Dinala kami ni Alaster sa isang malaking puno. Mula rito nakikita ang tanawin ng buong siyudad. Hindi ko maiwasang mamangha dahil sa ganda ng lugar na ito. Ganito pala ka ganda ang buong Manila. Para kaming nasa pinakatuktok ng bulkan. Sa paligid namin puro mga puno, may marami ring bermuda grass na puwedeng maupuan. Sa ilalim ng malaking puno may duyan na nakasabit, gawa sa gulong iyon. Tapos may mahaba ring upuan. Umupo kaming apat doon. Magkatabi si Aurora at Deon, habang katabi ko naman si Alaster. "Sabi sa inyo e, maganda rito. Masarap siguro mag-camping sa lugar na ito," suhestiyon ni Alaster. "I love campings. Di ba, babe? Nag-camping na tayo?" tanong ni Aurora sa katabi niya. "I don't remember," malamig na saad ng kausap niya. "Noong summer camp natin... Marami nga lang