Dala ang bowl na may lamang towel at gamot upang inomin sana ni Deon pero tinanggihan niya, kaya binalik ko na lang sa lalagyan. Tulala akong naglakad pabalik sa kusina upang ilagay ang mga iyon. Wala ako sa sariling pag-iisip. Masiyado pang hinog sa isipan ko ang pagalit na pagtataboy ni Deon sa akin. Ayaw niya akong mag-aalaga sa kanya. Ibig sabihin ba nun? Ayaw niya na rin aking makita? Ito na ba ang huli para sa aming dalawa? Gusto kong umiiyak pero naninigas na yata itong puso ko. Nauubos na yata3 ang luha ko mula noong makarating ako sa mansyon na ito palagi na akong umiiyak. Pakiramdaman ko namamanhid na ito, sa ilang araw na sakit sa dibdib ang sinapit ko dahil lang sa amin ni Deon. Mas lalo lang yatang lumalala, parang piniga ang puso ko. Ang hirap magpigil ng naramdaman.