Ilang beses kong pinakalma ang sarili habang papalapit kay Inay Esmeralda na naghihintay sa akin sa labas ng gate. Mula sa nilalakaran ko halos mabali na ang leeg niya kakasilip sa akin kung kailan ako dadating. Hindi ko akalain na nagawa kong makapagsinungaling ngayon kay Nanay upang pagtakpan lang ang mali kong nagawa. Pero tapos na e! Wala na akong magagawa sa pagkat ito ang pinili ko. Ako mismo ang nag-desisyon kahit ayaw ng sistema ko. Kagat ko ang labi habang pasan pa rin ang isang bag na puno ng pera. Hindi ko akalain na magagawa ko ito sa maling paraan. Nakabitbit ako ng pera dahil lang sa pagsuko ko sa katawan ko sa iisang tao kung saan kapatid ko pa talaga. Siguro... Hindi ako mandidiri sa sarili ko kung hindi ko kapatid si Deon, siguro matanggap ko pa na ganito na ako mabub