Para akong binudburan ng asin habang sumusunod sa paghila ni Deon sa akin papasok sa kanyang kuwarto. Nagdadalawang isip ako kung papayag ba ako. Hindi ko mapigilang umiyak sa dumi ng pagkatao ko. Kulang ang salitang 'Delikadesa' upang masabi kong wala ako sa tamang pag-iisip dahil kapatid ko... Kapatid ko sa ama ang mismong nagkuha sa pagka-babae ko at ang mismong sisira sa buhay ko. Dahil lang gusto kong pagtakpan ang sarili ko. Naging maganda ang pagtira ko sa probinsiya namin. Simple lang ang bigay ko roon, pero nang makarating ako sa Manila, tila nagbago ang kapalaran ng buhay ko. Nagawa kong kumapit sa isang patalim. Nagawa kong lokohin ang sarili para lang maligtas ako sa problema ko. Alam kong walang kasalanan si Deon dahil nagpapadala lang siya sa bugso ng kanyang damdamin h