"Dito mo na lang ako ihinto," sabi ko. Malapit na lang ito sa skwelahan dahil nakikita ko na ang pangalan ng University. Medyo tago ang parteng ito. Walang makakita sa amin na bumaba ako sa kotse niya. "Alright," sabi niya pa sabay hinto ng kanyang kotse. "I can't even drop you off in front of the gate. Nandoon ang bodyguard ni Mommy. Makikita ka nila, and you get punished." Nanlamig ako. Tumango ako nang sunod-sunod. Mabuti na lang pala. Baka mahuli kami ng mga tauhan ni Rebecca at nagsusumabong pa kung sakali mang doon niya nga ako ihinto sa harapan ng gate. Binuksan ko na ang pintuan ng kanyang kotse. "Salamat, Deon," nahihiya kong sabi. Hindi ako makatingin sa kanya. Bumababa na ako ng kotse nang hindi na siya umimik. Nagsimula na akong maglakad papasok ng gate. Sa labas pa l