Nagdaan ang mga araw mas lalo lang lumalala ang pinapakita ni Deon sa akin. Sa skwela ilang beses ko siyang nakikita na kasama si Aurora, masiyado silang PDA sa isat-isa. Nakipaghalikan siya rito sa kahit saang lugar, hindi ko man nakikita pero naririnig ko talaga sa mga studyante na nakita raw nila si Deon at Aurora na naghahalikan sa gym, kahit sa hallway ng building, maski sa isang classroom gumagawa raw ng milagro. Hanggang sa ako na mismo ang nakakakita sa kanila. Sa kalagitnaan ng pag-uwi ko. Nakita ko sa kadalasang skinita na dinadaanan ko ang sasakyan ni Deon kung saan doon niya rin ako hinihintay. Biglang sumaya ang pakiramdam ko dahil akala ko hinihintay ako ni Deon. Sa ilang linggo na mag-isa lang akong pumasok sa University, maski umuwi sa Mansyon. Ngayon na lang ulit niya ak