Nagkakasiyahan sila Harris sa sala, kasama ang mga kaibigan niya. Dahil naatasan ako ni Manang Marites na maglinis sa sala, nakikita ko lang sila kung gaano sila ka saya. Naglalaro silang lahat gamit ang iisang cellphon. Sa tuwing natatalo ay nag-aasaran sabay sapakan habang nagbibiruan. Ang sarap nilang pagmasdan habang tinitingnan sila roo sa malaking sofa. Bigla akong naiinggit dahil hindi ko pa naranasan na magkaroon ng mga kaibigan na ganito ka dami. Ang kadalasan naging kaibigan ko ay ang naiwan ko sa probinsiya na si Lucia. Speaking of her. Kamusta na kaya siya? Naalala ko pa na sa kanya ako nagpapadala ng uniporme upang makapasok lang ng skwelahan dahil ayaw ni Inay na pag-aralin ako, kaya ang ginawa ko. Si Lucia ang patagong magbibigay sa akin ng uniporme at sabay kaming pa