Episode 8

2083 Words
Chapter 8 Lander Madaling araw nagising na ako. May isang linggo akong bakasyon bago bumalik sa Tennessee. Napagod ako sa mga nangyari kahapon. Hindi ko alam bakit nasangkot na naman ako sa gulo. Nakita ko ang kumot na nakatakip sa katawan ko kanina. Marahil si Alvira ang naglagay nito sa akin. Naalala ko si Vida. Kinabahan ako nang mapansin ko na tahimik ang paligid. Naalala ko rin si Alvira. Baka mamaya kung ano ang ginawa ni Vida sa kaniya. Tumayo ako upang hanapin sila. Nagtungo ako sa pintuan ng silid ni Alvira. Binuksan ko kaagad ang pintuan ng kaniyang silid. Mas lalo akong kinabahan nang makita na walang tao roon. Nagtungo ako sa kusina at nakita ko ang dalawa roon. Pareho silang may suot na apron. “Gising ka na pala, Lander. Tamang-tama at tinuruan ko mag-bake si Alvira. Sabi niya kasi gusto niya matuto mag-bake,’’ nakangiting sabi ni Vida sa akin. Kung titingnan ko silang dalawa para silang mag-ina. “Pagamit ng shower mo, Alvira,’’ wika ko kay Alvira at hindi pinansin ang sinabi ni Vida. “Teka, m-may sinampay ako riyan,’’ awat ni Alvira sa akin. Alam ko na ang ibig niyang sabihin. Malamang ang pantie na naman niya. “Okay, lang ‘yon, Alvira. Hindi naman matutukso na amuyin ni Lander ang pantie mo na pambata,’’ natatawa pang wika ni Vida kay Alvira. Malalim ako nagbuntong-hininga at tumuloy kung saan ang banyo. Nakikita ko na ang mukha ni Alvira sa sinabing iyon ni Vida. “Minsan pipi siya ano? Ganoon ba talaga siya?’’ narinig ko pang tanong ni Vida kay Alvira bago ako pumasok sa banyo. Pagpasok ko nga sa banyo ni Alvira nakita ko kaagad ang ala-spider niyang sinampay sa banyo. Mahilig ba talaga siya sa paro-paro na pantie at bulaklakin? Hayzzz! Napapailing na lang ako na hinubad ang mga suot ko. Alam ko na matagal na akong gusto ni Alvira at kahit ang kapatid ko palagi niyang tinatanong sa akin kung may pagtingin din ako kay Alvira. Sa condo na sana ako maliligo, subalit nangangati na ako. Pagkatapos kong maligo isinuot konmuli ang mga damit na hinubad ko kanina. Lumabas na ako ng banyo. Nagulat ako nang makita na may mga tao sa sala kausap si Vida. Hindi ko alam kung tama ba ang ginawa ko na pagdala sa kaniya rito sa apartment ni Alvira. Nakita ko naman na kampante na nagkakape ang apat na lalake sa sala at kumakain ng cake na ginawa ni Vida at Alvira. “Makinig kayo sa akin, ha? Itong batang ito huwag niyong galawin kahit isang hibla ng buhok nito. Saka lagi ninyo siyang bantayan at baka mamaya makidnap siya ng mga kalaban. Alam niyo naman na maganda siya at bata pa.’’ Bahagya akong napangiti sa sinabing iyon ni Vida sa mga tauhan niya. At least tumutupad siya sa usapan. At alam ko na hindi niya gagalawin si Alvira dahil hindi naman koniktado si Alvira sa akin. Ang inaalala ko lang si Angela. Tiyak na takot na takot siya ngayon. Pagkatapos niya ng pag-aaral iuuwi ko na siya sa Pilipinas kung saan kami isinilang ng aming ina. “Hindi na ako bata, ano ka ba?’’ narinig kong protesta ni Alvira sa sinabi ni Vida. Tsssttt… Napataas ako ng kilay nang makita ko na nagpapa-cute si Alvira sa isa sa mga tauhan ni Vida. Bata pa nga talaga siya. Lumapit ako sa kanila. “Bakit pinapasok mo ang mga tauhan mo rito?’’ Tumayo ang tatlo at akmang bubunot ng baril. Sininyasan sila ni Vida na maupo. Nagawi ang tingin ko sa isang lalake na may keloid ang kanang pisngi nito. “Romulo, siya si Lander, utang namin ni Kuya ang buhay namin sa kaniya," pakilala ni Vida. “First Lieutenant Romulo Delgado?’’ Hindi makapaniwala kong banggit sa pangalan niya. Tumayo siya at lumapit sa akin. Niyakap niya ako at tinapik-tapik ang likod ko. Malalim siyang nagbuntong-hininga na hinawakan ang dalawa kong braso. “Sorry sa kaguluhan na ito, Major Lander Diez,” Tinapik ko ang balikat niya at inakay ko siya sa labas. Ayaw ko na marinig ang usapan naming dalawa. “Wala na ako sa sundalo ngayon. Isa na akong doktor.” Hindi siya makapaniwala sa sinabi kong iyon. Papunta kami sa likod ng apartment ni Alvira. “Ibig sabihin nagretero ka na rin?” tanong niya nang nasa likod na kami ng apartment. “Pagkatapos ng mission natin sa Iraq, minabuti ko na umalis na at mag-aral ng doktor,’’ wika ko kay Lieutenant Romulo. “Hindi ba Architect ang pinag-aaralan mo noon bago tayo na-deployed sa Iraq?’’ nagtataka niyang tanong. Sumandal siya sa pader at sumindi ng sigarilyo. Binigyan niya ako ng isang stick subalit tinanggihan ko iyon. “Hindi ko na ipinagpatuloy iyon. Bagkos nag-aral ako bilang isang doktor at patapos na rin ako sa training ko bilang general surgeon.” Tumango-tango siya sa sinabi ko. “Ibig sabihin ikaw ang nagpatuloy sa pangarap ni Justine na maging isang doktor?’’ Malungkot akong tumango sa tanong niyang iyon. Si Justine ang kaibigan ko noong Jr. highschool ako. Nang mapangunahan ko na ang Son of The Road noon ng dalawang taon nerecruite na kami ni General Aguinaldo Walker na mag-training sa sundalo. Lahat ng myembro ng Son of the Road hinikayat ko upang hindi kami ang laman ng kalsada tuwing gabi. “Bakit umalis ka sa pagkasundalo? Huwag mo sabihin na isa ka sa mga gangs ng baliw na babaeng iyon?’’ pagak kong tawa at tanong sa kaniya. “Sumanib ka na rin sa amin. Hindi masama si Ma’am Vida.” Natawa ako sa sinabing iyon ni Lieutenant Romulo. “Hindi siya masama, pero gusto niya akong ipapatay?’’ “Akala niya siguro kalaban ka. Matutulungan mo rin ako na mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ng mga kasamahan natin sa Iraq. Sumali ka sa KOW, Major Lander Diez,’’ pangungumbinsi niya sa akin. “Doctor Lander Diez, iyon ang pangalan ko, Major Romulo Delgado.” “Chief Romulo Delgado, ang pangalan ko, Dr. Lander Diez.” Pareho kaming natawa sa pakilala namin sa isa’t-isa. Sa Iraq pa lang kami ay malapit na kami ni Justine, at Nekholai, kay Chief Romulo Delgado. “Ano ang KOW?” tanong ko kay Chief Romulo. “Isang security Agency na pinamumunuan ni Don Lucas Mariano. Kapatid siya ni Ma’am Vida sa ama. Magkaiba man ang ina nila, subalit iisa lang ang ama nila at layunin nila sa buhay; ang pabagsakin ang mga kumakalaban sa kanila. Ang ibig sabihin ng KOW ay King of War. Isa itong malaking organisasyon noon na pinamunuan ng ama nila Ma’am Vida at Don Lucas na kilalang Mafia King of Italian America. Sa Italy nanggaling at dito nakilala ng husto sa Amerika. At mayroon din ito sa Pilipinas. Nang si Don Lucas na ang naging Lord ng KOW ginawa niya itong security agency. Mga private at mga kilalang tao ang mga client ng KOW.” Tumango lang ako sa paliwanag na iyon ni Sir Romulo. “Kung ganoon sabihin mo sa kanila na hindi ako pwede maging private doktor nila. Baka sa halip na buhayin ko sila baka sa susunod sa mga kamay ko na malalagot ang mga buhay nila,’’ wika ko kay Sir Romulo. “Katulad din natin ang mga miyembro ng KOW, Lander. Mga sundalo na bumitaw na sa puwesto. Mga pulis na umalis na rin sa tungkulin nila dahil hindi nakuha ang hustisya sa husgado. Ang layunin namin ang ilagay ang batas sa kamay namin at protektahan ang mga inosenteng tao. Kailang namin ang katulad mo sa KOW.” Tinitigan ko ng husto si Sir Romulo. “Iyon ba ang gusto ninyo? Ilagay sa kamay ninyo ang batas at lumabag sa batas?’’ mariin kong tanong sa kaniya. “Dahil pareho natin hindi nakamit ang hustisya ng mga kasamahan natin namatay. May mga batas na hindi patas. Niligtas mo ang buhay ko noong sa Iraq pa tayo. Naalala mo ang sugat na ito sa mukha ko? Hindi ko makakalimutan kung paano ako tagain ng terorista. Kung hindi ka dumating baka naputulan na ako ng ulo. Hindi lang naman ako ang niligtas mo kundi ang Platoon.” “Hindi ako ang lumigtas sa Platoon, kundi ang red stone. Kung hindi sila dumating marami ang namatay sa atin,’’ tiim bagang kong wika sa kaniya. “Pero ikaw ang nakapatay kay Amul Abhul na siyang leader ng terorista.” “Pero, namatay naman ang matalik kong kaibigan! Ilang civilian din ang namatay ng panahon na iyon,’’ wika ko kay Sir Romulo. Halos ayaw ko na balikan ang nakaraan dahil isang masamang panaginip iyon na nangyari sa buhay ko. Pakiramdam ko bumabalik ako sa nakaraan noong bata pa ako, kung paano kami sugurin ng mga kalaban ni Daddy na naging sanhi ng kamatayan ni Mommy. “Hindi ako ang nagligtas sa’yo at sa Platoon, kundi ang red stone,” mahina kong sabi. Ang red stone ay isang pangkat din ng mga sundalo subalit ibang Platoon ang Leader nila. “Ang anak ni Don Lucas ang leader ng red stone, si First Lieutenant Alessandro Mariano.” “Wala akong pakialam kung sino man siyang anak ng demonyo. Basta huwag na nila akong guluhin. Kunin mo na rito si Vida at dalhin niyo siya saan mang lupalop ng mundo na hindi ko na siya makita.” Bumuntong hininga si Sir Romulo. “Kahit kailan napakasuplado mo. Gumalang ka sa kaniya dahil matanda siya sa’yo mukha lang siyang bata pero nasa kuwarenta y nueba na ‘yon.” “Wala akong pakialam kung mukha man siya bruha sa edad niya. Basta tantanan niya ako at ang pamilya ko, kung ayaw niya na isasama ko siya sa mga susunugin ko na mga ari-arian niya.” Alam ni Sir Romulo na hindi ako nagbibiro. Kapag sinabi ko ginagawa ko. Noong sa Iraq kami hindi ko sinusunod ang iba niyang utos. Kung sinunod ko na manatili lang kami sa puwesto namin malamang patay na siya at ang iba pa naming kasamahan. Noong nahuli siya ng terorist umikot ako sa likod at naubos ko ipatumba ang mga kasamahan ng leader ng terrorist. Tatagain na sana siya noon sa leeg nang pinalo ko sa ulo at sinaksak ang leader ng terrorist. Nagpalitan ng mga putok noon subalit nakita ko naman ang pagbagsak ni Justine na duguan at may tama sa dibdib nito na naging sanhi ng kamatayn niya. Malaking bangongot ang nangyaring iyon na kahit kailan hindi ko makakalimutan. “Lander, pag-isipan mo ang alok ko. Ang kasabwat ng leader ng terrorist ay kalaban ng KOW na siyang bumaril at pumatay sa kaibigan mo.” Nagtagisan ang bagang ko at gumalaw ang mga panga ko sa sinabing iyon ni Sir Romulo. Hindi na ako kumibo pa at pumasok na ako sa loob ng apartment ni Alvira. Tssstt… Kampante talaga siya makipag-kuwentuhan sa mga tauhan ni Vida. “Alvira, iligpit mo ang mga mahalaga mong gamit at sumama ka sa akin. Huwag kang magpa-cute sa mga hindi mo kilala!’’ mariin kong utos kay Alvira. “Huh? Saan tayo pupunta?’’ tanong pa nito sa akin. Sinamaan ko siya ng tingin at sininyasan ng ulo ko na umalis siya sa harap ng mga lalake. Agad naman siyang tumayo at nagtungo sa silid niya. “Isang ka pa lang sundalo? Kaya pala ang galing mo sa pakikipaglaban,’’ malumanay na wika ni Vida, pero sa bawat pananalita niya parang nakakauyam. “Siya lang naman ang pumatay sa leader ng terrorist sa Iraq, Ma;am Vida. Siya rin ang naglitas sa akin at sa Platoon na pinamumunuan ko. Kaya, pasalamat tayo dahil hindi naubos ang security ng Black building at hindi niya rin pinatay ang mga tauhan ko na pinasugod mo sa bahay nila at sa tiyahin niya.’’ Tumaas ang kilay ni Vida at umawang ang mga labi niya nang marining ang sinabi ni Sir Romulo. “Ow, I wish na magkatrabaho tayo sa lalong madaling panahon, Dr. Lander Diez,’’ saad pa ni Vida sa akin. “I wish, tantanan mo na ako kung ayaw mo sa susunod isama na kitang sunugin kasama ang mga tao mo.” Tumawa siya ng nakakaloko sa sinabi kong iyon. “Hahaha… I like you, the way you talk to me. Para kitang anak na hindi nasunod ang gusto at pinagbabantaan ako na lalayasan mo.” “Tssstt… Mas lalong hindi naman kita gustong maging ina. My mother is not like you!” Lalo siyang tumawa ng malakas sa sinabi ko. Hindi ko na siya pinansin at hinila ko na si Alvira pagkalabas nito sa kaniyang silid. Iniwan namin sila roon sa apartment ni Alvira.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD