Buong araw wala ako sa sarili ko, tila ba nagmumukha akong kaawa-awang nilalang ngayon na walang magawa kundi ang pagsisihan ang mga pangyayaring tapos na. Kung puwede lang sumugal, kung puwede lang maibabalik ang mga kamalian ko. Gagawin kong itama ito. Kaya naman ngayon, hangga't kaya ko pang umiiwas sa sitwasyon na magpapahamak sa akin, dahil hindi kaya ng konsensiya ko na maulit na naman ang pagkakamali. Naniniwala akong kaya ko ang lahat. Kaya kong sulusyonan na hindi na ulit manghingi ng tulong kay Deon. Hangga't wala pang nakakaalam sa kahibangan naming dalawa habang maaga pa lang titigilan ko na itong paglapit sa kanya. Malaking sampal sa akin na makarinig ng mga panlalait sa kanya. Akala ko isa siyang mabait na lalaki, iisang gentleman pero dahil lang sa nangyari kagabi tila