Sikreto

1129 Words
Buong araw na hindi pinatay ang mga telebisyon sa mga nakapanood ng anunsiyo at kawalang hiyang ginawa ni Damion Kill sa dating pinuno at sa uupo sanang bagong pinuno ng Independencia. Ang mga nasa loob lamang ng kani-kanilang mga tahanan sa Uson, sa Isaya, at sa probinsiya ng Indana ay hindi makapaniwalang gagawin iyon ni Damion Kill. Pinagkatiwalaan pa naman siya ng dating si Dominador Dimaguiba, pero isa pala itong mabangis na lobong nagtatago sa likod ng isang maamong tupa. Walang humpay ang pag-iyak. Walang tigil ang pagluluksa ng mga nakapanood sa nangyari. Hindi rin napigilan ng ilang nakarinig sa radyo sa ginawang kasamaan ni Damion Kill. Walang puso at sadyang kampon ito ng kadiliman. Isa sa mga nakapanood sa insidenteng iyon sa Irina Arena ay si Heroina. Hindi napigilan ni Heroina ang pag-iyak. Isa kasi sa mga biktimang iyon ay ang taong labis niyang pinahalagahan sa kanyang buong buhay. Isang taong naging mabuti sa kanya. Isang taong ang tanging hangad lamang ay pagsilbihan ang kanyang kapwa na walang hinihinging kapalit. At isang taong matagal nang may gustong putulin ang katiwalaan sa mga nasa may katungkulan. Hindi rin inakala ni Heroina na babagsak sa mga kamay ng isang Damion Kill ang taong pinakamamahal niya. Wala ibang nararamdaman nang mga oras na iyon si Heroina kundi ang galit, poot, at naipangako sa sariling maghihiganti siya sa tamang panahon. Hinding-hindi siya titigil hangga't hindi niya personal na makakasalamuha ang taong pumatay sa mga inosente. Naipangako niya sa sariling magkukrus ang landas nilang dalawa. Sa edad na labingsiyam na taong gulang, na nakatira sa isang sikat na pasyalan na kung tawagin ay The Heroina, doon nagsimulang palakasin ni Heroina ang kanyang sarili. Isang malawak, at napanatili ang kagandahan ng lugar sa Aliza, Oksidental. Isang tanyag at pinakamatandang mansiyong itinayo ang The Heroina noon pang panahon ng mga Kastila. Nang sumiklab ang Digmaan sa pagitan ng mga sakang at mga puti ay naipit ang mga Independen sa hidwaan ng dalawang malalaki at malalakas na bansa. Isa sa mga tinamaan ng bomba ay ang The Heroina, na ang tanging natira na lamang ay ang mga poste nitong gawa sa mga marmol, bato, at tanso. Nanatili itong nakatayo sa loob ng mahabang panahon. Kinalaunan, sa taong labing siyam na libo ay binili ito ng isang prominenteng Independen, na may lahing Espano at Arekano. At si Heroina ang kahuli-hulihang henerasyong legal na magmamay-ari ng tanyag na pasyalan sa Aliza, Oksidental. Ang harapan nito ay isang patag at maberdeng damuhang araw-araw ay nilinis at ginagapas, na kasing laki rin ng isang golf course ng sikat namang pasyalan sa Uson na kung tawagin ay Muros. Sa paligid ng natitirang mga poste ng The Heroina ay ang ang nakatanim na mga pulang rosas, na may nakatayong matatandang puno ng mangga sa kaliwa, at puno ng akasya sa kanan. Dahil sa nangyaring insidenteng napanood niya sa telebisyon ay nagpasya si Heroina na pansamantalang ipasara ang pook upang makapag-ensayo ng mag-isa. Takot na rin kasi ang mga tao na lumabas dahil sa banta ni Damion Kill sa mismong araw ng pamamaslang nito. Ang araw ay ginawang gabi ni Heroina upang palakasin ang kanyang sarili sa pamamagitan pag-eehersisyo, pagtatakbo, pagbubuhat at paghihila ng mga mabibigat na mga bagay, at pagpu-push up upang maging maliksi at malusog ang kanyang pangangatawan. Pinag-aralan niya rin ang bawat galaw ng mga nanari-saring mga sandata, gaya ng pana at sibat, espada, at punyal, at isang uri ng espada na kung tawagin ay Katana, sa pamamagitan lamang ng panonood online. Ang gabi ay ginawa naman niyang umaga dahil walang tigil din si Heroina sa pagtutuklas at paggawa ng makabagong kagamitan. Isa sa mga napagtagumpayan niya ay ang paggawa ng kapsula. Kung titingnan ito ay para lang siyang hugis ng isang capsule na gamot. Pero kapag itinapon mo ito sa lupa ay kusa itong magta-transform at magiging isang sasakyan na puwedeng lumusot at lumabas sa kahit saang parte man ng Independencia. Walang oras ding hindi siya nakikinig ng balita sa radyo o nanonood sa telebisyon, mag-isa upang makakuha ng impormasyon kung ano na ang nangyayari sa loob at labas ng Isaya, Uson, at Indana. Iyon ang tanging paraan niya upang alamin ang tunay na estado ng bansang kinalakihan at kinamulatan niya. Ganoon lamang ang naging rutina ni Heroina sa loob ng halos sampung taon ng kanyang buhay, mula nang mawalay siya sa kanyang magulang. SAMPUNG Taon ang nakalipas, isang bente-nuwebe anyos na babae na si Heroina. Matangkad, morena ang kutis ng balat, na may kulay abuhing mga mata ang malaya nang nakakalaba sa The Heroina upang personal na masaksihan ang kaganapan. Sinimulan niya ang pagmamasid sa mismong bayan ng Aliza hanggang sa umabot siya sa iba pang karatig bayan ng Oksidental. Halos lahat ng mga nakikita niya at naririnig ay pawang mga masasama. Hindi iyon maganda sa kanyang pandinig at kahit anong pigil niyang huwag makialam o mangialam ay namamayani pa rin sa dugo niya ang tulungan ang mga naaapi at turuan ng leksyon ang mga walang pusong mga taong naniniwala sa Pinuno ng Independencia na si Damion Kill. Gustuhin man niyang huwag gumamit ng dahas ay hindi puwede dahil mas mapang-imbot at sakim pa ang mga makakalaban niya. Tila wala na sa mga puso ng mga ito ang salitang patawad. Lagi na lamang kasing bukambibig nga mga ito ang pangalan ng taong kinaiinisan at kinamumuhian niya. "Wala kang pakialam sa gusto naming gawin sa taong ito. Si Damion Kill lamang ang sinusunod namin. Siya lamang ang may karapatang pumigil sa aming dapat na gagawin. Walang makapipigil sa amin!" "Ang isang tulad mong babae ay hindi dapat nakikisalamuha sa mga lalaki. Dapat sa iyo ay nasa loob ng tahanan at inaasikaso ang mga pangangailan naming mga lalaki. Dahil ang mga babae ay ginawang tagasilbi lamang naming mga barako!" Iilan lamang sa mga ito ang naririnig ni Heroina, na lalong nagpaibwal ng kanyang galit. Sa tuwing babatukan siya o aasintahin, ay bigay todo na niyang inilalabas ang lakas niya at tapang. Nakakapagtimpi pa rin naman siya pero kapag sinagad na ay sasagarin din niya ang pagdidisiplina sa mga ito. Aliza, Oksidental pa lamang ang ruta niya pero tila, hindi maubos-ubos ang mga kampon at utusan ni Damion Kill. Kailangan rin niyang magpahinga. Babalik na sana siya sa kanyang pinanggalingan sakay ng kanyang kapsula nang hindi sinasadyan makarinig siya ng mga bullies sa hindi kalayuan. Nang sundan niya ang kinaroroonan ng tinig ay doon nakita niya ang mga lalaking sinasaktan ang walang labang gusgusin at mukhang pulubing yakap-yakap ang isang attachè case. Halos anim na buwan na rin niyang ginawa ang pagroronda sa buong Isaya sa probinsiya ng Oksidental, partikular na sa kalapit na pook ng Aliza, malapit sa The Heroina. Wala siyang magagawa kundi ang unahin muna ang kaligtasan ng palaboy na nakikita niyang kanina pa binubugbog ng mga ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD