Episode 2

2721 Words
Chapter 2 Lander After how many years Naglalakad ako sa kahabaan ng kalye sa Tenessee nang may narinig akong putok ng baril. Naghahanap lang ako ng bukas na restaurant. Katatapos lang ng Duty ko sa Macarriot Hospital, bilang doctor. Nagte-training ako ng General Surgical. Isang buwan na lang ganap na akong General Surgeon. At least natupad ko man lang ang pangarap ng kaibigan ko na maging doctor. Architecture naman talaga ang gusto ko, subalit sa isang iglap nagbago ang kapalaran at gusto ko. Tanaw ko ang isang matandang lalake na marahil nasa animnaput limang taong gulang na ang edad nito kung hindi ako nagkakamali. Parang lasing ito kung maglalakad at parang may tinatakasan. Nang medyo malapit na siya sa akin nakita ko na may sugat siya sa kaniyang bewang. Sa hindi kalayuan naman nakita ko ang apat na lalake na kung hindi ako nagkakamali siya ang mga pakay ng mga ito. “Ayon siya! Bilisan niyo, habulin natin!’’ sigaw ng isa sa lengwaheng English. Hangos na tumatakbo ang matanda sa kinaroroonan ko. Madilim na sa parte ng kinaroroonan ko, kaya hindi ako nito nakikita. Nagkoble ako sa malaking poste. Nang malapit na ang matanda sa akin nakita ko naman na handa na siyang barilin ng isa. Nang dumaan siya sa kinaroroonan ko agad ko siyang hinablot sa braso at agad na tinakpan ang kaniyang labi. Ikinubli ko siya sa malaking poste na pinagkoblihan ko. “Huwag ka maingay,’’ wika ko sa kaniya at dahan-dahan na tinanggal ang kamay ko sa kaniyang labi. Humahangos siya at iniinda ang sakit ng sugat sa kaniyang giliran. Ilang sandali pa dumaan ang mga lalake. “Saan na? Hayop na ‘yan! Tiyak malalagot tayo kay boss kapag hindi natin siya napatay. At siguradong katapusan na rin ng organisasyon,’’ narinig kong sabi ng isa. Humahangos din sila sa pagtakbo marahil sa kahahabol nila sa matanda. “Tara, baka doon siya nagtungo!’’ yaya naman ng isa at itinuro ang nasa unahan nito. “Ahhh… It’s hurt,’’ daing ng matanda. Hindi ko alam kung Americano siya o ibang lahi. Lumapit ako sa kaniya at gamit ng aking cellphone inilawan ko ang sugat niya. “You lost a lot of blood in your body. I have to take you to the hospital,” sabi ko at akmang bubuhatin ko n asana siya, subalit pinigilan niya ako. “Don’t please. Take me to black building in Minphes. That's where place that I am safe,’’ hirap na boses niyang utos sa akin. Paano ko naman siya madadala roon, eh nasa parking lot ng hospital ang sasakyan ko? “If I go back to the parking lot of my car. Maybe when I come back you'll be dead. It’s better I take you to the hospital,’’ wika ko at binuhat ko siya. “Azzz… Bring me down. I will die even more if you take me to the hospital. Ouch stupid boy.’’ Natigil ako sa paglakad at umangat ang gilid ng labi ko nang marinig ang huli niyang sinabi. Sira ulo rin pala ang matandang ito. Ako na nga ang tumulong sa kaniya ako pa ang sasabihan niyang tanga? “Hayyzzz… You are stubborn, Sir.’’ Wala akong magawa kundi ibaba muna siya upang tingnan ang sugat niya. “Do you have a cellphone?’’ tanong nito sa akin na halatang nahihirapan na magsalita. “Sorry but I forgot my phone. Don’t move and I will check your wound,’’ utos ko sa kaniya at pinunit ang damit niya sa bandang sugat niya. “Ahhzzz… Stupido, you walking here without a cellphone? How can we ask for help? Ouchh…’’ Napakamot na lang ako sa aking batok sa matandang ito. “Hayzzz… Sira ulo ka ring matanda ka. Tinulungan na nga kita ang dami mo pang demand. Kapag ako nainis sa’yo iiwanan kita rito at kapag makasalubong ko ang mga humahabol sa’yo sasabihin ko na nandito ka,’’ naiinis kong sabi sa mahinahong boses ngunit sa salitang tagalog. Hindi niya naman maiintindihan ang sinabi ko. Hindi naman siya umimik at hinahayaan niya lang ako sa ginagawa kong pagtingin sa giliran niya. “You need surgery, Sir to remove the bullet from your body,’’ wika ko sa kaniya. Pinunit ko muna ang laylayan ng kaniyang damit at itinali iyon sa sugat niya upang hindi gaanong lumabas ang dugo. “That why you need to bring me in Memphis,’’ muli niyang utos sa akin. Kapag nanatili kami sa lugar na ito lalo lang siya mawalan ng dugo at magiging piligro ang buhay niya. Mabuti na lang may dumaan na taxi, kaya agad koi yon ipinara. Binuhay ko ang matanda at isinakay. “What happen to him, Sir?’’ tanong ng driver sa akin. “Take us to Minphes at black building,’’ wika ko sa driver. Hindi ko sinagot ang tanong niya. “That’s far from here,’’ reklamo ng driver subalit pinatakbo niya na ang sasakyan. “I don’t care. Do you have a knife?’’ tanong ko sa driver habang nakatingin ako sa matanda. “No, but I have a blade,’’ sagot nito sa akin. “Give it to me, hurry up. I need to remove the bullet to his body,’’ utos ko sa driver. Namumutla na ang matanda at kapag hindi ko natanggal ang bala na iyon sa katawan niya tiyak na hindi na siya makaabot pa sa black building. “Here, Sir,’’ sabay abot sa akin ng driver ng blade. “Tinapik ko ang pisngi ng matanda. “Sir, don't sleep if you want to reach in black building alive,’’ sabi ko sa matanda. “I don’t sleep. It hurts because you tied my waist tightly Stupid!’’ reklamo niya sa akin. “Hayzz… Mga matatanda talaga. Para lang naman sa kapakanan mo ang ginagawa ko. Hindi na sana kita tinulungan,’’ wika ko sa kaniya at alam ko hindi niya iyon nauunawaan. Bumaling ako sa driver. “Do you have alcohol, Sir?” tanong ko sa driver. “I do’t have, Sir. But I have wisky.’’ Nabuhayan ako ng loob sa sagot ng driver sa akin. At least may alcohol din ang wisky. “Give it to me,’’ utos ko sa driver. Binigay ng driver ang isang bote ng wisky sa akin. May kalahating laman pa iyon. “Drink this, Sir,’’ utos ko sa matanda. Sinamaan niya ako ng tingin. “Do you want me to die?’’ Hayzzz… Napakasuplado niya. Ang tigas pa ng ulo. “Paghindi mo ito inumin ipukpok ko na lang ito sa ulo mo,’’ panlilibak ko sa kaniya. “Drink this, Sir!’’ napipikon kong utos sa kaniya. Maiksi lang ang pasensya ko sa mga pasyente na matitigas ang ulo. Wala siyang ginawa kundi kinuha sa akin ang alak saka ininom. Umapaw pa ang iba sa bunganga niya. Kinuha ko ang bote ng alak sa kaniya at ibinuhos sa sugat niya ang natirang laman. Napasigaw siya sa sobrang sakit. Hinubad ko ang jacket ko at ibinusal iyon sa bunganga niya. “Be kind and don't move if you want to live. But if you want to die, go ahead and make noise,” saad ko sa kaniya. Tinanggal ko ang pagkabuhol ng tali niya at inangat ang damit niya. Bumaling ako sa driver na halatang may takot. “Sir, just keep driving until we reach in black building,’’ wika ko sa driver. Tumango-tango lang ito. Ang matanda naman hindi makapagsalita dahil sa busal na nilagay ko sa kaniyang bunganga. “Muli kong binuhusan ng alcohol ang sugat niya hiniwa ng malalim ang sugat niya. Mabuti naibulsa ko ang dressing forceps na ginamit ko kanina sa paggamot ng isang pasyente na may sugat sa ulo. Lalong lumakas ang sigaw ng matanda nang hiwain ko ang sugat niya. Subalit hindi iyon gaanong nakabulabog dahil may busal siya sa kaniyang bunganga. Tinanggal ko ang bala sa kaniyang katawan gamit ang dressing forcepts. “I got it!’’ sabi ko at pinunit ko ang damit niya para gawing pantali sa sugat niya. Kailangan kaagad matahi iyon at malinisan upang hindi ma-infection. Kailangan niya rin salinan ng dugo dahil marami ang nawalang dugo sa katawan niya. Tinanggal ko ang busal sa labi niya. “Damn you, how did you do that?’’ mahina niyang tanong sa akin. “I’am a doctor. And next time I won’t help you!’’ saad ko sa kaniya. “Ahhh… You stupid. You will be my private doctor from now on,’’ demanding nitong utos sa akin. Natawa na lang ako ng pagak sa sinabi nito. Hindi na ako umimik pa at baka ano pa ang masabi ko sa kaniya. Ilang sandali pa nakarating kami sa Minphes sa Black building. Puno ng security ang lugar. “Help me to get our here,’’ sabi ng matanda sa akin matapos kong bayaran ang taxi driver. Inalayayan ko siyang bumaba. Sa entrance pa lang nagulat ang mga nagbabantay nang makita ang matanda. “Tawagan niyo ang infirmary department na agad magpadala ng emergency bed sa Entrance, bilis!’’ sabi ng isang lalake na security. Subalit hindi sila basta security guard lang. Itim ang uniforme nila na may nakasulat na KOW sa kanang bahagi ng dibdib sa damit nila. “Chairman, mabuti ligtas ka!’’ nag-alalang sabi ng isa. “Azzz… Hindi pa ako puwedeng mamatay,’’ sabi ng matanda sa tauhan niya. “Nagtatagalog ka?’’ gulat kong tanong nang magsalita siya ng tagalog. Ngumiti lang siya sa akin ng nakakauyam. Hayzzz… Ibig sabihin naintindihan niya ang panlilibak ko sa kaniya kanina. “Chairman, anong nangyari sa’yo? Nag-alala si Boss sa’yo,’’ wika ng isa pang matanda. Ilang sandali pa nariyan na ang bed. Agad na inihiga roon ang matanda at ipinasok nila ito sa loob. Naiwan ako sa labas habang pinagmamasdan ang building na ito na halos itim ang kulay ng glass. “Papasukin niyo siya dahil siya ang doctor ko!’’ narinig kong utos ng matanda sa mga tauhan niya. “Hoy, pasok ka na raw!’’ maangas na wika ng isang security. Tinaasan ko lang siya ng gilid ng aking labi. Hindi ko alam kung anong lugar ito subalit ang mga tao rito para kang lunuking buhay kung makatingin sa’yo. Parang halos nagta-trabaho rito mga Filipino. Kahit ang mga babae na empleyado parang hindi normal ang tingin sa akin. Hinabol ko na lamang ang matanda at dinala nila ito sa infirmary section. “Siguraduhin mong mabuhay ang chairman dahil hindi ka makakalabas ng buhay rito,’’ sabi ng lalake sa akin na nagbukas ng pinto. Pumapagting ang tainga ko sa mga taong nanakot sa akin. Sinulyapan ko siya ng masamang tingin at pumasok sa loob. Marahil akala nila hindi ako Filipino dahil palagi akong napagkakamalan na ibang lahi. May lahi talaga kaming banyaga. Ang sabi ni Mama ang ama niya ay isang Italiano. Anak siya sa pagkadalaga ni Lola. Binilisan ko ang pagtahi sa sugat ng matanda dahil uuwi pa ako sa condo unit namin ni Angela Washington Dc. Isang beses lang ako umuuwi sa loob ng isang buwan sa condo unit na binili ko para sa amin ni Angela dahil malayo itong pinapasukan ko. Mabuti may sariling dorm ang hospital at kapag natapos ko na ang training ko lilipat na ako sa Washington, para malapit na ako sa kapatid ko. Nakaka-miss na rin ang kakulitan ng kapatid kong iyon. Matapos kong tahiin at lagyan ng gasa ang sugat ng matanda isinulat ko sa papel ang mga gamot na dapat niyang inumin. “Ito ang mga gamot na dapat mong inumin, Sir. Nang sa ganoon mabilis kang maka-recover,’’ wika ko sa kaniya. Agad ko rin siyang sinalinan ng dugo. Mabuti at kompleto ang infirmary nila at may stock din sila ng dugo na naka-match sa pasyente. Kaya, pagpasok ko kanina ay nilagyan ko na siya ng dextrose at sinalinan ng dugo bago tahiin ang sugat niya. “Salamat sa pagligtas mo sa akin. Gusto kita maging private doctor ko,’’ nakangiti niyang sabi sa akin habang ang mga tauhan niya para akong kinikilatis. “Sorry, Sir. Hindi na ako tumatanggap ng pasyente na matigas ang ulo. Sige at may pupuntahan pa ako,’’ paalam ko na sa kaniya. Kinuha ko ang jacket ko at isinuot. Tumalikod na ako nang marinig ko ang tawa ng matanda na parang demonyo. Hindi ko alam kung nababaliw ba siya. Bahala nga siya sa buhay niya. “Hahahaha… Akala siguro ng lalaking iyon matatalo niya ako at mapapatay,’’ narinig kong sabi ng matanda sa mga tauhan niya. Napapailing na lang ako at lumabas ng infirmary. Subalit sa paglabas ko may mga humarang sa akin. “Pumasok ka sa lugar na ito, akala mo ba makakabas ka ng buhay rito?’’ wika ng isa. Pinagbabantaan ako nito. Mukhang pumasok yata ako sa isang kuweba na maraming lobo na handang salakayin ako at lapain. “Please, ayaw ko mapagod at malayo pa ang uuwian ko,’’ sabi ko at tumuloy sa paglakad. Napahinto ako nang may humawak sa balikat ko. “Hoy, kinakausap ka ng head of scecurity, kaya huwag mo talikuran!’’ wika naman ng isa. Diniinan niya ang paghawak sa blikat ko. “I’m warning you, bitawan mo ako,’’ wika ko sa mahinahon pa ring boses. “Sira ulo pala ito, Sir!’’ wika nito habang nakatalikod ako. Nakita ko sa salamin ang galaw niya. Susuntukin niya sana ako subalit nahawakan ko ang kamay niya sa aking balikat at binali iyon. “Ahh! Ahh! Ang sakit!’’ sigaw niya. Binitiwan ko siya ng pahagis, kaya namilipit siyang nakahiga sa tiles. Sinugod ako ng isa subalit sinipa ko iyon sa paa at kampanting naglalakad. Sinugod uli ako ng iba at para silang damo sa pakiramdam ko na hinahawi ko lang sa daanan ko. Lahat ng mga sumugod sa akin napatumba ko. Nakatingin ako sa ibaba at maraming nag-aabang sa akin. Kaya, bumaling ako sa head of security na hindi makapaniwalang naitumba ko lahat ng mga tao niya. “Utusan mo ang mga tao mo na padaanin ako kung ayaw mong masaktan silang lahat!’’ mahinahon kong utos sa head of security. Pinindot niya ang earphone niya at nagsalita. “Huwag niyong palabasin ang lalaking ito!’’ utos niya sa mga tauhan niya na nasa ibaba. Nasa second floor kasi ang infirmary. “Hayzzz… Pareho talaga kayo ng amo niyo na matigas din ang ulo. Walang sisihan kapag nasaktan kayong lahat,” second warning ko sa kaniya at kampante kong pinindot ang bottun ng elevator. Mapagod lang ako kapag sa hagdan pa ako dumaan. Ang mga tauhan niya na humarang sa akin kanina ay namimilipit ng sakit sa kanilang katawan. “Tumawag ka ng orthopedic para magamot ang pilay nila,’’ wika ko sa head of security at ngumisi sa kaniya ng nakakaloko bago ako sumakay ng elevator. Saktong pagbaba ko sa elevator nakaabang na ang mga kalalakihan. “Palabasin niyo ako rito ng maayos kung ayaw niyong lahat pumunta sa orthopedic,’’ gigil na wika ko sa lengwaheng english, subalit hindi ko pinapahalata na naiinis na ako. “Dakpin niyo siya!’’ utos ng Head of Security. Ang tigas talaga ng ulo ang kumag na ito. Sinugod ako ng mga tauhan niya subalit kahit isa sa kanila hindi ako tinamaan. Bagkos bagsak silang lahat sa sahig at bali ang mga buto. Nang dalawa na lang ang natira sa pintuan parang naduduwag na tumingin ako sa itaas. Namumutla ang head of security na halos hindi makapaniwla na napatumba ko ang labing lima niyang tauhan sa ibaba at sampo sa itaas. “Binalaan na kita,’’ saad ko at tiningnan ko siya ng masakit. “What happen?” tanong ng matanda na akay-akay ang dextrose nito. Hayzz… Ang tigas ng ulo. Sinabi na ngang magpahinga siya, pero bumangon pa rin. Nagmana talaga sa kaniya ang mga tauhan niya. Napapailing na lang ako na nagtungo sa entrance. Atras abante naman ang dalawa na nakabantay roon. Yuyuko lang sana ako upang itali ang sintas ng sapatos ko ng magtakbuhan ang dalawa. “Hindi po kami lalaban!’’ narinig ko pang sabi ng isa at kumaripas na ng takbo. Narinig ko rin ang tawa ng matanda. “Hahaha… Anong nangyari sa’yo Cabo? Isang doktor napatumba lahat ng tauhan mo? Ngayon lang yata nangyari ito sa atin? Hahahaha…’’ Papalayo na ang boses ng matanda marahil bumalik na ito sa loob ng infirmary. Yumuko ako upang isintas ang sapatos ko pagkatapos ay lumingon sa mga sumalakay sa akin. Iniinda nila ang sakit ng katawan nila. Itinutok ko ang dalawa kong daliri sa aking mga mata at itinuro din iyon sa kinaroroonan ng head of security. Lumabas na ako ng building na iyon at nagpara ng taxi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD