Tubig Sa Tubig

1539 Words
Parang lumusong lang sa isang malaking bathtub si U-ri sa ginawa ni Bahandi gamit ang kapangyarihan nito. Ang tubig na naroon sa loob na iyon ay isang gamot din upang paghilumin ang sugat nito mula sa nakakapagod na labanan. Isa sa kakayahan ni Bahandi ay ang magpagaling. "Hindi maaaari! Natalo na naman ako!" Nagwawalang lumabas si Madel at pinuntahan ang nakahandusay at wala nang malay na katawan ni Baging. Pinagsisipa pa niya ito at kinaladkad na parang walang pakialam. Nanggagalaiti pa ito sa galit habang ang batang kinakaladkad ay walang kaalam-alam sa ginagawa sa kanya. Ang inasal niyang iyon ay napansin ni Heroina at tatangkain sanang lapitan ito pero pinigilan siya ng kaniyang anak. Kinausap siya ng anak, mata sa mata. Hindi naman pumalag si Heroina pero hindi puwedeng hindi siya magsalita sa napansin niyang hindi kanais-nais na trato sa bata. Kaya sinigawan na lamang niya si Madel kahit malayo ito sa kaniya. "Tigilan mo iyang ginagawa mo sa bata, Madel! Wala kang puso! Kung anak mo iyan, wala kang karapatang saktan iyan!" Narinig iyon ni Madel at tumawa lang ito nang mapakla at nagpakawala rin ng maaanghang na salita. "Mas lalong wala kang karapatang pagsabihan ako dahil ako ang ina nila! Asikasuhin mo na lamang ang mga bata mo dahil sa pangatlong pagkakataon ay nakasisiguro na akong matatalo na sila!" Hindi na niya hinintay pang marinig ang isasagot ni Heroina sa kanya. Itinuon na lamang niyang muli ang atensyon kay Baging na lupaypay at lantang gulay na nakahiga sa lupa. "Yelo, gumising ka at harapin mo na ang susunod mong kalaban!" sigaw nito sa susunod na batang makikipaglaban. Isang kanina pang nakalutang sa hangin at umuusok sa lamig ang nagising nang marinig ang pagtawag sa kanya ni Madel. Gulat din ang lahat nang biglang mawasak ang himlayan nito. Tumayo ito sa harapan ni Madel at tila wala sa katinuang naglakad papunta sa harapan ni Baging. Pinausukan niya ito hanggang sa maging isang malaking tipak na yelo. Hinipan niya ito at dahan-dahang ipinasok sa direksyon kung saan nakabukas ang sasakyan. Natuwa naman si Madel sa kaniyang nakita at pumalakpak pa. Sumunod na rin ito at pumasok sa loob upang tingnan ang kalagayan ng dalawang natalong mga bata na sina Yesha at Baging. Pagkatapos gawin iyon ni Yelo ay humarap siya sa kinaroroonan ni Heroina at naglakad papunta sa gitna. Naghihintay sa kung sino mang kakalaban sa kaniya. Ang hindi alam nila na sa bawat paghakbang nito ay nanunuot at pumailalim na pala sa ilalim ng lupa ang mga kristal ng yelo dahilan upang maramdaman ng mga ito ang kakaibang lamig. Pansin na pansin iyon ni Bahandi. At dahil siya ang may hawak ng kapangyarihan ng tubig ay siya na ang pumagitna. Pinainit na lamang nang kaunti ni Sera ang paligid kung saan sila nakatayo upang hindi ginawin ang kanilang mga paa. Bago harapin ang kalaban ay mabilis naman ang mga mata ni Heroina at paalalahanan na sana ang dalaga, kung hindi lang nagsalita si U-ri. "Bahandi, mag-iingat ka." Isang paalala mula sa kagigising lang at mahina pang si U-ri ang natanggap niya. Hinawakan nito ang kamay ng bata at ngumiti. Ngumiti din siya sa nag-aalala na namang mukha ni Heroina. Ilang sandali pa ay umabante na ito, isang dipa lang ang layo mula sa nakatayong si Yelo. Hindi pa man nagsisimula ang laban ay ramdam na ang tensyon ng magkabilang kalaban. Pero ang higit na mas kalmado sa kanila ay si Bahandi. Nakapaa lang ito at hindi alintana ang lamig na kaniyang naaapakan. Ang lupa sa paligid ng dalawa ay mistulang nyebe na sa lamig. Upang hindi umakyat ang lamig sa kaniyang katawan, bahagyang lumuhod si Bahandi at hinaplos ang paligid ng kaniyang paa. Ilang saglit pa, saksi ang mga naroon sa unti-unting paglitaw ng isang maliliit na sapin sa paa nito na may maliliit na pakpak ng anghel. At dahil likas sa kaniya ang pagiging kalmado at lumaki sa isang bukal noon ay nagawa niyang bigyan ng kaunting init ang buong katawan. Nakangiti pa itong lumingon sa kinaroroonan nina Heroina at kumaway. Likas na talaga sa kanya ang pagiging masiyahin. Wala kang maipipintas kay Bahandi sa mga oras na iyon. Kagaya rin ng isang malamig at walang buhay na yelo, wala ka namang makikitang ekspresyon sa mukha ng kalaban ni Bahandi. Maging ang katawan nito ay umuusok lamang sa lamig. Kulay puting kristal ng tubig na tumigas kung titingnan ang kaniyang kabuuan. Nang handa na ang lahat, mabilis na umangat si Bahandi at pansamantalang umatras. Ang labanan ng parehong may hawak ng kapangyarihan ng tubig ay nagsimula na. Agad ding nagpakawala si Yelo ng matutulis na mga bagay na gawa sa yelo at isa-isa itong pinakawalan sa harapan ni Bahandi. Kung mabilis ang pagtatapon nito ng mga hugis-punyal na maliliit na yelo sa kaniya, tinatapatan din naman ito ni Bahandi. Nakagawa siya kaagad ng pananggalang na gawa sa tubig at doon ikinulong ang mga punyal na tatatama sana sa kaniya. Nang maubusan ang kalaban ay agad na iniangat ni Bahandi ang naikulong at natunaw na mga yelo at hinipan ito nang malakas. Sa direksyon ni Yelo, ito ay sumabog. Basang-basa ang kalaban at lalo lamang itong nagalit sa ginawa sa kaniya habang si Bahandi ay kalmado pa rin at naka-cross arms pang kumindat ito sa kaniyang katunggali, bagay na malaking kasiguruhan sa puso ni Heroina. "Matatalo na naman ba ako?" Hindi na naman mapigilan ni Madel ang pag-alburuto ng kaniyang dila habang pinapanood ang susunod na mangyayari sa loob ng van. "Paano nagagawa ni Bahandi ang maging kalmado sa harapan ng nagngangalit ng kalaban niyang mas malamig pa sa matigas na yelo ang mukha?" Maging si Heroina ay hindi rin makapaniwala sa nakikitang nagagawa ng kapangyarihang mayroon si Bahandi. Kahit pa sigurado na naman siyang walang mangyayari sa dalaga ay nagugulat naman siya sa pagiging tahimik at kalmado nito. Lihim lamang na ngumiti si Wyatt nang marinig ang tanong ng ina mula sa kaniyang likuran. Alam niya na hindi lang iyon ang kayang gawin ni Bahandi. Alam din niyang naghihintay lang din ito na mas lalong magalit ang katunggali upang mailabas niya ang natatago nitong kapangyarihan. "Tapusin mo na ang laban na iyan, Yelo!" Umalingawngaw na naman ang boses ni Madel mula sa loob. Hindi ito pinansin ni Yelo. Sa halip ay lalo lamang siyang nagalit sa nararamdamang pagkatalo. Kulang na lang ay lumabas ito at sabunutan o sampalin si Madel. Kaya naman, mula sa kaniyang kinatatayuan ay pinakawalan na niya ang nakatagong alas. Umusbong mula sa kaniyang harapan ang isang kulay puting pating at mabilis na pinakawalan ito papunta sa kinaroroonan ni Bahandi. Tinapatan naman ito ni Bahandi at isang kulay asul na hugis pating din ang inilabas niya at ang dalawang pating ay nagsagupaan. Parehong nakatapat ang mga kamay nila habang ang dalawang pating ay patuloy sa pagsusukatan ng kani-kanilang mga bangis. Gawa ang mga ito sa tubig na tila naglalaban lamang sa loob ng isang napakalaking aquarium. Parehong walang gustong bumitaw. Dalawang parehong may kapangyarihan ng tubig ang unti-unting nakikipagtagisan ng lakas at kakayahan. Isang unti-unting nilalabasan ng dugo sa ilong at isang kalmado pa rin sa pagpapakawala ng kapangyarihan, kahit ang totoo ay nanghihina na rin ito. Hindi nga lang nito ipinahahalata sa kalaban. Nang parehong dumating na sa puntong hindi na kaya ng dalawa ang bigat, sumabog pareho ang dalawang pating sa gitna at pareho ring tumilapon ang mga ito sa magkaibang direksyon. Lumikha ito ng napakalamig na usok na hindi makita ng kanilang mga mata. Ang pagkakataong iyon at ang pangatlong pagkatalo ang naging dahilan upang isagawa ni Madel ang kaniyang naudlot na plano. At iyon ay hulihin si Heroina. Isang remote control ang kaniyang ginamit at nagising naman ang isa pang alaga niya. Isang cyborg ang biglang nagpakawala ng matibay na uri ng metal at pinuntirya nito ang kinaroroonan ni Heroina at hinila ito paroon sa sinasakyan ni Madel. Buhat-buhat na rin niya sa kabilang kamay si Yelo. Sisigaw pa sana si Heroina nang biglang may itinurok si Madel sa kaniya. Ilang saglit pa ay may kinuha si Madel na isang maliit na kapsula at itinapon ito sa lupa. Pagkapasok pumasok sa loob ng sasakyan ay pinaandar na niya ito papasok sa kapsulang iyon. Nang lumiwanag na ang lahat ay huli na nang makita ng mga mata ni Wyatt na nawawala na ang kaniyang ina. At ang kalabang tatlong beses nilang natalo ay bigla na ring nawala ng parang bula sa kanilang harapan. Sa halip na pagtuunan nang pansin ang pagkawala ni Heroina, dali-daling hinanap ng kanyang mata ang dalagang si Bahandi. At natagpuan nila itong walang malay na basang-basa sa damuhan. Walang inaksayang oras si Wyatt at agad na tinakbo ang kinaroroonan ng walang malay na si Bahandi. Bubuhatin na sana nito ang dalaga nang pinigilan siya ni Abdul-hakim. "Ako na ang bahala. Bumalik na muna tayo sa loob ng laboratoryo at pagplanuhan kung paano natin hahanapin ang iyong ina, Wyatt." Tumango naman si Wyatt at nagpasalamat kay Abdul-hakim nang buhatin na nito si Bahandi. Ang ibang kabataan naman na hindi nakipaglaban ay tinulungan si U-ri at bago pa sila makapasok sa loob ng laboratoryo ay sumigaw muna si Wyatt. "Hermano! Open the door for my mother's sake. We need you right now to track her." "Masusunod, young master Wyatt."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD