Kanina ko pa sinusulyapan si Deon at Aurora sa may hindi kalayuan. Tinuturuan niya ng bike ang babae. Sumama kasi siya sa amin dito sa harapan ng Mansyon upang mag-bike. Wala namang imik si Deon at pumayag na sumama sa amin si Aurora. Hindi ko alam kung nagbalikan ba talaga dila, pero base pa lang sa pagiging sweet ni Aurora kay Deon, mukhang nagbalikan nga talaga ang dalawa. Hindi man lang pumalag si Deon sa tuwing hinahaplos, o hinahalikan siya ni Aurora. Sa tuwing ganoong eksena ang nakikita ko agad akong nag-iwas ng tingin sa kanila. Natatakot akong mahuli, baka mabasa ni Deon ang nasa isipan ko. "Ano ba, Deon! Ang hirap nito!" tawang-tawang sabi ni Aurora habang nagba-balance sa pagsakay ng bisikleta. May sinabi lang si Deon sa kanya sa punong tenga na ikatawa ni Aurora para pa s