Prologue

2150 Words
Prologue Alvira “Ngayon 3rd year high school ka na puwede ka na magpakasal sa anak ni Mr. Sandoval,’’ seryosong sabi ni Daddy habang nasa harap kami ng pagkain. Seryoso ba siya sa pinagsasabi niya? 16 years old pa lang ako tapos gusto niya na ako mag-asawa? “Hindi ko naman kailangan mag-asawa, Dad. Isa pa bata pa ako. Wala pa nga akong desie-otso anyos.’’ Gumalaw ang panga ni Daddy sa katwiran kong iyon. “Kailangan mo mag-asawa dahil kailangan mo magkaanak. Nag-iisa kang tagapagmana ng kayamanan ng iyong ina at kayamanan ko. Huwag mong sayangin ang pinaghirapan namin ng iyong ina, Alvira!” galit na wika ni Daddy sa akin. Para sa akin hindi mahalaga ang pera dahil hindi naman iyon nabibili ang kaligayahan ko. Lalong-lalo na ang kalayaan ko na masunod kung ano ang gusto ko. Mula bata pa ako nang mamatay si Mommy naging sunud-sunuran na lang ako sa gusto ni Daddy. Pati ba naman ang kalayaan ko na makapag-asawa at pumili ng lalake na makakasama ko sa habang buhay ay kailangan siya pa rin ang magdesisyon? “Dad, masyado pa akong bata para lumagay sa buhay may asawa. Isa pa hindi ko kilala ang gusto mo para sa akin. Ayaw ko mag-asawa!’’ tanggi ko sa kaniya na kahit alam ko na ikakagalit niya iyon. “Lintik na bata ka! Tumatanggi ka na ba sa gusto ko, Alvira? Guwapo ang anak ni Mr. Sandoval. Mayaman ang pamilya katulad natin. Ano ang gusto mo mangyari sa’yo?” mataas na boses na tanong ni Daddy. Bahagya niyang hinampas ang lamesa kaya tumalsik ng kaunti ang ibang pagkain sa lamesa. “Hindi naman sa ganoon, Dad. Buong buhay ko sinunod ko lahat ng gusto mo. Nawala ang kabataan ko dahil lahat ng ipinapagawa mo sa akin ginagawa ko. Simula noong bata ako wala akong gusto na ginawa ko. Kundi lahat ng gusto mo ang sinusunod ko. Pati ba naman ang kalayaan ko sa pag-aasawa ikaw pa rin ang masusunod?’’ garalgal kong panunumbat sa aking ama habang umagos na ang luha sa aking mga mata. Tiim bagang niya akong tinititigan, habang gumagalaw ang kaniyang panga. “Para sa kapakanan mo lahat ng ginagawa ko, Alvira. Mapapabuti ang buhay mo kapag naasawa mo si Zyross. Makilala ka ng buong mundo at gagalangin ka nila.’’ Pinalis ko ang mga luha ko sa aking mga mata. “Kaya ko naman gawin na makilala ako ng buong mundo at gagalangin nila ako na hindi kailangan magpakasal kay Zyross, Dad. Magiging tanyag akong pulis at huhulihin ko lahat ng masasama!’’ Humagalpak ng tawa si Daddy na may panunuya dahil sa sinabi ko. “’Di ba, sinabi ko sa’yo na kalimutan mo ang pangarap mong iyan dahil sisiguraduhin ko na hindi iyon ang kukunin mong kurso! Pakasalan mo si Zyross, kung ayaw mong ikukulong kita sa silid mo ng kalahating taon. Isipin mo na lang na para sa kapakanan mo ang ginagawa kong ito, Alvira.” Alam ko na kung ano ang desisyon ni Daddy hindi na iyon magbabago pa. Kahit lumuha pa ako ng dugo hinding-hindi magbabago ang isip niya. “Para ba talaga sa kapakanan ko ang gagawin mo, Dad? O para sa kapakanan mo at kapangyarihan?’’ Malakas na sampal ang dumapo sa pisngi ko dahil sa tanong kong iyon kay Daddy. Hindi naman bago sa akin ang bagay na iyan dahil kapag hindi ko sinusunod ang gusto niya sampal o isang hampas ng sinturon ang natitikman ko sa kaniya. Hindi ko nga alam kung ama ko ba talaga siya o isa siyang halimaw? Sabagay sabi ni Mommy noon, gusto ni Daddy na lalake ang magiging anak nila ni Mommy, subalit hindi natupad ang pangarap niya. Lalo na at hindi na sila Mommy magkaroon pa ng anak dahil tinanggal ang matress niya nang ipinanganak ako upang hindi kumalat ang cancer sa matress niya. Himala nga at ipinanganak niya pa ako. “Hindi kita pinalaki para sumbatan mo! Maghanda ka dahil ngayong linggo mamanhikan rito ang pamilya Sandoval!’’ mariin niyang sabi. Tumayo siya at inurong ang upuan saka tumalikod. Agad naman lumapit ang yaya ko sa akin at hinimas-himas ang aking likod. Kapag sa pagkain nasa likuran ko lang si Yaya upang pagsilbihan ako. Ang ibang katulong nasa likod ng dining area upang maghintay lang na tawagin ni Daddy kung may iuutos man ito. Pinigilan ko ang hindi umiyak sa natamo kong sampal mula kay Daddy. “Yaya, matino ba ang isip ni Daddy? Hindi naman yata siya baliw, ‘di ba?’’ mahina kong tanong kay Yaya Belly. “Alam mo naman ang Daddy mo kapag nagalit. Bakit kasi sagot ka pa ng sagot?’’ nangungunsuming tanong ni Yaya Belly sa akin. “Ano po ba sa tingin niyo, Yaya? Kung anak mo ba ako at sa edad kong ito ayos lang sa’yo na mag-asawa ako?’’ muli kong tanong sa kaniya. Naupo siya sa tabi ko at hinawakan ang dalawa kong palad. “Hindi man kita anak, pero itinuring kita na tunay kong anak. Mula bata ka hindi kita nakikitang tumatawa. Puno ng lungkot ang mga mata mo, kaya sa tuwing nakikita ko na sinasaktan ka ng Daddy mo mas higit na nasasaktan ang puso ko. Subalit iniisip ko na lahat ng ginagawa ng ama mo para sa kabutihan mo. Kahit alam ko na nahihirapan ka na sa mga pinapagawa niya sa’yo hinahayaan ko lang, upang maging matibay ka lalo na ang loob mo. Hanggang ngayon sa paglaki mo iniisip ko na para sa kapakanan mo ang ginagawa ng Daddy mo. Minsan ka na napag-iwanan ng panahon noong kabataan mo. Huwag mong hayaan na pati ang buhay mo kukunin ng ama mo.’’ “Ano ba ang dapat kong gawin, Yaya? Dapat ba akong magpakasal kay Zyross?’’ Humilig ako sa balikat ni Yaya. Pakiramdam ko sasabog na ang puso ko kahit nag-training naman ako kung paano ko gawing manhid ang puso ko. “Iyon ba ang tinitibok ng puso mo? Handa ka ba pakasalan ang lalaking hindi mo naman mahal?’’ balik na tanong ni Yaya sa akin. Umayos ako ng upo at humarap sa kaniya saka umiling-iling. “Ayaw ko makasal kay Zyross, Yaya. Kapag pinakasalan ko ang anak ni Ronaldo, mas lalong magiging makapangyarihan pa si Daddy. Kahit batas alam kong nilalabag na nila ni Tito Frederico. Gusto ko maging pulis para ako mismo ang maghuhuli sa kanila.’’ Hinaplos ni Yaya ang pisngi ko. “Kahit ang batas rito sa atin hindi mabubuwag ang grupo ng Daddy at Tito mo. Sila ang makapangyarihan dito sa Pilipinas. Isang pitik lang ng kamay ng Daddy mo alam mo kung ano ang mangyayari.” Totoo ang sinabing iyon ni Yaya. Alam ko na kahit mag-pulis pa ako, hindi ko kayang labanan ang sarili kong pamilya. “Ano ang gagawin ko, Yaya? Habang buhay na lang ba ako na maging sunud-sunuran kay Daddy? Hanggang kailan ko maging robot? Kailan ko makamtan ang kalayaan ko? Kailan ako maging malaya na ang gusto ko naman ang masusunod?” walang pag-asa na hinaing ko kay Yaya Belly. “Kung gusto mo maging malaya. Ibahin mo ang takbo ng buhay mo. Kalimutan mo ang lahat kung sino ka at magsimula ka ng panibagong buhay ayon sa gusto mo. ‘Yong ikaw ang gumagalaw sa sarili mong mundo,’’ makahulugang sabi ni Yaya sa akin. “Ano ang ibig mong sabihin? Aalis ako sa bahay na ito?’’ kunot ang noo ko na tanong kay Yaya. Seryoso siya na tumango-tango. “Iyon kung kaya mo mabuhay sa labas ng mundo ninyong mag-ama.” “Paano naman ako makaalis, Yaya? Alam mo naman na kahit saan ako magtago mahahanap pa rin ako ni Daddy,” malungkot kong turan kay Yaya Belly. “Matalino kang bata, Iha. Marami ka ng karanasan sa buhay kahit ganiyan ang edad mo. Gamitin mo ang mga bagay na natutunan mo kapag nasa labas ka na ng palasyong ito. Mamuhay kang normal at huwag pahuhuli sa tinatakasan mo.” Nabuhayan ako ng loob sa mga sinabi at payo ni Yaya sa akin. Masakit man iwan ang nakasanayan na, subalit mas masakit kapag namatay ako na hindi ko naramdaman ang pakiramdam na maging malaya at nasusunod kung ano ang gusto kong gawin. ­___ “Sigurado ka ba sa desisyon mo, Alvira? Ngayon na ang flight ko papunta sa America.” “Sasama ako sa’yo, Clyde. Huwag ka mag-alala dahil may visa na ako. Nasa taxi na ako ngayon kita na lang tayo sa airport.’’ Narinig ko ang malalim na buntong hininga ng kaibigan ko na si Clyde Rosso. Isa siyang half Filipino at half Russian. “Ganoon kadali nagkaroon ka agad ng visa?’’ hindi niya makapaniwalang tanong sa akin. “Marami akong IT na kilala, kaya madali lang gawin ‘yon. Saka hindi na ako si Alvira Escobar. Ako na si Alvira Bianco. Ayaw ko na dalhin ang pangalan Escobar,’’ saad ko sa kaniya. “Oh, sige. Ikaw na talaga. Minsan nahihiwagaan ako sa’yo. Kita na lang tayo sa airport.” Pinatay na ni Clyde ang kaniyang cellphone. Malalim akong nagbuntong-hininga hininga. Ilang araw ko rin pinag-isipan ang plano kong ito. Alas-dos pa lang ng madaling araw nagbyahe na ako patungo sa Ninoy International Airport dahil alas-singko ang flight ko papuntang America. Bahala na kung ano ang magiging kapalaran ko roon. Naalala ko pa noong bata pa ako na dinadala ako roon ni Mommy upang magbakasyon. Tandang-tanda ko iyon kahit anim na taon pa lang ako. At iyon din at huli naming bakasyon ni Mommy sa Amerika. Halos isang oras din ang byahe ko mula Laguna hanggang airport. Agad kaming nagkita ni Clyde sa airport. “Naks, naman! Seryoso ka nga! Saan ka naman tutuloy sa Amerika?’’ tanong nito sa akin na ginulo pa ang buhok ko. 16 years old pa lang ako at si Clyde ay nasa dalawagput dalawa na. Doon na ito magpapatuloy ng pag-aaral sa Amerika. Naging kaibigan ko siya nang tinulungan ko siya sa mga nambu-bully sa kaniya. Halos lahat ng mga ‘yon napatumba ko at simula noon wala ng sino man ang nam-bully sa kaniya. “Bahala na. Magtrabaho na lang siguro ako. Mag-apply ako ng kahit anong trabaho tapos doon ko ipagpatuloy ang pag-aaral ko,’’ tugon ko sa tanong niya. “Pinayagan ka ba ng mga magulang mo na umalis?’’ tanong niya sa akin. Ngumiti lang ako sa tanong ni Clyde. Alam ko sa mga oras na ito hindi pa alam sa mansion na nawawala ako. Alas-sais na kasi ako lumalabas sa silid ko upang sumabay sa almusal kay Daddy. At hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon niya kapag nalaman na wala na ako. 3rd Pov “Belly, kinatok mo na ba si Alvira sa silid niya?’’ tanong ni Don Fernando sa Yaya ni Alvira. Nakahanda na ang pagkain sa lamesa. “Opo, Sir. Baka po naliligo pa,’’ sagot ni Yaya Belly na kalmado lang ang boses. “Kensi-minutos na siyang late sa hapag-kainan. Buksan mo nga ang silid niya at baka mamaya masama ang pakiramdam.” Nagmadaling nagtungo si Yaya Belly sa silid ni Alvira sa utos ng Don. Alam na ni Yaya Belly na wala si Alvira sa loob ng silid na iyon dahil nagpaalam pa sa kaniya ang dalaga na umalis. Pagkatapos ng isang minuto bumalik kaagad si Yaya Belly sa dining area at kunwaring hinihingal. Hawak nito ang kaniyang dibdib. “Sir, wala po si Ma'am Alvira sa silid niya. Nakita ko po ito sa taas ng lamesita niya,’’ hingal na sabi ni Yaya Belly at inabot ang nakatuping papel. Napakuyom si Don Fernando ng kaniyang kamao nang buksan niya ang sulat kamay ni Alvira. Nagtatagisan ang panga niya habang binabasa niya ito. ‘Dad, alam ko sa oras na ito wala na ako at binabasa mo na ang sulat ko. Sorry kung lumabag ako sa batas ng bahay. Ayaw ko magpakasal sa anak ni Tito Ronaldo. Gusto ko maging malaya, Dad. Ayaw ko na maging sunud-sunuran sa’yo. Pakiramdam ko hindi mo ako anak dahil lahat na lang ng gusto mo ang sinusunod ko. Sorry kung nabigo kita, Dad. Lagi mo tatandaan na mahal na mahal kita at sa muli natin pagkikita handa ko pong saluhin ang mga palo niyo sa akin. ‘Nagmamahal, ALVIRA “Damn it! Demitrio, tawagin mo ang mga tauhan mo at hanapin ninyo si Alvira! Ngayon na!’’ Dumagundong ang boses ni Don Fernando na tinawag ang tauhan niya. “Masusunod, boss!’’ Nanginginig ang kamao ni Don Fernando dahil sa ginawa ng kaniyang anak. “Lintik na batang ‘yan! Hindi ko akalain na suwayin niya ako! Malilintikan sa akin lahat ng mga tumulong sa kaniya!” Kinabahan si Yaya Belly sa sinabing iyon ni Don Fernando. Alam naman niya ang kahahantungan niya kapag nalaman ni Don Fernando ang pagtulong niya kay Alvira. Subalit handa siya maparusahan o mamatay para lang sa ikaliligaya ng alaga niya. Buong araw ang lumipas subalit bigo ang mga tauhan ni Don Fernando na mahanap ang kaniyang nag-iisang anak at tagapagmana ng kaniyang kayamanan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD