabot iyon. Hindi pa siya nakuntento, kumuha siya ng wipes pagkatapos pinahid iyon sa kanyang cellphone. Pinatakan niya rin ng alcohol.. Napaawang ang bibig ko sa sobrang kaartehan niya. "Wala akong germs o kahit virus," sabi ko pa. "Tss..." Walang gana niyang hininto ang kotse sa isang waiting sheed. Walang tao roon. Nagtaka naman ako. "Bakit mo hininto ang kotse?" "Bumababa ka!" pasindak niyang utos. "Bakit ako rito baba? Wala akong alam sa lugar na ito, sir!" "And now you are calling me sir... Kanina lang wala kang respeto sa akin." "Sino ngayon ang bastos at palaging galit," bulong ko na narinig niya dahilan para abutin niya ang pintuan at binuksan iyon. "Labas na! Get our of my car. May lakad pa ako, and I am late already." Hinawakan ko ang braso niya. Pinalungkot ko ang mukha. "Sir, wala akong alam sa lugar na ito. Ihatid niyo po ako sa mas safe na lugar," pagmamakaawa ko. Maiiyak na. "You have your money, ride a damn taxi. Hindi na kita responsibilidad kung ano ang mangyayari sa'yo." "Wala po akong tinitirhan. Hindi rin ako familiar sa Manila. Sir... Maawa naman kayo oh. Dalhin niyo ako sa kahit saan. Huwag lang dito." "I'm a complete stranger. Sumasama ka sa katulad kong hindi mo kilala?" walang emosyon niyang tanong. "Feeling ko naman mabait ka." "I'm not a good person. I'm worst when I am mad. Now... Get off in my car." Ilang beses akong nagmakaawa sa kanya. Ngunit ayaw niya talagang paawat. Labag sa loob akong bumaba ng kanyang kotse. Malakas niya namang sinirado ang pintuan. Maiiyak na ako sa mga oras na iyon, dahil kahit saang banda. Hindi ko alam kung saan ako pupunta, ang tahimik ng lugar. Mabuti na lang may waiting sheed na pasisilungan. Saan na ako pupulutin ngayon? Kung may matirhan lang ako sa lugar na ito, hindi ako sasama sa kanya. Habang tinitingnan ko ang kotse niyang pinapaandar niya ulit, gusto kong sumama ulit sa kanya. Normal lang bang maging magaan ang loob ko sa kanya kahit ilang oras ko lang siyang nakakasama? Pakiramdaman ko safe ako sa kanya kapag kasama ko siya. Pero ayaw niya sa presensiya ko, naiirita na siya sa pagiging ignorante kong babae. Mabilis na humaharurot ang kanyang kotse. Napayuko ako. Dahan-dahang tumulo ang luha sa mga mata ko. Pakiramdaman ko, inaalipusta ako sa mga panahon na iyon. Mas grabe pa ang dinanas kong hirap sa Manila kay sa makinig sa mga binabatong salita ni Nanay Esmeralda. I'm poor and I have nowhere to go. Mabuti na lang may pera ako ngayon. Pinasok ko iyon sa bulsa ng palda ko. Iniwan na ako noong masungit na lalaki. Hindi man lang kayang maawa sa akin. Kahit pakainin ako, hindi niya ginawa. Basta na lang akong iniwan sa lugar kung saan man ito. Napatingin ako sa kalangitan. Biglang kumilimlim hanggang sa ilang sandali pa, bumuhos ang malakas na ulan. Katulad ng pagragagsa ng mga luha ko sa mga mata, ang siyang pagbuhos ng ulan sa kalangitan na sumasabay sa kalungkutan ko. Ano kaya ang naghihintay na kapalaran ko rito sa siyudad? Ano kaya ang daloy ng buhay ko rito gayong mag-isa lang ako at walang kakampi. Sana may maawa sa akin at patuluyin ako. Dahil sa ngayon, I am nowhere. I don't know where is this place. I'm alone, and feeling sad at the same time. Grabe nagawa ko pang mag-english sa hirap na dinanas ako ngayon. Para akong na bagsakan ng langit at lupa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD