Prologo

955 Words
Prologo “NICOLE, anak. Saan mo nakuha ang bagay na ito?” Tanong ko sa aking labing-dalawang taong gulang na anak habang ipinakikita niya sa akin ang pamilyar na purselas na may nakasabit na letrang N sa dulo nito. “Mama, nakita ko lamang po iyan sa isang lumang kubo sa gitna ng ubasan nang minsang magpasama ako kay Aling Inicia doon,” nakaupo ang anak ko sa sofa sa tabi ko at agad ko siyang niyakap nang malaman kung saan niya ito nakita. Nangilid ang mga luha ko sa aking mga mata habang pilit na inaalala ang mga gabing iyon noong mga panahong hindi pa nalalantad ang lahat sa aking pamilya. “Ma, bakit po kayo umiiyak?” tanong ng aking nag-iisang anak nang tumingala ito at makita ang aking mga mata. “Wala ank, may naalala lamang si mama,” ngumiti ako at nakita ko namang napangiti siya dahil ddon. “Lagi kang naiiyak ma kapag nakikita mo ako. Tapos bigla ka namang ngingiti. Bakit po ganon?” tanong niya. Hindi ko man lang masabi sa kanya na mahal na mahal ko ang kanyang ama at dahil sa kanyang ama ay nakita niya ang mundong ito na hindi ko alm kung paano naging malupit sa aming dalawa. “Wala anak. Masaya lamang ako dahil nakikita kita,” hawak hawak ko ang kanyang parehong pisngi habang tinitingnan ko siya sa kanyang mga mata. Katulad ng kanyang ama ay may makapal siyang kilay at pilik-mata na bumagay sa kanyang bilugang mata. Matangos ang kanyang ilong at matamis ang kanyang mga ngiti dahil na rin sa pantay pantay niyang ngipin na kagaya ng kanyang ama. Kung naging lalaki lamang siya ay natitiyak kong para silang pinagbiyak na bunga. “Masaya po kayo? Bakit po kayo umiiyak kung masaya kayo ma?” curious pa rin talaga siya. “May mga pagkakataon talagang ganon anak,” “Ma, pwede ko po bang malaman kung bakit po nandoon ang purselas na ito at kung bakit kasama po nito ang litratong ito,” saka niya kinuha sa bulsa niya ang isang lumang litrato. Bumigat na naman ang aking dibdib sapagkat nanumbalik sa akin ang mga panahong iyon na kung saan ay masaya at nananabik akong makita siya sa lugra kung saan ay naging saksi sa pagkabuo ng aking nag-iisang anak. Kinuha ko ang litrato at tinitigan iyon. Nangingilid na naman ang aking mga luha ngunit pinigilan ko ang maiyak dahil natitiyak kong magtatanong na naman siya sa akin. Imbes na sagutin ko ang kanyang katanungan ay ibinulsa ko ang litrato at itinuon na lamang ang atensyon ko sa purselas. “Ma, bakit niyo po kinuha?” tanong niya. “Luma na ang litratong iyon anak. At baka magalit yung mga mukha doon,” nakangiti ako sa kanya habang sinasabi ang mga ito. “Bakit po kayo magagalit?” Namukhaan niya nga ako sa litrato. “Kasi pangit ako doon anak. Bata pa ako noon,” “Ganon po ba? Eh sino po yung --,” “Anak kanino mo naman balak ibigay ang purselas na ito paglaki mo?” pinutol ko ang mga salitang sasabihin niya sa isang katanungan. “Maaari ko po bang ibigay ito sa taong nagugustuhan ko ma?” tila ba nahihiya pa siya sa akin nang sabihin niya ito. “May nagugustuhan na ba ang magandang anak ko?” tiningnan ko siyang mabuti sa mga mata. Kitang kita ko ang kakaibang ngiti mula doon na natitiyak kong katulad ng kanyang ama. Tumango lamang siya habang nakangiti na parang nahihiya. “Sino naman ang maswerteng lalaking ito anak?” gusto kong magkaroon kami ng magandang samahan ng anak ko at ayaw kong maging hadlang para sa kanyang pag-ibig. “Nakilala ko lamang po siya sa ubasan ma. Anak po siya ng isa nating manggagawa,” nahihiya pa niyang wika. “Anak, alam ba ito ng papa mo?”tanong ko sa kanya. Umiling siya. “Baka po ikagalit niya kapag nalaman niyang may nagugustuhan na ako,” “Sige, hindi ko sasabihin sa kanya ang bagay na ito,” “Talaga po ma?” “Oo naman anak,” “Salamat po,” nakita ko ang labis na kasiyahan ng aking anak at kasunod nito ay ang mahigpit at mainit niyang pagyakap sa akin. “Nasaan na ba si Aling Inicia?” tanong ko pa. “Sinabi niya po palang dadalaw siya sa sementeryo ma. Gusto ko po sanang sumama ngunit sabi niya po na huwag na,” Napaisip naman ako bigla. “Sino raw ang dadalawin niya anak?” “Ang mga yumao niya raw pong mga kaibigan ma,” “Ganon ba?” pinilit kong ngumiti sa kanya. “Ma, gusto ko pong makita ninyo ang lalaking natitipuhan ko,” sabi pa niya. “Bakit naman hindi? Mabait ba siya?” “Opo, pero ayaw niya po sa akin dahil mayaman daw po tayo,” “Alam niya na gusto mo siya anak?” “Minsan ko pong nabanggit sa kanya ma. Pero sadya pong sinusungitan niya ako,” Gusto kong matawa sa anak ko dahil naaalala ko noong nakilala ko ang kanyang ama. “Anak, bata ka pa at marami ka pang bagay na dapat malaman tungkol sa pagmamahal,” “Ngunit alam ko po sa sarili ko ma na siya ang gusto ko,” Niyakap ko na lamang ang aking anak at pinuspos siya ng halik sa kanyang noo. “Sige anak, bibisita ako sa ubasan sa susunod na mga araw at ipakilala mo siya sa akin,” “Talaga po ma?” “Oo naman anak,” “Naku, salamat po,” kitang kita ko na naman ang tuwa sa kanyang mga mata na halos kahawig ng kanyang ama. Dahil dito ay mas lalo ko pa siyang niyakap na kagaya ng pagyakap ko sa kanyang ama. Tumunog at bumukas ang pintuan ng sala at napalingon naman kaming dalawa sa taong nagbukas nito. “Papa!” sigaw ng anak ko at patakbong lumapit at niyakap ang kanyang papa. “Anong pinag-uusapan ng aking mag-ina?” yumakap din ito sa kanya. Nagkatinginan kami ni Nicole at saka ako ngumiti. “Gusto kang ipagtimpla ng kape ng iyong anak sapagkat inaral na raw niya kung paano magtimpla ng kape na gusto mo,” tumayo ako at lumapit sa kanyaupang kunin ang gamit niyang hawak pa niya. “Gusto ko iyan. Halina kayo at may pasalubong ako sa inyong dalawa,” pag-anyaya niya. Hinayaan ko lang silang mauna sa kusina at ako na ang nagsara ng pintuan sa sala. At sa puntong iyon ay hawak ko pa pala ang purselas na pagmamay-ari ko na noong ako ay medyo bata pa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD