Episode 7

2296 Words
Chapter 7 Lander Malapit na kami ni Vida sa kalsada. Tumingin ako sa kaniya. Nakita ko na na pinagpapawisan siya ng malaki. Sa kanang bahagi ng kaniyang kamay nakita ko ang dugo na tumutulo. "s**t! May sugat ka!" Huminto ako at hinawakan ang kaniyang kamay. Agad kong tiningnan ang braso niya. "Daplis lang ito. Malayo sa bituka." Hindi ko pinansin ang sinabi niyang iyon. Marahil nakuha niya iyon kanina habang nakipagpalitan ako ng putok sa kalaban niya. "Daplis nga, pero malaki naman ang sugat mo. Kailangan magamot 'yan." Pinaupo ko na muna siya ugat ng kahoy upang lagyan ng tali ang sugat niyang iyon. "Kailangan matalian ang sugat mo para hindi dumugo." Seryoso lang ako habang nakatingin sa sugat niya. Naalala ko ang pantie ni Alvira na nakasiksik pa sa bulsa ko. Kinuha ko iyon. Malinis naman at cotton iyon, kaya iyon nga lang may printed na paro-paro. Parang panty ng bata. ''Anong gagawin mo riyan sa pantie? Kanino 'yan sa anak mo?" Tumaas ang gilid ng labi ko sa sunod-sunod niyang tanong. "Malinis 'to, huwag ka mag-alala." Pagkasabi ko itinali ko na ang pantie ni Alvira sa braso niya na may sugat. Habang ginagawa ko iyon alam kong tinititigan niya ako. Ilang sandali pa nakatanggap siya ng tawag. Sinagot niya ang tawag na 'yon "Ma'am, sinusundan kami ng mga tauhan ng TDA. Hindi ka namin ma-back-upon. Magtago ka na muna, Ma'am!" narinig kong sabi sa kabilang linya. "Mga inutil! Ahhh!" Sigaw ni Vida na halos hindi ibato na ang cellphone nito. "Bahala ka na sa buhay mo. Niligtas ko na ang buhay mo at ng kapatid mo, kaya huwag niyo na ako gambalain pa." Tatayo na sana ako nang hawakan niya ang kaliwa kong kamay. "Puwede bang sumama sa'yo? Kalimutan mo na ang nangyari. Oo, hindi ko na papakialaman ang pamilya mo. Hindi na kita gambalain pa basta isama mo muna ako. Alam kong ligtas ako sa mga kamay mo." Kunot ang noo ko na tumingin sa kaniya. "Nagtitiwala ka sa akin? Ipinagkakatiwala mo ang buhay mo sa akin pagkatapos mo akong ipapatay? Nahihibang ka ba na babae ka?" nauurat kong turan sa kaniya. Iwinaksi ko ang kaniyang kamay at humakbang na. Tanaw ko na ang motorbike na sinasabi ni Kim. Tinawagan ko si Angela, subalit si Alvira ang sumagot. "Lander, ayos ka lang ba?" sagot nito sa kabilang linya. "Kumusta si Angela? Nasaan siya?" malamig kong tanong kay Alvira. "Dinala ko muna siya sa isang hotel. Narito ako sa apartment ko, pero huwag ka mag-alala dahil safe naman si Angela." Tumango-tango lang ako sa sinabi ni Alvira. Napatingin ako sa likuran. Napahinto ako nang makita na sumusunod pa rin sa akin ang baliw na babae na gustong magpapatay sa akin. "Tssst… Ang tigas talaga ng ulo." "Ha? Mali ba ang ginawa ko?" Boses ni Alvira sa kabilang linya. Akala siguro nito siya ang pinagsasabihan ko. "Pwede ba makisuyo?" tanging wika ko na lamang sa kaniya. "Ano ba 'yon? Basta ikaw, walang problema," sagot nito sa kabilang linya. "Bilhan mo ako ng alcohol sa botika. Pati na rin betadine at gasa," bilin ko kay Alvira. "Saka pwede bang pumunta diyan sa apartment mo?" "Ha? P-punta ka? Ah, sige, sige. Gusto mo prituhan kita ng itlog?" wala na naman sa sarili nitong tanong sa akin. Pinatay ko na ang cellphone at tumingin kay Vida na nasa likuran ko na. Alam ko naman na hindi ito magpapadala sa hospital, katulad ng matandang iyon. Madilim na ang paligid. Napapailing na lang ako habang nakatingin siya sa akin na parang nagmamakaawa. Tumalikod na ako sa kaniya at nagtungo sa motorbike. Tinanggal ko ang aking sombrero at pinalitan iyon ng helmet na kulay itim. May isa pang helmet, kaya ibinigay ko iyon kay Vida. "Isuot mo ito. Kahit kaaway kita kailangan mo pa rin maging safe habang sa byahe tayo," turan ko sa kaniya. Alanganin niya pang tanggapin ang helmet "Di-diyan tayo sasakay?" Hindi ko pinansin ang tanong niyang iyon. Sumakay na ako at hinawakan ang dalawang manobela at binuhay ang makina. "Sumakay ka na kung ayaw mo iwanan kita rito." Dali-dali naman siya kumapit sa likod ko at sumakay. Agad siyang yumakap sa bewang ko na parang takot na takot itong mahulog. Pinaharurot ko na ang motorbike upang mabilis kami makarating sa apartment ni Alvira. "Salamat, tinulungan mo ako." Hindi ko alam kung ano ang sumagi sa isip ng babaeng ito at nagpapasalamat sa akin pagkatapos niyang pagtangkaan ang buhay ko. "Huwag ka magpasalamat dahil ano mang oras pwede kitang patayin." Pagkasabi ko binilisan ko pa ang takbo ng motorbike. *** Alvira Binili ko na ang pinabili ni Lander sa akin sa botika. Nagpaganda ako at nagpabango upang kahit paano maakit naman siya sa akin. Nag-alala kaya siya sa akin? Kinikilig talaga habang iniisip iyon. Nakaabang na ako sa harap ng pintuan ng apartment ko. Iniisip ko pa na yakapin niya ako. Hindi kaya magtatapat na siya ng pag-ibig sa akin? Kinikilig ako na naupo sa harap ng pintuan ng apartment ko. Ilang sandali pa may huminto sa harap ng aking apartment na motorbike. Naka-helmet ang driver at ganoon din ang angkas nito. Pakiramdam ko bumagal sandali ang oras nang tanggalin nito ang helmet niya. Si Lander iyon at yakap-yakap siya ng angkas niya. Ang mga ngiti ko at saya biglang napawi nang tinanggal ng babae ang helmet nito. Kulay blond ang buhok nito na magulo pa, ngunit bumagay iyon sa maganda niyang mukha. Sexy siya at parang kasing edad lang sila ni Lander kung titingnan. Maputi at makinis ang kaniyang pisngi at balat. Bumaba na sila ni Lander. Lumapit sila sa akin. "Sino 'yang kasama mo?" tanong ko kay Lander, ngunit hindi niya pinansin ang tanong ko. "Papasok na kami sa loob." Iyon lang ang tugon ni Lander sa akin at tumuloy na nga siya sa loob ng apartment. Nagkaharap kami ng babae at tumama ang mga mata namin. Masakit ko siyang tinitigan mula ulo hanggang paa. May dugo sa kaniyang damit Nakipagtagisan din siya ng tingin sa akin at tiningnan ako mula ulo hanggang paa. "Vida, pumasok ka na bago pa may makakita sa'yo diyan." Utos ni Lander sa babae. Nilampasan ako nito na para bang hindi niya ako nakita. Napaaawang ang labi ko dahil hindi ko inaasahan na pupunta dito si Lander na may kasamang babae. Girlfriend niya kaya iyon? Hayzz… Hindi puwede! Pumasok ako sa loob. Kampante na nakaupo ang babae sa sofa habang si Lander naman abala sa pagbubukas ng pinamili ko. Nagawi ako ng tingin sa braso ng babae at nakita ko na parang pantie ko ang nakatali sa braso nito. Tinatanggal na ni Lander ang pagkabuhol ng pantie ko sa braso ng babae Agad akong lumapit sa kanila. "Pantie ko 'yan, ah!" Sabay hablot ko ng aking pantie sa kamay ni Lander na may dugo na ng babae. Itinago ko iyon sa likuran ko. Inirapan ako ng babae at napapailing din si Lander, habang ginagamot niya ang sugat ng babae. "Tsss…Sa'yo pala 'yan akala ko sa anak ni Lander," wika ng babae sa akin. "Wala pa kaming anak ni Lander. At sino ka ba?" maangas kong tanong sa babae. "Oh, asawa ka ba ni Doctor Lander? Sorry akala ko pamangkin ka niya," pairap na wika ng babae sa akin na siyang lalo kong kinaiinisan. Parang halatang inaasar niya ako. Umawang pa talaga ang labi ko sa sinabi niyang iyon. Napagkamalan pa talaga akong pamangkin ng gagang ito. "Alvira, pakikuha mo ako ng tubig," utos ni Lander sa akin na parang bingi lang sa mga sinabi ng kasama niya. Hindi ako umimik, subalit tumalikod na lamang ako upang kumuha ng tubig. "Girlfriend mo ba 'yon?" narinig kong tanong ng babae kay Lander. Dahan-dahan akong humahakbang upang marinig ko ang sagot ni Lander. "Hindi at wala akong pakialam sa kaniya. Kaya, kung may balak ka na masama sa kaniya, para mapasunod mo ako sa gusto mo mabibigo ka dahil wala akong pakialam sa batang 'yon." Wow, huh! Masakit ang katotohanan na 'yon na marinig ko mula kay Lander. Wala siyang pakialam sa akin? Tapos bata pa talaga ang tingin niya sa akin?" Ang sama ng loob ko habang kumukuha ako ng tubig sa filter. Narinig ko ang pagak na pagtawa ng babae. "Ilang taon na ba 'yon? 17 pa lang siguro ano? Kaya pala may butterfly ang pantie niya." Hazzz… Nasa 20's na kaya ako. At ano ang masama kung may paro-paro ang pantie ko? Hayzz… Isiniksik ko na lang pantie ko sa aking bulsa. "Hindi ko alam dahil wala nga akong pakialam sa batang iyon," sagot ni Lander. 'Mahuhulog ka rin sa akin Lander, pangako ko 'yan. Dinala ko na ang baso na may lamang tubig kay Lander. Nilalagyan niya na ng gasa ang braso ng babae. Padabog ko iyon nilapag sa tabi niya. "Pagkatapos mong gamutin ang babae na 'yan paalisin mo na 'yan dito sa bahay, ha?" naiinis kong wika kay Lander. Saglit niya lang ako sinulyapan at kinuha ang baso na may tubig. Akala ko siya ang iinom, yon pala ibibigay niya lang sa babae. Sana nilagyan ko na lang iyon ng kulangot at ang babae lang pala na iyon ang iinom. Nakasimangot ako na humarap si Lander sa akin. “Bibigyan kita ng pera lumipat ka ng apartment pagkatapos kong umalis dito," malamig na bilin ni Lander sa akin matapos niyang gamutin ang sugat ng babae. "Huwag ka mag-alala dahil hindi naman siya ang target ko, kundi ikaw. Hindi ako pumapatay ng inosenteng babae na katulad niya. Isa pa bata pa siya. Ang iwasan niya ang hindi siya ma-kidnap ng TDA at BON, para dalhin sa black market," sagot ng babae kay Lander. Minsan ko na narinig ang BON. Subalit hindi ko matandaan kung saan ko iyon narinig. Naramdaman ko na hindi basta-basta ang babae na ito. Sino siya? Ang kapal naman ng mukha niya na sabihin target niya si Lander. Ang landi rin ng babaeng ito. "Hindi na ako bata! Dalawang taon na lang magte-twenty two na ako, noh? Saka kung may balak kang landiin si Lander, huwag mo na ituloy," Nainis kong sabi sa babae. Ngumisi siya ng mapang-uyam. Tumaas ang kilay niya na tumingin sa akin. Tumayo siya at lumapit sa akin. "Pagamit ng banyo,'' taas ang kilay niya na wika sa akin. Nagtatagisan ang ipin ko sa bruha na ito. "Nasa dulo!" Pinanlakihan ko siya ng aking mga mata. Nilampasan niya ako subalit sinagi niya ang balikat ko. Naupo ako sa tabi ni Lander. "Sino ba 'yon? Girlfriend mo?" nakasimangot na tanong ko kay Lander. "Wala sa isip ko ang magkaroon ng girlfriend, Alvira. Kumusta si Angela? 'Yong matanda dinala mo ba sa orphanage?" malamig na tanong ni Lander sa akin. Hayzzz… Ang sungit talaga niya kahit sa pananalita wala man lang kalambing-lambing. "Ayos lang ang kapatid mo. Oo, nasa orphanage na ang matanda. Sino ba ang mga 'yon? Ano ang kailangan nila sa'yo? Hindi ka ba nasaktan? Nagugutom ka ba? Gusto mo magprito ako ng itlog?" sunod-sunod kong tanong. "Gusto ko magpahinga," wika niya sa akin. "Sige, matulog ka muna sa silid ko. Huwag ka mag-alala malinis ang silid ko," saad ko sa kaniya. "Dito na lang ako sa sofa," aniya sa malamig niyang boses. Nahiga siya sa sofa at pinikit niya ang kaniyang mga mata. Halata ang pagod sa kaniyang mukha, subalit hindi man lang nababawaaan ang kapogian niya. Hayzzz… Ang sarap mahiga sa tabi ni Lander at umunan sa braso niya sa mga muscles niya. Huminto ang pagpapantasya ko kay Lander nang dumating ang bruha. "May Kape ka?" tanong ng bruhang babae sa akin. Tssttt… Ang kapal talaga ng mukha nito. "Sa labas ka na lang magkape. Tinitipid ko ang kape ko.Umalis ka na at matutulog na ako," pagtataboy ko sa kaniya. "Tsss… Bastos na bata," bulong niya subalit narinig ko iyon. "Ganiyan ka ba mag-welcome sa bisita mo? Filipino ka rin, 'di ba? Bakit ikaw lang ang Filipino na nakilala ko na walang galang sa nakakatanda sa'yo?" Sermon nito sa akin na para bang nanay ko siya. "Bakit Filipino ka rin ba? Duh, ang ginagalang ko lang depende sa taong kaharap ko." Inirapan ko siya nang sabihin ko iyon. Tumayo ako upang magtungo sa kusina at tingnan kung may kape pa. Sumunod naman siya sa likuran ko. "Half Filipino ako. Ang Mother ko isang pure na Filipina. Ang Daddy ko naman isang Italiano. Matagal na kayong magkakilala ni Lander? Saan ang mga magulang mo? Bakit mag-isa ka lang rito? Menor de edad ka pa lang, 'di ba?" sunod-sunod na tanong niya sa akin. "Anong menor de Edad? Mukha ko lang ang menor pero magte-twenty one na ako! Saka matagal ko na crush si Lander, este matagal ko na siyang kilala!" Baling ko sa babae. Kinuha ko na lamang ang lalagyan ng kape at inilagay sa lamesa. "Ow, sorry naman! Akala ko kasi neneng ka pa! Hindi ako magtataka kung magkagusto ka kay Lander." Kinuha niya ang tasa at nilagyan ng kape. "Ikaw, ilang taon ka na? Saka ano ang relasyon mo kay Lander? May gusto ka rin ba sa kaniya?" Tumawa siya sa tanong kong iyon. Maganda siya, sexy at parang napakadesente niya magsalita na malumanay. "Hulaan mo kung ilang taon na ako," aniya at nilagyan na ng mainit na tubig ang tasa niya. Napakibot ako ng aking labi. "Sa palagay ko mga thirty’s ka pa lang? Sa palagay ko hindi magkalayo ang edad niyo ni Lander." Humigop siya ng kape at daretsahan na tumingin sa akin. "Bakit, ilan taon na ba si Lander?" usisa niya ulit sa akin. "Nasa thirty na si Lander." Hindi ko alam kung bakit siya natawa sa sagot ko. "Pang-thirty lang ba ang mukha ko tingnan? Marahil dahil alaga ko ang aking katawan, kaya napapagkamalan na bata pa ako," naiiling niyang sabi at uminom ng kape. Nagtimpla na rin ako at sinabayan siya ng inom.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD