Malamig Na Nakaraan

1614 Words
Isa sa pinakamayamang pamilya sa bayan ng Anaw, sa rehiyon ng Uson matatagpuan ang pamilya Toribio. Sila lang naman ang nagsusuplay ng galong-galong mga yelo sa buong rehiyon ng Uson. Mayroon kasing plantang pagmamay-ari na noon pa man ng mga Toribio. Ito ay nagmula pa sa angkan ng lalaking nagngangalang Renaldo. Siya lang naman kasi ang kahulih-hulihang Toribio at nag-iisang anak pa nang mga panahong iyon. Sa kanya ipinamana ang buong plantasyon. Kaya naman ingat na ingat itong hindi madungisan ang pangalan nila. Bibihira kasi sa isang plantasyon ang may modernong teknolohiya na kayang magpreserve ng mga yelo kahit pa dumaan ang maraming taon, basta hindi ito nae-expose sa liwanag o sikat ng araw. Lalo pang naging matunog ang pamilya Toribio nang mabingwit ng lalaki noon na si Renaldo ang puso ng anak ng isang mayor sa rehiyon ng Isaya na si Shulamita nang magtagpo ang kanilang landas sa isang pagpupulong may kinalaman sa kalikasan na pinamumununa ng Departamento ng Kalikasan. Hindi na binitiwan pa ni Renaldo si Shulamita at makalipas lamang ng isang taon ay naging mag-asawa sila at legal na namuhay sa bayan ng Anaw, bilang isa sa pinakamayamang pamilya. Hindi naman naging hadlang ang pamilya ni Shulamita upang tanggapin si Renaldo dahil hindi naman tutol ang magulang nito sa kanilang pag-iisang dibdib dahil alam naman ng mga ito na nasa mabuting kalagayan ang kanilang anak. Lumipas ang limang taon, matapos silang ikasal, hanggang umabot sa halos labinglimang taong pagiging maybahay, asawa, at ina ni Shulamita ay nag-iba na ang ugali ni Renaldo. Hindi na ito ang lalaking nakilala niya at pinakasalan niya dahil lagi na lamang mainitin ang kanyang ulo sa tuwing uuwi ito galing sa trabaho. Walang araw na hindi sila nagbabangayan at umaabot pa ito sa pisikalan. Ilang beses rin silang naghiwalay pero dahil mahal ni Shulamita si Renaldo ay pinatawad niya rin ang lalaki at muling bumalik sa mansyon ng mga Toribio upang gawin ang kanyang responsibilidad. Nang mabuntis siya at ipinanganak ang kanilang nag-iisang anak na babaeng pinangalanan nilang Shelo ay muling bumalik sa pagiging mainitin ang ulo si Renaldo. Unti-unti na kasing nalulugmok sa utang ang plantasyon at bumababa na rin ang presyo ng mga yelong ibinibenta at pinangsusuplay sa buong Anaw nang mga panahong iyon. Nang matuklasan ito ni Shulamita ay ginawa niya ang lahat upang ibangon ang natitirang plantasyong ipinamana kay Renaldo ng kanyang magulang. Hindi dahil sa gusto niyang tulungang baguhin ang asawa kundi dahil sa nag-iisang anak nilang si Shelo. Nais ni Shulamita na kahit wala na sila ay mayroong maiiwan ang kanilang anak. Nang magkaisip ang bata, puro bangayan, sagutan, sigawan, at hiyawan ang laging naririnig nito sa buong mansyon mula sa kanyang ama at ina. Wala rin kasing kinuhang mayordoma o tagapangalaga ang pamilya upang may titingin o magbabantay sa kanila dahil iyon ang kagustuhan ng kanyang ina. Hindi rin nito naranasang magsalita sa harapan ng kanyang magulang sa takot na baka saktan lamang siya ng kanyang ina. Nang tumungtong siya sa edad na labinglima ay doon nasaksihan ni Shelo ang hindi dapat na mangyari sa kanyang ama at ina. Nasa labas lamang siya ng mansyon, sa mismong swimming pool kung saan siya nagtatampisaw ay muli na naman niyang narinig ang pagbabangayan ng kanyang ama at ina. Dahil gawa sa glass ang buong bahay ay nakikita ni Shelo ang loob kahit pa hindi nito naririnig ang mga argumento ng magulang. Nang una ay bangayan lamang at turuan sa kung sino ang mali pero nang maglaon ay nauwi ito sa pisikalan at nasampal nang ilang beses ng kanyang ama ang ina. Hindi naman nagpatalo ang ina dahil pinagsasampal din nito ang ama hanggang sa hindi na nga napigilan ang kanilang awayan. Kitang-kita niya kung paano inilampaso ni Shulamita ang kanyang amang si Renaldo sa sahig. Mas malaki kasi ang katawan ng kanyang ina pero mas matangkad naman ang ama nito. Kaya patas lang kung tutuusin ang mga lakas nila. Nariyang iniuuntog na sa sahig na gawa sa bato ang ulo ng ama niya habang ang ina nito ay patuloy lamang sa pag-uuntog sa ama. Nang mapagod ay gumanti naman ang amang si Renaldo at sinakal ito nang sinakal at pinag-uuntog din ang ulo sa sahig. Ang buong akala ni Shelo ay doon na nagtapos ang awayan ng dalawa dahil nakita niyang tumayo ang ama at tinungo ang kusina habang naiwan naman ang inang uubo-upo pa at pilit na kinakalma ang sarili. Hihinga na rin sana siya nang malalim nang biglang lumitaw sa likuran ng kanyang ina si Renaldo na may hawak na isang matibay na lubid at sinakal siya. Mahigpit ang pagkakapulupot ng lubid na iyon sa leeg ni Shulamita pero dahil mas malakas siya kaysa kay Renaldo ay nagawa niyang masiko ang asawa at muli itong napahiga sa sahig. Mabilis naman ang mga kamay ng ina at kinuha ang lubid na nabitawan nito at ipinulupot ito at hinila palabas ng sala patungo sa kusina. Nang mga oras na iyon ay tumayo na si Shelo mula sa paglulublob ng mga paa sa swimming pool at agad na pumasok sa loob ng mansyon. Sa maliit na sliding door mula sa pool, doon siya dumaan at dahan-dahang naglakad patungo sa kusina. Nang makarating roon ay nakita niya ang kanyang ina na pawisan na habang ang ama naman nitong si Renaldo ay lawit na ang dilang nakahiga sa paanan niya. Tahimik lamang si Shelo, na nagtatago habang pinagmamasdan ang susunod na gagawin ng ina. Tumayo ito at agad na binuksan ang isang hugis parihabang malaking freezer na kasya ang isa hanggang limang tao sa loob. Pigil-hininga ang labinglimang taong babaeng si Shelo nang buhatin ng ina ang ama nito at ipinasok sa napakalamig na freezer. Akala ni Shelo ay tapos na naman ang eksena nang umalis ang ina. Hindi pa pala dahil kumuha lamang ito ng isang matulis at mahabang kutsilyo at pumasok rin sa loob ng freezer, kung saan nakahiga ang ama nitong si Renaldo. Ilang saglit pa, itinapat nito ang talim ng kutsilyo sa kanyang leeg at bago gilitan ang sarili ay nagtama pa ang paningin nilang mag-ina. Ngumiti pa ang ina nito sa kanya at kahit pa hindi niya narinig ang mga salitang binigkas ng kanyang ina ay alam niyang nagsabi ito ng mga katagang; "Mahal na mahal kita, Shelo." Doon na lumabas sa kanyang pinagtataguan si Shelo at tinangkang pigilan ang ina pero huli na dahil nahiwa na nito ang leeg at payakap na bumagsak sa katawan ng amang si Renaldo. Iyak nang iyak si Shulamita nang makita ang wala nang buhay niyang magulang. Ang mga dugong patuloy sa pagpatak sa loob ng freezer na iyon ay unti-unting lumalamig at nagiging yelo. Dahil hindi kinaya ng labinglimang taong gulang na babae ang pagkawala ng kanyang magulang ay nagdesisyon din itong wakasan na rin ang kanyang buhay. Sa pangalawang pagkakataon mula nang siya ay nagkaisip ay nakapagsalita siya ng mga huling kataga. "Kahit na puro sigawan at pisikalan ang kinalakihan ko ay alam ko pa rin sa sarili kong minahal ninyo ako bilang isang anak ninyo. Hindi man lamang ninyo narinig ang boses ko ngayon na nagsasalita sa harapan ninyo. Huwag po kayong mag-alala dahil hindi ko po basta-basta na lamang papatayin ang sarili ko sa harapan ninyo. Nais ko lamang na mahagkan kayo kaya, gusto kong sa loob ng freezer na ito ay magkasama tayong tatlo. Mahal na mahal ko po kayo, ama, ina." Hindi nga niya winakasan agad ang kanyang sarili pero pumasok ito sa loob ng freezer at inilagay ito sa freezing point na 32 degrees fahrenheit o zero degree celsius, na siyang pinakamalamig. At doon sa loob ng freezer na iyon ay niyakap ni Shelo ang ama at ina at unti-unting isinara ang pintuan nito. TATLONG ORAS ang matuling lumipas ay may tumigil na isang malaking itim na van sa harapan ng mansyon ng mga Toribio. Bumaba mula roon ang isang petite na babaeng may suot pang itim na shades at agad na pumasok sa loob. "Napakatahimik naman ng mansyong ito. Kung tama ang pagkakahula ko ay narito ang pamilya ng batang hinahanap natin. Halughugin ang buong bahay at dalhin sa akin ang batang babae!" "Masusunod po!" Sabay-sabay na naghiwalay ang mga lalaking tauhan nito at agad na nilibot ang loob at labas ng bahay habang siya naman ay manghang-manghang pinagmamasdan ang glass walls ng mansyon. Kitang-kita kasi sa labas ang kabuuan ng loob sa baba kaya napapangiti siya. "Maam, naroon po sa loob ng freezer ang mga bangkay," aniya ng isang lalaki. "Mga bangkay? Imposible! Dalhin mo ako roon." At nagmamadaling pumanhik sa loob ang babae at tinungo ang kusina. Nang makalapit sa hugis-parihabang freezer ay tumambad sa kanila ang katawan ng dalawang babae at isang lalaking nakalawit pa ang dila. Pero hindi ang dalawa ang pinagtutuunan niya nang pansin kung hindi ang dalagang nakapikit na nang mga oras na iyon. "Kunin ninyo ang batang babaeng iyan mula sa loob." Nang iangat ng mga ito ang nakapikit na batang babae ay agad na tinurukan niya ito ng bagay na gusto niyang gawin. Ilang sandali pa ay may kinuha siyang isang maliit na kapsula at itinapon ito sa harapan niya. Mula sa maliit na kapsulang iyon ay naging isang hugis pahaba ito at inutusan ang mga tauhan na ipasok sa loob ang batang babae. "Umalis na tayo. Natagpuan na natin ang pakay natin." "Maam, bubuhatin po ba namin ang kapsula?" Hindi na tinangka pang sagutin ng babae ang tanong ng tauhan dahil nakita na nilang personal na ang malaking kapsula ay bumalik sa dati nitong maliit na hugis na parang gamot at pinulot ito ng kanilang amo. Ilang minuto ang nakalipas ay tinungo na nila ang pintuan at agad na sumakay sa van at nilisan ang lugar.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD