CHAPTER FOURTEEN

1716 Words
[Third person‘s P.O.V.] (Whistle blew loudly.) “Ang lahat ay magsilapit dito!” sigaw ni Coach Allen sabay palakpak upang maagaw ang attention ng mga studyanteng kabilang sa volleyball sport activity. Sumunod naman ang lahat sa nais ng coach. “It‘s P.E. day so you must be ready for our activities, alright section A-2?” patanong na wika ni Coach Allen. Nagsitango naman ang ibang studyante bilang pagsang-ayon. Ngunit, ibubuka na sana ni Coach Allen ang bibig niya upang magsalita ulit, pero may isang studyante ang nagtaas ng kamay. “Sir!” nagtaas ng kamay ang isa sa mga studyante ni Coach Allen na si Louissa. Binigyan lamang ni Coach Allen si Louissa ng tango at kamay para magsalita. “It‘s monday today, so I thought our physical activities is supposedly on friday, right?” tanong ni Louissa na siyang nakaagaw tingin sa kaniyang mga kasamahan. “Yes it is. But because, nu‘ng last friday hindi tayo nakapag-activities so, babawi tayo today.” sagot ni Coach Allen. “Okay, to start our activities today, we have to warm up first.” a sound of command came out from Coach Allen. As everyone settling up themselves to have comfort while going to do some warm ups, Coach Allen, busied himself on connecting his phone to bluetooth speaker to have tunes that will add energy and productivity in their activities. Later on, after they do the warm ups, inanunsyo na ni Coach Allen ang mga grupo na maglalaban sa volleyball match. “Ang maglalaban ngayon sa volleyball match ay ang blue team at yellow team!” anunsyo nito. “Team captains, come over!” utos ni Coach. Lumapit agad ang dalawang captains ng blue at yellow teams na sina Elora at Sheena. Habang abalang nagbibigay ng instructions si Coach Allen, si Sheena naman ay palaging tumitingin kay Elora na abala sa pakikinig with hate in her eyes. “Always aim for the ball not the opponent. Pin this in your mind captains, pag-isa sa inyo ng team mo ang magdi-disobey ng rules natin, automatic the other team is the win.” pagbibigay alam ni Coach Allen. “Yes Sir.” tugon ni Elora at tumango naman si Sheena bilang tugon ‘tapos tumungo na sa grupo ng isa‘t-isa. Nang handa na ang bawat grupo, pumito na si Coach Allen to start up the game. “Round one!” sigaw ni Coach Allen. Unang nag-serve ng bola ang team ni Sheena to begin the game, dahil siya ang nanalo sa jack en poy nila ni Elora. “Goodluck Elora!” suportadong sigaw ni Damien mula sa ‘di kalayuang bench. Ngumiti naman at kumaway si Elora nang makita niya si Damien. Maganda at mainit ang laro dahil sa galing ng bawat manlalaro na pumapayagpag sa bawat palo. Ngunit mas lamang mula second round hanggang ngayong third round ang team ni Elora. Everyone were shouting in excitement, talagang nakakapanabik ang magiging resulta ng larong ito. “T E A M Y E L L O W, YELLOW HEY! HEY! GO TEAM YELLOW!” yelled by students who were on Elora‘s team. In the meantime, dumating si Raizen kasama si Justine at Elias. Kakatapos lamang ng kanilang 2nd class at papunta sana sila sa cafeteria, nang napadaan sila sa court dahil sa ingay at daming estudyante. “Oy pare! Si Elora oh!” wika ni Elias kay Raizen sabay turo sa kinaroroonan ni Elora. Mahinang tinulak ni Justine si Raizen sa kabilang braso papasok, “Tara pare, suportahan mo naman du‘n!” “Oo nga Raizen!” tugon naman ni Elias sabay tapik sa balikat ni Raizen. Binigyan lamang ni Raizen ng smirk ang dalawang kaibigan niya, ‘tapos naglakad na papasok sa court nang may ngiti at galak sa mukha niyang nasa imahe ni Elora. Umupo sila malapit sa kinaroroonan ni Damien. While Raizen's watching the girl who painted his canvas rainbow amused by her skills in sport, on the other side, his two friends Justine and Elias are busy cheering and watching those hot girls on game that are suitable for their types. Damien noticed Raizen and his friends sitting not too far from him. He looked at him with jealousy, but couldn't hate Raizen, dahil hindi naman niya masisi ito kung bakit ito ang nakabihag sa puso ng babaeng mahal niya. Alam ni Damien, na kahit anong gawin niya, hindi niya mapapalitan si Raizen sa puso‘t isipan ni Elora bilang ang lalaking mahal nito. He have witnessed Elora‘s aura full of love, hope and faith everytime she wrote poems about Raizen, on how she stared at him and drool and the way she talk with them all about Raizen. Then suddenly, lumingon sa direksyon ni Damien si Raizen, at nahuli niyang nakatitig ito sa kaniya kaya, nginitian niya na lamang ito at pasimpleng kumaway. Subalit, masungit na inalis lamang ni Damien ang kaniyang paningin mula kay Raizen na siyang ikinataka nito. “Sir! Sir! Sir!” hindi mapakaling sumugod kay Coach Allen ang kasamahan ni Sheena sa team nila, halatang kinakabahan dahil sa tuno nito. “Oh? Azrielle, an‘yare?” nagtatakang tanong ni Coach Allen. Lumunok muna si Azrielle habang pinapawisan, “S-si ano po Sir–” “Ano‘ng ano?” nababahalang usisa ni Coach Allen. “Si Sheena po nahimatay duon sa C.R. dahil kay Elora! Dalian po natin Sir!” tumakbo si Azrielle patungong C.R. kung saan naganap ang pangyayari na siyang nagpasunod kina Coach Allen at sa mga studyante. Water break kasi ngayon at napagpasyahan ni Elora na pumunta muna sa C.R. upang umihi at mamunas na rin, pero lingid sa kaniyang kaalaman, palihim siyang sinundan ni Sheena kasama si Azrielle, ‘yon pala‘y may masamang balak na. Napatayo ng sabay si Raizen at Damien nang mabatid nila ang kagulohan at negatibong expression sa mga mukha ng mga tao sa court. Dali-daling bumaba sa bench si Raizen patungo duon sa insidente at sumunod naman si Damien, hindi na sila nag-aaksaya ng ilang segundo. “Hoy! Sa‘n ka pupunta!” nagtatakang sigaw ni Elias kay Raizen pero hindi siya nito liningon. “Hayaan mo na par, ikaw kasi puro cellphone jan, edi hindi mo alam tuloy ang nangyari.” inakbayan ni Justine sa balikat si Elias ngunit tinakwil rin nito kaagad. “Elora?!” nagulat na sigaw ni Coach Allen nang makita niya si Sheena na walang malay sa sahig. The students that are gathering there gasped when they witnessed the mistake. Nanginginig si Elora na hindi alam ang ipapaliwanag nang makita niya ang mga matang gulat na nakatutok sa kaniya “Sir!” sambit ni Elora at napahawak ng mahigpit sa lababo. “Ano‘ng nangyari dito?!” a loud tone came out from Coach Allen cause of afraid and shocked. “Bi-bigla la‘ng. . . Bigla la‘ng po siya nahimatay sa harap ko. . .” kinakabang sagot ni Elora. “Elora!” singit ni Raizen at diretsong lumapit kay Elora. “Are you okay?” hinawakan ni Raizen si Elora sa pisngi as his eyes filled with concern. Umiling lamang si Elora habang ang mga luha niya'y nagsimulang mamuo sa haplos at pag-aalala ni Raizen. “Seriously?!” galit at dismayadong ani ni Coach Allen at napahawak sa kaniyang noo. “Explain this to the principal office, now!” galit man, pinili ni Coach Allen na ikalma ang boses niya para hindi pa mas lalong matakot si Elora. Unang lumabas si Coach Allen at ang mga studyante kasama si Sheena upang dalhin sa clinic. Sumunod naman sina Raizen at Elora habang magka-akay sa bisig. “Yvonne?” nag-aalalang bungad ni Damien sa labas ng pinto sa C.R. “Move aside bro, I'll take her.” sinubukan ni Damien na kunin ang braso ni Elora pero pinigilan siya ni Raizen. “Hindi pwede.” maiksing sagot ni Raizen nang nakatitig ng malalim sa mga mata ni Damien. “What do you mean no?!” humakbang palapit si Damien kay Raizen. “ ‘Cause I‘ll be the one to take her, don‘t you see?!” nagsimula nang mag-init sa inis si Raizen habang hawak parin sa balikat si Elora na ngayo'y tulala at nagsimulang magsitulo ang mga luhang kanina niya pang pinipigilan. “Nonsense! I‘m her boyfriend, so ako dapat ang umalalay sa kaniya!” galit na sigaw ni Damien. Nakita ni Elias si Raizen na may katalo sa labas ng C.R. nang papatungo sila dito, kaya agad niyang sinabihan si Justine. “Pare, si Raizen.” tinapik ni Elias si Justine. Agad namang tumakbo patungo kay Raizen si Justine upang awatin ito, habang nakasunod si Elias. “Anong pinagsasabi mo jan?! Mukhang gumagawa ka la‘ng ng rason eh!” galit na tugon ni Raizen. “Eto ‘yong rason!” humakbang pa ng malapit si Damien at akmang susuntukin na sana si Raizen pero biglang sumigaw si Elora. Hinawakan ni Justine sa braso si Raizen upang pakalmahin ito ngunit tila ba‘y nabingi ito sa galit. “Tama na! Pinapalala niyo la‘ng ang sitwasyon eh!” galit na sigaw ni Elora sabay tingin kina Raiden at Damien tsaka inalis ang braso niya mula Raizen ‘tapos nag-walk out. “Elora! Yvonne!” magkasabay na tawag ni Raizen at Damien. Subalit hindi lumingon si Elora at patuloy na naglakad hanggang mawala ito sa paningin ng dalawang lalaking nag-tatalo sa kaniya. “It‘s your fault jerk!” tinulak ni Damien si Raizen tsaka umalis na bago pa man makasagot si Raizen. “Arggggh! Ang sarap suntukin ng lalaking ‘yon!” nanggigil na wika ni Justine. “Rai, ano ba‘ng nangyari?” nagtatakang tanong ni Elias. Hindi sumagot si Raizen o tumingin man sa kanila, dahil sa bugso ng galit, umalis na lamang siya habang ang mga kaibigan ay nag-aalala na tiningnan siyang tumalikod. Akmang susundan sana ni Justine si Raizen upang kausapin pero pinigilan siya ni Elias sa balikat. “Let him be.” kalmadong sabi ni Elias nang nakatingin sa palayong kaibigan. Hinayaan na la'ng nila muna si Raizen ng mag-isa upang pakalmahin ang sarili at makapagisip-isip.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD