Chapter 25

1021 Words

Para sa akin, mahaba na masiyado ang isang linggo upang hindi ko makita si Deon. Masiyado akong okupado kung kamusta na siya sa planta ng Ronda. Gusto ko ngang magtanong kay Manang baka may alam siya sa kalagayan ni Deon, pero baka magtaka siya at masiyado akong nag-aalala para sa anak ni Florencio. Hindi naman siguro masamang mamiss siya? Dahil lang ito sa pagiging magkalapit namin nitong nagdaang araw kaya para sa akin, nakakapanibago na hindi ko siya nakikita ngayon sa kanilang Mansyon. Ewan ko ba at nawawalan ako ng gana nitong nagdaang mga araw. Kundi lang kay Manang Marites na palaging pinapagaan ang loob ko, hindi talaga mangyayaring kikilos ako nang may masigasig. Iba ang hatid ng pagkawala ni Deon sa loob lang ng isang linggo. Hindi rin ako makapag-kumunikasyon sa kanya sa pa

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD