Ang lakas ng t***k ko, hindi ako mapakali. Mabuti na lang nandito itong si Alaster sa tabi niya kaya magkausap ang dalawa sa buong umaga. Hindi rin kami nagkaroon ng pagkakataon na magkausap kami ni Deon dahil busy sila sa pinag-uusapan nila ni Alaster na sila lang din ang nagkakaintindihan. Hindi na ako umiimik sa kinauupuan ko. Masiyado ng okupado ang utak ko ngayon. Parang kanina lang hinihiling ko na sana hindi ko makita si Deon pero sa isang iglap lang naulit na naman. Hindi ko lubos maisip na isang linggo kong makakasama ang buong Moonzarte sa classroom. Wala naman masiyadong nanyari, hindi ako kinakausap ni Deon. Si Alaster naman tumatango lang sa akin. Habang nagdi-discuss ang guro ukol sa mga lesson ngayong sem, nag-re-recap siya kaya nakikinig kami sa kanya. Doon na natahim