Chapter 1
Lander
"Kuya, hindi na ba babalik si Mommy?" umiiyak na tanong sa akin ng aking kapatid na si Angela. Limang taon gulang siya at ako naman labing apat na taong gulang.
Narito kami sa Tita namin sa America. Dito kami dinala ni Daddy nang mamatay si Mommy dahil may um-ambush sa bahay namin sa Pilipinas.
"Hindi na babalik si Mommy, Angela. Nasa heaven na siya kasama ang mga anghel. Ayaw ni Mommy na umiiyak ka, kaya tahan na," lambing ko sa kaniya habang nakahiga kami sa kama. Kinakamot ko ang kaniyang likuran upang makatulog siya.
Sa mura kong edad gusto kong bumalik sa Maynila at patayin ang sino man pumatay kay Mommy. Subalit isang secreto ang narinig ko tungkol sa aming ina.
"Kuya, Miss ko na si Mommy. Hindi ba susunod si Daddy rito?" tanong nito sa akin habang nakapikit na ang kaniyang mga mata.
"Susunod si Daddy rito, kaya huwag ka mag-alala. Sige na, matulog ka na para mapanaginipan mo si Mommy," pang-uuto ko sa aking kapatid.
"Opo, Kuya. Basta dito ka lang sa tabi ko, ha?" Malambing nitong sabi sa akin.
Tumango lang ako kahit nakapikit siya at kinamot-kamot ang kaniyang likod.
Isang sandali pa nakatulog na siya. Bumukas naman ang pintuan ang silid ni Angela at bumungad roon si Tita Myrna; ang tiyahin namin na kapatid ni Mommy.
Dalawang araw na kami rito at nakakapanibago pa rin na wala sa tabi namin ang aming mga magulang.
"Tulog na ba ang kapatid mo?"
Tumango-tango ako sa tanong ni Tita.
"Katutulog niya lang po, Tita. Samahan ko na lang muna siya rito sa silid niya dahil baka iiyak na naman siya kapag hindi niya ako nakita," wika ko kay Tita Myrna. Kagabi kasi nang hindi ako makita ni Angela, umiyak ito nang umiyak.
"Sige, hayaan mo at masasanay rin siya rito. Bukas ipasyal ko kayo kasama si Faye, para naman makalimutan ninyo ang nangyari sa Pilipinas. Tapos sa susunod na araw samahan ko kayo sa paaralan para makapag-enroll na kayo. Kung gusto mo mag-online class sabihin mo lang sa akin, pero maganda na papasok ka araw-araw sa school para masanay ka at makalimutan mo pansamantala ang nangyari sa ina ninyo," saad ni Tita sa akin.
"Okay lang po sa akin pumasok araw-araw," tugon ko.
"Mabuti kung ganoon. Sige, matulog ka na dahil maaga tayong mamasyal bukas."
Tumango lang ako sa utos ni Tita. Lumabas na siya at isinara ang pintuan.
Pinagmasdan ko ang walang muwang kong kapatid na mahimbing na natutulog, subalit may luha akong nakita sa kaniyang mga mata. Pinunasan ko na lang iyon ng aking daliri.
"Huwag ka mag-alala, Angela, aalagaan kita. Hindi makakapayag ang Kuya na may mananakit sa'yo. Po-protektahan kita sa mga masasama. Pangako ko 'yan sayo," wika ko sa limang taong gulang kong kapatid.
Kinabukasan maaga kaming ipinasyal ni Tita Myrna sa Yosemite National Park. Napakaganda ng mga tanawin at ang makakapal na yello. Tahimik lang ako habang si Angela naman nakahawak sa braso ko.
"Kuya ang lamig," nanginginig nitong sabi sa akin. Makapal naman ang mga jacket namin na pinasuot sa amin ni Tita Myrna.
"Hali ka, Angela. Maglaro tayo ng yello,” yaya ni Faye na matanda lang sa kaniya ng apat na taon siguro.
Hinila ni Faye ang kamay ni Angela, subalit iwinaksi nito ang kamay ni Faye.
"Ayaw ko! Malamig! Uwi na ako sa Pilipinas," tanggi ni Angela kay Faye habang humahaba ang nguso nito.
Nalungkot naman si Faye sa inasal ni Angela.
"Angela, 'di ba, dati gusto mong maglaro sa yello? Ito na 'yong napapanood natin sa tv. Sige na maglaro na kayo ni Faye. Babantayan kita rito," malmbing kong sabi sa aking kapatid.
"Malamig kasi, Kuya. Saka takot ako. Gusto ko na umuwi sa Pilipinas," maluha-luha na nitong sabi sa akin.
"Angela, walang ganito sa Pilipinas. Gusto mo pumunta na lang tayo sa malaking aquarium para makita mo ang mga isda?" tanong naman ni Tita Myrna sa kaniya.
Mabuti na lang tumango-tango siya, kaya dinala kami Tita sa Georgia Aquarium kung saan makikita mo ang iba't ibang uri ng mga isda na lumalangoy.
Mayroon din naman nito sa ocean park sa Pilipinas. Tuwang-tuwa si Angela nang makita iyon ang mga isda na lumalangoy. Nag-enjoy siya roon at sinusundan ang mga isda. Namamangha siya sa kaniyang mga nakikita.
Lumipas ang mga mga araw, linggo, buwan at isang taon na pamamalagi namin sa Amerika. Nasanay na kami mamuhay ni Angela na wala sa tabi namin ang aming mga magulang. Tumatawag lang sa amin kung minsan si Daddy. Grade one na si Angela noon at 4th year high school na ako.
Habang papasok na ako sa paaralan nakita ko ang isa kong ka-klase na si Justine na binu-bully ng mga ibang estudyante sa paaralan na pinapasukan ko.
"You're going to die. Fvck you!" wika ng isang lalake na tingin ko ay kasing edad ko rin.
Sisipain niya sana si Justine, subalit inawat ko sila.
"Wait! Don't hurt him," wika ko sa lalake. Nakita ko na putok ang nguso ni Justine.
"And who are you? Do you want to die, too?" mapanuya at maangas nitong tanong sa akin
Bumangon ]sii Justine at lumapit sa akin. "Bro, huwag mo sila pansinin 'yan ang leader ng gang dito sa paaralan. Sr. High na sila, kaya wala tayong laban diyan," wika ni Justine sa akin na natatakot sa mga ito.
Si Justine isang Filipino at dito na siya lumaki sa Amerika dahil parehong nagta-trabaho ang mga magulang niya rito. Si Justine ang naging kaibigan ko nang magsimula na ako mag-aral dito noong nakaraang taon.
"No, let my friend go. You can only hurt me. I will take responsibility for whatever Justine has done to you," determinado kong sabi.
"Lander, no. Ako ang may atraso sa kanila," awat ni Justine sa akin.
"Sige na, umuwi ka na. Ako na ang bahala rito. Mag-alala ang mga magulang mo sa'yo," pangungumbinsi ko kay Justine. Maliit lang kasi ang katawan ni Justine at sakitin pa. Hindi bali ako dahil sanay ako sa bugbugan.
"Pero-"
"Sige na! Umalis ka na!" sigaw ko kay Justine. Agad niyang pinulot ang kaniyang bag at kumaripas ng takbo.
Nagtawanan ang apat na kalalakihan. Lumapit ang isa sa akin sinasabi ni Justine na isang leader ng gang.
Binatukan ako nito sa ulo. "You're brave, huh?" saad nito at muli akong binatukan. Nagtawanan ang tatlo niyang kasamahan.
"Okay, I will give you what you want." Pagkasabi niya agad niya akong sinikmuraan lalong lumakas ang tawanan nila. May mga estudyanteng nanonood subalit walang may nangahas na makialam. Hindi ako nanlaban at parang manhid na rin ang aking katawan.
"Beat him!" utos niya sa kaniyang mga kasama. Sinimulan nila akong bugbugin. Iniisip ko na lang na isa iyong training ni Daddy sa akin. Iniisip ko na ang mga kamao at sipa nila sa akin ay ang tabla ni Daddy na hinahampas sa aking tiyan habang tini-training niya ako.
Pikit ang aking mga mata habang binubugbog nila ako, subalit iniisip ko naman ang mga sinabi ni Daddy.
"Ikaw ang magmamana ng Asintado, kaya, kailangan sanay ka sa pakikipaglaban at kung paano humawak ng baril para maprotektahan mo ang iyong sarili at ang buong grupo. Kailangan matigas ang katawan mo para hindi ka basta-basta masasaktan. At kung hindi ako ang makakabawi ng White Volture Racing club, kailangan ikaw ang bumawi niyon," wika ni Daddy sa akin.
"Yes, Dad!” malakas kong sagot kay Daddy habang patuloy niyang hinahampas ng malapad na tabla ang aking tiyan.
Hindi ako gumalaw habang sinisipa at sinusuntok nila ang aking katawan. Ang mga kamay ko naka-cover sa aking ulo.
"Leave him alone. Maybe that will be a lesson to him for interfering. And this will also be a lesson to others that no one can interfere with the Son of the road," utos ng lider ng gang sa mga kasama niya.
Agad naman na tumigil ang mga ito sa pambubugbog sa akin. Lahat ng estudyante takot sa kanila.
Lumapit sa akin ang leader ng gang at hinawakan ang buhok ko. Sinabunutan niya ako, kaya napatingala ako sa kaniya habang nakahiga ako sa semento.
"Remember my face. Don't stand in my way, understand?" tanong niya at dinuraan ako sa mukha.
Kung hindi lang dahil sa kapatid ko kaya kong labanan ang mga ito. Pagkatapos niya akong duraan umalis na sila.
Umuwi ako sa bahay na may nga pasa sa katawan at putok ang kilay at labi. Inatake tuloy ng nerbyos si Tita.
"Ano ba ang pinasok mong gulo na bata ka? Bakit nasangkot ka sa gulo? Hindi ka ba nag-iingat? Tiyak magagalit talaga ang Daddy mo sa'yo!" sermon ni Tita sa akin habang kinakabahan ito.
Ginamot naman ni Faye ang mga sugat ko habang si Angela naman nakatingin lang sa akin na may panunuya. Hindi ko siya pinapansin dahil alam ko kukulitin lang ako nito.
Ilang sandali pa narinig ko na ang boses ni Daddy sa kabilang linya. Nag-video call sila ni Tita.
"Ayan ang mukha ng anak mo, Lucio. Hindi ko alam kung ano ang kasalanan niya at binugbog siya. Hindi rin nagsasalita kung tatanungin mo kung sino may gawa sa kaniya niyan! Oh, kausapin mo!" sumbong ni Tita kay Daddy at ibinigay sa akin ang cellphone.
"Damn! What happen to you, Son? Bakit nagpabugbog ka? Sino ang may gawa sa'yo niyan?" sunod-sunod na tanong ni Daddy nang makita ang mukha ko.
"Wala ito, Dad. Sinubukan ko lang naman kung mapapatay nila ako," sagot ko sa aking ama na ikinagalit niya pa lalo.
"Fvck you, Lander! Hindi kita pinadala riyan sa Amerika para mamatay. Ipinadala ko kayo riyan ng kapatid mo para mabuhay at mailibing pa ninyo ako kapag namatay ako."
"I'm sorry, Dad. Hindi na po mauulit," hingi ko ng paumanhin sa aking ama.
Malalim naman siyang nagbuntong-hininga bago siya nagsalita. "Huwag kang sumali sa mga gang diyan, ha? Kalimutan mo na ang itinuro ko sa'yo noon. Gusto ko mamuhay kayo ng simple ng kapatid mo. Huwag kang gumaya sa akin, namatay ang Mommy ninyo dahil sa akin," malungkot na pahayag ni Daddy sa akin.
Kahit alam ko na ang totoo ay niloloko siya ni Mommy subalit pinagtatakpan niya pa rin ang kasalanan ni Mommy sa kaniya. Kahit ganoon pa man ang nangyari sa pamilya namin, pareho ko silang mahal ni Mommy.
"Opo, Dad," mapakumbaba kung sagot sa aking ama.
Pagkatapos namin mag-usap ni Daddy ibinigay ko naman ang cellphone kay Angela upang maibsan ang pangungulila niya sa aming ama.
Iniwan ko na sila sa sala at nagtungo na ako sa aking silid upang magbihis. Hindi ko alintana ang sakit ng pambubugbog sa akin ng Son of the Road Gang.
Humarap ako sa salamin at pinagmasdan maigi ang aking mga sugat.
"Aagawin ko sa'yo ang truno mo. Ako ang tatawaging Son of The Road ng Amerika," nakakuyom kong sabi sa refleka ko sa salamin. Nagbihis na ako at binuklat ang aking libro. Kahit hindi man ako nakapasok ngayon at least bukas kapag binigyan ako ng quest ng teacher ko may isasagot ako.
Ilang sandali pa pumasok ang makulit kong kapatid dala-dala ang Teddy bear niya na bigay ni Tita sa kaniya.
"Anong klaseng tingin mong 'yan sa akin, Angela?" tanong ko sa kaniya. Parang nanunuya kasi ang mga titig niya sa akin. Mamayang hapon pa ang pasok niya sa grade one.
"Akala ko matapang ka. Paano mo ako mapoprotektahan kung bugbog sarado ka naman? Ang hina mo pala, eh!" panunuya nitong wika sa akin.
Bumangon ako mula sa pagkadapa sa kama at humarap kay Angela.
"Hindi naman ibig sabihin na hindi ako lumaban, eh duwag na ako. Wala ka bang believe sa akin?" tanong ko sa kanya at ginulo ang kaniyang buhok.
"Eh, dami mong pasa at sugat sa mukha kung hindi ka duwag dapat wala kang pasa at sugat. Pinagmamalaki pa naman kita sa mga kaklase ko na matapang ang Kuya ko. 'Yon pala hindi marunong lumaban," patuloy niyang panunuya sa akin saka naupo ito sa tabi ko. Habang nkaupo siya parang may dinudukot siya sa kaniyang puwitan. Hindi ko naman iyon pinapansin dahil akala ko makati lang ang puwit niya.
"Kuya, duwag ka talaga, eh!" Nakahaba pa ang mga nguso nito na pang-iinis sa akin.
"Hindi nga ako duwag, Angela. Ang kulit mo. Doon ka na nga sa silid mo at magre-review ako," pagtataboy ko naman sa kaniya.
"Sige nga, kung talagang magaling ka amoyin mo ito kung ano amoy?" aniya at bigla na lang niya inilapat ang maliit niyang mga daliri sa aking ilong.
Agad ko naman tinapik ang kamay niya nang maamoy ko na mabaho ito.
"Yak, ano ba 'yan, Angela! Bakit ang baho ng kamay mo?" maktol kong tanong sa kaniya at pinunasan ko ang ilong ko ng aking daliri. Parang dumikit kasi ang amoy na yon sa tungko ng ilong ko.
"Hulaan mo kung ano amoy iyan," saad pa ng pilyo kong kapatid na napakaseryos ng kaniyang mukha.
"Grrr... Nakakayamot ka! Ano ba 'yang hinawakan mo bakit ang baho ng kamay mo?" nanggigil kong tanong sa kaniya.
"Wala ka pala, eh! Hindi mo mahulaan. Amoy kaya 'yan ng puwit ko," wika niya sa akin. Lalo naman ako nanggigil sa kaniya. Inamoy niya rin ang kamay niya at nagusot ang cute niyang mukha.
"Ew, ang baho. Naghugas naman ako ng puwet ko, eh? Bakit amoy tae pa rin?"
Hindi ko alam kong mayayamot ako o matatawa sa reaksyon ng mukha niya. Masyado pa kasi siyang bata, kaya napakakulit.
"Katatae mo lang ba?" naasar kong tanong sa kaniya.
Tumango-tango naman siya sa tanong kong iyon.
"Hugas ko naman mabuti puwit ko, eh. Hiya kasi ako pahugas puwit kay Tita Myrna, kasi dalaga na ako," ngumingiwi niyang wika sa akin.
"Anong dalaga? Grade one ka pa lang, kaya bata ka pa."
Hindi niya nagustuhan ang sinabi kong iyon. Sumimangot siya na nakatingin sa akin.
"Dalaga na ako. Marunong na nga ako hugas puwit ko," pagtatanggol niya sa kaniyang sarili.
Tumayo siya at binitiwan ang Teddy bear na hawak niya. "Balik ako, Kuya, ha? Pahugas lang ako puwit kay Tita."
Natatawa na lang ako nang tumalikod siya. "Tita Myrna, hugas mo puwit ko!" sigaw niya pa kay Tita.
Napapailing na lang ako na nagtungo sa sarili kong banyo at naghilamos. Napangiwi ako dahil nasagi ko ang sugat ko sa kilay. Nilagyan lang ito ng band aid ni Faye kanina.
Ilang sandali pa ang lumipas bumalik si Angela sa silid ko at bagong ligo na ito. Pinaliguan na rin siya ni Tita Myrna.
"Sa susunod huwag mo ipaamoy sa akin ang puwit mo, ha? Nakakadiri ka!" saway ko sa kaniya.
Sumimangot siya sa saway ko sa kaniya. "Dapat kasi Hindi ka nagpapabugbog. Dumudogo tuloy sugat mo," aniya sabay turo sa sugat ko.
Umiyak siya sa hindi ko alam na kadahilanan.
"Oh, bakit ka umiiyak?" tanong ko sa kaniya.
Umakyat siya sa kama at niyakap ako. "Ayaw ko mamatay ka, Kuya. Alisin mo 'yang dugo sa mukha mo. Ayaw ko mawalan ng Kuya," hagulhol niyang wika sa akin. Niyakap ko siya at kinanlong.
"Shhh... Tahan na. Hindi naman ako mamatay, eh. Hindi naman nakakamatay ang sugat na 'yan," pag-aalo ko sa kaniya at pinunasan ang mga luha niya.
"Bakit hindi ka lumaban, Kuya? Bakit hinayaan mong masaktan ka?" Puno ng pag-alala na tanong niya sa akin.
"Dahil iniisip kita. Hindi ako natatakot sa kanila. Ang kinakatakutan ko ang makulong ako. Kapag nangyari iyon paano ka na? Hindi na kita mapoprotektahan kapag nasa kulungan ako, pero pangako hindi na ito mauulit. Katatakutan nila ako, maniwala ka at magtiwala sa akin," wika ko sa aking kapatid at niyakap ko siya.
----
"Boss, ayan ang binugbog natin noong nakaraang araw. Buhay pa pala," natatawang wika ng isa sa mga bumugbog sa akin sa leader ng gang sa salitang English.
Hindi ko sila pinansin nakaharang sila sa gate ng paaralan. Sinadya kong sagiin ang boss nila. Marahil nasa desie-siete anyos na ito. Samantalang ako Kinse anyos pa lang.
"Aba, gago pala ito, eh! Walang kadala-dala gusto na yatang tuluyang mamatay," wika ng leader sa salitang English rin.
Hinablot nito ang bag ko at inundayan ako ng suntok. Hindi ako natamaan dahil umiwas ako. Medyo napahiya siya sa mga kasamahan niya at sa mga estudyanteng nakatingin.
Muli niya akong inundayan ng suntok subalit nasubsob lang siya sa pader ng bakod ng paaralan.
Nagtagisan ang kaniyang mga ipin sa pagkapahiya. Muli niya akong nilapitan at sinuntok. Nahawakan ko ang kaniyang kamay at inilapit ko ang tainga niya sa labi ko.
"Kapag natalo kita ako ang magiging boss ng Son of the Road, subalit kapag matalo mo ako pupugutan mo ako ng ulo at ipakita sa mga mag-aaral dito na ikaw ang makapangyarihang estudyante sa paaralang ito. Subalit kapag natalo kita magiging sunud-sunuran kayo sa akin," pakikipag-deal ko sa kaniya sa salitang English at binitiwan siya ng pahagis.
Ngumisi siya at inayos ang kwelyo ng kaniyang damit.
"Sure," nakangisi niyang sabi sa akin. "Makinig kayong mga narito, kayo ang magiging saksi ng labanang ito! Kapag natalo ko ang mapangahas na lalaking ito pupugutan ko siya ng ulo at ipapakita sa inyo na walang ibang makakatalo sa akin. Subalit kapag natalo niya ako, siya ang magiging leader ng Son of the Road at igagalang ninyo siya! Kung sino ang nagtitiwala na manalo ako magtungo sa likuran ko at kung sino ang may tiwala sa kaniya magtungo sa likuran niya!" saad niya sa mga estudyanteng narito sa salitang English.
Ang ibang estudyante nagtungo sa likuran ko, ang iba naman nagtungo sa likuran nito kasama ang mga alagad niya.
"Lander, delikado ang ginagawa mo," paalala ni Justine na nasa likuran ko. Kaunti lang ang mga estudyante na nagtitiwala sa akin marahil takot sila sa leader ng Gang. Ito ang gang ng mga sinasalihan ng mga binatilyo na katulad ko. Sakit na sila ng lipunan ng Amerika. Mga leberated ang mga estudyante rito at walang galang sa mga nakakatanda.
Naghiyawan ang mga nasa likuran niya, subalit tahimik naman ang nasa likuran ko nagmamatyag sa mga mangyayari.
Walang alinlangan na sinugod niya ako at sa pagsugod niya malakas na suntok ang binigay ko sa kaniya. Hiyawan naman ang mga nasa likuran ko. Umagos kaagad ang dugo sa kaniyang labi. Dinura niya iyon at masakit akong tinitigan.
Bata pa lang ako sinanay na ako ni Daddy sa pangangarati. Ibat' ibang karate ang sinanay niya sa akin. Kumuha pa siya ng iba't ibang instructor para lang maturuan ako.
Ngumisi ako ng nakakaloko sa kalaban. Muli siyang sumugod subalit hindi niya ako natamaan. Sinipa ko siya sa kaniyang puwitan, kaya nasubsob na naman siya sa pader.
Akala ko mahihirapan ako makipaglaban sa kaniya, subalit puro yabang lang pala ang tapang niya. Naglakad ako patungo sa kaniya at inundayan siya ng sunod-sunod na suntok. Ayaw ko tumagal ang laban dahil may exam pa ako at ayaw ko mapagod. Binitiwan ko siya na walang malay.
"Wooh! Ayos!" sigawan ng mga nasa likuran ko.
"Paano mo nagawa 'yon?" tanong ni Justine sa akin na sobrang proud na proud sa nagawa ko. “Ikaw lang ang nakatalo sa kaniya!’’ Ngumiti lang ako sa sinabi ni Justineat bumaling sa panig ng kalaban. 'Kayong tatlo dalhin niyo sa clinic ang kasamahan ninyo," utos ko sa tatlo.
"Opo, Boss!" sagot nila sa akin. Nataranta silang lumapit sa lalaki.
Bumaling naman ako sa mga estudyante."Kayo, masipagpasok na kayo sa mga klase ninyo!" utos ko sa mga ito.
"Opo, Boss!" sabay-sabay nilang sagot. Pati sa mga panig ko sininyasan ko na rin silang pumasok.
Nakangitit ako ng palihim dahil ang sarap pala sa pakiramdam na matawag na Boss.