Chapter 7: Eating

2225 Words
"Where is your slippers?" tanong niya nang mapansin niyang hindi ko na suot ang tsinelas ko. Kasalukuyan na kaming nasa loob ng Hotel room. Sa totoong kuwarto na talaga itong tinutuluyan namin, kung saan may malaking kama, may bathroom, may t.v, may ref, may sofa. Hindi na doon sa elevator. Grabe ang kahihiyan na dinulot ko nun sa mga taong nang makita nila akong walang saplot. Iniisip ko na lang, hindi na nila ako makikita muli at hindi nila ako kilala kaya binabalewala ko na lang. Pasalamat na lang ako, hindi ko na nahubad ang bra at panty ko nun kundi, baka pati sa lalaking kasama ko mayayari siya sa mga tao. Baka ano ang iisipin nila. Baka isipan nilang may milagrong nangyari. Naku! Virgin pa ako no! At inosenti! Hinding-hindi mangyayari na iparaya ko sa estranghero ang p********e ko. Teka! Ba't napunta ako sa ganoon? Ang pinag-uusapan ang kahihiyan na nagawa ko. Hangang ngayon namumula pa rin ako kapag naalala ko kung gaano ako katanga. Hindi ako makapaniwalang nakakaya kong dalhin ang mga epic fail na iyon sa buhay ko. Puno nga talaga ako ng kamalasan. Isa lang naman akong simpleng probinsiyana na nabubuhay sa pagtatanim ng palay, may tatlong kapatid at may Tatay at Nanay na nag-ampon sa akin, palihim na nag-aaral kasama ang kaibigan pero sa isang iglap lang nakatapak ng Manila na walang alam kung ano ang meroon sa lugar na ito. Hindi ko alam na dito ko pala nagagawa ang mga bagay na hindi ko pa nagagawa sa buong buhay ko. First time ko rito kaya feeling ko mahihirapan ako nitong mag-adjust. Siguro naman makikilala ko lang iyong totoo kong ama hindi na ako maghirap. Pero bago iyon, kailangan ko muna nang matutuluyan habang hindi ko pa siya nahahanap. "I said where is your damn slippers? Nakapaa ka lang mula pa kanina?" tanong ulit ng lalaki. Nasa sofa siya nakahiga habang pinagmasdan akong nagpapatuyo ng buhok ko. Tapos na akong maligo, sabi niya kasi dapat akong maligo baka madumihan ang puting bedsheet ng Hotel. Edi siya na ang mayaman at maarte. Sino ba ang nagsabi sa kanyang dalhin ako rito. Malay ko ba sa lugar na ito na bawal pala ang madumi. Mabuti na lang may extra t-shirt na binigay iyong house keeping kaya may nasuot ako ngayon. Habang pinapalabhan ko naman ang palda at damit ko. "Iniwan ko sa labas ng elevetor. Makukuha pa naman natin iyon di ba kapag lalabas tayo?" "What?!" Napa-upo siya bigla. "Why did you leave your slippers in there?!" Halos mapatalon ako sa gulat dahil sa sigaw niya. Napahilot siya sa kanyang sintido. Grabe naman siya maka-react! Ano'ng masama kong nilagay ko doon? Sus! Kundi lang siya guwapo baka kanina ko pa siya binabara. Kanina niya pa kasi ako ene-english. Ano'ng akala niya sa akin hindi nakakaintindi? Nakapag-aral kaya ako ng senior high school. Aminado naman akong walang alam sa mga bagay-bagay dahil taga probinsiya ako pero sa wikang english alam ko kung ano ang meaning nun. "Bakit may problema ba kung nilagay ko sa labas ng elevetor ang tsinelas ko? May magnanakaw ba rito?" Napalunok ako. Naku! Kaisa-isahang tsinelas ko pa naman iyon. Binili iyon ni Tatay Jerry. Kahit butas-butas na sinusuot ko pa rin. Ang importante may tsinelas, ang iba nga naka-paa lang eh dahil walang pambili. "I don't know what I am going to do with you," problemado niyang saad. "Mababaliw yata ako kapag nakakasama pa kita ng ilang araw. You're so irritating you know that? "Talaga ba? Nakakainis na ako?" Nguso ko. Napatitig siya sa labi ko sabay nag-iwas ng tingin. "You can't get your slippers outside of the elevator. Itatapon na iyon ng mga empleyado rito. Your so stupid." "Ano!?" Halos manlumo ako sa nalaman. "Paano na iyan wala na akong tsinelas? Malay ko ba na bawal pa lang maghubad ng tsinelas sa labas ng elevator. Akala ko kasi kuwarto na iyon." "Tanga... We will just buy a new one," sabi na lang niya upang matapos na ang kadramahan ko. "Ayaw ko! Bigay sa akin iyon ni Tatay Jerry. Hahanapin ko iyon sa mga basurahan." "What the!" Pailing-iling na lang siya ng ulo. Hindi makapaniwala. Akala niya talaga hindi ko mahahanap ang tsinelas ko. Kahit butas-butas na iyon at putol na, magagamit ko iyon. Ang tsinelas na lang na iyon ang tanging nagpaalala kay itay. "Hindi ko akalain na kasama ko ang isang babaeng magpapauubos ng pasensiya ko," sabi niya sa sarili. Mariin siyang sumandal sa sofa. Pinakatitigan ko lang siya doon na ginamit ang sandalan upang gawing unan habang sakop niya ang malaking sofa ng kanyang buong katawan. Ang laki niya naman kasing tao. Ang hahaba ng binti. Nakatingala siya sa ilaw na ang daming bombilya. Hindi ko alam ano ang tawag sa mga ganyan pero ang ganda niya, parang ilaw ng isang palasyo. "Bakit ka pa pala nandito? Wala ka bang bahay?" inosenting tanong ko habang yumuyuko saka kinuskos ang ulo. Wala naman akong kuto kaya isa iyon sa pinagmamayabang ko. Sadyang marami lang dandruff sa ulo, wala kasi kaming shampoo sa bukid. Puro tubig lang kapag nililigo kami kaya ang lagkit, kaya noong makakita ako ng shampoo sa Hotel na ito agad kong binuhos lahat sa ulo ko. Ang bango nga e! "Seriously? You asking me that? This is my damn Hotel. Tapos tinatanong mo kung aalis ba ako? Have you done nuts?" Nuts? Mani? "May mani ka? Patikim? Gutom nako!" Umangat ang tingin ko sa kanya. Naabutan ko siyang masama ang tingin sa akin, para na naman akong kakatayin. Hindi ko alam kung bakit ang sama niyang makatingin sa akin. Wala namang mali sa sinasabi ko. "Tss... I'm not joking around," malamig niyang sabi. Pinapatay ako gamit ang kanyang malademonyong tingin. "Hindi rin naman ako nag-jo-joke. Gutom na nga ako," reklamo ko. Bugnot na bugnot na ang mukha ko. Sa totoo lang kanina pa kumakalam ang tiyan ko. "Buong araw kaya akong walang kain," sumbong ko nito. "You have money. You didn't buy foods when I drop you?" "Paano ako makakabili ng pagkain, wala namang tinda doon, tapos umuulan pa." Napahilamos ako sa mukha. Hindi ba siya nag-iisip? Saan kaya ang utak nito. Sinundan ko siya ng tingin nang maglakad siya sa isang maliit na lamesa katabi lang ng inuupuan kong kama. May kausap siya doon, may sinasabi siyang pangalan ng pagkain na hindi ko alam kong ano iyon. "Nag-order ka ng pagkain?" tuwang-tuwa kong tanong. Binalik niya ang telepono sa lamesa pagkatapos bumalik siya sa sofa. Medyo malayo-layo iyon sa akin. "You said you are hungry?" "Oo... Kanina pa." "Then... I'll cook food for us. Let's wait for a couple of minutes. Kakain na rin tayo." "Ayos!" Ngisi ko. Napatitig na naman siya sa akin sabay iling. "Nga pala...Hindi ka pa ba uuwi? Baka hinahanap ka na sa inyo?" Sinuklay ko naman ngayon ang buhok ko. Bigla tuloy akong na curios kung taga saan siya. Hindi ba siya busy sa buhay? Mukha kasi siyang agents kong pomorma pero maskulado at guwapo, para ring model. Nakapagtataka lang at natiis niyang sumama sa akin buong araw. Tapos ngayon, malalim na ang gabi kasama ko pa rin siya sa Hotel na ito. "Tinataboy mo ba ako sa Hotel ko? This is my parents Hotel. Puwede akong magdamag rito," iritado niyang saad. Masama ang pinukol na titig niya sa akin. Tumango-tango naman ako. Hinayaan na lang siya sa sofa na humihiga. Kahit naka-side-view siya makikita ang tangos ng kanyang ilong. Magulo ang kanyang buhok. Mukhang na stress na siya sa kagandahan ko. "Ano pala ang pangalan mo?" kuryuso kong tanong. Kanina ko pa siya nakakasama pero hindi ko alam ang pangalan niya. "Deon..." Ang ganda naman ng pangalan niya. "Parang katunog Leon. Iyong nakatira sa kagubatan." Malakas akong tumawa na ikatingin niya sa akin ng masama. "Will you shut up! I want to sleep. Masakit ang ulo ko. Just wake me up when the food is arrive." Pumikit na siya roon. Kahit hindi kasya ang tangkad niya sa sofa. Pinagkakasya niya and sarili roon. Nakakaawa tuloy. Ayaw ko naman siyang itabi rito sa kama baka ano pa ang gawin niya sa akin. We are completely stranger, nakakatakot ng magtiwala ngayon sa mga tao. Lalo na doon sa nangyari sa akin noong na snatch ang bag ko. Mabilis lang siyang nakatulog kaya tahimik na lang akong nanood ng television na may pelikulang palabas. Hinihinaan ko lang ang volume nito upang hindi siya magising. Hindi ko matanto sa sarili kung bakit na feel kong safety ako kapag kasama siya. Iba ang pakiramdam na hatid sa akin. Kahit masungit siya, pero napaka-gentleman. Bago ako nakalgo kanina sinabi niya sa akin na maligo muna ako dahil sa akin raw ang kama habang siya sa sofa. Mas lalo lang gumaan ang pakiramdam ko. Puwede pa lang nakaramdam ng ganoon kahit hindi magkakilala. Mukha naman siyang mabait, kaya wala akong rason para matakot sa kanya. At is pa, ang ganda ng pangalan niya, Deon... Hindi ko yata makakalimutan ang pangalan na iyan. Nakatatak na sa puso'-isipan ko. Kahit magkalayo man kami. Ilang sandaling panonood ng television. Dumating rin kalaunan ang order niyang pagkain. Nakatakip pa ito sa isang stainless. Ang ganda ng pagka-serve, nakalagay pa sa isang stroller. Puwede kayang mag-apply rito ano? "Salamat po," sabi ko sa naghahatid ng pagkain. Naka chief cook attire pa siya. "You're welcome, Maam." Napangiti siya sa akin. Hindi ko maiwasang humanga sa kanyang kasuootan. Ang ganda kasi nito, noon ko pa gustong magtrabaho bilang chief cook tapos magpapatayo ako ng restaurant. Mukhang maganda yata ang trabaho sa Hotel na ito. Tanongin ko kaya si Deon, kung puwede ba ako rito, pagmamay-ari naman ito ng pamilya niya e! Nakangiti kong ginising si Deon sa kanyang mahimbing na pagkakatulog. Nagising ko naman siya pero agad nagulat nang makita niyang nakangisi ako. "What the hell is your problem? Tinatakot mo ba ako babae?" sindak niyang saad. Umiling-iling ako nang maraming beses. "Hindi ako nanakot, sa ganda kong ito, natakot ka? Maitim lang ako pero morena, matangos ang ilong, bilogan ang mata, may manipis at mapupulang labi, mahaba ang brown na buhok. Ano? Natatakot ka?" pamewang ko nito. "Tss... Nagbubuhat ng bangko, I'm not scared in your appearance. Nakakatakot ang ngisi mo, your like a killers on the movie," bulong niya saka tumayo. Nauna na ako sa hapag kainan dahil gutom na ako. Agad siyang umupo sa kaharap ko. "Ano'ng killers ka riyan! Nagsasabi naman ako ng totoo. Maganda naman talaga ako. Sa school namin ang daming ngang nanligaw sa akin, maraming nagkagusto!" pagmamayabang ko. Nakita ko ang pagbabago ng kanyang itsura. Hindi na matimpla, mas dumoble lang ang galit niya. "Marami ka ng boyfriend?" "Wala ako nun... Tara na kain na tayo." Tapos na rin akong maghugas ng kamay kaya kahit may kutsara gumamit ako ng kamay. Sanay kami sa ganito sa probinsiya. Hindi ko maiwasang mapapakit sa sarap ng pagkain na hinanda. Kahit hindi ko alam ang mga pangalan nito, pero labis akong humanga sa nagluto. "Why the hell you use your hand?" taas kilay niyang tanong. Hindi makapaniwala ang boses niya. Naka-ilang subo na ako gamit ang kamay, napansin kong wala pang bawas ang kanyang plato kahit nilagyan na niya ito ng kanin at ulam. Buong minutong nagsubo ako sa sarili nakatingin lang siya sa akin. Nakangiwi pa siya. "Bakit? Masama ba? Ganito kami kumain sa probinsiya." "There's a spoon and fork use it," galit na naman ang tono ng kanyang pananalita. Sobrang sama ng kanyang mga tingin sa akin, mukhang kakatayin na naman ako. "Wala kaming kutsara doon e! Hindi ako sanay." Huminga siya nang malalim. Mahahalatang nauubos ko na ang pasensiya niya pero mukhang mas hinabaan niya pa. Hindi ko maiwasang matuwa sa tuwing namumula siya sa galit mas lalo siyang gumagawapo. Syempree hindi ko sasabihin iyon sa kanya baka mas lalo siyang mamula. "Come here, I'll teach you. Wash your hand first. Ayaw kong may kasabayan sa pagkain na nakakamay. It's disgusting!" "Arte mo naman. Masarap kayang kumain na nakakamay." "Whatever!" walang gana niyang sagot. "Make it fast!" "Aye! aye! captain!" sabay salute. Nagaya ko sa spongebob na napanood ko sa television kanina. Muli na namang pumapatay ang kanyang tingin. Hindi ko maiwasang matuwa. Mukhang konti lang yata ang pasensiya niya. Naghugas na ako ng kamay. Pagkatapos tinuruan niya ako kong paano gumamit ng kutsara, naging madali sa akin iyon pero ang nahihirap ako ang paggamit ng tinidor. "Just turn your pasta using your fork," utos niya sabay giya sa akin. Ginamit niya din ang kanyang tinidor upang ipaikot sa kanyang tinatawag na pasta. Sinunod ko naman pero agad nagkamali kaya sa tuwing nagkamali ako huminga lang siya nang malalim sabay pikit nang mariin. May isang beses na napahilot pa siya sa kanyang noo. Ngumuso ako sabay nagpursige na matuto. Ilang sandali pa, nakuha ko na ang tinuro niya kaya laking tuwa ko lang. "Yes!" sabay suntok ko sa hangin. "Salamat marunong na ako!" Malaking achievement na iyon sa sarili ko na natutunan ko ang ganoong bagay. Nakita kong napatitig siya sa akin, lalo na sa labi kong malaki ang ngisi. Ewan ko kung nagmalikmata lang ba ako pero nakita ko ang pagkislap ng kanyang mga mata sabay ngiti sa akin, pero agad ding nawala at nag-iwas ng tingin. "Let's continue eating," he breath. Kung puwede lang kurutin ang kagwapohan niya gagawin ko sana e, kaso nakakatakot talaga siya kapag magalit kahit guwapo pa siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD