Ang pagrampa sa stage ang panghuli naming practice sa gabing iyon, pagkatapos pinauwi na kami ng trainer namin. "Hindi ka ba magbihihis? Namamwis ka?" tanong ni Travis sabay abot sa akin ng bottled water. "Sa bahay na ako magbibihis," sagot ko nito sabay inom ng kanyang bigay. Nakita ko si Deon sa isang bench ng gym na kausap ang ka partner niya na si Dianne. Napatingin siya sa gawi ko habang may sinasabi si Dianne sa kanya. Nagtagal ang tingin niya sa iniinom ko bago siya nag-iwas ng tingin. Nagkibit balikat ako. Hindi ko akalain na sasali siya sa kompetesiyon. Kung sa bagay, sino ba ako para mangialam sa buhay niya? Trip niya na sigurong sumali kahit huli na siya sa practice. Masaya silang nag-uusap doon bago kami umalis ni Travis. "Hindi ko akalain na sasali si Deon Moonzarte.
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books