Episode 6

1700 Words
Chapter 6 Third POV Bumaba si Lander sa motor bike. Suot ang mahaba niyang jacket at itim na sumbrero. Hinarap niya ang mga tauhan ni Vida. Kasalukuyan na nagkakape si Vida sa library niya. Hindi niya alam na kusa ng pumunta sa kaniya ang nais niyang ipapatay. Dalawang putok ng baril ang narinig ni Vida mula sa labas. Naamoy niya rin ang gasolina. Samantalang si Lander naman naubos niyang pabagsakin ang mga tauhan ni Vida na nakabantay sa mansion nito. Tinangkang barilin si Lander ng tauhan ni Vida, subalit naagaw niya ang baril. Kung tutuusin kayang-kaya niyang patayin ang mga tauhan ni Vida subalit sa paa niya lang ito binaril. Nang wala ng sagabal sa daanan ni Lander tumuloy siya sa loob ng mansion. Lumabas si Vida sa kaniyang library. Nagsalubong ang mga mata nila ni Lander. Hindi maipaliwanag ni Vida ang nararamdaman nang makita si Lander. "Magaling ka nga talaga," wika ni Vida kay Lander at pumalakpak pa ito. Dalawang tauhan ni Vida ang dumating at tinutukan ng baril si Lander. "Patayin niyo siya!" Walang alinlangan na utos ni Vida sa mga ito. Inagaw ni Lander ang baril sa dalawa. Nakipagsuntukan siya sa mga ito. Walang kahirap-hirap sa kaniya na patumbahin ang dalawa. Sa galit ni Lander lumapit siya kay Vida at itinutok ang baril sa leeg ni Vida. Napasandal si Vida sa pader na nanginginig sa takot. Ngayon lang siya nakaramdam ng takot. Ang buong akala niya katapusan niya na. "Anong kailangan mo sa akin at kailangan mong idamay at gustong ipapatay ang pamilya ko?" galit na tanong ni Lander kay Vida. "Pu-pwede bang huminahon ka? Pag-usapan natin ito. Bibigyan kita ng malaking halaga," nanginiginig na alok ni Vida sa kaniya. "Ngayon para kang pusa na nanginginig sa takot? Ano ang kailangan mo sa akin at ano ang atraso ko sa'yo?" Muling tanong ni Lander kay Vida. "Wala kang atraso sa akin. Pero pumasok ka sa black building," sagot ni Vida. Napapailing si Lander dahil koniktado nga si Vida sa matandang iyon na tinulungan niya kanina. Madilim na ang paligid. Sunod-sunod ang putok ng baril ang narinig nila. "At ano naman kung pumasok ako sa lintik na building na 'yon? Gusto kong mabuhay ng maayos pero ginugulo niyo ang buhay ko! Bakit kailangan mong ipapatay ang pamilya ko? Kung ikaw kaya ang patayin ko ngayon, humm?" Diniin pa ni Lander ang baril sa lalamunan ni Vida. "Hindi ko naman pinapatay ang pamilya mo. Baka pwede pag-usapan natin 'to," pagmamakaawa ni Vida kay Lander. Dumating ang ibang mga tauhan ni Vida, subalit hindi sila nakaporma dahil hawak ni Lander si Vida. "Ma'am, sinugod tayo ng mga tauhan ng TDE. Ikaw naman ang sunod nilang target dahil hindi nila nakuha si Don Lucas!’’ Lalong nangatog ang tuhod ni Vida sa narinig. Mula sa likuran may bumaril sa tauhan niya at bumagsak ito sa sahig na duguan. “Huh! Marami ka pa lang kaaway, Vida. Paano ba ‘yan at ibibigay na lang kita sa kanila upang hindi na madungisan ang kamay ko ng dugo mo!’’ nakangising sabi ni Lander kay Vida. “Please, kahit ano ang hihilingin mo ibibigay ko. Huwag mo lang ako ibigay sa mga kalaban. At akala mo ba kapag binigay mo ako sa kanila makakalabas ka ng buhay rito? Papatayin ka rin nila.” Pagkasabi ni Vida may pumutok na baril at tumama iyon sa pader sa gilid ni Lander. “s**t!’’ napamura siya ng barilin siya ng kalaban ni Vida. Yumuko si Lander kasama si Vida. “Mag-cover ka!” utos ni Lander kay Vida at pinaputukan ang taong bumaril sa kanila. Nagtago si Vida sa sulok na malapit sa library niya. Nagpalitan ng putok si Lander at ang mga kalaban. Halos lahat na ng tauhan ni Vida may tama. Habang nagpapalitan ng baril si Lander at ang mga kalaban ni Vida, dinukot ni Vida ang kaniyang cellphone sa bulsa niya at tinawag si Romulo; ang head security sa Gold Building. “Padalhan mo ako ng back up dito sa mansion dahil sinugod na ako ng mga kalaban. Wala ng natira sa mga security dito. Isa pa nandito si Lander at gusto rin ako patayin!’’ “Papunta na kami, Ma;am. Kahit anong mangyari huwag kang lumayo kay Lander.” Pagkasabi ni Romulo isang putok na naman ng baril ang narinig ni Vida at sa kaniya iyon muntik nang tumama. Nakita niya na nakatutok na sa kaniya ang baril at nasa harapan niya na ang tauhan ng TDE. Isang organisasyon dito sa Amerika na nagbibinta ng mga iligal na baril sa iba’t ibang lugar. May mga prostitution din ang mga ito at mga illegal na negosyo. “Nahuli ka rin Vida. Mamatay ka at mapapasakamay na ng BON at TDE ang robotic memory,’’ wika ng tauhan ng TDE kay Vida. Ang BON isang organisasyon na binabayaran ng Pulitiko at mga mayayamang tao kapag may mga gusto silang ipapatay. Magkasabwat ang TDE at BON. “Kahit patayin mo ako hindi niyo pa rin mapapakinabangan ang robotic memory dahil ako lang ang may access sa kaniya!’’ mariin na wika ni Vida sa lalake. “At least hindi na mapapakinabangan ang robotic memory," sabi pa ng kalaban kay Vida Kakalabitin na sana nito ang baril nang bigla na lang may umagos na dugo sa ulo nito. Bigla itong nabuwal sa sahig sa harap ni Vida. Tumingala si Vida, nakita niya si Lander sa harap niya na hawak ang baril. Si Lander ang bumaril sa kalaban nito. “Tumayo ka na riyan kung gusto mo pang mabuhay. Pareho tayong mamatay rito kapag hindi pa tayo nakaalis!’’ utos ni Lander kay Vida. Tulalang tumayo si Vida, habang nakatingin kay Lander. Hindi siya makapaniwala na ililigtas siya ni Lander sa lalakeng gustong pumatay sa kaniya. Nakita ni Lander na parang tulala si Vida, kaya hinawakan niya ito sa braso. “Tutunganga ka na lang ba? Paano tayo makalabas ng mansion?’’ tanong ni Lander kay Vida. “Dito sa Library ko. May exit roon papunta sa ilog,’’ nanginginig na sagot ni Vida. “Bilisan mo wala na tayong oras,’’ pagmamadali ni Lander kay Vida. Pumasok sila sa library. May pinindot si Vida at bumukas ang cabinet na puno ng mga libro. “Dito tayo,’’ yaya ni Vida kay Lander. Pumasok sila sa loob na iyon at kusa rin iyon nagsara. Naglakad sila sa whole way na puro pader ang nakapalibot. Parang nasa ilalim na sila ng lupa. “Sino ang mga iyon?’’ tanong ni Lander kay Vida. “Mga kalaban namin. Sila rin ang dumukot kay Kuya, ang matanda na tinulungan mo.” Hindi na umimik si Lander sa sinabi ni Vida. Sapat na iyon sa kaniya na nasangkot na naman siya sa gulo. Ilang sandali pa nakarating sila sa ilog. Mula sa kinatatayuan ni Lander tanaw niya ang malaking mansion at ang vineyard ni Vida. Kumuha siya ng lighter sa kaniyang bulsa at pinatay ainsu niya ito. Kumuha rin siya ng sigarilyo na nakaipit sa ulo niya at sinindihan iyon. “Ngayon nandito na tayo sa ilog gusto ko lang sabihin sa’yo na lubayan mo na ang pamilya ko,’’ maawturidad na sabi ni Lander kay Vida. “Sumanib ka sa mundo namin at ipapangako ko na ligtas sa kapahamakan ang pamilya mo.” Sinamaan ng tingin ni Lander si Vida dahil sa sinabi niyang iyon. “Wala akong pakialam sa mundo mo. Lubayan niyo ako, that’s my order!’’ Napangiti ng pagak si Vida dahil sa pagka-bossy ni Lander. Nakikita niya ang sarili niya at katigasan ng ulo niya kay Lander. Akala niya hindi niya matatagpuan ang repleksyon ng ugali niya sa isang doktor na magaling makipaglaban. Pakiramdam niya si Lander ang isang tipo ng tao na hindi mo mapapasunod sa ano mang gusto mong ipagawa sa kaniya. Hinaplos ni Lander ang dahon ng talahib at inamoy niya ito. “This is my first warning, Vida!’’ mariin na sabi ni Lander at muling binuhay ang lighter. “Teka, ano ang gagawin mo?’’ nagtatakang tanong ni Vida na parang may binabalak na masama si Lander. Nagtagisan sila ng tingin sa isa’t isa habang hinagis naman ni Lander ang lighter sa likuran niya. Sumiklab ang maliit na apoy at hindi kalaunan lumawak ito papunta sa Vineyard at mansion ni Vida. “No! Ang mansion ko!” sigaw ni Vida habang tinitingnan ang nasusunog niyang malawak na vineyard. Napaupo siya sa lupa nang makita na nilalamon na ng apoy ang ari-arian niya. Napaiyak si Vida dahil iyon ang tahanan na nagbibigay sa kaniya ng pag-asa na balang araw mabuo rin ang pamilya niya kahit suntok na iyon sa buwan na matupad ang pangarap niya. “Marami ka namang pera, kaya magpatayo ka na lang ng bago mong tahanan. Ayaw mo ‘yon? Nasusunog na rin ang mga kalaban mo kasama ng mansion mo. Sa susunod na guluhin mo pa ako hindi lang iyan ang kaya kong gawin, Vida!’’ Madiin at puno ng determinasyon na sabi ni Lander kay Vida. Humakbang na si Lander sa gilid ng ilog. Iniwan na niya si Vida na pinapanuod ang nasusunog nitong mga ari-arian. Pinindot ni Lander ang wireless headset niya dahil tumawag si Kim. “Nasunog na ang motor mo, Boss. Pagtawid mo ng ilog may nakaabang na motorbike roon. Pinaiwan ko na iyon kay Direck.” “Salamat, Kim. Ibalik mo na ang aircraft bago pa malaman ng komander,’’ utos ni Lander kay Kim. Tatawid na sana si Lander nang mapansin niya na may sumusunod sa kaniya. Tiim bagang siyang napalingon dahil alam niya na si Vida iyon. “Hintayin mo ako. Hindi mo ko puwede iwanan dito at baka makita ako ng mga kalaban,’’ pakiusap ni Vida kay Lander. “Sabi ko tantanan mo na ako,’’ mariin na utos ni Lander kay Vida. “Puwede bang kahit isama mo na lang ako hanggang makarating tayo sa kalsada? Kabisado ko ang daan dito. Kaya, hindi ka mahihirapan na hanapin ang daan.” Wala ng nagawa si Lander kundi ang tanggapin ang alok ni Vida. Kung tutuusin puwede na niya itong patayin dahil sa pagtangka nito sa buhay niya, subalit hindi siya ganoon kasama. At parang may pumipigil sa kaniya na gawin iyon. Ang tingin niya kay Vida isang babae na mahina at walang kalaban-laban kapag pinatay niya ito ngayon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD