Chapter 6: Hotel

2066 Words
Naghintay akong tumila ang ulan pero hindi talaga nangyari. Ilang oras na akong nagmuni-muni sa waiting sheed. Gutom na gutom na rin ako, pero dahil walang street foods o kahit karenderya rito, isa pa umuulan rin kaya hindi ako makakain. Takot naman akong lumabas. Baka mabasa ako ng ulan, wala pa naman akong damit na masusuot. Ayaw ko namang magkasakit, sobrang hirap na nga ng buhay sa Manila tapos magkasakit pa ako. Tiniis ko ang gutom. Naghintay kung kailan titigil ang pagbuhos ng ulan. Ngunit sa kasamaang palad, hangang kumilimlim hindi pa rin nangyari iyon. Gusto ko na ngang magwala dahil sa hirap ng dinanas ko ngayon. Marami ng putik ang palda ko. Hindi rin ako makaalis sa waiting sheed. Natatakot na ako baka ano ang mangyari sa akin lalo na't gabi na masiyado. Wala ring tao sa paligid. Mabuti na lang may poste pero mahina rin ang sinag ng ilaw nito. Napaangat ako ng ulo nang may biglang liwanag ng sasakyan ang tumama sa akin. Tinakip ko sa mga mata ang kamay upang mas malinaw sa akin ang sasakyan. Hindi ko makita dahil madilim na rin ang paligid ngunit nang lumapit ang kotse sa harapan ko mabilis akong natigilan. Napalunok ako nang malalim nang makitang familiar sa akin ang kotse. Hindi ko mapagtanto kung nagmamalikmata lang ba ako. Kahit umuulan, lumabas ang taong nandoon sa loob. Nakita ko ang lalaking walang modo na naka bangga sa akin noong nakaarang mga linggo. Ano ang ginagawa niya? Binalikan niya ako rito? Bawat hakbang ng kanyang mga paa palapit sa akin para akong dinuduyan sa alapaap. Gusto kong magtatalon sa saya. Laking tuwa ko nang makita ko siya nang mas malapitan. Kung magulo ang buhok niya kaninang umaga mas gumulo ngayon. Nagbago na ang kanyang suot. Naka-itim na siya ng jacket. Namumula ang kanyang mukha hindi ko alam kung bakit sobrang pula nito. Mapupungay ang mga mata, basa rin ang kanyang buhok dahil naulanan siya nang lumabas ng kotse. Hindi ako makapagsalita. Para akong nagmamalikmata. Kahit ano'ng sink-in ko sa utak ko. Hindi ko maiwasang mapalunok nang ilang ulit. Totoo ba itong nakikita ko ngayon? Binalikan niya ako? Kahit gusto kong ibuka ang bibig hindi ko magawa. Hindi ako makapaniwala ngayon. Masiyado siyang guwapo sa pananaw ko kahit isang jacket lang ang suot niya at isang itim pa rin na pantalon. Kahit suot niya pa rin ang shades sa mga mata hindi ko maiwasang humanga sa kanya. Sa totoo lang, bigla kong namimiss ang masungit niyang mukha kanina nang makaalis. Buong oras na nanatili ako sa waiting sheed, palagi kong iniisip ang itsura niya. Iniisip ko kung makikita ko pa ba siya. Iniisip na sana balikan niya ako. Sana magkaroon siya ng awa, at nangyari nga. He came back. Here he is, lahat ng panalangin ko, natuloy, binalikan niya ako. Parang kanina lang nagmamakaawa pa akong balikan niya ako. Tapos ngayon nandito na siya. Matagal man, pero at least nandito siya. Naglahad siya ng kamay sa harapan ko. "Glad you're still here." Yumuko siya upang mas makita niya ako. "I thought you were gone?" Para akong sinasayaw ng langit at lupa. "A-akala ko hindi ka na babalik," naiiyak kong saad. "Hindi ako umalis dahil malakas ang tiwala ko na babalikan mo ako. Natatakot ako rito." Tinagilid niya ang ulo. Nakita kong umiigting ang kanyang panga. Nahihirapan siyang huminga dahil nakikita kong mabilis na nagtaas-baba ang kanyang dibdib. "I am here now. Don't be afraid. Come with me, I'll take you in a safest place," bulong niya. Kahit malakas ang ulan pero rinig na rinig ko pa rin ang sinasabi niya. Mabilis kong tinanggap ang kamay niya. Sobrang lambot nun kung hawakan. Ramdam kong tumibok bigla ang puso ko. Ito na naman ang pakiramdam na kaming dalawa lang ang nakikita ko sa paligid. Kinagat ko ang labi, seryoso lang ang mukha niya habang pinagbuksan niya ako ng pintuan ng kotse Para tuloy akong prinsesa sa mga panahon na iyon. Nang makapasok ako sa loob, sumunod na rin siya sa driver seat. Tahimik kami sa byahe, pinakiramdaman ko siya. Gusto kong magtanong kung bakit nagawa niya akong iwan doon tapos bilikan rin. Ngunit ayaw kong basagin ang katahimikan namin. Hangang sa unti-unti kong naamoy ang alak sa buong kotse. Akala ko maling amoy lang, pero kakaiba talaga. Sobrang tapang ng alak. "Umiinom ka?" gulat kong tanong. Binalingan ko siya ng tingin. Hinawakan ko ang seatbelt, hindi ko magawang gumalaw sa pagkat lasing pala itong sumundo sa akin. "Nag-inuman lang kami ng mga kapatid ko sa bar pagkatapos kitang ihatid kanina, dumiretso ako doon. But I am not drunk. Just tipsy." Sumulyap siya sa akin, pagkatapos binalik ang mga mata sa kalsada. Napalunok ako ng laway. Hindi alam ang sasabihin. Masiyado akong natakot sa mga oras na ito, baka ano pa ang mangyari sa amin sa daan. Gabi pa naman. Parang kanina lang ang saya-saya ko pa habang inaabot ang kamay niya pero ngayon ayaw ko nang sumama. "Delikado, nag-drive kang may tama. Bakit mo pa kasi ako binalikan doon." Ngayon nagsisi ako kung bakit agad niya akong napasama. Sa isang lahad niya lang ng kamay sumama ako dahil sa saya. Kung alam ko lang na lasing siya, hindi mangyayaring sasama ako. "Ibaba mo ako. Ihinto mo ang sasakyan?!" takot kong sabi. "Sana hindi mo na lang ako binalikan." "Bakit ka rin sumama sa akin kung ganoon?" balik niyang sabi. He give me a dark smirk. Mukha siyang tuwang-tuwa sa namumutla kong mukha. "Akala ko nakokonsensiya ka dahil iniwan mo ako roon kaya mo ako binalikan, pero hindi pala. Binalikan mo ako para sumama sa kamatayan mo!" takot na takot kong saad, maiiyak na. Konti na lang. Narinig ko ang malakas niyang tawa. Bigla na naman lumakas ang t***k ng puso ko pagkakita ko sa kanyang pantay na ngipin. Halos kita ko na ang gilagid niya. Hindi ko akalain na may mas ikakagwapo pa pala siya kapag tumatawa na. "I never been happy like this. There's something on you. I can't rid you in my mind since I left you in the morning." Para nang lalabas ang puso ko. Kulang na lang magwawala ako sa mga panahon iyon, pero dahil sa mga tingin niya sa akin na nakakatunaw. Hindi na ako makaimik. Marami ng negatibong pumasok sa isipan ko. Biglang lumakas ang kanyang pagpapatakbo. Doble na ang kaba ko lalo na't umuulan pa rin ng malakas. "Dahan-dahan naman sa pag-da-drive..lasing ka pa naman!" apila ko. "Don't worry. I always do this when I was drunk," pailing-iling niyang saad. Bumilis ang kanyang pagpapatakbo kagaya ng pagtibok ng puso ko. Ilang sandali pa, huminto kami sa isang matayog na building. Pagkabasa ko ng word na 'Hotel' agad akong nanlamig. Kahit taga probinsiya ako, alam ko kung ano ang ibig sabihin ng Hotel. "Bakit tayo nandito?" gulat kong tanong. Binalingan niya ako nang tingin habang papasok ang kotse niya sa parking lot ng Hotel. Para na talaga akong himatayin sa takot, mula noong makita ko ang word na Hotel gusto ko ng bumababa ng kotse. Grabe, mali yata na sumama ako sa kanya. Nag-drive siya ng lasing, tapos ngayon dadalhin niya ako rito? "You will be staying here for the whole week. Di ba wala kang matutulugan? I'll book you an Hotel for you to be safe." Nang ma-park niya ang kotse. Bumababa na kami, pagkatapos naglakad na kami sa isang may number na nagbago. Nakasunod lang ako sa likuran niya. Wala akong idea kung saan pa kami pupunta. Basta ngayon nasa parking lot pa rin kami. Biglang may tumunog sa harapan namin. Ilang sandali pa, bumukas ito bigla. Isang maliit na kuwarto iyon, tapos stainless. Ito na ba iyong sinasabi nilang Hotel room? Bakit walang higaan? At ang liit lang, kapag hihiga kami sa sahig. Ako lang ang kakasya. Naglakad siya papasok, sumunod na rin ako. Iniwan ko lang ang tsinelas ko, natatakot na baka madumihan ko ang sahig ng kuwarto. Nakapagtataka talaga, walang mga kagamitan man lang. Lumayo ako sa lalaki, nanatili ako sa likod niya. Nagtatanong pa rin tungkol sa kuwarto na ito. Nakikita kong may pinindot siyang numero tapos may pinasok siyang card, doon na umiilaw, sa ibabaw namin may number na pumatak. Iyan kaya ang sinasabi nilang orasan? Pero bakit 1,2,3,4,5,6 iyong counting niya. Gusto kong magtanong kung bakit ang weird talaga. Sobrang laki ng building na ito pero ang kuwarto sobrang liit lang. As in katawan ko lang ang kasya rito kapag hihiga. "Hindi pa ba tayo matutulog?" tanong ko sa lalaki. Nakatayo lang kasi siya. Huwag mong sabihin magdamag kaming nakatayo rito? Kung sa bagay ang liit lang naman kasi. Baka pati pagtulong namin nakahiga lang. Isa pa bakit nahihilo ako? Para kaming inaalog sa loob. "We will sleep later." Tumango-tango ako. Dito kaya kami sa sahig kakain? Hindi kaya kami mas mahilo nito? Nagbuntong hininga na lang ako. Ang weird naman ng Hotel na ito. Ang liit na nga nga kuwarto, wala pang hapag pagkainan. Basa ang suot ko kaya kailangan kong maghubad. Mabilis akong tumalikod sa kanya. Naghahanap ko ng c.r para doon sana magbihis pero wala namang c.r dito. Saan kaya ako maliligo nito? Para lang kasi kaming nasa loob ng iisang box. Hinubad ko na muna ang suot kong t-shirt. Nilagay ko sa sahig ang basa kong damit, tanging bra na lang ang natira sa akin, pagkatapos sunod kong hinubad ang palda ko. Tanging panty at bra lang ang suot ko ngayon. "May damit ka ba riyan? Wala akong extra e," sabi ko pa "In a Hotel room. There is," walang gana niyang saad. Kumunot naman ang noo ko. In a Hotel room? "Bakit? Wala pa ba tayo sa kuwarto ng Hotel?" parang tangang saad ko. Napatingin siya sa akin. Umawang ang labi niya. Napatingin siya mula ulo hangang paa. Pareho naming suminghap. Laking gulat niya nang makita ang kabuuan ko. Pareho kaming natigilan. Napalunok ako nang ilang beses. Umatras ako palayo sa kanya. Alam kong hindi niya na gustuhan ang nakikita niya ngayon. Alam kong hindi siya makapaniwala, alam kong may mali rin akong nagawa sa mga oras na iyon dahil sa mga titig niya sa akin. "What the hell are you doing! We're not in a damn Hotel room. Why you fvcking taking off your clothes!?" sigaw niya. Parang lalagnatin yata ako sa kahihiyan. Gusto ko na lang lamunin ng lupa sa oras na iyon. Kung ganoon nagkamali ako. Hindi pa pala ito Hotel room? Akala ko... "S-saan ba tayo?" mahinang sabi ko. Mabilis kong pinulot ang mga suot kong palda at damit upang itakip sa katawan ko. Nanginginig pa ako, hindi ako makapaniwala na nakikita niya akong naghuhubad ngayon. Pulang-pula na ako. Hindi ko alam kung ano ang uunahin sa pagkat titig na titig siya sa itsura ko, pati na sa katawan ko. Kahit walang reaksyon sa mukha niya. Alam kong hindi siya makapaniwala sa kabobohang nagawa ko. "S-Saan ba tayo? Akala ko nasa Hotel na tayo?" Lumunok ako nang ilang beses. "Wala akong alam," depensa ko sa sarili. Napahilot siya sa kanyang sintido. Tinanggal niya ang kanyang shades habang nakapikit. Doon ko lang napagtanto kung gaano siya kagwapo kahit walang shades. Tumingala siya sabay galaw ng kanyang lalamunan. Narinig ko ang mahina niyang mura. Sa pagtingin niya sa akin muli, laking gulat ko nang makita ko ang kulay ng kanyang mga mata. Mas lalo tuloy akong hindi makaimik. Titig na titig kami sa isa't-isa. Halos magrambulan ang naramdaman ko. Ngayon lang ako nakakita ng ganitong kulay ng mata. Para akong hinihigop nun. Ang gandang pagmasdan. Sobrang bagay sa kanya. "Wear your damn shirt, were still here in a fvcking elevator," problemadong saad niya. Saktong pagkasabi niya nun biglang bumukas ang elevator at may mga taong papasok ngunit natigil nang makita akong nakasuot lang ng panty at bra. Gusto kong magsigawan sa kahihiyan sa mga oras na iyon. Nanlaki ang mata ko, hindi ko maiwasang matulala sa mga taong laglag ang pangang nakatingin sa akin. Nagbubulungan din sila. "Damn it!" Mabilis na sinarado ng lalaki ang elevator pagkatapos hinubad niya ang suot niyang itim na jacket at tinakip sa akin. Mahahalata ang galit sa kanyang mga mata habang ginagawa iyon. "Your embarassing me in our damn hotel!" mariin niyang bulong halos katayin na ako sa sobrang galit niya. Ngumuso ako. Malay ko ba sa Hotel na sinasabi niya. Kaya pala nakapagtataka, walang kama man lang dahil nasa elevator pa pala kami. Wait... Pati elevator wala akong idea kung ano iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD