Napag-alaman kong dinala ni Deon ang babae sa kanyang kuwarto upang magamot ang sugat nito. Inutusan niya pa si Manang Marites na kumuha nga medicine kit sa kusina. Kabang-kaba ako sa mga oras na iyon sa pagkat hindi ko alam ang gagawin. Ilang beses akong palakad-lakad sa kusina. Gulong-gulo ang utak ko sa ano'ng dapat na gagawin. For sure malalaman pa rin nila kung sino ang nakabasag ng vase dahil may cctv. Mas lalo tuloy akong nag-aalala, wala pa naman akong pambayad ng vase. Ang lalim ng iniisip ko at ilang beses na nag-aalala sa sarili. Baka paalisin ako sa Mansyon. Iyan ang isa sa kinatatakutan kong mangyari. Natigil lang ako sa malalim na pag-iisip nang makita ko si Manang na papasok ng kusina. Nanginginig pa ako nang maabutan ni Manang sa kusina na nag-iisip ng malalim habang