Pagkatapos naming kumain lahat sa mahabang lamesa, nauna nang umalis ang ibang Moonzarte brothers. "Mauuna na ako, Mommy at Daddy sa school," paalam ni Deon sa lahat sabay tayo. Sinundan namin siya sa pagtingin. Walang lingon-lingon na umalis siya sa hapag kainan. Sinundan ko na lang siya ng tingin. "Me too, dad and Mom. I have to go, ma-li-late na rin ako sa klase," sabi ni Jeho sabay tayo. "Pasabay ako sa'yo, bro!" si Alaster sabay lamon ng isang hotdog sa bibig niya. Sinapak naman siya ni Jeho dahil sa pagiging matakaw niya sa pagkain na tinawanan niya lang. Isa-isa na silang nagsi-alisan. Naiwan naman ako sa Mansyon dahil mag-bu-bus lang ako. Ayaw kasi ng Mommy nila Deon na may maghahatid sundo sa akin sa skwelahan. Maski ang home service nila ipinagbabawalan niyang ihatid ko. K