Ang Planong Pagpapabagsak

1320 Words
Six Years Later (Year 2022) Dumaan sa matinding hamon at pagsubok ang ekonomiya ng bansa makalipas ang anim na taong panunungkulan ni Pinunong Dominador Dimaguiba. Mula noong taong 2016 at sa unang araw ng pagkakaupo niya sa puwesto ay pansamantalang nakahinga nang maluwag ang bansa. Umangat ang kalakalan sa pagitan ng mga Espano at Erikano. Nakakuha rin ng permiso ang pinuno ng Independencia sa industriya ng langis sa kaharian ng Aribia. Bukod pa rito ay unti-unti ring nakilala ang bansa sa mundo ng social networking sites, fashion, arts, science and technology. Isa lang ang hindi masupil-supil hanggang ngayon ng bansa at ito ang patuloy na pagtaas ng krimen sa lipunan. Nevertheless, Independencia became one of the most favorable countries in the world. Many investors from foreign countries trust once again the country and invested both in local and international commercialization. People listened to their leaders and they have created a peaceful tie to other nations. Kahit hindi bumababa ang bilang ng krimen sa bansa, payapa pa rin ang kalakalan sa pagitan ng mga foreign investors. They trusted the Ruler - Dominador Dimaguiba for the last six years. The people are the faces of the Ruler, but it's time to select a new seat for the said throne. Ngunit hindi lahat ay sang-ayon sa tahimik at mapayapang pamunuang ito ng Ama ng bansa. At isa na rito ay ang kanang kamay niya na si Damion Kill. Sa loob ng anim na taong paninilbihan niya bilang isa sa mga kanang kamay niya, nasusuka na siya sa kabaitan at mga ipinasang resolusyon sa bansa. Galit siya sa mababait. Gusto niyang palitan ang pamamalakad nito ngayon, kaya naman nagpasiya rin siyang tumakbo bilang Pinuno ng bansa. Alam niyang may kakayahan na siyang pamahalaan ito. At kapag natupad na ang kahilingan niya, magiging madali na para sa kanya ang ligpitin ang lahat ng uusig at haharang sa kanyang mga balak. Gustuhin man niyang patayin na lamang sa isang iglap ang pinuno pero hindi pa iyon ang tamang panahon. Ipauubaya na lamang niya muna sa eleksyon ang kanyang kapalaran. Subalit, mahigpit na magiging katunggali niya ang kasalukuyang Pangalawang Pinuno na naging kalaban din niya sa Kabisayaan. Kababayan niya siya at siya ang magiging tinik sa kanyang lalamunan - si Juan Miguel Angelo. Magiging malungkot man para sa iba ang pagtatapos ng panunungkulan ni Dimaguiba ay marami naman sa mga Independen ang naniniwalang si Angelo ang mananalo at hindi si Damion Kill ang uupo bilang susunod na pinuno. Ngunit hindi ito papayagan ni Damion Kill. Kapag hindi siya ang mananalo sa halalan, sisiguraduhin naman niyang bago mahawakan ang Sagisag ng bansa at manumpa sa harap ng maraming tao, mapapatay na niya ito. At hindi lang iyon, gagawin rin niyang libingan ang mismong Irina Arena sa lahat ng dadalo sa araw ng inagurasyon ng pangulo ng bansa. ... June 30, 2022 (Inauguration Day of the New Ruler) Natapos ang halalan noong ika-9 ng Mayo, taong 2022 na tahimik at walang bahid ng karahasan at pagbo-boycott. Naisayos ang pagsasauli ng mga balota mula sa Uson, Isaya, at Indana, maging sa ibang parte ng bansa kung saan maraming Independen ang nagtatrabaho ay nakarating din ito sa Independencia na walang anumang krimeng naganap. Dahil ito sa mismong utos ng Pinuno kay Damion Kill. Ginawa niyang mapayapa ang eleksyon kahit hindi siya ang nanalo sa halalan. Itinago niya ang kanyang galit at poot sa likod ng kanyang matatamis na salita, maamong mukha, at mala-anghel na ngiti. Dahil ang araw na kanyang pinakahihintay - June 30, 2022, Inauguration Day ay dumating na. Ito na ang araw na kanyang minimithi - ang patayin hindi lamang ang dating Pinunong si Dominador Dimaguiba at ang bagong halal na si Juan Miguel Angelo kung hindi pati na rin ang lahat ng taong dadalo sa inagurasyon. Sinet-up na ni Damion Kill ang lahat. At dahil nagbubunyi ang maraming tao sa pagkapanalo ni Angelo sa kanya, parang kolonya ng mga langgam kung magsidatingan ang mga ito sa Irina Arena. Ayaw palampasin ng mga tao ang araw na marinig at masilayan nila nang personal ang pagsasalita ng bagong uupong Pinuno ng bansa na si Juan Miguel Angelo. Maging ang mga press people ay naroon din sa mahalagang araw na iyon. Lahat ng TV Networks sa bansa maging sa radyo at pahayagan, journalist at iba pang nasa larangan ng kumunikasyon ay presente sa okasyon. Kaya, ito rin ang araw na inihanda ni Damion Kill ang lahat. Isang bihasa at member ng Sniper Team ang kanyang inatasang kikitil sa buhay ng dati at bagong Pinuno mula sa himpapawid. Nakapuwesto na ito sa isang regular na helicopter at nakatuon ang atensyon sa mismong harapan ng mga kandidatong manunumpa bilang mga liderato ng bansa. Isang Tango 51 Sniper Rifle ang kanyang gamit kung saan ilang milya lang ang layo mula sa kanyang target. Sa apat na sulok naman ng Irina Arena, inatasan rin ni Damion Kill ang ibang loyal sa kanya. Ang ilan sa mga ito ay miyembro ng Sandatahang Lakas, Pangkaragatan, at ang iba naman ay mga miyembro ng Abu SaFa at Moro-Moro Front. Pinalibutan nila ang buong Irina Arena upang wala ni isang magtangkang makalabas at makatakas kapag nagsimula na ang m******e. Nagsimula na ang parada. Maririnig na ang kalabog ng tambol, tambourine, plawta, at iba pang instrumentong tinutugtog ng mga banda. Nagpalakpakan na rin ang mga tao nang isa-isang naglakad sa pulang carpet patungo sa gitna ng Irina Arena ang mga kilalang personalidad sa bansa. At ang huling naglakad ay si Juan Miguel Angelo na hindi maubos-ubos ang pagkakaway sa mga taong sumuporta sa kanyang kandidatura. Nang makaakyat sa entablado ay nagsimula ng magbigay ng maikling speech ang dating Pinuno. Pagkatapos niyon ay umupo na si Angelo sa gitna, katabi ng dating namumuno at sa kaliwa naman nito ay ang magiging bagong pangalawang pinuno ng bansa. Nasa likuran naman ng entablado si Damion Kill habang ang kanyang mga accomplice ay naghihintay na lamang ng kanyang go signal mula sa kanyang undetectable hearing device. Nang ipinatawag na ng speaker ang panunumpa ni Juan Miguel Angelo, tumayo na ito at pumunta sa gitna kasama ang kanyang asawa at dalawang anak. Habang binibigkas ang Oath ay nagbigay na ng hudyat si Damion Kill upang itumba si Angelo. At ang sumunod na nangyari ang nagpagimbal sa buong manunuod. Bumulagta ang bagong halal na Liderato sa entablado pati na rin ang dating pinunong si Dominador Dimaguiba. Lahat ay nag-panic. Nagsipagtakbuhan. Dinig na dinig ang mga sigawan, tili at iyak ng mga taong nakasaksi sa buong pangyayari. Ang mga gustong makatakas ay pinagbabaril, at pinagsasaksak. Hindi pinahintulutang makalabas ng buhay sa Irina Arena. Bulagta na rin ang ibang Security Guards at ibang mambabatas. Masasabing isang m******e ang naganap dahil libo-libo ang nagtangkang makaalis sa bangungot na iyon pero hindi nagawang makaligtas. Bata o matanda, babae o lalaki, at lahat ng klase ng taong naroon, mayaman man o mahirap ay pinatay. At utos iyon lahat ni Damion Kill. Ang natirang mga taong hindi na gumawa pa ng anumang hakbang na ikasasawi nila ay nakinig na lamang sa anunsyo ni Damion Kill. "Maraming, maraming salamat sa inyong pagdalo mga mahal kong mamamayan. Ngayong wala na ang ating dalawang pinuno ng bansa, walang ibang papalit sa kanilang posisyon kung hindi AKO! Kaya ang sino mang tututol, mangangahas, aaklas, at kakalaban sa desisyon ko NGAYON ay hindi makalalabas ng buhay. Mula ngayon, ako, si Damion Kill ay nanunumpa bilang Pinuno ng bansang Independencia sa loob ng anim na taon. Sa mga nanonod ngayon, tandaan ninyong sakop ko rin ang buhay ninyo. Kaya kung ayaw niyong matulad sa mga taong nakabulagta ngayon, manahimik na lamang kayo at sundin ang bawat alituntunin ko." Pagkatapos niyang magbigay ng maigsing talumpati ay narinig ng mga tao ang mala-demonyo nitong ngiti. Walang katapusan. Para sa iba ay simula na ng kanilang matinding kalbaryo at paghihirap. Nakikita nila ang madilim na hinaharap sa mga kamay ng taong si Damion Kill, ang magiging bagong pinuno na ng bansa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD