Episode 5

1660 Words
Chapter 5 Lander Sa hindi inaasahang pagkakataon may mga armadong lalake na pala ang nasa labas ng condo unit namin ni Angela. Aalis na sana si Alvira nang kinuha niya sa akin ang Panty niya nang mabungaran niya ang mga armdong lalake. Kinabahan ako para sa kaligtasan ng kapatid ko at ni Alvira. Tumakbo na pabalik si Alvira sa kinaroroonan namin ni Angela. Lumabas naman ang pulubi na inampon ni Angela sa silid niya. “Nauuhaw ako, Iha.’’ saad ng matandang lalake kay Angela. Nakangisi na pumasok ang apat na lalake sa condo unit namin. Alam ko na ako ang pakay nila. “Angela, bigyan mo ng tubig ang matanda. Pumasok kayo sa silid mo at dumaan sa terrace. Alvira, samahan mo sila. Ako na ang bahala rito,’’ utos ko sa kapatid ko at kay Alvira. Sa silid ni Angela puwede sila humakbang sa kabilang unit. “Ha, p-pero paano ka?’’ tanong ni Alvira sa akin. “Samahan mo si Angela at kahit anong mangyari lumabas kayo sa building na ito at itago mo si Angela!’’ mariin ngunit mahina kong bilin kay Alvira. “K-Kuya, sino sila?’’ takot na tanong ni Angela. “Pumasok na kayo sa kwarto, bilis!’’ sigaw ko sa kanila. Tumakbo si Angela at ang matanda sa kwarto at si Alvira naman kinuha ang panty niya at binato sa mga armadong tao saka siya tumakbo na sumunod kay Angela. “Dakpin sila!’’ utos ng isa. Hinarangan ko na ang isa na gustong humabol kay Angela at Alvira. Sinipa ko ito, kaya nabuwal ito sa tiles. Sinuntok ko ang pulsohan nito sa paa upang panandalian itong ma-paralyze. Tinutukan ako ng baril ng isa at sinugod ako ng sipa ng isa. Hinawakan ko ang baril at tinanggalan ng gatilyo at umiwas sa sumipa sa akin. Inuntog ko ang ulo nilang dalawa, kaya nawalan sila ng malay at ang isa na nasa pintuan gusto sana itong tumakas subalit hinabol ko na ito. Sa labas na ng unit ko ito naabutan. Pinilipit ko ang kaniyang kamay at dinala sa loob ng unit ko. “Ahh… Ang sakit!” sigaw niya habang nasa likuran nito ang dalawa niyang kamay at nakasubsob sa tiles ang kaniyang mukha. "Babaliin ko ang kamay at paa mo kapag hindi mo sinabi ang kailangan niyo sa akin. Sino ang nag-utos sa inyo na patayin ako?” mariin kong tanong habang ang isa kong tuhod nakaluhod sa likod niya. “Wala akong sasabihin!’’ sigaw nito. Lalo kong hinigpitan ang pagkahawak sa kaniyang kamay. Kinuha ko ang maliit na kutsilyo sa kaniyang bulsa. “Ayaw ko na inuulit ang tanong ko. Kung ayaw mo sabihin mabuti pang putulan na lang kita ng dila para hindi na ‘yan mapakinabangan pa.” Hinawakan ko ang kaniyang leeg at sinakal ng isa kong kamay upang lumabas ang kaniyang dila. Alam kong hirap na hirap siya sa ginawa kong iyon. ‘“Tsatsabihin ko na!’’ Binitiwan ko ang kaniyang leeg. Naubo siya dahil sa pagsakal ko sa kaniya. “Bilisan mo dahil mahalaga ang oras ko.” Ayaw ko sa lahat ang tinatarantado ako na wala naman akong ginawang mali. “Si Ma’am Vida!’’ Tumango-tango ako ng marinig ang pangalang iyon. Umigting ang panga ko. “Nasa bahay ng Tita mo ngayon ang mga kasama ko,’’ sabi pa ng lalake na siyang lalong nagpatagis ng mga bagang ko. “Ano ang kailangan ng Vida na ‘yon sa akin?’’ “Hindi ko alam.’’ Bago ko binitiwan ang lalaki sinipa ko na ito upang mawalan siya ng malay. Kinuha ko ang nagkalat na panty at bra ni Alvira at isiniksik ko iyon sa bulsa ko. Lumabas ako ng condo unit at bumaba ako gamit ang hagdan. Tinawagan ko si Angela. “Kuya, saan ka na?’’ umiiyak na tanong ni Angela. “Nakalabas na ba kayo ng building?’’ tanong ko sa aking kapatid. “Opo, nandito na kami sa taxi.” “Huwag kayo pumunta sa bahay nila Tita. Ihatid niyo ang matanda sa orpahange.” “Opo, Kuya-” “Lander, okay ka lang ba? Ayos lang kami ni Angela. Huwag ka mag-alala ako ang bahala sa kapatid mo.” Si Alvira na ang kausap ko sa kabilang linya. Inagaw na nito sa kapatid ko ang cellphone. “Sige, huwag kayong bumalik sa condo hanggang hindi ko sinasabi. At sabihin mo si Angela na huwag tumawag sa Pilipinas,’’ bilin ko kay Alvira bago ko pinatay ang cellphone. Ayaw ko malaman ni Daddy ang nangyari. Tinakbo ko ang hagdan paibaba. Pagdating sa baba kinuha ko ang motorbike ko na ilang taon ko na rin hindi na gamit. Sinubukan kong paandarin iyon at ayos pa ang makina. “Humanda ka sa akin Vida, kung sino ka man! Kapag napasaan ang tiyahin at pinsan ko dudukutin ko ang lamang loob mo!” Sumakay ako sa motor bike. Halos paliparin ko na ang motor patungo sa bahay nila Tita. Ilang minuto ang nakalipas nakarating na ako roon. Sa malayo na ako nag-park ng motor at dahan-dahan akong nagtungo sa bahay nila Tita. Nakita ko ang isang lalake na nagbubuhos ng gasolina sa gilid mula sa loob ng bahay. Balak yata nitong sunugin ang bahay kasama si Tita at Faye. Habang ang isa naman na kasama nito naghihithit ng segarilyo. Umikot ako sa likod ng bahay nila Tita at hinablot ang isa. Hinampas ko ang leeg nito upang mawalan ng malay. Nagulat ang isa sa ingay na dinulot ko. Inihagis nito ang sigarilyo at tinutukan ako ng baril. Pumutok iyon, nakaiwas ako. Mabuti na lang agad kong nahawakan iyon at sa ibang direksyon tumama. Naagaw ko ang baril sa kaniya at itinutok ko iyon sa sintido niya. “Pasasabugin ko ang ulo mo kapag hindi ka nagsabi ng totoo. Ano ang kailangan niyo sa akin?’’ tanong ko habang sakal siya ng aking braso. Nasa likuran ako nito habang nakatutok ang baril sa sintido niya. “Hindi ko alam kay Ma’am Vida!” muli ko na naman narinig ang pangalang iyon. Nanunuot sa puso ko ang galit kapag narinig ang pangalan na iyon. “Bakit kailangan na sunugin niyo ang bahay ni Tita?” muli kong tanong. “Wala po kaming balak sunugin. Dinidiligan lang po namin ang tanim dahil nalalanta na,” kabadong sagot sa akin ng lalaki. “Dalhin mo ako kay Vida, ngayo din!’’ utos ko sa lalake. Iginapos ko siya sa puno ng mansanas na tanim ni Tita, ganoon din ang kasama niyang lalake. Tinanggalan ko ng tali si Tita at Faye. “Sino sila Lander? Ano ang kailangan nila sa’yo? Mga kalaban mo ba iyan sa Iraq?’’ natatarantang mga katanungan ni Tita. “Umalis muna kayo, rito Tita. Magtungo kayo sa lugar na safe kayo. Umuwi muna kayo ng Pilipinas,” utos ko kay Tita Mary Ann. “Hindi, paano ang negosyo ko rito? Ang mabuti pa si Faye na lang ang pauwiin ko. Doon na muna ako sa kaibigan ko.” Tumango-tango ako sa sinabing iyon ni Tita. “Pakiusap, huwag sana makarating ito sa Pilipinas,’’ pakiusap ko kay Tita. "Sige, kung iyon ang gusto mo. Si Angela, nasaan si Angela?" Nag-alalang tanong ni Tita. "Huwag ka mag-alala kay Angela dahil ligtas siya." Kumalma ng bahagya si Tita nang marinig ang sagot ko. "Umalis na kayo rito, Tita. Bago pa magsidatingan ang mga kasamahan nila." Agad naman kumilos si Tita at Faye. Kinuha lang nila ang mahahalagang gamit lang nila saka umalis na. Nang makaalis na sina Tita, nagtungo ako sa pinagtalian ko sa dalawa. Umupo ako sa tapat nila upang mapantayan ko sila. Tinapik ko ang pisngi ng isa. "Iiwanan kitang buhay. Sabihin mo sa akin kung saan matatagpuan si Vida." Walang alinlangan na binigay niya ang adress ng mansion ni Vida. Isang malakas na suntok ang pinakawalan ko bago ko sila iniwan sa puno ng mansanas. Sakay ng aking motor nagtungo ako sa hide out ng Son of the Road Agad akong sinalubong ni Kim. "Boss, mabuti at nakapasyal ka," mainit na pagbati nito sa akin. Narito si Boss Lander!" tawag naman ni Jonathan sa iba. Naka-uniporme pa sila ng pangsundalo. Mainit nila akong binati. Halos isang taon din ako na hindi nakapunta rito dahil sa Tennessee ako nagte-training bilang general surgeon. Nang makauha ko kay Neko ang Son of the Road at ako na ang naging pinuno naging tagabantay kami ng sa kalsada. Hindi bilang snatcher na dati nilang ginagawa kundi nagbabantay ng mga sumadaan roon. "Kumusta, Boss?" bati nila sa akin. Kumaway lang ako sa kanila at niyaya ko si pa Kim. "Kailangan ko ang tulong mo," wika ko sa kaniya ng malayo na kami sa paligid ng iba. "Kahit ano po iyon, Boss, kaya kita tulangan," wika niya sa salitang English. Si Kim isang Koreano na citizen na rin sa Amerika. Isa siyang aircraft fighter. "Hiramin mo ang aircraft at paulanan mo ng gasolina ang vineyard ni Vida. Kailangan ngayon na. E-text ko sa'yo kung saan ang Vineyard at mansion niya." Hindi nagdalawang isip si Kim na sundin ang iniutos ko sa kaniya. Muli akong sumakay sa aking motor bike. Bago ako pumunta sa hideout ng ng Son of the Road, nagpa-full tank na ako. Mahaba na ang nilakbay ng motor ko nang marinig ko na ang aircraft na minamaneho ni Kim. Binilisan ko ang takbo ng motor bike. Nakarating ako sa bukana ng Vineyard ni Vida. Umangat ang dalawa kong labi dahil sa sobrang galit na nararamdaman ko para sa kaniya. Wala akong natandaan na may ginawa akong mali o kasalanan sa kaniya upang ilagay niya sa panganib ang kapatid ko at ang tiyahin ko at pinsan. Lalong-lao na hindi ko siya kilala. Sino siya para iligpiy ako? Sunod-sunod na yata ang gulo sa araw na ito dahil sa pagtulong ko matandang iyon. Kapag malaman ko na may kinalaman ang matandang iyon sa nangyayari ngayon, magiging goal ko na pabagsakin siya. Nakita ko na nag-simula ng nagpaulan ng gasolina si Kim sa itaas. Ilang kilometro pa ang layo bago ako nakarating sa harap ng mansion ni Vida.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD