CHAPTER TWELVE

1419 Words
“Ba‘t pala tayo nandito? Ano‘ng lugar ba ‘to?” I asked in wondering. “Kasi ang ganda ng lugar na ‘to, favorite spot namin ni mama.” he genuinely answered with a sweet smile. Nandito kami ngayon sa isang highway malapit sa bundok, na talagang makikita mo ang halos buong syudad, ang nagkikislapang karagatan sa ilalim ng magandang kahel na kalangitan dahil sa paglubog ng araw, kasabay ang mga magagandang puno ng pine trees at iba't-ibang klaseng halaman na sumasayaw sa sariwang hangin. “Nakaka-heart touching naman Rai, Mama‘s boy ka noh?” wika ko kay Raizen na nakatitig sa tanawing kaharap namin ngayon. “Oo Elora, actually, kahit I‘m almost seventeen na, feel ko parang maliit pa rin ako kasi I loved her so much, palagi ko siyang hinahanap, kinakantahan niya ‘ko minsan para makatulog ako, every little kids get from their loving mom is still my routine up until now.” mahaba niyang salita. Nakaka-heart warming ang sinabi niya, I had never met a boy like him, he's unique and it amazes me even more. Dahil sa pagkaantig ko, napatawa ako sa tuwa. “I know it‘s weird.” biglang naglaho ang matamis niyang ngiti at tumingin sa‘kin na masasabi kong nadismaya dahil sa pagtawa ko. “N-no no no! It‘s not.” umiiling-iling ako na may pag-aalalang emosyon. “Hindi ganu‘n, tumawa ako dahil sa tuwa at pagkaantig. It is so rare to hear that kind of heart-warming story of a hot-bad boy looking guy!” binigyan ko siya ng malaking ngiti tsaka tumingin sa magandang imahe ng aming syudad, karagatan at kalangitan. Napangiti si Raizen at mas lumapit pa sa‘kin. “Alam mo, ipagpatuloy mo la‘ng ‘yan, you‘re such a good-loving son, maswerte ang mama mo na naging anak ka niya.” malambing kong sabi ng may ngiti at tumitig sa kaniya. “I will always, forever.” he softly responded. Ilang segundo rin kaming naging tahimik at sabay pinagmamasdan ang karagatan sa ilalim ng paglubog ng araw na manghang-mangha sa taglay nitong kagandahan, ethereal indeed. “Ang ganda noh?” bigla niyang tanong sa ilalim ng pagkamangha niya sa mala-paraisong tanawin na pinagmamasdan namin ngayon. Ibinaling ko ang paningin ko sa kaniya at nagtagpo na naman ulit ang aming mga mata. Tumingin ako sa kaniya, “Oo, napakaaagandaaaaa!” sigaw ko, 'tapos humarap sa tanawin ng nakapikit, nakangiti at ibinuka ang mga braso sa hangin. Feeling the cold breeze in this surreal bliss. Narinig ko siyang tumawa, kaya ibinuka ko ang kanang mata ko para tingnan siya, and there he is staring at me smiling that almost reach his ears. “Sabayan mo ‘ko.” sabi ko habang nanatili parin sa position ko. “Ayoko.” rinig kong tugon niya. Idinilat ko ang aking mga mata at tiningnan siya na kunyare nagagalit tsaka napahawak sa bewang. "Sasabayan mo 'ko o ihuhulog kita sa bangin." I gave him a teasingly fake smile na halos mawala na ang mga mata ko. “Hahahahahhaha, I‘m just kidding.” tumatawa niya tugon. "Ito na po Madame." he started to copy my position earlier. "That's good." I smirked and joined him in. Tumahimik muna kami saglit at hinayaan ang hangin na balutin kami. We just feel ourselves. Not caring if someone who'll see us think that we're crazy. Ngunit sa gitna ng moment namin, biglang tumunog ang cellphone ko, kaya agad kong kinuha ito sa maliit kong bag. Si Mama pala ang tumawag kaya dali-dali ko itong sinagot. [On call] Mama: "Yvone Elora, nasaan ka?" Elora: "Ma, kasama ko po si Raizen, nandito kami sa highway na makikita ang dagat at kalahati ng syudad.” Mama: "Saan ba 'yan?" Tumingin-tingin ako sa bawat giliran ng daan kung may mga sign post ba. Sumenyas si Raizen sa‘kin, at sinabi ang tawag sa lugar na ‘to. Elora: “Ay Ma, nandito kami ngayon sa Magsaysay National Highway.” Mama: “Alas-singko na oh, pinapauwi ka na ng Papa mo.” Elora: “Opo Ma, paalis na kami.” Mama: “Sige ingat kayo sa pag-uwi.” Elora: “We will po, bye!” [End of call] Matapos ang pag-uusap namin ni Mama, ibinaling ko ulit ang atensyon kay Raizen, “Rai, pinapauwi na ako.” pagbigay alam ko. “Okay, hatid na kita.” nginitian niya ‘ko. “Sure ka? Pagabi na, baka mag-aalala ang parents mo.” concern kong sabi. “Hindi naman, may tiwala sila sa‘kin. I‘ll just call them later if makasakay na tayo.” tugon ni Raizen. “Thank you.” binigyan ko siya ng ngiti. Umalis na kami sa spot namin at nagsimulang maglakad-lakad patungong waiting area. We waited for a minute until a multi-cab arrived. Tinawagan ni Raizen ang mama niya when we‘re heading to my residence. Nang masagot na siya, he explained why he‘ll be late coming home. Gladly, naintindihan naman ng mama niya at hihintayin na lamang siya ng parents niya para sabay daw magdi-dinner. [30 minutes ago. . .] “Thank you Rai. I really had a great time with you.” ngumiti ako sa kaniya as we stepped in the gate. Nakatayo kami ngayon sa porch. “My pleasure! Thank you din.” matamis niyang sabi habang tinititigan ako ng diretso sa mata. May sasabihin pa sana ako kay Raizen, nang biglang lumabas sa pintoan si papa. “Oh, nandito ka na pala?” bungad ni papa. “Good afternoon po.” pagbati ni Raizen. Tinanguan lamang siya ni Papa. “Uuwi ka na ba? Maghapunan muna tayo.” pag-aya ni papa. “Salamat po, pero hinihintay rin po kasi ako du‘n sa‘min para sabay-sabay kakain.” magalang na tugon ni Raizen tsaka ngumiti. “Oh siya, kung ganu‘n ingat ka sa pag-uwi at salamat dahil hinatid mo pa ang anak ko.” nginitian ni papa si Raizen. Napangiti naman ako habang nakikinig sa kanila, hindi ko maiwasang kiligin hahahaha. “Walang anuman po ‘yon. Tito, mauuna na ho ako.” sambit ni Raizen at nagmano muna bago tuluyang umalis. “Sige. . .” tugon ni papa sabay tango. Nang malapit na sa gate si Raizen, lumingon uli siya, “Elora." he murmured the waved. I waved back at him with a joyful smile. “Goodnight. . .” he murmured and smirked. "Goodnight!" I whispered and gave him a cute smile and said, “Ingat!”. [Kinabukasan . . .] “Elora!” isang malakas na sigaw na nanggaling sa likuran ko. Nilingon ko ito at natigil ako ng paglalakad sa hallway nang makita ko ang imahe ng babaeng pamilyar ngunit ‘di ko alam ang pangalan. Tumatakbo ito papalapit sa kinaroroonan ko, habang ako naman ay nagtatakang tinitingnan lamang siya. Nang makalapit siya sa akin, hinihingal ito at napahawak sa mga binti niya ‘tapos inabot anb nakatuping papel sa‘kin. Tinanggap ko naman ito out of curiosity. “Ano po ito?” nakataas ang kanang kilay na tinanong ko siya. “P-pinabigay ‘yan n-ni. . .basta basahin mo po na la‘ng, importante ‘yan promise!” medyo hinihingal parin niyang sabi, sabay angat ng kaniyang palad na parang nanunumpa. Sino ba ang babaeng ‘to? Nalilito ako! Bungad na bungad sa umaga ko, kinakabahan tuloy ako. Bagong-bago ako sa paraang ito Binuksan ko ang nakatuping papel, at nay nakasulat sa loob nito na siyang ikinalito kasabay ng gulat. “Pumunta ka sa 2nd floor dahil may supresang nag-aabang sa‘yo.” I turned my gaze at this girl in front of me, who is now forcing herself to smile with a pleasing eyes. “Ano ba kasi‘ng nangyayari?” tanong ko sa kalmadong tono, halos magdikit na ang mga kilay dahil sa pagtataka. Hinawakan ako ng babae sa balikat mula sa likuran ko at iniharap sa hagdan, then tinulak ako ng konti, “Shhhh, sige na Elora! Don‘t waste the time!” Ano ba ang pakay ng babaeng ‘to? Bakit ang saya-saya niya at excited pa? Samantalang ako, naguguluhan na nga, mukhang mali-late pa! Kaya para hindi maubos ang oras ko, napilitan na lamang akong maglakad sa hagdan patungong 2nd floor ngunit bago ‘yon, tiningnan ko ulit ang babae pero binigyan niya lamang ako ng go-na-go-look.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD