Episode 3

2711 Words
Chapter 3 Alvira Mula sa labas ng restaurant na pinagta-trabahuhan ko tanaw ko si Clyde. Kumaway ako sa kaniya. Tapos na rin ang trabaho ko, kaya balak ko pumunta sa bahay ng kaibigan kong si Angela. Lumabas ako upang salubungin si Clyde. Ang lawak ng mga ngiti nito sa labi. "Nagdala ako ng pagkain. Balak kong doon tayo kumain sa apartment na inuupahan mo," matamis niyang ngiti sa akin at inangat ang bitbit niyang supot. "Ano ka ba? Wrong timing ka naman. Pupunta ako ngayon sa condo unit ng kaibigan ko. Baka kasi dumating na ang kuya niya." Kinikilig pa ako habang sinasabi ko iyon kay Clyde. "Ikaw talaga. Paano 'yong nirito sa'yo ng Daddy mo? Ayaw mo ba kay Zyros?" Napairap ako kay Clyde, habang naglalakad na kami sa kalye. "Duh! Kaya nga ako tumakas kay Daddy, 'di ba? Alam mo sa ilang taon kong nanatili dito sa Amerika, pakiramdam ko para akong ibon na malayang-malaya sa kung ano man ang gagawin ko. Ang sarap pala maging malaya at mamuhay ng normal." Ginulo ni Clyde ang buhok ko at tumakbo. Hinabol ko tuloy siya at para kaming mga bata na naghahabulan. Nagtungo kami sa park. Malamig ang paligid namin dahil napapalibutan ito ng yello, ang kinain naman namin ang niluto niyang kamoteng kahoy. Mainit-init pa iyon at may kape rin siyang dala. Simula ng dumating ako sa Amerika, hindi ako pinabayaan ni Clyde. Siya ang nagbibigay sa akin ng pera noong wala pa akong trabaho. Ngayon kapag walang pasok nag-e-extra ako na tagalinis ng mga bahay ng mga Amerikano. Pinagpatuloy ko pa rin ang pag-aaral ko. Gusto ko ipakita kay Daddy na kaya ko magtapos na hindi kailangan ang pera niya at hindi kailangan ang mala-militar niyang patakaran sa buhay ko. "Siya nga pala may ibibigay ako sa'yo," wika ni Clyde at may dinukot siya sa kaniyang bag. "Ano na naman 'yan?" tanong ko sa kaniya habang kumakain ako ng kamoteng kahoy. Inabot niya sa akin ang isang maliit na flash drive. "Ano naman 'to?" nagtataka kong tanong sa kaniya. "Kahit anong mangyari huwag mo iwawala 'yan at ibigay sa kahit sino. Huwag na huwag mong iwawala 'yan, Alvira." Mariin niyang bilin sa akin. Para bang ang seryoso niya at mahalaga ang bagay na ito sa kaniya. "Ano ba ito? Ano ang nakalagay rito?" "Huwag mo na alamin pa. Basta ipangako mo sa akin ano man ang mangyari huwag mong ibigay iyan sa kahit kanino. Pwede mo iyan ibigay sa mataas na opisyal ng Amerika o ng Pilipinas, pero hindi lahat ay mapagkakatiwalaan. Ginugol ko ang panahon ko riyan, kaya hindi sana mauwi sa wala ang lahat." Nagtataka man ako sa sinabing iyon ni Clyde, subalit itinaas ko na lang ang kaliwang palad ko at nanumpa sa kaniya. "Promise, iingatan ko ito. Bawas bawasan ko na kaya ang magkape. Para kasing ninirbyos ako sa'yo." Pareho kaming natawa sa sinabi kong iyon. Isang oras lang kami nanatili sa park. Nagpaalam na siyang umalis. Wala akong alam na ibang trabaho ni Clyde. Basta ang alam ko lang para siyang importante ng mga pulis dito sa Amerika. Bihira lang din siya dumalaw sa akin. Kahit number niya nga paiba-iba. Umuwi na ako sa Apartment at nagbihis. Kinansela ko ang paglilinis ko ng bahay nang sabihin ni Angela kanina na darating ang kuya niya ngayong araw. Excited na ako makita si Lander. Una ko pa lang siya na nakita noon nahulog na kaagad ang loob ko sa kaniya. Matagal ko na siyang crush, subalit napakaseryoso niya at napakamistersoyoso. 'Yong hindi mo malalaman kung ano ang nasa isip niya. Pagdating ko sa Apartment nagbihis na ako. Inilagay ko sa cabinet ko ang flash drive na ibinigay ni Clyde, saka lumabas na ako ng apartment. Nagpara na ako ng taxi at nagpahatid sa condo unit ng kaibigan kong si Angela. Hapon na at siguro naman nariyan na si Lander. Pagdating sa ibaba ng building dali-dali na akong pumasok. Hindi ko na tinawagan si Angela. Sanay naman kasi siya sa akin na bigla na lang ako sumusulpot. Nagtungo na agad ako sa elevator. Pagpindot ko ng button bumukas kaagad ang elevator. Pumasok na ako at pinindot ang 10th floor. Pangiti-ngiti ako habang umaandar na ang elevator. Excited na talaga akong makita si Lander. Pagdating ko sa 10th floor patalon-talon akong nagtungo sa unit nila Angela. Bumuntong-hininga muna ako ng malalim bago ako nag-doorbell. Inaasahan ko na sana si Lander ang magbukas ng pintuan. Ilang sandali pa bumukas na ang pinto. Makisig na lalake na nakasuot ng puting t-shirt na round neck ang bumukas sa akin. Hayzzz… Para akong dinuduyan sa ulap nang makita ko si Lander. My wish was granted. "What are you doing here?" Hayzzz… Malamig na tanong niya kaagad ang sumalubong sa akin. "Hi, nandyan si Angela?" kimi kong tanong sa kaniya. Tumalikod lang siya at iniwang bukas ang pintuan. Kahit kailan talaga napakasungit niya. Pumasok na lang ako at ako na ang nagsara ng pintuan. Nakaupo naman si Angela at tipid lang ito na kumaway sa akin. Sa tabi niya may isang matandang lalake. Parang may nagaganap dahil nakapamewang na humarap sa kaniya si Lander. "Ipasok mo muna sa silid ang matanda, Angela." Malamig na utos ni Lander sa kapatid niya. Tumayo naman si Angela at inakay ang matanda patungo sa isang silid. Naupo si Lander sa sofa at sinalinan ng alak sa kopita. Dahan-dahan akong lumapit at umupo sa tabi ni Lander, pero malayo naman ang distansya namin. "Kailan ka dumating, Lander? Ito may dala akong kamoteng kahoy," sabay abot ko sa kaniya ng paper bag na may lamang tupperware na sinidlan ko ng sobrang kamoteng kahoy na dala ni Clyde sa akin kanina. Hindi man lang talaga siya umimik. Ang sungit talaga niya. Hmmmppp… Ma in-love din siya sa akin. Inilapag ko na lamang iyon sa lamesa. Ilang saglit pa bumalik si Angela at naupo sa isahang upuan. Ininom ni Lander ang alak na nasa kopita at masakit na tumingin kay Angela. Gumagalaw pa ang panga nito. "Ilang araw na ang matanda rito sa condo, Angela?" Nakakatakot naman siya kung makatanong sa kapatid niya. "Isang linggo pa lang naman, Kuya," humahabang nguso na sagot ni Angela. Bumaling naman ng masakit na tingin si Lander sa akin. "At ikaw, alam mo ba na nag-ampon ng pulubi ang kaibigan mo?" Agad akong umiling-iling sa tanong ni Lander sa akin. Parang gusto niya kasi alamin kung kasabwat ako sa kalokohan ng kapatid niya. Malay ko ba mahilig mag-ampon ang kapatid niyang iyan ng pulubi. "Hindi ko po alam. Last month pa po ako pumunta rito." Umiling-iling si Lander sa sagot ko sa kaniya. "What kind of a friend you are?" mahina niyang sabi subalit narinig ko iyon. Umawang ang labi ko at hindi makapaniwala na masasabi niya iyon. Ano kaya ang gusto niya sa isang babae? Maganda naman ako. Sexy, matalino at magaling mag-prito ng itlog "Angela, saan mo kinuha ang matanda na dinala mo rito?" muli niyang tanong kay Angela. "Sa kalye, Kuya. Alangan naman sa home for the agent?" Napatango-tango ako sa sagot na iyon ni Angela sa kaniyang Kuya. Tama nga naman, sa kalye naman talaga ang mga pulubi. Pareho kaming nagulat ni Angela nang hampasin ni Lander ang lamesa. Nakakuyom ang mga kamao niya na halos hindi makapaniwala sa sagot ni Angela sa kaniya. "Huwag mo akong pilusupuhin, Angela. Seryoso akong nagtatanong sa'yo, kaya sumeryoso ka. Kapag lagi kang ganiyan hindi kita isasama sa Pilipinas kapag umuwi ako roon." Nakakatakot magalit itong si Lander. Kulang na lang pagpira-pirasuhin niya si Angela. "Kawawa kasi siya, Kuya. Naaarawan siya sa kalye at nababasa. Matanda na siya, kaya dapat may nagpapakain sa kaniya at nag-aalaga." Mabuti pa talaga itong kaibigan ko. May puso at maalalahanin, kaya nga siguro magkasundo kami. Hindi katulad kay Lander na ang sungit. "Huwag mo na pagalitan ang kaibigan ko, Lander. Kawawa nga naman ang matanda. Ayaw mo ba 'yon nagkawang-gawa ang kapatid mo?" Binalingan ako ng masakit na tingin ni Lander. "Tumahimik ka riyan. Hindi ko alam paano kayo naging magkaibigan. Ahh… Dahil napaka-kunsintidor mong kaibigan, marahil. Tutal, sa tingin mo na tama naman ang ginawa ng kaibigan mo, bakit hindi mo na lang kunin ang matanda at iuwi sa inyo?" mapang-uyam niyang sabi sa akin. "Ha? Busy ako. Walang mag-aalaga sa kaniya sa bahay." "Tsss…" inirapan niya ako at bumaling kay Angela. "Alam mo ba na may mga allowance ang mga 'yan sa gobyerno ng Amerika? Lahat ng pulubi rito may natatanggap na pensyon mula sa gobyerno. Bakit ba basta-basta ka na lang kumukuha ng tao sa kalye? Darating ang mga nasa home of the agent, ibigay mo sa kanila ang matanda." Tumango-tango si Angela sa utos na iyon ng kaniyang Kuya. Tumayo si Lander dala ang bote ng alak at nagtungo sa kaniyang silid. Agad naman ako lumapit kay Angela at nagyakapan kami. Na miss na rin namin ang isa't isa kahit noong isang linggo lang ako galing dito. Naalala ko noong high school kami akala ko masungit siya, pero hindi naman pala. Naging magkaibigan kami at pareho lang kami pihikan pagdating sa pakikipagkaibigan. Hanggang dinala niya ako noon sa bahay nila at ipinakilala sa mga kamag-anak niya at kay Lander. Wala ng gabi na hindi ko iisipin si Lander. "Bakit naman kasi nagdala ka ng pulubi rito? Nagalit tuloy ang Kuya mo." Tinaasan niya ako ng kabila niyang kilay sa sinabi ko. "Sa akin ka ba talaga concern o kay Kuya? Alam mo kung ako sa'yo tigilan mo ang pagpapantasya mo sa kaniya dahil balita ko ikakasal na siya." Parang kulog sa pandinig ko ang sinabing iyon ni Angela. "No, bawiin mo 'yang sinabi mo. Wala siyang girlfriend, 'di ba? Paano kung ikakasal na siya, best? Paano na ako?" Tumawa ang loka dahil mangiyak-ngiyak na ako. Ayaw ko mabigo sa pag-ibig ko kay Lander. Gagawin ko ang lahat mapasa-akin lang siya. "Hahaha… Biro lang! Wala pa sa isip ni Kuya ang mag-asawa, noh? Gusto niya pa tapusin ang pagte-training niya ng surgeon tapos lilipat na siya rito sa Hauston." Muntik ko na siyang nabatukan sa ginawa niyang iyon. "Gaga ka, huwag ka magbiro ng ganiyan, ha? Hayssz! Inaatake tuloy ako sa puso. Alam mo bang balak kong pikutin ang kuya mo. Tulungan mo nga ako, kung paano ko mapikot ang Kuya mo." Tumawa si Angela sa sinabi kong iyon. "Ano ba 'yong nagustuhan mo kay Kuya? 'Yong pagka-cold niya?" Kibit-balikat lang ang sagot ko kay Angela. "Ang totoo lahat sa pagkatao niya ang nagustuhan ko. Kaya, sige na. Ilakad mo na naman ako sa Kuya mo." "Sira! Kahit ilakad kita sa kaniya, hindi ka pa rin magugustuhan non. Bakla kaya 'yan si Kuya," wika ni Angela at tumayo ito. "Mabuti pa, samahan mo na lang ako magprito ng hotdog, para may ipalaman tayo sa tinapay," saad nito at nagtungo na sa kusina. Malalim ako nagbuntong-hininga at saglit sinulyapan ang silid ni Lander. Kailan ko kaya masilayan ang mga ngiti niya sa labi? Kahit minsan hindi ko pa nasisilayan ang mga ngiti niya sa labi kahit noong graduation namin ni Angela ng Sr high school, hindi man lang siya ngumingiti sa kapatid niya. Matanda ako kay Angela ng ilang taon. Naging magka-klase kami sa jr high school dito sa Amerika pati na sa Sr high school. Ilang taon din akong huminto sa pag-aaral. Pitong taon naman ang tanda ni Lander sa akin. Tumayo na lamang ako at sumunod kay Angela sa Kusina. Hinahanda niya na ang hotdog upang prituhin. Kumuha naman ako ng apat na tinapay at inilagay ko sa plato. "Tatlo lang ang kunin mo dahil hindi naman 'yan kakain si Kuya." Hindi ko pinansin ang sinabi ni Angela. "Kakain 'yan kapag ako ang nagbigay. Hayaan mo na bigyan ko ang Kuya mo. Ayaw mo ba ako maging hipag?" Tumawa siya sa sinabi kong iyon. Seryoso naman ako sa tanong ko sa kaniya. "Syempre, gustong-gusto. Kaso nga lang, ang tanong kung gusto ka ba ni Kuya?' Humagikhik pa siya ng tawa. Haysss… Kaloka talaga itong sa Angela. Napapailing na lang ako at ipinagpatuloy ang ginagawa ko. Kumuha rin ako ng apat na itlog sa fridge para naman mas sumarap pa ang tinapay. Piprito ko iyon pagkatapos ni Angela mag-prito ng hotdog. Lumipas ang ilang minuto nakahanda na ang tinapay. Nilagay ko na ang isang piraso sa platito para dalhin ko kay Lander. Dinala naman ni Angela ang isa sa matanda. Inayos ko muna ang buhok ko at damit ko bago ako kumatok sa pintuan ni Lander. Nakailang katok pa ako bago ito bumukas. "What do you want?" malamig niyang taong ng buksan niya ang pinto. Napaawang ang mga labi ko nang makita ang hubad niyang katawan sa itaas. Nakatapis siya ng tuwalya sa pang-ibabang bahagi ng kaniyang katawan. Napakagat labi ako nang makita na may bumubukol sa harap niya na tinatakpan ng tuwalya. Mula sa mga braso niya hanggang sa kaniyang tiyan halos magpuputukan ang mga muscles niya. Parang gusto ko tuloy mahimatay habang iniisip na niyayakap niya ako at hinahalikan ang aking labi. Gusto kong pisilin ang mga muscles niya. Lalo na ang bumubukol sa kaniyang harapan. Tumikhim siya, kaya bumalik ako sa aking huwisyo. "A-ano kasi, dinalhan kita nitong tinapay. Kainin mo, lalo ka magkaroon ng muscles niyan, ah este, ibig kong sabihin baka gutom ka," natataranta kong sagot sa kaniya. "Busog ako. Ano oras ka uuwi?" malamig niyang tanong sa akin. Tumalikod siya at kinuha ang t-shirt sa itaas ng kaniyang kama. "Bakit, ikakama mo ba ako? Este, ihahatid mo ba ako?" Gusto ko tuloy magtago sa ilalim ng kama sa klase ng tanong kong iyon sa kaniya. "Alvira, umayos ka. Kailangan desente ka kapag kaharap mo si Lander," bulong ng kabila kong isip. Sinamaan niya ako ng tingin. "Wala kang matutulugan rito, kaya umuwi ka na." Napakibot ako ng labi sa sinabi niyang iyon. "Tabi naman kami ni Angela," sagot ko at hindi na ako nahiya pumasok sa silid niya. Dito rin naman kasi ako natutulog sa silid niyang ito kapag gusto ko samahan si Angela rito sa condo. Inilapag ko ang plato na may tinapay sa side table at nais kong akitin si Lander. Marahil desperada na ako na mahulog siya sa akin. "Pero kung gusto mo, dito ako matulog katabi mo," mapang-akit kong wika sa kaniya habang ang mga daliri ko nasa likuran niya. Bigla na lang siya humarap at siniil ako ng halik sa labi. "Alvira, hali ka na!" Nagulat ako sa boses ni Angela. Imagination ko lang pala na hinahalikan ako ni Lander at pumasok ako sa silid niya. "Iiwanan ko na itong pagkain mo. Ubusin mo ito, ha?" Dali-dali kong inilapag sa side table na malapit sa pintuan ang dala kong pagkain. Kahit gaano ko pa siguro kagusto si Lander hindi ko magagawa yong imagination ko kanina. Yay, nakakahiya. Nasa labas na ako ng pintuan at nakatalikod nang magsalita siya. "Sa'yo ba 'yong bra at panty na nakasampay sa banyo?" Biglang tumigil ang oras ko nang marinig ko ang tanong na iyon ni Lander. Ang totoo kasi noong nakaraang linggo dito ako natulog, pero hindi ko talaga alam ang tungkol sa pulubi. Hindi ko alam kung lilingunin ko ba si Lander o sabihin ko na lang kay Angela iyon. "Hi-hindi sa akin 'yon. Baka kay Angela," nakatalikod kong sagot kay Lander at dali-dali na ako nagtungo sa living area. Parang pinagpapawisan yata ako. Bakit ba kasi nakalaimutan ko ang panty ko na kunin doon? Hayzzz… Mamaya maturn off sa akin si Lander at sabihin na burara ako. "Anong nangyari sa'yo? Bakit namumula ka?" puna ni Angela sa akin at binuksan ang tv. Hindi na ako nakasagot nang biglang magsalita ai Lander. "Sa'yo ba itong panty na may paro-paro, Angela?" Patay na. Sabay kaming napatingin ni Angela kay Lander. Wow, ha! Itinaas niya pa talaga ang panty ko na nakahanger. Nagkatinginan naman kami ni Angela. Pinatay ko na lang ang hiya ko at para akong robot na tumayo at humarap kay Lander. Kinuha ko ang panty ko na hawak niya at para akong robot na tinanggal iyon sa hanger at isiniksik sa bulsa ko. "Uwi na ako." Humakbang na ako patungo sa pintuan. Narinig ko naman ang pigil na pagtawa ni Angela. Hiyang-hiya ako at gusto ko magtago kay Lander. Pagbukas ko ng condo sakto na may mga lalaking nakatayo sa pintuan. Parang mga armado ang mga ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD