Chapter 1: Elizabeth

2130 Words
CHAPTER 1 Tagaktak ang pawis ko sa noo habang tinatanim ang palay sa putikan. Pinahid ko ang noo gamit ang braso 'tsaka tiningala ang mainit na araw. Tirik na tirik na ang araw at nandito pa rin ako sa palayan, nagtatanim. Ilang sulyap ang ginawad ko sa kalayuan. May hinihintay akong dumating kaso hindi pa rin siya naparito. Inaliw ko muna ang sarili sa pagtatanim ng palay. Kaninang madaling araw pa ako rito, pinapa-umaga kasi ako nanay sa palayan para raw marami akong matanim. Hindi naman ako nagdalawang isip na pumunta pagkatapos ko silang lutuan para agahan. Nang medyo sumakit na ang init ng araw tumigil muna ako sa pagtatanim para egewang-gewang ang bewang, hinilot ko rin ang leeg para mawala ang pangangalay. Nakakapagod ang ganitong gawain sa probinsiya, pero kung desidido ka lang matapos sa trabaho mo, matatapos mo naman agad ito nang madalian. Para rin naman ito sa kapakanan ng bumubuhay sa akin. Para ito sa mga kapatid at sa magulang kong medyo may katandaan na. Kailangan kong magsikap para matulungan din ang sarili at umahon kami sa kahirapan. Masiyado pang maaga para mangarap ng karangyaan ngunit wala namang masama kung mangarap diba? Nothing is impossible ani nila. "Huy! Elizabeth! Ano pa'ng ginagawa mo riyan! Bilis na!" Halos tumakbo ang puso ko sa gulat nang marinig ko ang sigaw ng babaeng kanina ko pa hinintay na dumating. "Bakit ang tagal mo? Late na tayo," yamot kong saad. "Tinakasan ko pa ang itay. Hinintay kong makaalis sa bahay para mapuntahan ka rito." Binitawan ko ang hawak na palay para lapitan siya. Puno ng putik ang suot kong itim na botas nang maka-ahon ako sa putikan. Mabilis naman akong hinila ng kaibigan ko para magtago kami sa likod ng saging na may maliit na bahay-bahayan. Sa tuwing wala na kaming trabaho sa palayan dito kami natutulog dalawa. Mula bata kaibigan ko na talaga siya hanggang sa magdalaga na kami, wala pa ring pinagbago. "Ano na? Dala mo ba?" tanong ko sa kaibigan. "Syempre dala ko uniporme mo. Bilisan na nating magbihis, male-late na tayo sa exam". Tinanguan ko lang siya at mabilis kaming nakapagpalit ng uniporme sa maliit na bahay-bahayan dito sa malawak na lupain ng mga Gregorio. At may hating kokonting lupain sina nanay at tatay sa kanila, sakto lang para pagtaniman namin. At gawing hanap buhay. Ang mga Gregorio sila ang may pinakamalaking planta rito sa Probinsiya namin. Bawat trabahante nila sa malaking palayan nila. May binibigay na lupaing maliliit, tama lang talaga para may pagkakakitaan din at may makakain. Sina Nanay at Tatay sila 'yung nagtatrabaho sa lupain ng mga Gregorio, pinapasweldohan sila roon, kaso matatanda na sila kaya pinatigil na nang nagmamay-ari kaya heto't kami naman ang nagbabalat-buto sa aming maliit na lupain para lang mabuhay. "Baka makutusan tayo nang Inay mo at mapagalitan ka kasi tumatakas ka sa pagtatanim ng palayan niyo," kinakabahang turan ng kaibigan ko habang tinatago ang suot niya ring botas. Ako naman nagsisipilyo na sa maliit na lababo na gawa ng kawayan. "Hindi niya malalaman ito, babalik rin naman ako agad 'pag natapos ang exam. Hindi puwedeng ipagpaliban ko ito. Kailangan kong pumasok. Last sem ko na ito sa Senior High, tatapusin ko lang." Tinapos ko ang pagsisipilyo at nagmadaling ipinasok ang kapiraso kong papel sa maliit na bag na may butas-butas na pero ginagamit ko pa rin. Mahirap lang kami, at itong pagpasok ko ng skwelahan ay patago lamang. Ayaw kasi ni Inay na paaralin ako. Bukal sa loob niyang makatapos ako. Kaya naman 'pag maaga niya akong pinapunta sa palayan, dumudukwit ako sa pag-aaral. Pinapatigil ako ni Nanay Esmeralda noong mag-3rd year High School ako, wala na raw silang panggastos sa'kin sa pag-aaral dahil natigil na rin sila sa pagtatrabaho sa palayan ng mga Gregorio. Gusto ni inay na magtanim lang ako sa palayan namin. Kaya ito patago ako kung mag-aral ngayon. Mabuti na lang nandito itong bestfriend kong si Lucia, tinutulungan niya ako para makapag-aral pa rin paminsan-minsan. Minsan kapag absent ako pinapahiram niya ang notebook sa akin para may mapag-aralan ako. Walang alam si Nanay Esmeralda sa patagong pag-aaral kong ito. Ayaw niyang pumapasok ako sa skwela, dahil bukod raw na hindi ako makatulong sa kanila sa gastosin dahil puro lang ako aral, wala rin daw akong patutungohan sa pag-aaral ko, wala raw akong makukuha kung puro pag-aaral lang. Kailangan ko raw kumayod. Kung ang isipan ni inay ay ganyan, kabaliktaran naman sa akin. Para sa akin, ang pag-aaral ang pinaka-importante sa lahat. Walang hadlang na hindi mo kakayanin kung may pagsisikap ka lang talaga para makatapos. Kaya heto kaming dalawa ni Lucia, naglalakad sa malikabok na daan. Dalawang oras pa ang lalakarin namin para lang makaabot kami sa pinapasukan. Kahit pawis na pawis na ay hindi pa rin kami tumigil kakalakad. Tatlong oras na kaming late sa exam nang makarating kami. Mabuti na lang mabait ang guro namin, at alam niya ang kalagayan ko. Isa rin siya sa tumutulong sa akin para magpatuloy ako sa pag-aaral sa Senior High. Minsan siya na 'yung nagbibigay sa akin ng lunch para lang makakain ako. Dahil kadalasan pumupunta ako nang paaralan na walang kain. Ganyan ako ka kursadang makatapos kahit Senior High lang. Pasalamat na lang ako sa mga mabubuting puso na handa akong tulungan para lang matulungan ako. Balang araw masusuklian ko rin sila sa kanilang kabaitan. "Ipasa mo agad sa akin kung may natapos ka na sa tatlong subject," ani ni Mrs.Marasigan. "Thank you, Ma'am." Tatlong test paper ang nilahad niya sa amin ni Lucia, dahil na rin late na kami sa mga naunang subjects. "Nakapag-review ka ba kagabi?" tanong ng katabi kong si Lucia. Nagkakamot siya ng batok sabay nguso. "Oo, wala nga akong maayos na tulog kagabi kare-review sa notes na binigay mo sa akin," bulong ko pa. "Baka naman..." Nagngising demonyo siya sa tabi ko. Tinanguan ko na lang siya. Hindi naman ako madamot sa answers kasi pareho lang din kaming nag-aaral. Kailangan magtulungan. Sabay kaming natapos ni Lucia sa tatlong subject. Madali ko lang itong nasagutan kahit pa mas marami ang absent ko sa klase kesa sa pumasok. Hindi naman sa matalino ako, sadyang mabilis lang talaga makapag-catch up itong isip ko ng lessons. 'Yung tipong kakabasa ko pa lang nakukuha ko na agad. "Sa lunch uuwi ka ba?" tanong ng kaibigan ko. "Kailangan kong umuwi baka hinahanap na ako ni nanay, at baka magtaka 'yun bakit dipa ako umuwi ng tanghali, paalala niya pa naman kailangan kong makauwi sa tamang oras." "Sige sasama na ako sa'yo pauwi, Eliza. Baka hinahanap na rin ako ng ama ko at nag-alburuto na 'yun sa galit kakahanap sa akin." Nang pagpatak ng alas dose. Sabay kaming umuwi ni Lucia pabalik sa baryo namin. Dumaan kami sa sure cut na daanan para mas mapabilis ang dating namin sa kanya-kanyang bahay. "Ala-una balik tayo sa skwelahan. Hintayin kita sa likod ng bahay niyo." Si Lucia na umaakyat sa matinik na bato. Sa likod nito ay likod bahay na namin. Nakapag bihis na rin kaming dalawa ng damit na ginagamit sa pagtatanim ng palay bago kami umuwi. 'Yung uniform namin nasa bag nakalagay. Nang maghiwalay na kami sa kanya-kanya naming daan. Dumiretso na ako sa maliit na bahay kubo namin. Nasa may 'di kalayuan pa lang ako naririnig ko na ang iyakan ng tatlo kong kapatid. Sobrang lakas, may sumisigaw rin. Mas binilisan ko ang bawat hakbang ng paa. Hindi ko mawari sa sarili kung bakit kakaiba ang kaba ng dibdib ko. Ano kayang nangyari? Bakit panay iyak ang mga kapatid ko? Hindi ko napigilan, tinakbo ko ang distansiya ng bahay namin. Nang nasa pintuan pa lang ako, rinig ko na ang malakas na sigaw ni Inay na tinatawag ang pangalan ni Itay. "Jerry! Huwag mo kaming iwan ng mga anak mo!" Parang nagkarerahan ang dibdib ko sa samot saring panginginig. Bawat sambit ni Nanay Esmeralda parang nanghihina ang mga buto ko. Pagkapasok ko nang tuluyan sa bahay, sumalubong sa akin ang tatlo kong kapatid. Maliliit pa lang sila nang nayakap nila ako sa bewang, madungis ang mukha ng tatlo, puno ng pawis at luha. "Gerald anong nangyari?" tarantang tanong ko sa pinakanakakatanda sa tatlo, 8 years old pa lang siya at ang dalawa six years old at ang isa seven years old naman, isang taon lang ang agwat. "A-Ate... Si papa...biglang..." "Biglang? Napano ba?" Mas grabe ang naramdaman kong pag-alala lalo na't 'di matuloy-tuloy ni Gerald ang kanyang gustong sabihin. Napuno ito ng pag-iyak. "Sagotin mo naman ang Ate mo, napano ba si Itay?" "N-Nahimatay na lang siya bigla. Habang nagluluto, nahimatay s-siya A-Ate." Napatakip ako sa bibig ko, hindi makapaniwala. Hindi ko hahayaang mawala ang itay kong pinakamamahal ko sa buong mundo. Mabilis akong pumunta sa silid nila Nanay Esmeralda. Naabutan ko si Nanay doon na nakaluhod habang nasa hita nito ang ulo ni Tatay Jerry. Panay iyak din siya. "N-Nanay..." Nang maramdaman niya ang presensiya ko sa kanyang likuran. Mabilis niya akong binalingan, galit ang namutawi sa kanyang mga mata. Inatras ko ang paa nang makaramdam ako ng takot sa kanya. Siya ang pinakakinatatakutan ko, dahil grabe niya akong tratuhin. Pakiramdam ko salot ako sa paningin niya. Walang araw na hindi niya pinaramdam sa akin kong gaano ako ka walang kwentang anak sa kanya. "N-Nay, anong nangyari kay Tatay?" Hindi ko mapigilan ang luhang tumulo. Mabilis niyang kinuha ang ulo ni tatay sa kandungan niya para abutin ako. Napaatras pa ako lalo nang makatayo siya at sinugod ako gamit ang sampal niya. Hindi pa siya nakuntento, sinabunotan niya pa ako. Nginudngod ang mukha ko sa kahoy, todo pigil naman ako bawat atake niya sa akin. Hindi ko siya kayang labanan kaya tanging pag-iyak ang ginawa ko sa mga oras na iyon. "Ikaw ang dahilan! Ikaw ang dahilan kaya umabot sa puntong nagkasakit si Jerry. Ikaw na babaeng walang silbi! Lumayas ka sa pamamahay na ito!" "A-Ayaw ko po. A-Ayaw ko k-kayong iwan... N-Nanay Esmeralda, kung ano man ang kasalanan ko sa inyo, patawarin ninyo ako. Nagmamakaawa ako." Halos malunod na ang boses ko sa pag-iyak. Kahit ang sakit na ng anit ko kakahila niya hindi pa rin ako lumaban. Nakita ko pa sa sulok ang tatlo kong kapatid na sumisigaw, inaawat si Nanay Esmeralda. Nagyayakapan din silang tatlo doon, tila takot na takot sa nakikitang galit ng ina namin. "Simula nang dumating ka sa pamamhay na ito, nagkanda-leche-leche ang buhay namin. Kundi ka lang sana dumating sa buhay namin, mas maayos sana ang pamumuhay namin ngayon, hindi kami nagkaganito. Hindi umabot sa puntong grabeng hirap ang dinanas natin! Buwesit kang babae ka!" Mas lalo niya pa akong diniin, pinalo-palo niya ako sa likuran gamit ang isang sinturon na nakuha niya lang basta-basta. Bawat dampi ng bakal na galing sinturon sa paa ko, pakiramdam ko namanhid ang buo kong katawan sa sakit. "N-Nanay! Huwag mo saktan si Ate Eliza!" Biglang lumapit sa akin ang tatlo kong kapatid at niyakap ako para lang hindi ako matamaan ng sinturon. "Magsi-alisan kayo! Alis! Hindi niyo kapatid ang babaeng 'yan. Hayaan niyo akong saktan ang babaeng malas!" Hinila niya ang tatlo kong kapatid palayo sa akin ngunit nagmatigas ang tatlong bata, mas lalo nila akong niyakap sa bewang. Pumikit ako nang mariin nang sinunggaban na lamang ako nang sampal ni Inay sa mukha. Pakiramdam ko, hirap akong maramdaman ang sakit dahil sa labis na pamamanhid ng pisnge ko. Pakiramdam ko matatanggal na ang ngipin ko sa lakas ng sampal niya. Sa mga panahong iyon, tanging paghikbi, pag-iyak ng malakas ang kumuwala sa bibig ko. "Anak ka lang sa kong sinong demonyong nagtapon sa'yo kaya wala kang karapatan dito. Naintindihan mo ba 'yun? Wala kang papel sa buhay namin kundi ang dalhin ang lahat ng malas, kaya umalis ka na!" "A-Ayaw k-ko Inay..." hirap na hirap kong tugon. "D-Dito lang ako sa inyo. Ayaw ko sa totoong magulang ko." Mas lumakas pa ang iyak ko. Masakit mang isipin pero hindi nila ako totoong anak. Kaya siguro ayaw na ayaw ni Inay sa akin kasi alam niyang hindi niya ako kadugo o ka ano-ano. Isa lamang akong hamak na batang napunta sa kanila at nakisawsaw. Lumaki akong hindi nila ipinagdamot at itinago ang totoo kong pagkatao. Lumaki rin akong araw-araw na isinampal sa akin ni Nanay Esmeralda na sampid lang ako sa kanila, na isa lang sa palamunin. Hindi nila ipinagkait sa akin ang totoo kong magulang. Kwenento nila sa akin kong paano nila ako nakita, at kung ano ang puno't dulo ng lahat.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD