Ang Paggising

2034 Words
Malamig ang simoy ng hangin nang mga sandaling iyon at mahimbing na natutulog ang isang labindalawang taong gulang na batang babae sa kaniyang kama. Walang kaalam-alam ang bata na may nakapasok na pala sa kanilang tahanan at isa-isang pinagsasaksak ang kaniyang buong pamilya. Napasok ang kanilang tahanan ng mga magnanakaw nang mga oras na iyon. Lahat ng makita ng mga ito ay kanilang kinukuha at inilalabas. Ang mga nagigising na mayordoma at mga alipin ay kanilang pinapatay, nang sa gayon ay hindi sila marinig ng mga kapitbahay sa paligid. Madaling araw na kasi nang akyatin ng mga ito ang bahay. Iyon lamang ang tamang oras upang gawin nila ang kanilang plano. Walang magawa ang mga katulong nang isa-isang pinatatahimik sa mismong quarters ang mga ito kung saan sila natutulog. Ang ilan kasi sa kasamahan ng akyat-bahay ay inunang puntahan ang quarters ng mga alipin. Ang tahimik na natutulog na mga kasambahay ay pinatay nang walang kalaban-laban. Sinakal. Tinakpan ng panyong may amoy ng ammonia habang pinagsasaksak sa dibdib at iba pang parte ng kanilang katawan. Sinunod naman nilang patumbahin ang mga guwardiya. Hindi rin pinalagpas ng mga ito ang mga hayop. Bulagta na ang guwardiya sa labas at ang mga tahol ng aso ay hindi na maririnig pagkat nilason na ang mga ito ng matatalinong magnanakaw o mas madaling sabihing mga akyat-bahay gang. Habang abala sa ibaba ang ibang mga kasama ay umakyat naman ang dalawa sa silid ng napatay na mag-asawa at kinuha ang mga alahas, pera, at mamahaling mga relo. Wala silang tinirang mga bagay na puwede nilang maibenta. Kahit pa naka-vault ang mga iyon ay nagawa pa rin nilang masira at makuha ang nasa loob niyon. Walang pagsidlan ang kanilang kasiyahan sa mga bagay na nakasisilaw sa kanilang mga mata. Palabas na sila ng silid ng napaslang na mag-asawa nang masilayan nila ang pupungas-pungas pang batang babae sa kanilang harapan. Gulat na gulat ang kanilang mga mukha at tila pinigilan pa ng mga ito ang kanilang paghinga. Nanatili pa silang nakatayo sa harapan ng pintuna na animo ay isang estatwa. At nang makita sila, pansamantalang katahimikan ang namayani. Walang nais na lumikha ng ingay. Tiningnan lang nila ang batang babae habang tinatapos ang paggising nito. Nang magsalita ang bata ay doon na sila kinabahan. "Sino po kayo? Bakit po ninyo hawak ang mga gamit ng magulang ko? Ano po ang ginagawa ninyo rio sa bahay namin? Mga magnanakaw po ba kayo?" Sunod-sunod ang mga tanong ng batang babae sa kanila. Ngumisi lang ang mga ito at dahan-dahang lumapit sa kinaroroonan niya. Takot naman ang biglang lumukob sa bata at agad na tumakbo pabalik sa loob ng kaniyang silid nang makita ang hawak na baril ng isang lalaki. Sigaw ito nang sigaw habang pumapasok sa loob ng kanyang silid. Nagawa niyang ma-i-lock ang pinto at agad na naghanap ng matataguan sa loob ng kaniyang kuwarto. Ang kaninang malakas na sigaw niya ay napalitan na ng matinding pangamba. Luhaan na ito pero pilit na nilalabanan ang kaba at takot nito sa dibdib. Tahimik lamang siyang umiiyak sa isang sulok ng kanyang kuwarto. "Hindi ka namin sasaktan, bata. Buksan mo ang pinto, please. Usap tayo," dinig na dinig niya ang pagsasalita ng isang lalaki sa labas. Nilalakasan na rin ng mga ito ang pagkakatok. Makailang beses na rin silang kumakatok at pinipilit na buksan ang seradura ng pinto. Tarantang-taranta na ang batang babae nang mga oras na iyon. Hindi pa rin siya makahanap ng pagtataguan. Kaya nang marinig niya ang isang putok ng baril sa labas ay dumiretso siya sa ilalim ng kaniyang kama at doon ay pansamantalang nagtago. Takip-takip pa niya ang kanyang bibig habang pinipigilan ang mga luhang walang tigil sa pag-agos. "Tanga ka ba? O sadyang bobo lang? Hindi ba sabi ko sa iyo na bawal mag-ingay? Bakit ka nagpaputok?" Takip-takip na ng bata ang kaniyang tainga nang marinig ang mga itong nag-uusap at nakita ang anino ng kanilang mga paa na kaliwa at kanang naghahanap sa kaniya sa loob ng kanyang silid. Umusod pa siya sa pinakagitnang bahagi ng ilalim ng kama upang isiksik ang sarili sa mainit at madilim na lugar. "Ayaw kasi mabuksan e at parehas din ang mangyayari kung hindi natin masisira ang lock ng pinto. Doon na lang ako sa mas mabilis." Ibinalandra pa nito ang baril na hawak niya matapos magpaliwanag sa kasamang kanina pa naiinis sa ugali niya, pero nabatukan lang din siya nito. Itinuon na lamang nilang muli ang atensyon sa batang hinahanap nila sa loob ng kuwarto. Maliwanag na maliwanag na sa loob kaya muling isiniksik ng batang babae ang kanyang katawan sa madilim na parte ng ilalim ng kama. "Bata? Nasaan ka? Nasa banyo ka ba? O nasa ilalim ng kumot?" Pigil-hininga ang batang babae nang makita niya sa ilalim ang dalawang paang pumunta sa magkabilang direksyon. Isang nasa banyo at ang isa naman ay tumalon sa itaas ng kama. Lumundag-lundag pa ito upang masigurong walang nagtatago o maramdaman sa ilalim ng kutson. Dahil malambot ang kama ay hindi mapigilan ng batang masaktan sa ilalim dahil nadadaganan ang likod nito. Nagtiis ang batang babaeng hindi humiyaw sa sakit. Pero patuloy pa rin sa pag-agos ang kaniyang mga luha. Wala siyang mahingian ng tulong nang mga oras na iyon. Ang alam lang niya ay masamang tao ang nakapasok sa kanilang bahay. "Wala namang tao rito. Ano yun magic? Bigla na lamang nawala ang bata? May power ba iyon? Katakot naman. Lumabas na lang kaya tayo rito at umalis na bago pa may marinig tayong sirena ng pulis sa labas." Nagkaroon din ng utak ang kasama at niyaya na lamang na lumabas. Tumango naman ang huli at nauna ng lumabas ng kuwarto ang nagsalita. Pansamantala muna siyang nagmasid at nakiramdam sa loob ng kuwarto bago sunda ang kasama sa labas. Naiwan siyang palinga-linga pa at lumundag ulit sa huling pagkakataon sa kama. Bago umalis sa kama ay pinaulanan niya ito ng mga bala ng hawak niyang silencer. Nang makuntento sa ginawa ay bumaba na ito sa kama at lumabas ng silid. Agad na nagmadali ang mga grupo ng magnanakaw na ilabas ang kanilang mga ninakaw at ipasok sa kanilang dalang sasakyan. Nang makumpleto ang mga pakay at nakasakay na ang lahat ay pinaandar na nila ang sasakyan at maingat na lumabas ng bahay ng isang may katungkulan sa pamahalaan. Isang bahay ng kilalang tao sa lipunan ang kanilang pinasok at ninakawan. Sa silid naman ng batang babae ay naroon pa rin ito at pilit na iginagapang ang sarili. Tinamaan siya ng mga basyo ng balang ginamit ng lalaki kanina bago ito lumabas sa kanyang silid. Duguan na siya at habol-habol ang hininga. Sinisikap ang sariling huwag pumikit. Nagawa niyang makapagtago pero tinamaan din siya sa iba't ibang parte ng kanyang katawan ng isang lalaking palundag-lundag kanina sa kaniyang kama. Muling gumapang ang batang babae palabas at nang makalabas sa ilalim ng kama ay nawalan na ito ng malay. Tuluyan na niyang ipinikit ang kanyang mga mata. ISANG ORAS ang nakalipas ay may isa na namang sasakyan ang tumigil sa harapan ng ninakawang bahay ng may katungkulan sa pamahalaan. Isang babaeng nakasuot ng hapit na hapit na kasuotan ang bumaba at inalalayan ng mga kasama nitong pumasok sa loob. Isa-isa niyang sinuri ang mga nakabulagtang guwardiya at mga aso bago dumiretso sa loob. Bulagta ang isa pang guwardiya, maging ang mga ibang kasambahay. Nang akyatin ang ikalawang palapag at tiningnan ang kuwarto ng mag-asawa ay duguang katawan naman ng mga ito ang kanilang nasilayan. Nang dumako ang paningin niya sa isa pang nakabukas na silid ay doon niya nakita ang isang batang babaeng duguan. Sinuri niya ang pulso nito at nang malamang may kaunting porsyento pa ng buhay ang mayroon sa bata, agad niya itong ipinabuhat at bumaba. Dumiretso ito sa loob ng sasakyan at mabilis na inutusan ang nagmamaneho na paandarin na ito at nilisan ang lugar. Sa isang laboratoryo malapit sa palasyo ng pinuno ay dinala ng babae ang batang babae. Ipinasok niya ito sa loob ng isang malaking kapsula na kasya ang isang tao. Agad niyang itinurok sa maliit na tube ang isang potion na mula sa hangin. Doon ay nagsimulang bumilis ang t***k ng batang babae habang minomonitor nito ang nangyayari sa kaniya. "One potion down on the girl. Next target is the potion of fire." At hinayaan niya ang mga aparatu na ang bahala sa bata sa loob ng kaniyang laboratoryo. Malayo-layo pa ang biyahe niya upang hanapin ang isa na namang taong gagawin niyang ekspiremento. ... SA MISMONG pagbaba ng isang hindi kilalang babae kasama ang limang mga kabataang iyon ay siya ring paggising ng mga bata sa loob ng kapsula. "Sa wakas at nagising na rin kayo." Agad na binuksan ni Hermano ang mga kapsula at isa-isang bumaba ang mga batang mahigit isang linggo rin nakatulog sa loob. Handa na rin ang mga kasuotan ng mga ito nang makalabas sa loob ng kapsula. Awtomatiko na itong ipinasuot ni Hermano sa kani-kanilang katawan bago magsalita si Wyatt. "Ikinagagalak kitang marinig muli, Hermano," masayang bati ni Wyatt matapos bihisan ito. "Masaya akong makita kang muli, young master Wyatt. Hinihintay na kayo ng iyong ina sa labas. Tatanggalin ko muna ang balute sa buong paligid nang sa ganoon ay makalabas kayo mula rito." Tumango na lamang si Wyatt at tiningnan sa malaking screen ang nangyayari sa labas. Naroon na rin si Puti na inaalalayan ang ina. Ilang saglit pa ay lahat ay pumasok sa loob ng elevator ng laboratoryo at dinala na ang mga ito sa labas. Habang nakikipagtitigan pa si Heroina sa panibagong bisita ay naramdaman niya ang pansamantalang pagyanig ng lupa. Ramdam at dinig na dinig niya ang mga yabag. Nang lingunin ang kinaroroonan ng mga yabag ay napangiti siya. "Nagising na po sina Wyatt, inang Heroina," bulong ni Puti kay Heroina. Nginitian at niyakap na lang ni Heroina si Puti at hinintay na makalapit ang kanyang anak at ibang mga bata. Masayang-masayang makita ni Heroina at Puti si Wyatt na gising na gising na ngayon sa kanilang harapan. Kasama rin nito ang lima pa sa mga itinakdang makakatunggali ng limang kaharap nila. Sinalubong siya ng yakap ng anak at binati naman ni Wyatt si Puti at pinasalamatan ito sa pagtulong at pagbabantay sa kaniyang ina. "Ikinagagalak kong makita ang mga ekspiremento mo, Heroina," wika ng babaeng kanina pa hindi nagpapakilala sa kaniya. Pati pangalan niya ay alam din nito. Kaya isang malaking palaisipan sa kaniya kung ano ang pakay nito. "Maaari ko bang malaman ang iyong pangalan at ang iyong pakay, babae?" kalmado pa nang mga oras na iyon si Heroina. "Hindi ikaw ang pakay, Heroina." "At paano mo alam ang pangalan ko, babae? Sino ka at bakit mo kasama ang mga batang iyan?" "Kilalang-kilala kita, Heroina. Matunog ang pangalan mo noon pa man." "Wala yata akong natatandaan sa pagmumukha mo. Ano ang pakay mo sa munti kong palasyo?" Sarkastiko. May pang-uuyam at pang-iinsulto ang mga tanong ni Heroina. Gayundin ang mga sagot ng kaharap niyang matabil ang dila na babae. Kanina pa niya ito hinihintay na magpakilala pero mukhang pahahabain lamang niya ang diskusyon. "Wala akong oras na magpapakilala. Ngayong kasama mo naman ang mga ekspiremento mo, bakit hindi na lang kita imbitahan sa isang duelo kalaban ng mga ekspiremento? Kapangyarihan laban sa kapangyarihan," may guhit na mala-demonyo ang ngiti nito kay Heroina habang ang huli ay tila hindi na makapagpigil. "Ipinakilala ko nga pala sa inyo ang aking mga likha. Unahin natin sa batang lumulutang na iyan. Siya nga pala si Yesha." Mula sa likuran ng babae ay umangat ito at parang bombang bumaba sa harapan nina Heroina. "Kung sino ka mang babae ka, sinasabi ko sa iyon na hindi mga ekspiremento ang mga batang ito." "Wala kang magagawa kung kailangan nilang makipaglaban, Heroina. Isang utos ko lamang ay buhay na ninyong lahat ang kapalit. Kaya ano pa ang hinihintay mo, pumili ka na ng makakatunggali ni Yesha." Panay ang halakhak nito habang si Heroina naman ay nilingon ang mga batang sa tingin niya ay pagod pa at wala pang mga lakas na makipaglaban. Kagigising lamang ng mga ito at sasabak na agad sila sa giyera. Hindi na tuloy alam ni Heroina kung papayagan niya silang kalabanin ang isang may lakas ng kapangyarihan ng hangin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD