Chapter 4
Third POV
At Black Building
Naabutan ng kapatid ni Don Lucas ang nangyari sa Black Building na si Vida. “Cos'è successo qui, fratello? (Anong nangyari dito, Kuya?’’) tanong nito sa salitang Italian.
Nakita niya ang mga tauhan sa Black Building na ito na ngumingiwi sa sakit habang dinadala sa isang silid ng infirmary at ginagamot ng sarili nilang orthopedic. Galing pa siya sa Houston. Nabalitaan niya ang nangyari mula kay Capo; ang head security ng black building na ito.
“Vida, My dear Sister, Why are you here?” tanong ni Don Lucas sa kapatid nito na halos nag-alala na sa kaniya.
“Iyan lang ang itatanong mo sa akin? Paanong nangyari na naubos lahat ng mga tauhan ng Black Building na ito? Sinugod ba kayo ng mga kaaway? Saka bakit may nakasalin na dugo sa’yo? Ililipat kita ngayon sa Houston. Baka mamaya balikan kayo rito ng mga sumugod sa inyo.” Puno ng pag-alala ang mukha ni Vida para sa kapatid.
“Huwag ka mag-alala dahil ayos lang ako rito. Nakatakas ako sa kamay ng mga tauhan ng BON. Hahahaha…’’ tawa pa ni Don Lucas.
“At sila rin ang may gawa ng pagsugod dito?’’ problemadong tanong ni Vida. “Kapag nalaman ito ni Alessandro, tiyak na babalik iyon dito mula sa Pilipinas,’’ dugtong pa ni Vida.
“Tssst…Tssst… Huwag na huwag mong ipaalam kay Alessandro ang nangyari. Masisira ang mission niya sa Pilipinas,’’ babala ni Don Lucas kay Vida.
Ilang taon din sila nanirahan sa Pilipinas at may mga negosyo rin sila roon. Si Alessandro ang nag-iisang anak ni Don Lucas at ang namayapa nitong asawa.
“Hindi ang BON ang may kagagawan nito. Kundi ang isang gwapong doktor na nagligtas sa buhay ko.”
Nakunot ang noo ni Vida sa sinabi ng kaniyang kapatid. “Niligtas ang buhay mo? Tapos ganito ang kinalalagyan ng mga tauhan mo? Huwag mong sabihin isang tao lang ang nagpatumba sa tauhan mo, Kuya?’’
Tumawa ng malakas si Don Lucas. “Exactly, my dear sister. Isang doktor na akala mo walang alam sa pakikipaglaban. Gusto ko siya gawing personal doktor. Hindi dahil sa magaling siya sa pakikipaglaban, kundi dahil magaling siya na doktor. Mapo-protektahan niya ako sa mga kalaban at maging protektado ang organisasyon kapag sumanib siya sa atin.”
Hindi makapaniwala si Vida sa sinabing iyon ng kaniyang kapatid. Kahit man siya ay niintriga sa doktor na sinasabi ni Don Lucas.
“Ang tanong pumayag ba siya na maging doctor mo at sumanib sa atin?’’ tanong ni Vida kay Don Lucas at sinindihan ang sigarelyo nito.
“Iyon na nga ang problema. Tinanggihan niya ang alok ko,’’ sagot ni Don Lucas kay Vida.
“At kung hindi ako nagkamali pinigilan ni Capo ang taong iyon na huwag lumabas ng building na ito sa pamamagitan ng mga tao niya, kaya ganiyan ang nangyari? My God! Paano tayo pagkakatiwalaan niyan kung iisang tao lang napatumba ang mga security ng black building na ito?’’ Sunod-sunod ang paghithit ni Vida ng kaniyang sigarilyo at problemado talaga siya sa nangyayari.
“Baka isang banta sa atin ang lalaking iyon, Kuya. Saan siya nagta-trabaho?’’ Hindi mapakali sa kinauupuan niya si Vida.
“Huwag ka mag-alala dahil pinasundan ko na siya kay Romulo,” sagot ni Don Lucas, habang nakahiga ito sa kaniyang bed.
“Kung ganoon, ako na ang bahala sa lalaking iyon. Magpagaling ka na bago pa malaman ni Alessandro, na-kidnap ka ng BON,’’ saad ni Vida kay Don Lucas. Pinatay nito ang kaniyang sigarilyo at kinuha ang kaniyang cellphone.
“Huwag ka na makialam, Vida. Ako na ang bahala sa doktor na ‘yon.” Umiling-iling si Vida sa sinabing iyon ni Don Lucas.
“Magpagaling ka na at magpahinga, Kuya. Ako na ang tatapos sa lalaking iyon,’’ determinadong wika ni Vida kay Don Lucas.
“Sige, siguraduhin mo lang na hindi ka mapahamak. At dalhin mo sa akin ng buhay ang doktor na ‘yon.”
Pagkatapos sabihin iyon ni Don Lucas, umalis na si Vida.
Sakay ang sport car na itim at suot ang blazer na kulay itim bumalik siya sa Houston sa Gold Building. Habang sa biyahe siya tinawagan niya si Romulo ang head of security niya.
Agad naman na sumugod si Romulo sa tawag niyang iyon.
Nasundan niyo ba ang pinapasundang tao ni Kuya?’’
“Opo, Ma’am. Papunta po siya sa Houston,’’ sagot ni Romulo kay Vida.
Kunin mo ang plate number niya at ibigay sa akin upang malaman ko ang pangalan niya,’’ utos ni Vida kay Romulo. “Kunin mo siyang buhay at kung manlaban patayin niyo at ang pamilya niya. O sino man na malapit sa kaniya, nang sa ganoon mabawasan ang banta sa organisasyon,’’ walang alinlangan bilin ni Vida sa tauhan niya.
“Yes, Ma’am!’’
Naputol na ang usapan nila ng kaniyang tauhan. Ilang oras ang lumipas nakarating si Vida sa Houston sa gold building kung saan ito ang main branch ng security agency nila dito sa Amerika.
Nagtungo siya sa Gound Level 12 ng building o mas kilala ng lahat ng myembro ng security agency nila na GL12. Walang ibang nakakapunta sa lugar na iyon maliban lang kina Don Lucas, Alessandro at Head of Security ng black building at gold building.
Pagdating ni Vida sa GL12 pumasok siya sa isang bulletproof room kung saan nakalagay roon ang lahata ng impormasyon tungkol sa iba’t ibang organisasyon sa buong mundo.
Natanggap din ni Vida ang text message ni Romulo, tugkol sa plate number na pinapasundan niya.
“Robotic Memory, sabihin mo sa akin kung kanino nakapangalan ang plate number na ito.” Sinabi ni Vida sa robotic memory ang plate number. Ang Robotic Memory tanging si Vida lamang ang nakakapag-acces doon. Siya ang nakakaalam ng mga illegal na gawain ng mga umuupo sa gobyerno saan mang panig ng mundo. Gusto itong maagaw ng mga kalaban nila dahil lahat ng impormasyon nasa memory na iyon.
Napangiti si Vida nang sumagot ang robotic memory. “The Plate number is registered to Lander Diez.”
“Robotic Memory, sabihin mo sa akin ang pagkatao ni Lander Diez.” Muling utos ni Vida sa Robotic Memory.
“Lander Diez, 34 years old, graduated as a doctor and is training to be a general surgeon.” Napatango-tango si Vida sa sagot ng robotic memory sa kaniya.
“Robotic Memory, sabihin mo sa akin ang family member ni Lander Diez.’’ muling tanong ni Vida.
“Lander Diez, family name Mary Ann Monroe.” sagot ng robotic sa kaniya.
Nagtataka si Vida bakit isa lang ang myembro ng pamilya na sinabi ng Robotic Memory.
“Ano ang pangalan ng kaniyang ina?’’ muling tanong ni Vida.
“Error.’’
“Pangalang ng kaniyang ama?’’ muli niyang tanong.
“Error.’’
“Hayzz… wala siyang pamilya?’’ maktol na wika ni Vida. Nahampas niya pa ang upuan.
“Okay, Robotic memory, ibigay mo sa akin ang address ni Mary Ann Monroe.”
Pagkasabi ni Vida ay lumitaw sa pader ang address ni Mary Ann.
Ngumiti na umalis si Vida sa GL12. Tinawagan niya ang kaniyang tauhan na puntahan ang tiyahin ni Lander at gawin itong pain kay Lander kung sakali man na hindi sila magtagumpay na hulihin si Lander.
Umuwi si Vida sa kaniyang mansyon. Kung saan niya pingarap na mamuhay kasama ang kaniyang anak at ang lalaking mahal niya, subalit dahil sa trabaho niya pinili niya na ilayo sa piling niya ang kaniyang anak at ang ama nito. Bata pa lang kasi siya noong nabuntis siya at tanggapin ang posisyon bilang isang presidente ng kompanya. Simula nang ipinanganak niya ang sanggol ay iniwan niya na ito sa boyfriend niya at hindi na siya nagpakita pa. Mas gugustuhin niya pang lumayo sa mag-ama niya kaysa mapahamak ito sa banta ng kanilang ama noon.
Sa gitna ng vineyard niya ay naroon ang kaniyang mansyon. Dito siya umuuwi kapag gusto niya ng katahimikan.
Abala naman sa pagluluto si Mary Ann nang may nag-dorbell. Wala naman siyang inaasahang bisita dahil bukas pa si Lander at Angela pupunta sa kaniya.
Binuksan niya ang pinto at dalawang lalake ang nabungaran niya na may mga baril.
“Ma, sino ang bisita?’’ tanong ni Faye na katatapos lang maligo.”
Nagulat si Faye nang tutukan sila ng kaniyang ina ng baril ng dalawang armado.
“Manahimik kayo kung ayaw ninyong mamatay kaagad!’’ banta ng isang lalake sa kanila. May mga takip ang mga mukha nito.
Kabadong-kabado ang mag-iina dahil wala naman silang natandaan na may kaaway sila.
“Ano ang kailangan niyo sa amin?’’ kinakabahan na tanong ni Mary Ann. Pinaluhod sila ng dalawang lalake at ginapos silang mag-ina.
Nilagyan ng bosal ang kanilang labi upang hindi sila makasigaw. Tinawagan ng lalake si Vida upang ibalita na nasa bahay na sila ni Mary Ann.
“Ma’am, nandito na po kami sa bahay ni Mary Ann. Wala pa pong balita tungkol kay Lander. Naghihintay pa lang po kami ng tawag ni Sir Romulo."
“Magaling kung ganoon. Kapag hindi nagtagumpay ang mission patayin niyo lahat ng nasa loob ng bahay,’’ walang alinlangang utos ni Vida.
“Yes, Ma’am,” sagot ng tauhan ni Vida
“Nakita ba ang mukha ninyo?’’ muling tanong ni Vida sa tauhan nito.
“Hindi, Ma’am. Nakatakip ang mga mukha namin.’’
Bumuntong-hininga ng malalim si Vida bago siya nagsalita muli.
“Okay, dahil hindi naman nakita ang mukha ninyo. Huwag niyo na lang patayin. Basta siguraduhin ninyo na mahuli niyo ang doktor na ‘yon, maliwanag?’’ maawturidad na bilin ni Vida.
Pagkatapos nilang mag-usap ng tauhan niya nakatanggap ng tawag si Vida mula kay Antonio, ang kanang kamay ni Don Lucas.
“Bakit napatawag ka Antonio?” kampanteng tanong ni Vida habang naka-sunbathing siya sa swimming pool at naghihithit ng sigarilyo.
“Ma’am, abort the mission!” natatarantang utos ni Antonio kay Vida.
“At bakit? Kailangang mahuli ang doktor na iyon bago pa siya maging sakit sa ulo natin. Kill him, that’s my order!’’ Determinadong utos ni Vida kay Antonio.
Hindi na nakapagsalita pa si Antonio, nang p*****n siya ng linya ni Vida. Sa inis ni Vida tinawagan niya si Romulo.
“Ma’am, sabi ni Don Lucas. Huwag na po ituloy ang pagdakip sa doktor,’’ agad na sabi ni Romulo kay Vida.
“No! Sabihin mo sa mga tauhan mo na ituloy ang mission na dakpin si Lander Diez at patayin!’’
“Pero Ma’am-’’
Pinatay na ni Vida ang cellphone niya. Nakita niya ang ilang miscalls ni Don Lucas sa kaniya subalit hinagis niya sa swimming pool ang cellphone. Gusto niya mag-relax ngayon, kaya lumusong siya sa tubig at lumangoy.
Gusto niya maganda ang balita na ibabalita sa kaniya ng mga tauhan niya. Manhid na ang puso ni Vida sa pagpatay ng mga tao na gustong kumalaban sa kanila at gustong sumira ng organization o banta man sa organisasyon.