CHAPTER ELEVEN

1567 Words
Walang nagsasalita sa‘ming dalawa ngayon, naglalakad lamang kami habang nakatingin sa mga naggagandahang palamuti't iba't-ibang tinda sa plaza. Nakaka-awkward tuloy itong katahimikan namin. “Hey. . .” bigla niyang sambit na nakatingin pa rin sa paligid. Tumingin ako sa kaniya, nagpapahiwatig ng pakikinig. “Ang ganda ng lugar na ‘to no?” tumingin siya sa‘kin. I nodded, “Oo, isa nga ito sa mga paborito kong pasyalan eh.” Ngumiti siya sa‘kin, “I guess, idag-dag ko na rin ang lugar na‘to sa listahan ng mga paborito kong lugar.” I grinned, “Ah so nagagandahan ka la‘ng pero hindi mo paborito. Siguro naman, dahil sa‘kin naging paborito mo na.” Napahinto siya at ganu‘n rin ako. Tumingin siya sa‘kin na para bang natatawa na may halong pagkagulat at pagkaantig na siyang ikinatawa ko, ang cute niyang tignan! “Oh? Ba‘t ganyan ka kung makatingin? Joke la‘ng ‘yon!” natatawang tinapik ko siya sa balikat. “N-no. It‘s just you amazes me, but it‘s true, paborito ko na ang lugar na‘to dahil sa‘yo.” kalmado niyang tugon at nginitian ako. 'Yong ngiting nakakatunaw. Everytime we talk, nakaka-relaxing ang boses niya, I admit. Parang isang tubig na umaagos sa talon kasabay ng pag-awit ng mga ibon. It sounds paradise. Ay heto na naman ako, makata mode turn on! “Joke ba‘yan?” binigyan ko siya ng nakakalokong expression. Acting manhid ang lola niyo! “Oo!” sagot niya with a bad boy-look. Pinisil ni Raizen ang mga pisngi ko na tawang-tawa sa'kin. Isa na ata ako sa happiness niya huey! Matapos niyang pisilin ang mga pisngi ko, agad siyang naglakad ng mabilis bago ko pa siya magantihan. “Hoy! Wait!” sigaw ko tsaka tumakbo ng konti patungo sa kaniya. Hindi talaga ako hinintay ng nobitang ‘to! Medyo masakit pa naman ang pisil niya hmp! “Ang huling el bimbo na kanta ba ‘yan?” tanong ko habang abala kami sa panunuod ng mga middle-aged men na kumakanta‘t tumutugtog. “Oo. Ang ganda ‘di ba?” nakangiti siyang tumingin sa‘kin. Nginitian ko rin siya, “Superr at ang galing nilang tumugtog!” I giggled. “Tara sayaw?” inabot niya sa‘kin ang kaniyang palad. “H-ha? T-tekaaa!” medyo may kalakasan kong sambit at napatawa ng konti nang hinila niya ako tsaka inilapit sa mga bisig niya. “Nakakahiya!” I giggled as we started dancing along the music. “Isipin mo na la‘ng tayong dalawa la‘ng ang tao rito.” he smiled at me before spinning me around, I can't stop laughing because of the joy and thrill I‘ve been feeling right now. It‘s actually amazing. . . Dancing with Raizen, like we are the owner of this place. He really did take me to the Mt.Everest. I feel light and tremendous within his arms. “Ano masaya ba?” he chuckles as he asked me habang patuloy kaming sumasayaw. “Yes! Yes! Whoahh!” I can‘t forget the time we met for you taught me to believe in magic and step into it. We were dancing in the dandelions, the breeze as our music holds the featherly flowers and blanketed us. We‘re at the center of the moon, sitting on it, pointing the stars, feeling like the never-ending rotation of Earth. If not now then when? I cannot count the billion stars but I can rest my eyes at it longer. The question is, will you spent your time with me and draw a star in my heart? Ang lahat ay parang romantikong pelikula, kung saan humihina ang takbo ng oras tuwing kasama ka, ang paligid ay lumilisan at tanging tayo lamang ang natitira, sinusulit ang bawat sandali na kapiling ang isa‘t-isa. Pinipinta ang bawat senaryo ng ating pagsasama sa mundong tayo ang lumikha, gamit ang pagsintang kailan ma'y hindi mabubura na parang bula. “T-teka la‘ng. . .” hinihingal kong sabi. Huminto kami at hinawakan niya ako sa balikat. “Okay ka la‘ng?” nag-aalala niyang tanong. “Oo. . . Hiningal la‘ng, pa‘no kasi ang galing sumayaw ng partner ko eh!” nakangisi kong wika. “Dahil magaling ka rin eh. Hindi ko alam marunong ka palang sumayaw ng tango.” natatawa niyang sabi. “Tango pala ‘yong sinayaw natin? Hindi ko alam hahaha.” I burst out laughing. Napatawa na rin siya dahil sa‘kin habang nakatingin kami pareho sa isa‘t-isa. “Ice cream?” I changed the topic at inaya siya. “Arat!” masaya niyang tugon. Ngunit bago kami umalis, naghulog muna si Raizen ng pera sa sombrero ng mga musikero na nakalapag sa harap nito, ‘tapos humayo na kami patungong ice cream shop na located lamang sa kabilang kanto. “Narito na!” salubong niyang wika na dala-dala ang dalawang malalaking ice cream cup. I clapped in excitement as I stared at the ice creams. “Mango ice cream with a real mango on top, a medium sliced-size of leche plan and edible stick for you!” wika niya nang inilapag ang ice cream cup sa lamesa na parang chief. "Yey! Thank you Rai!" I happily said. “You‘re welcome!” nag-bow siya na parang prinsipe bago umupo sa tapat ko. “Chocolate flavored ba ‘yan?” tanong ko at sumubo ng isang maliit na kutsarang ice cream. Tumango lamang siya habang kumakain ng ice cream at binigyan ako ng isang nakaka-tunaw na ngiti. Mas madali la'ng ata ako natutunaw kaysa sorbetes, dahil sa tingin mong 'yan eh. “ ‘Yan pala ang gusto mong flavor?” tanong ko. “Oo. Sa tuwing pumupunta ako rito all by myself or with friends, ito palagi ang in-order ko.” usal niya. Wow, sana all stick to one! Ako kasi minsan mango flavored, minsan strawberry, palagi naman ikaw. Eyyy! “By the way, ang school natin at kayong mga supreme student council ay gagawa ng clubs right? Saan'g club ka?” tanong niya. “Uhmm, actually may tatlong clubs akong gustong salihan at approved ‘yon. So, sasali ako sa performing arts club, drama club, at english club.” sagot ko at sumubo uli. “Oh, that‘s great!” nakangisi niyang sambit. “Ikaw ba?” tanong ko at tumingin sa kaniya. “Uhmm, siguro sa performing arts at english club, gusto ko kasi ang paggi-guitara, pagkanta at literatura.” sagot niya. I grinned, “Maganda ‘yan, go for it!” pagmo-motivate ko sa kaniya. “But! Pa-sample naman jan sa pagkanta kahit walang guitara.” I let out a tiny laugh. “Haha, ngayon na?” natatawa niyang tanong. Binigyan ko siya ng ngiti at tumango, “Go!” mahina kong sabi. “B-but–” I cut him out. “No, na-uh! Pinasayaw mo ‘ko kanina sa gitna ng maraming tao, kaya ikaw naman!” I smirked and giggling. He gestured as he had no choice and cleared his throat when he was about to sing. “Ang kantang ito ay paraluman by Addie, para sa‘yo binibini.” kinuha niya ang kamay ko at hinalikan ito. Hot b****y liquid came rushing into my cheeks, and something electrocuted me as his lips dump on my skin. He started singing Paraluman, not minding our surrounding. His voice is warm as the coffee that I drink when it's raining, it is giving me comfort and therapeutic feeling. Ang boses niya ay parang walang hanggan, maganda katulad ng tag-ulan na siyang paborito ko. Haranahan niya la'ng ako, o-oo agad ako kahit hindi niya pa ako tinanong. “Ang ganda ng boses mo Rai. Bagay sa‘yo maging isang sikat na singer!” I declared as I was fascinated by him. “Talaga?” binigyan niya ako ng mapang-asar na mukha. “Hoy, seryoso! Ang honest nga ng tao eh.” ngumuso ako at tumingin sa labas through the glass wall, kunyare nagtatampo. Tinawanan niya ako at hinawakan ang mukha ka by the chin at inilingon sa kaniya, “Woy, thank you!” he winked. Grabeng paraan 'yan, ang hirap tanggihan oy! "Nagpapa-fall ka ba?" I gave him my teasing look. "Nasa'yo la'ng if magpahulog ka." he seductively stared at me and smirked. HUEY! WALANG GANYANAN K'YAH! He just laughed and reach for my left cheek to pinch it as I took a bite. “Ang cute mo pala pag nagtatampo!” he exclaimed. “Oh, nagpapakilig ka na naman? ” huminto ako sa pagkain at itinaas ang isang kilay ko. He leaned closer to me as he's giving me a teasing and seductive look.“Bakit kinilig ka ba?” Napatitig ako sa kaniya saglit habang ngumunguya, I just rolled my eyes and laughed. Pero in fact, grabe na ang kilig na nararamdaman ko ngayon, gusto kong lumandang sa kama ko, magpapagulong-gulong at sumigaw sa unan. Ba‘t ang hot niyang tignan sa histurang ‘yon? Tao ba siya? Paano ba siya ginawa ng Mama't Papa niya? Nakakabaliw ang lalaking 'to. I wanna be yours. . . I wanna be yours. . .
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD