Last Quarter of 2015

1009 Words
Last Quarter of the Year 2015 Nakabibinging putukan ang maririnig mo sa parte ng Indana. Ang mga miyembro ng tumutuligsa ay patuloy pa rin sa pag-aaklas. Gusto pa rin nilang maging independente ang buong Indana sa Independencia. Gusto nilang ihiwalay ito sa mapa at magkaroon ng sariling pinuno at mga gabay. Matagal na nila itong adhikain simula pa noong dekada sisenta kung kailan ito itinatag. Magpa-hanggang ngayon ay bato pa rin ang kanilang mga puso hinggil sa anumang kapayapaang ibinibigay ng pamahalaan para sa kanila. Hangga't hindi naiibigay sa kanila ang kalayaang nais nila ay hindi pa rin sila titigil sa pagtugis, pagdudukot, at pagpapaslang sa mga tao. Mapa-dayuhan man ito o kadugong Independen, ang tawag sa mga taong sakop ng bansang Independencia. Lalo lamang silang magrerebelde sa bansa kung hindi sila pagbibigyan. Walang nais na makipag-ayos. Walang gustong tumigil sa kanilang ginagawang kasamaan. Ang gusto nila ay makuha ang hinihinging kalayaan at humiwalay sa Uson at Isaya sa mapa. Nawawalan na rin ng pag-asa ang pamahalaan sa pagsugpo at pagtigil ng kanilang adbokasiya na walang masasaktan o magbubuwis ng buhay sa ngalan ng Kapayapaan. Nakailang peace maker at peace keeper na ring ipinadala ang pamahalaan. Pero iilan lang sa mga ito ang nakababalik ng buhay sa kanilang pamilya dahil ang iba ay pinupugutan ng ulo at pinapatay ng walang matinong dahilan. May nakababalik ding iba pero ulo na lamang nila o hindi kaya ay malamig na bangkay na siyang iiyakan ng mga naiwang mga pamilya nito. Suwail, makasarili, at hindi tumutupad sa kasunduan ang maaaring ibigay mong deskripsiyon sa mga miyembro ng tumutuligsa. Sa madaling salita, sila ay mga grupo ng rebelyosong tao na hanggang ngayon ay walang pakialam sa batas militar at mas lalong walang pakialam sa kapakanan ng buong sambayanan na umaasang magkakaroon pa ng katahimikan at KAPAYAPAAN ang tatlong malaking kapuluan sa mapa ng bansa. Walang kinatatakutan ang mga tulad nila, kahit pa pinuno na ng bansa ang humihiling at nagsasabi ng cease fire sa kanila. Hindi nila ito pinapansin. Tinatawanan lamang nila ang mga hiling ng namumuno. Ang mas malala pa ay, dinuduruan ng mga ito ang bawat peace maker na ipinadadala sa kanila. Lalo lamang umiigting ang iringan at awayan sa pagitan ng mga ito at ng puwersa ng pamahalaan. Kulang na lamang ay magdeklara ang pinuno ng panibagong batas, matigil lamang ang ginagawa nila. Sa rehiyon naman ng Uson, pagkakawatak-watak at pulitika ang laging usapin at laman ng mga dyaryo sa araw-araw, maririnig sa mga radyo, at mapapanood mo sa telebisyon. Walang araw o gabing hindi mo mapapanood sa telebisyon, maririnig sa radyo, at mababasa sa mga pahayagan ang pagnanais ng bawat sektor ng ekonomiya ng bansa, mga stockholders ng bigating mga kumpanya, maging ang mga taong naghahangad na maging pinuno ng Independencia, ang pag-usapan ang isyu tungkol sa dinastiya. Ang dinastiyang ito rin ang naging ugat ng iba't ibang klase ng krimen sa Uson, kung saan ang pinapaslang at napapatay ay mga kaanak, at pamilya ng mga nasa katungkulan o may mataas na posisyon sa pamahalaan. Hindi kasi pumapayag ang mga pamilya ng nasa katungkulan na ibigay sa hindi nila kaanak o kadugo ang posisyong matagal din nilang pinaghirapan. Nais ng mga nasa dinastiya na pamilya pa rin nila ang uupo sa kani-kanilang puwesto kapag natapos na nila ang kani-kanilang termino, bagay na lalong nagpagulo at naging mitsa sa isipan ng mga maraming tao na tapusin na ang ganitong baluktot na pamamalakad. Lalong ipinagduduldulan tuloy ng marami sa ating ang pagbaba sa puwesto ng kasalukuyang namumuno sa bansa dahil wala ni isang plataporma nito ang natutupad. Wala ni isa sa mga ipinangako nito ang naumpisahan o natapos. Lagi na lamang nakabinbin o naka-pending ang mga proyektong sana ay nasimulan na noon pang umupo ito sa kanyang puwesto. Ang mahirap ay lalo pang naghihirap. Ang mayayaman ay lalo namang umusad sa karangyaan, nagiging makasarili pa at mayayabang. Walang naging epekto ang pag-upo nito bilang Ama ng bansa. Kaya naman, ang PAG-ASAng noon pa man sana ay napakaliwanag na sa mga mukha ng ibang mga Independen dahil sa matatamis na mga salita nito, ngayon ay unti-unti nang nauupos na parang KANDILAng malapit nang palitan ang liwanag nito ng matinding kadiliman. Kaya, kaliwa at kanan din ang krimen sa pulong ito dahil palaging ugat ng awayan at hidwaan ang estado ng mahihirap sa mga mayayaman. Ang pulo ng Kabisayaan naman ay kabaligtaran sa nangyayari sa Uson at Indana dahil unti-unti itong umuusad, lumalago, at yumayabong. Ang pag-usad nito ay hindi dahil sa tulong ng pamahalaan ng bansa kung hindi dahil sa pagsisikap ng bawat mamamayang nakatira rito at sa pamamalakad ng namumuno dito. Ang pagtutulungan at ang pagsunod sa bawat layunin at patakaran ng namumuno sa pamahalaan nito sa Kabisayaan ang naging daan upang umangat sila sa pagitan ng Uson at Indana. Naging bukas din ang kalakalan sa pulong ito sa mga dayuhang gustong mag-invest at lumago ang kani-kanilang mga negosyo. Sa madaling salita, naging MASUNURIN ang mga mamamayan ng Kabisayaan sa namumuno dito. Walang bukambibig ang mga tao dito kundi pasasalamat sa kanilang alkalde, gobernador, at mga congressman. At dito rin sa pulong ito, sa Isaya manggagaling ang isang taong panandaliang iluluklok sa puwesto ng taumbayan at magiging Pinuno ng bansang Independencia sa taong 2022. Dito rin sa Kabisayaan lilitaw ang isa namang malupit at papatay sa magiging Pinuno ng bansa na si Damion Kill. Ang taong ito ang magiging ugat ng kabi-kabilang p*****n, pagpapaslang, at pagbabanta sa lahat ng mga Independen na susuway sa kanyang mga panuntunan. Kung may mawawala, may sisibol na masama, mayroon din namang lilitaw at kakalaban kay Damion Kill. Sa lugar ding ito ay magmumula at uusbong ang sanga ng kapayapaan, na tatayo at ibabalik ang Kapayapaang kukunin ni Damion Kill sa taong 2025. Ang taong ito rin ang gagawa ng paraan upang puksain ang diktatorya at rehimen ni Damion at makikilala ang isang babaeng magdadala ng supling na siyang magiging malaking panangga nila sa kasamaan. Ang tao ring ito ang magsisilbing gabay ng mga batang sa huli ay makikilala ng mga tao at tatawagin silang UNDERGROUND SUPERHEROES.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD