Mabilis naming nadala si Tatay Jerry sa Hospital, akala ko dead on arrival namin siyang naidala laking ginhawa ko nang masabi ng doctor na okay na ang pasyente. Nalaman naming may brain hemorrhage siya at nagkaroon ng head trauma over years ago kaya biglang nag-colapse si itay. Nang malaman namin ito, bigla akong natulala nang may naalala akong pangyayari.
Hindi ko alam kung anong gagawin ko sa mga oras na 'yun tulala lang ako. Para akong nabagsakan ng langit. Mas lalo akong sinisi ni Inay, pagkatapos kaming kausapin ng doctor.
"Kailangan siyang ma-operahan sa lalong madaling panahon, kasi lumalala na ang head injury niya. Delikado na sa pasyente ang kanyang kalagayan kaya palagi siyang nahihimatay."
'Yan ang huling sabi ng doctor bago niya kami iwan ni Inay, sapong-sapo ang mukhang napa-upo ako sa upuan. Nanginginig ang kalamnan, gutom ako pero parang nawala iyon dahil sa masamang balitang narinig namin sa Doctor.
Kulang ang luha para iaalalay kay tatay para pagsisihan iyong nangyari noon. Dahil sa akin kaya siya may head trauma, akala ko wala lang 'yun, dahil sa mura kong edad wala akong paki-alam sa mangyayari kay Tatay, pero ngayon, hindi ko inaasahan na grabe pala ang epekto nito sa kanya sa future.
"Narinig mo 'yon? Narinig mo ba? Ang ama mo may head hemorrhage, at alam mong kasalanan mo ang lahat, Elizabeth, kundi dahil sa makitid mong utak hindi sana ooperahan ang itay mo!" paninisi ni Nanay Esmeralda. Tinuro-turo niya pa ang noo ko.
Tanging hagulhol lang ang ginawa ko sa mga oras na 'yun, nasasaktan sa mga binabatong salita ni Nanay. Hindi ko siya masisi kung bakit ganito kalaki ang galit niya sa akin. Ngayon lang pumasok sa isip ko na salot nga talaga ako sa buhay nila. Wala akong magawang matino kundi gawing mas mahirap ang kalagayan nila Tatay at Nanay.
"Umalis ka rito, Eliza. Umalis ka sa pamilya namin! Puntahan mo ang totoo mong ama at hanapin mo ang ina mo! "
"N-Nay a-ayaw k-ko," iyak kong pagmamakaawa.
Hindi sa pagmamatigas pero ayaw ko talagang maiwan sila na ganito ang nangyari. Naghihingalo at tagalid ang pamumuhay sa probinsiya kaya as much as possible gusto kong makatapos muna nang pag-aaral bago ako lumuwas ng siyudad at harapin iyong mga taong nagtaboy sa akin kaya ako napunta sa pamila nila tatay Jerry.
"Anong magagawa mong tama sa pamilya ito?Puro ganyan ka na lang ba? Puro malas ang binibigay mo sa amin. Siguro naman, oras na para lumayo ka sa kamalasang binibigay mo sa amin!" Kahit malabo ang mga mata dahil sa luha, nakikita ko talaga kung gaano kagalit si Inay.
"Ginawa ko naman ang lahat, Nanay Esmeralda para hindi niyo ako pinagtatabuyan. Nagsusumikap ako sa pagtatanim ng palay----"
"Gising, Eliz! Kahit kailan 'yang kokonting kita natin sa palayan hindi tayo yayaman diyan. Hindi maoperahan ang itay mo. Sana maisip mo naman na hirap na hirap tayo sa araw-araw kasi 'yan lang ang inaasahan natin! Wala ka bang magandang gawin sa mga kamalasang binigay mo sa pamumuhay namin ni Jerry?".
"Anong gusto niyong gawin ko, Inay?" humikbi ako. Kahit alam na nang isip ko kung ano 'yung gusto niyang mangyari sa akin. Gusto ko pa rin, itanong sa kanya kahit ang sakit-sakit na ipagtatabuyan nanaman niya ako.
"Puntahan mo ang mayaman mong ama. Magpakilala ka sa kanya na anak ka niya sa labas, humingi ka ng pera pampa-opera ng itay mo."
"P-Pero ina----"
"Punyetang babae ka! Baka nakalimutan mo dahil sa katangahan mo noon kaya umabot sa puntong nagkaroon ng head trauma ang itay mo ngayon. Isipin mo? Saan tayo kukuha ng pambayad sa ospital? Ikaw lang ang makakatulong sa amin para makalabas tayo sa problemang ito."
Tanging hikbi ang ginawad ko kay inay, nagdadalawang isip sa posibleng mangyari sa akin kung sakali mang-iiwan ko sila sa probinsiya. Walang alam ang totoo kong ama na nabubuhay ako sa mundo, iyon ang kwenekwento sa akin ni Nanay Esmeralda.
Isang araw lang daw may pumupunta raw sa kanilang bahay, maulan daw iyon at may kumatok sa kanilang pinto. Nang pagbuksan nila ito, isang babaeng mahaba at maitim ang buhok ang bumungad sa kanila, malalim ang mga mata at may peklat daw sa may bandang kilay pati sa kamay. May dalang bata ang dalaga at isang bag na nakasabit sa kanyang balikat.
Nang hingi ng tulong ito kina itay inay, dahil, ka lunos-lunos daw itong tingnan, panay iyak at nanghingi ng paki-usap na sana puwede ba silang tumuloy ng anak niya.
Pinapatuloy naman nina Tatay Jerry at Nanay Esme ang dalagita, dahil umiiyak kasi at nanginginig sa takot. Sa panahong iyon panay iyak daw ako at balot na balot ng plastic.
Pinainom nila ng tubig ang dalagita, saka binihisan pati raw ang ang walang kamumuwang-muwang na batang sanggol na dala nito ay inayusan at binihisan rin.
Tinanong nila ang babae kung saan ito galing, bakit umiiyak ito at takot na takot.
"May humabol sa aking mga armadong lalaki, papatayin nila ang anak ko. Puwede bang makituloy rito muna ng isang gabi? Nagmakaawa po kami ng anak ko."
Iyon ang bukod tanging paliwanag ng babae kina inay at itay, wala na itong idinagdag na dahilan. Sumang-ayon sila tatay na roon muna patulogin ang dalagita kaso nang mag-umaga, wala na ang dalagita at naiwan sa bahay ng mga matatanda ang sanggol at walang iba kundi ako ang iniwan ng totoo kong ina.
May sulat pa itong binili, pruweba kung anong kalagayan ang meron ako at kong anong pagkatao ang naghihintay sa akin paglaki.
PAGKAUWI ko ng bahay agad kong hinalungkat ang isang maliit na box sa ilalim ng kama, maalikabok na ito, matagal na rin mula noong binuksan ko ang kahon.
Umupo ako sa kama pagkatapos pinagpagan ang ibabaw ng box. Hindi ko maiwsang ma-teary-eye habang hawak ang kahon. Dahan-dahan ko itong binuksan, bumungad sa mukha ko ang mukha ng ama ko, mukha ng totoo niyang asawa at ang tatlo nitong mga anak sa picture frame. Bale tatlo ang picture roon, isa sa asawa niya, isa sa totoo kong ama at ang magka-akbay na tatlo nilang anak.
Una kong sinuri ng tingin ang ama ko, na sobrang kisig sa suot niyang business attire, kulay brown ang kanyang mga mata at makapal ang kilay, sobrang tangos ang ilong, halata talaga ang pinaghalong dugo ng foreigner 'tsaka pilipino.
Sunod kong tiningnan ang asawa nito, naka ngiti ang babaeng sobrang ganda. Nakalugay ang kulot na buhok, may pagka morena, manisipis ang labi, pantay ang ngipin, at matangos ang ilong. Hindi ko ma-imagine na kahit sobrang ganda na ng asawa niya nagawa ng husband niyang makipag kalaguyo sa totoo kong ina.
Sa susunod na litrato nakita ko ang malaking tawa ng tatlo nilang anak, matangkad ang isa na sa tingin ko mukhang panganay nila, tapos hanggang leeg naman niya ang dalawa niya pang kapatid. Sobrang saya nilang tingnan tatlo, mukhang nag-aasaran pa. Iyong pinakanakakatanda, mukhang hindi masiyadong palatawa kasi makikita mo kung gaano siya ka mysteryoso sa litrato kahit pa nakangit ito.
Lumipat ang mata ko sa kabilang gilid, naka peace sign ang batang lalaki doon, maputi ang balat, masayahin ang mata, magkadikit ang ulo niya sa nasa gitnang lalaki na nagpapapukaw ng atensiyon ko. Pareho silang naka peace sign habang malaki ang ngisi, may something sa mga ngiti niya na hindi mo mawari kong anong klaseng ngiti iyon.
Sa tatlong bata sa kanya lang natuon ang atensiyon ko, sa kanya ako mas na kuryuso. Hindi ko ipagkakailang gusto ko silang makitang tatlo, especially sa batang nasa pinaka gitna.
Hindi ko maiwasang mapatanong sa sarili kong anong itsura na nila ngayon, kasi dito sa litrato kahit ang babata pa pero ang lakas na ng karisma, ang lakas na ng hatak ng mukha nila sa mga kababaehan. Ang gagwapo nila, mana sa ina at ama nilang kay gaganda.
Kinuha ko ang papel na may panulat pa ng ina kong ibinilin ako kay Nanay Esmeralda at Tatay Jerry. Pagkabukas ko sa nakatuping papel bumungad sa akin ang may hindi kahabaang letter.
'Sa mga oras na mababasa niyo po ang sulat kong ito, wala na ako dito sa bahay niyo. Bago ako magsimula, gusto ko munang magpasalamat sa inyong kabutihan dahil pinatuloy niyo kami ng anak ko sa maliit niyong tahanan. Tungkol kagabi, dahilan kung bakit basang-basa kaming dalawa,dahil hinahabol kami ng masasamang tao na balak patayin ang anak ko. Walang alam ang totoong ama ng anak ko, na ipinagbubuntis ko siya dahil isa lamang siyang anak sa makasalanang tao, may asawa't anak ang lalaking lubusan kong minahal. Isa lamang akong katulong sa bahay nila, isa akong pinagkakatiwalaan ng mag-asawa. Pero nagkasala ako at pinatulan ko ang amo kong lalaki, dala ng bugsong damdamin at nagbunga ang aming kapusokan.
Lumayas ako sa mansion ng mga amo ko nang malamang buntis ako, walang ni salita na iniwan sa dalawa. Ang hindi ko alam pinapahanap ako ng asawa niya, at nalaman ang bahay na tinitirhan namin ng anak ko, nagalit siya nang makitang kuhang-kuha ng batang karga ko ang mukha ng asawa niya. Umamin ako sa totoong nangyari, galit na galit siya kaya naman pinapatay niya ang anak ko. Kung maari, ilayo niyo ang anak kong ito sa kapahamakan. Sa inyo ko ipagkakatiwala ang anak kong si Elizabeth, babalikan ko siya sa tamang panahon.
Hindi ko siya masasamahan sa paglaki niya kasi masiyado pang delikado, natatakot akong dahil sa kapapabayaan ko mawawala ang pinakamamahal kong anak.
Kung nasa isipan niyo kung anong pangalan ng ama ni Elizabeth. Walang iba kundi si Mr.Florencio
at ang asawa nitong si Mrs. Rebecca Moonzarte. Isang pinakamayaman sa buong Asya ang pamilyang iyan. Sana protektahan niyo ang anak ko sa mga litratong ibinilin ko sa box. Lubos na utang na loob ko sa inyong dalawa na ipapalaki niyo ang anak ko sa tama. Babalik ako at i-doble o triple kong babayaran ang utang na loob ko sa inyo'
- Estella
Tumagal ang titig ko sa pangalan sa pinaka-ibaba. Ang pangalan ng ina ko ay si "Estella". Napakagat labi ako. Kahit pang-ilang beses ko nang binasa ang mensaheng ito, hindi ko pa rin maiwasang maawa sa ina ko. Kung totoo man itong inamin niya rito sa sulat, hindi ako magtatanim ng galit sa kanya, kasi ginawa niya lang ang tama para sa kaligtasan ko. Kung may pagbuntongan ko ng galit, iyon ang totoo kong ama at ang asawa nito.
May parte sa akin na gusto kong makilala ang Moonzarte family, especially ang mag-asawa, pero may parte rin sa akin na natatakot sa posibleng mangyari sa akin oras na makilala ko na sila. Napapa-isip ako everytime kong anong meroong ugali ang mag-asawa? At kong paano nila napapalaki ang mga anak nila?
Pagkatapos kong magmuni-muni sa bahay, iniwan ko ang mga kapatid ko sa bahay para balikan si Nanay Esme, sa Hospital. Hindi ko alam kong tama ba itong desisyon ko, kahit labag sa kalooban ko itong mangyayari sa akin at takot akong harapin ang katotohanan pero wala akong magagawa. Tama ang tumatayong ina ko, kailangan kong kumilos para hindi mawala ang buhay na may malaking puwang sa akin at may utang na loob kami sa totoo kong ina kaya dapat kong ibalik sa kanila ang nararapat nilang pamumuhay.
Pagkarating ko sa Hospital, maraming doctor akong nakabanggaan papunta sa room number kong saan naka confine si Tatay Jerry. Nasa labas ang ina kong panay iyak at hingi ng tulong sa mga doctor.
Ang kaba sa puso ko ay hindi na magkamuwang-muwang sa pagtibok at pag-alala. Nang masilip ko ang loob, panay pump sila sa dibdib ni itay, may nurse na lumapit sa pintuan para takpan ito kaya hindi ko na nakita ang loob.
Nasa tabi ko si Nanay Esmeralda na humagulhol, hindi niya pa ako nakikita sa gilid niya na umiiyak na rin. Tumutulo ang luha ko sa sobrang sakit habang tinitingnan ang nakakaawa kong tumatayong magulang sa akin na lubos na naghihirap.
"Nanay, anong nangyar-----"
Natigilan ako nang isang matalim na tingin ang ipinukol niya sa akin. Tumayo siya nang mabilis at tinuro-turo niya ako.
"Ano pang ginagawa mo rito? Akala ko umalis ka na?! Punyetang babae ka! Ang tigas talaga ng puso mo, ano?! Wala kang silbi! Puro ka tunga-nga!"
"N-Nanay-----"
"Tingnan mo ang nangyari sa ama mo, Elizabeth! Biglang nag-straight-line ang buhay niya. Nanghihingalo ang Tatay Jerry mo! Wala ka bang gagawin para mas humaba pa ang buhay niya?! Wala kang utang na loob sa amin, kasalanan mo kaya umabot siya rito!"
Tinakpan ko ang bibig para hindi kumuwala ang hikbing pinipigilan. Ang sakit-sakit dahil pinapamukha na talaga ng buong mundo kong gaano ako walang utang na loob sa nagpapalaki sa akin.
Tama si Nanay Esmeralda, puro kamalasan lang ang ibinibigay ko sa kanila. Kasalanan ko rin kung bakit na-ospital si Tatay ngayon dahil sa trahedyang nangyari ilang taon ang lumipas.
" Hindi ka ba gagalaw para mabuhay ang ama mo ng mas matagal. Eliz! Kailangan niya nang ma-operahan? Puntahan mo ang mayaman mong ama at magpakilala kang anak ka sa labas! Magmakaawa ka doon na tulungan niya tayo, tama na ang pagtatago, harapin mo ang totoong mundong nakalaan sa'yo. Hindi ka mahirap! Mayaman ka! Mayaman ang ama mo! Kaya puntahan mo at manghingi ka ng tulong sa kanya! Kapalan mo ang mukha mo!"
Kaming dalawa na ni Nanay ang humagulhol ng iyak sa labas ng ospital room ni Tatay. Isa lang ang nasa isip ko sa mga panahong iyon habang tinitingnan ang kaharap kong ina, na halatang hirap na hirap na.
Buo na ang desisyon ko, habang nasa bahay ako, naiisip ko ito nang mas malalim. Kahit mahirap, kailangan kong tatagan ang sarili para maibigay ko sa kanila ang dapat na maranasan nila.
"Opo, inay, hahanapin ko ang totoo kong ama para sa kanila humingi ng tulong. Kung maaring magmakaawa ako sa kanila para tulungan nila tayo gagawin ko. Babalikan ko kayo rito at ipapangako kong hinding-hindi na kayo mahihirapan. Tutulongan ko kayo rito, pangako ko po iyan. At hahanapin ko rin ang totoo kong ina, dahil marami akong tanong na gusto kong sa bibig niya mismo marinig," huling banggit ko, sabay ngiti ng mapait.
Kailangan kong harapin ito, I need courage to face those Moonzarte Family.