Kabanata I

2267 Words
Kabanata I JIMENA “PAPA, gusto kong bigyan mo ako ng karapatang mamahala sa ubasan. Nais ko sanang may mapaglibangan sa hacienda habang nasa trabaho si Herman,” Nakaupo ako sa silyang gawa sa narra sa may opisina ng aking ama habnag kausap ko siya. “Hindi ba’t hindi ka sanay sa mga gawaing ganito hija? Kung bumalik ka na lamang kaya sa pagtuturo? Kakausapin ko ang alkalde upang mabilis kang makapasok muli,” suhestyon niya. “Pa, hindi ko na gusto ang magturo dahil matagal na panahon ko na rin itong tinalikuran mula noong ikasal kami ni Herman,” “Sigurado ka na ba diyan hija?” “Oo papa. Ayaw ko namang maiwang mag-isa at manahi lamang ng mga kung anu-ano sa mansion at magmando ng mga katulong. Gusto kong may mapagkaabalahan ako upang makatulong na rin sa pamamalakad ng hacienda,” “Mabuti nga kung ganon. Oh siya, bukas na bukas ay dadalhin kita sa ubasan at nang maipakilala kita sa kanila,” “Papa, gusto ko sanang ako na lamang ang magtungo mag-isa. Nang sa ganon ay hindi sila maging mailap sa akin at manatiling tahimik lang sa tuwing ako ay nandoon. Hindi ba’t mas mabuting makilala ko ang mga tauhan at hindi sila matakot na magsabi ng kanilang mga saloobin?” “Ngunit mag-iingat ka at baka ikaw ay abusuhin nila,” “Abuso ba ang iyong mga tauhan , papa?” “Hindi naman. Naniniguro lamang,” “Ganon naman pala,” “Bueno, hanapin mo si Nicholas, ang tagapangasiwa ng ubasan. Ipararating ko rin sa kanya ang balitang ito maya-maya. Maghanda ka at bukas na bukas rin ay magsisimula ka na,” “Maraming salamat po papa,” tumayo ako at lumapit sa kanya. “Walang anuman hija. Sige na, maaari ka nang lumabas at ipagpapatuloy ko na ang aking siesta,” “Mabuti pa nga papa. Pasensya na sa aking pang-aabala,” “Kailanman ay hindi ka naging abala sa akin hija,” “Maraming salamat papa,” Pagkasabi nito ay lumabas na ako ng kanyang opisina at nagtungo sa aking silid upang maghanda ng maisusuot kinabukasan. Matagal na rin akong hindi nakapupunta at nakalilibot sa aming hacienda. Limang taon na kaming kasal ni Herman at sa Siyudad kami unang nanirahan. At dahil nadistino siya sa bayan ng Villa Laida, kung saan ako lumaki, ay nagpasya kaming lumipat nan g tirahan dito mismo sa mansion. Kumatok si Aling Inicia sa aming kwarto habang abala ako sa pagpili ng pang haciendang isusuot bukas. “Hija, ipinatawag mo raw ako?” aniya pagbukas ng pintuan. “Ah, opo Aling Inicia. Sasabihin ko sanang magpapasama ako sayo bukas sa ubasan. Pinayagan na ako ni papa na doon maglaan ng oras habang wala akong pinagkakaabalahan dito sa mansion,” “Aba ay nakatutuwa naman ang balitang iyan hija. Oh sige, maaga ba tayong tutungo doon?” “Opo Aling Inicia,” “Alam na ba ito ni Herman?” “Sasabihin ko po mamaya sa kanya. Matagal ko na rin itong nasabi sa kanya at sumang-ayon naman siya dahil wala rin naman akong masyadong ginagawa dito sa mansion hindi po ba?” “Oo nga hija. Oh siya, iyon lang ba ang ibibilin mo sa akin hija?’ “Tatanungin ko rin po sana kungganon pa rin po ba sa may ubasan? Alam niyo naman pong maraming taon na ang nakalipas mula noong huli akong magpunta sa lugar na iyon hindi po ba?” “Katulad ng dati ay mababait pa rin naman ang mga trabahador at mas lalong dumami ang sakop ng taniman ng ubas ngayon,” “Ganon po ba? Nasasabik na po akong makita ang lugar na iyon Aling Inicia,” Naalala ko pa noong lagi niya akong dinadala sa lugar na iyon sa may tabi ng manggahan dahil palagi raw doon ang aking tiyahin na si Tita Celeste noong bata pa ito. Naikukwento rin niya na marami na raw siyang nasaksihang mga bagay sa hacienda na nakapagbago dito sa paglipas ng panahon. Kaya naman palaging siya ang kasama ko sa tuwing nagtutungo kami doon noong ako ay dalaga pa dahil napakarami niyang kwento na naibabahagi sa akin at nawiwili naman ako sa pakikinig sa mga ito. PAGSAPIT alas otso ng gabi ay nasa higaan na kami ni Herman nang sabihin ko ang balitang iyon. “Sigurado ka ba sa iyong gagawin? Hindi ka ba mapapagod at mahihirapan?” “Hindi naman siguro. Parati akong nagtutungo sa lugar na iyon noong kami ay mga bata pa lamang kaya alam ko at sanay ako sa lugar na iyon Herman,” “Kung gayon ay pinapayagan kita. Basta’t ipapangako mo na hindi ka magpapagod at mahihirapan sa gagawin mo doon,” niyakap niya ako at nahanap ko naman ang init ng pagmamahal mula sa kanya. Yumakap na rin ako bilang ganti at saka ko hinanap ang antok ko sa loob ng kanyang bisig at sa mainit niyang yakap sa akin sa magdamag. KINAUMAGAHAN ay inasikaso ko muna si Herman sa kanyang pagpasok sa trabaho. Isa siyang pulis sa Villa Laida Police Station at kalilipat niya lamang dito noong nakaraang buwan. “Mag-iingat ka sa ubasan. Magkwento ka sa akin mamaya pagdating ko at nasasabik akong marinig ang mga iyon,” nakangiti niyang wika bago umalis ng mansion. “Huwag kang mag-alala, sasabihin ko sayo lahat ng aking mga gagawin sa ubasan,” “Bueno, mauuna na ako at tatanghaliin na ako sa trabaho,” “Mag-iingat ka Herman,”at humalik ako sa kanyang pisngi. Nang makaalis na siya ay saka naman ako kumilos para sa aking sarili. Naligo na ako at nagbihis para sa aking pagpunta sa ubasan. Natitiyak kong naghihintay na sa akin si Aling Inicia kaya naman nagmadali na rin akong kumilos. Suot-suot ang aking malaking sombrero, checkered na long sleeves at maong na pantalon na tinernuhan ng boots na brown ay lumabas ako ng kwarto at bumaba sa sala. Nag-aabang mula doon si Aling Inicia na manghang mangha sa aking naging kasuotan. Kitang kita ko sa kanyang mga mata ang labis na kagalakan sapagkat hindi na ako magrereklamo sa mansion. Parati kasi nila akong sinisita sa tuwing tutulong ako sa trabahong bahay kaya sa huli ay mauupo na lamang ako at maghihintay ng oras. “Napakaganda mo hija,” “Bagay na bagay po ba Aling Inicia?” umikot pa ako sa harapan niya upang ipakita ng buo ang aking kasuotan. “Sadyang napakaganda mo hija. Nagmana ka sa iyong ina,” “Kung sana ay buhay pa ang aking ina ay mas matutuwa siya sa aking desisyon,” “Halika na hija, naghihintay na ang kalesa sa labas,” pag-anyaya ni Aling Inicia. “Tara na Aling Inicia,” nagsabay na kaming lumabas ng bahay at nagtungo sa kinaroroonan ng aming lumang kalesa. Nag-aabang na nga talaga ito sa labas ng mansion at kami na lamang ang hinihintay nitong lumabas. Tama nga ang sinabi ni papa. Siya na ang nag-ayos ng lahat ng ito para sa akin. Natitiyak kong nakahanda ang lahat sa aking pagdating. Hindi man niya sabihin ay natitiyak kong nasabihan na niya ang mga trabahador sa ubasan na darating ang kanyang kaisa isang anak. “Magandang umaga po,” bati sa akin ng batang kutsero. “Abah, napakabata ng ating kutsero Aling inicia,” “Oo hija. Isa siya sa mga anak n gating trabahador at siya rin ang naghahatid pinagkakatiwalaan ng Don Juancho sa pangangalaga ng mga kabayo sa rancho kasama si Mang Tonyo,” “Ikinagagalak kong makilala ka hijo. Ano ang pangalan mo at ilang taon ka na?” tanong ko sa bata. “Ako po si Lucio Mendez at kinse anios pa lang po ako,” sagot naman niya. Magiliw ang binatilyo makipag-usap kaya naman hindi ko alintana ang layo ng ubasan dahil nagkukwento talaga siya sa aming dalawa na para bang kabisadong kabisado na niya ang buong hacienda. “Ilang taon ka na nga ulit na nagtatrabaho sa hacienda?” tanong ko sa kanya. “Mag-iisang taon pa lang po,” sagot niya. “Mag-iisang taon ngunit sa iyong mga kwento ay halos kabisado mo na ang lahat ng pasikot sikot dito sa hacienda,” namamangha kong komento. “Dala lang po siguro ng araw araw kong paglilibot sa tuwing ako ay nangangabayo para ipasyal ang ilan sa mga ito sa buong hacienda,” sagot naman niya sabay lingon sa amin ni Aling Inicia. Ilang sandal pa ay nakarating na kami sa ubasan. “Kung napapansin niyo po, bawat lugar dito sa hacienda ay nababakuran. Para po makita agad ang pagitan ng bawat lugar ay ipinagawa po ito ng inyong ama,” salaysay niya. Alam niya rin ang bagay na ito. Nakamamangha. Bumaba kami ni Aling Inicia sa tarangkahan ng ubasan at saka kami nagpaalam kay Lucio ngunit may sinabi pa siya sa amin. “Kapatid ko po ang tagapangasiwa ng ubasan. Mabait po siya at panigurado pong magiging mahusay po kayo sa paggawa ng alak kapag siya po ang nagturo sa inyo. Magandang araw po, babalikan ko na lamang po kayo mamayang bago lumubog ang araw,” wika niya. “Maraming salamat hijo,” paalam ni Aling Inicia. Sabay naming pinasok ang tarangkahan at bumungad sa amin ang taniman ng ubas na ngayon ay hitik na sa bunga. Hindi pa man iyon nahihinog ngunit napakaganda nan g tanawin sa lugar dahil sa mga bunga nito. “Magandang araw Ining, sino ang magandang binibini na iyong kasama?” bati ng isang matandang lalaki na kasalukuyang tumitingin ng mga bungang maaari nang pitasin. “Hindi ba nasabi sa inyo ni don Juancho ang pagpunta niya rito?” nagtatakang tanong ni Aling Inicia sa matanda. “Wala naman siyang nabanggit sa amin Ining. Nagpunta lamang siya rito kahapon bago magtakip silim at ipinahahanda niya ang buong ubasan pati na ang gawaan ng alak para raw sa pagdarating ng isang mahalagang bisita,” Bisita. Hindi nga ako ipinakilala ni papa. “Ah, kung ganon, siya ang bisita na tinutukoy ni Don Juancho? Hindi ba ako nagkakamali?” tinanggal ng matanda ang kanyang sumbrerong payabyab at tiningnan akong mabuti. “Magandang umaga po binibini. Ikinagagalak kong makita ka sa Hacienda Guerrero,” bati niya. “Magandang umag rin po,” bati ko naman at piniling hindi magpakilala. “Halina kayo at dadalhin ko kayo sa kinaroroonan ng binatang tagapangasiwa ng ubasan. Natitiyak kong kagigiliwan mo rin siya binibini sapagkat napakakisig ng batang iyon at napakasipag. Ana ay nahuhumaling nga ang mga kababaihan sa kanya, ngunit sadyang mapili siya,” sabi pa ng matandang lalaki. Tinitingnan na lamang ako ni ALing Inicia habang nakangiti na para bang sinasabi niyang, hayaan mo siyang magkwento. Ewan ko ba at sinasabi niya sa akin ang mga bagay na ito. Hindi rin ba nasabi ni papa sa kanila na kasal na ako? Hindi pa ba akko mukhang may-bahay? Natatawa na lamang ako sa kaisipang iyon habang nakasunod kami sa matandang lalaki. Dinala niya kami sa gawaan ng alak at naalala ko pa ang lugar na ito na hanggang ngayon ay hindi pa rin nababago. NApreserba ang lahat ng bagay at nakita kong iningatan nga nila ng husto kaya naman hangang ngayon na 27 taong gulang na ako ay hindi pa rin ito nasisira. “Kulas? Nasaan ka hijo?” tawag ng matandang lalaki sa taong tinutukoy niya. “Kilala ko si Nicholas hija. Mabait na binata iyon. Huwag kang mag-alala, tuturuan ka niya sa mga gawain dito,” hinaplos pa ni Aling Inicia ang aking likuran. “Kulas! May bisita tayo. Ang tinutukoy ng Don,” sigaw ng matandang lalaki. Maya maya ay mula sa isang sulok ng pasilyo ay lumabas ang lalaking nagpupunas ng kanyang mga braso. Pawisan ang kanyang katawan na mababakas sa suot nitong abuhing sando na may mantsa pa ng ubas sa iba’t ibang bahagi. Nakasuot ito ng asul na pantalon at nakabotas ng kulay itim. Papalapit siya sa amin at nababanaag ko sa kanyang mukha ang pagkaseryoso nito sa ginagawa. Sumisilay ang mumunting buhok sa kanyang dibdib at napakamabuhok din ng kanyang mga braso at kamay. May katangkaran din siya at masasabi kong batak sa trabaho ang matipuno niyang pangangatawan. “Hija, siya si Nicholas, ang tagapangasiwa ng ubasan,” pagpapakilala ng matandang lalaki. Hindi ito nakatingin sa akin. Bagkus ay nagpamewang at saka tumingin sa paligid. Nahihiya ba siya o sadyang presko lamang ang dating niya? Ni ayaw niya akong batiin. Nagbabadya yata ang masamang araw sa akin sa unang araw ko sa ubasan ah. Sabi ni Aling Inicia, mabait siya at matutulungan ako. Sabi pala ng lahat ng nakita ko ngayong araw. Ngunit bakit kabaliktaran ang nakikita ko. Pero sabagay, unang pagkikita pa lang, mahirap naman kung siya ay aking huhusgahan. Akon a ang unang bumati. “Ikinagagalak kong makilala ka Nicholas,” pinilit kong ngumiti. Ngumiti lamang siya ng ubod ng tamis ngunit saglit lamang ito. “Oh siya hija, iiwan ka na namin ni Ining, kami ang naatasang magluto n gating pananghalian sa ngayon pati nan g mga trabahador. Si Kulas na ang bahala sayo,” paalam ng dalawang matanda sa akin. Iniwan nila akong mag-isa kasama ang lalaking ito na wala namang kibo. Nakakapagsalita ba siya? “Maaari na ba tayong magsimula?” ako na naman ang unang nagsalita. Napapihit ang kanyang katawan na parang may hinahanap sa paligid kasabay ng pagkakamot ng kanyang kanang pisngi. “Ah, Oo. Sige. Pwede na,” hindi siya makatingin sa aking mga mata. “Ako nga pala si Jimena Lopez,” pagpapakilala ko. Tumangu tango lamang siya. Ngunit ang ekspresyon ko ay tila naghihintay ng kanya. “Ah, Kulas. Nicholas Mendez, 29 anios,” pakilala niya. “Maaari na tayong magsimula? Kulas?” tanong ko. “Maaari na, kung handa ka na, maaari mo nang tanggalin ang iyong sombrero sapagkat hindi iyan nababagay sa lugar na ito,” Ikinagulat ko ang mga sinabi niyang iyon. Tiningnan ko lang siya ng masama at nasilayan ko ang pilyong ngiti sa gilid ng kanyang labi na gad ding naglaho. Umirap ako at inilagay ang sombrero ko sa may sabitan sa gilid ng pintuan. “Kung maaari rin sana ay magsuot ka ng kumportableng kasuotan sa mga susunod na araw.. Hindi ka makagagawa ng maraming bagay sa lugar na ito kung hindi ka komportable sa suot mo,” dagdag pa niya. Maraming bagay? Katulad ng? Teka, anong tumatakbo sa isipan ko? “Bakit ba parang may problema ka sa suot ko?” hindi ko na napiglan. “Sinasabi ko lamang ang totoo binibini. Ako ang tagapangasiwa sa lugar na ito kaya sa akin ka dapat sumunod at making. Kung ayaw mo naman ay maaari kong sabihin ito kay Don Juancho,” may autoridad ang kanyang baritonong boses. Mukhang gusto ko nang magsisi. “Ano pa ang bawal dito?” tanong ko. “Iyan,” itinuro niya ang mukha ko. Nagtaka naman ako. “Huwag kang gagamit ng anumang pampaganda o mga ipinapahid sa katawan dahil maaaring makontamina ang alak na iyong gagawin,” aniya. Patai ba naman iyon? “Ano pa?” taas noo kong tanong. “Huwag kang magpapantasya sa nagtuturo sayo. Bawal iyon,” saka siya tumalikod at naglakad na patungo sa loob ng mismong gawaan. Abah. Napakagat labi ako at tila wala akong masabi sa inis sa lalaking ito. Pagtatapos ng unang kabanata.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD