Ang Hindi Inaasahang Pagtatagpo

1581 Words
Hingal na hingal sa pagtakbo si Dmitri habang ang babaeng nagligtas sa kanya ay hindi man lamang nakitaan ng pagod. Pinagpawisan lang ito. Sanay na yata ang katawan niya sa takbuhan habang siya ay kulang na lamang ay manlupasay siya. Nang tinanggal ng babae ang suot nitong kapa at tali sa buhok, lumantad ang angking kagandahan niya. Litaw na litaw ang mabango at itim na itim nitong mahahabang buhok. Idagdag pa ang morenang kutis niya na kahit tirik na tirik ang araw ay masisilaw ka. Maging ang hubog ng kanyang katawan ay perpektong-perpekto para kay Dmitri. Siya na yata ang pinakamagandang babaeng nasilayan niya sa tanang buhay niya. Matapang, at may paninindigan. May prinsipyo at may ipinaglalaban. Iyan lamang ang mga ugaling hinahanap niya sa isang babaeng nais niyang makasama habang buhay. At siyempre, ang babaeng itinadhanang magiging kaakibat niya upang matupad ang kanyang misyon - ang palitan ang diktador at hindi nararapat na pamumuno ni Damion Kill. Ang putulin ang pamumuno ng isang huwad na pinuno ng buong Independencia. "Anong tinitingin-tingin mo riyan? Pinagnanasaan mo ako no?" aniya. Halos mamula na ang pisngi ni Dmitri nang mapagtantong matagal na niya palang tinitigan ang babae. Tulo-laway na rin siya nang mga oras na iyon at hindi na namalayan ang pagsilay ng mga ngiti niya sa kanyang labi. "Naku, hindi! I mean, gusto ko lang magpasalamat sa iyong pagligtas sa akin," ani Dmitri. Muntikan pa siyang mautal sa kanyang gustong sabihin. Nahihiya kasi siya sa mala-diwatang kagandahan ng babaeng malaki ang utang na loob niya. "Walang anuman. Pwede ka ng umalis. At ako nama'y kailangang bumalik sa aking pinanggalingan," supladang sagot ng babae na tatalikod na sana pero biglang nagsalita si Dmitri. Kusa kasing nagkaroon ng isip ang kanyang kamay at hinablot niya ang braso nito upang pigilan siya. "Pwede bang malaman ang pangalan mo? Pwede ba akong sumama sa iyo? Anim na buwan na kasi akong palaboy-laboy e. Pero hindi ako baliw ha? Baka pwede ako sa inyo. Magtatrabaho ako para hindi ako maging pabigat sa iyo," pag-rerequest ni Dmitri. Sunod-sunod pa ang mga tanong na lumabas sa kanyang bibig. Hindi niya inalis ang tingin sa mga nangungusap ng mata ng babae. Tiningnan siya ng babae mula ulo hanggang paa at matamang nag-isip kung papayagan niya ba o hindi ang kahilingan. Gusgusin, marumi, gulo-gulo ang buhok, mabaho at iba pang bagay na pinag-isipan muna ni Heroina. Katulad niya, marahil ay nagsasabi rin ito ng totoo na kailangan niyang tulungan. Ilang minuto ang nakalipas, sinagot niya ang mga tanong ni Dmitri. Naalala niyang mas mainam na isama siya upang sa ganoon ay may tutulong sa kanyang mga bagong tuklas. "Kailangan ko rin sa ngayon ng makatutulong kaya pwede kitang isama pauwi. Mag-isa na lang din naman kasi ako sa buhay kagaya mo. Ako nga pala si Heroina. Halika na. Kailangan na nating umalis." Isang napakalapad na ngiti ang sumilay sa mga pisngi ni Dmitri nang payagan siya ni Heroina na sumama sa kanya. Kulang na lamang ay takbuhin niya ito at yakapin nang mahigpit. Pero sa nasaksihan niya kanina ay baka matikim din siya ng sapak o panain din siya katulad ng sinapit ng mga nais na saktan niya. Niyakap na lamang niya ang pinakaiingatan niyang attachè case. Bago sila umalis ay may kinuha si Heroina na isang capsule mula sa bulsa ng kanyang kapa. Itinapon niya ito sa lupa at at naging isang maliit na sasakyan. Bilog at modernong-moderno ang pagkakagawa nito na parang Time Capsule. Ang kapasidad niyon ay para sa dalawa hanggang apat na katao lamang. Pero kung gustong palakihin pa ito ni Heroina ay magagawa niya. Isang pindok lamang niya ng controller sa daliri ay mag-iiba ang anyo nito para sa maramihang taong sasakay sa loob. "Ang tawag dito ay Invisible Car Capsule. Ginagamit ko ito kapag gusto kong bumalik sa pinanggalingan ko. Halimbawa na lamang ang pauwi sa bahay ko. Isa itong uri ng sasakyang ako ang nakaimbento na hindi kailanman mapapansin ng mga tao kahit na ang mga tauhan ni Damion Kill habang nasa ere ako. Tayo. Kaya, sumakay ka na." Lumuwa ang mga mata ni Dmitri sa nakita. Alam niya sa sariling isa siyang siyentipiko pero ni minsan ay hindi pa siya nakagagawa ng isang sasakyang galing sa isang kapsula. Ngumiti na lamang si Dmitri bilang paghanga sa kanyang nakita at agad na pumasok sa loob. Pagkapasok nito sa loob ay tila lalo pa siyang namangha pagkat napakakomportable ng upuan at kulang na lamang ay makatulog siya, na parang isang bahay na papahingahan niya sa buong araw na pagtatakbo. Pinaandar na ni Heroina ang sasakyan at isang parte ng maliit na controller ang hinawakan niya at mabilis itong naglaho sa pook na kailangan nilang lisanin. At wala pang isang minuto ay nakarating na sila sa kanilang paroroonan. Halos kumawala ang puso ni Dmitri sa experience na iyon. Gulo-gulo rin ang kanyang mahahabang buhok. Nagmamadali siyang lumabas ng kapsula at nang mabuksan iyon ni Heroina, sumuka agad ito na parang bata. Mahihiluhin siya. Aminado siya roon. Marahil dulot lamang ito ng unang beses niyang pagsakay sa kakaibang klase ng kapsula. "Mukhang first time mo yata. Natatawa ako sa iyo. Lalo kang nagmukhang baliw. Ano nga pala ang pangalan mo?" natatawang tanong ni Heroina nang makitang patuloy sa pagsuka si Dmitri. Hindi napansin niya ang mukha ng huli pero narinig naman niya ang kanyang tanong. Nawala lang sa isipan niya ang boses nito nang tumawa siya sa harapan niya. "D-Dmitri. Ang pangalan ko ay Dmitri," sagot niya, at muling nagsuka nang nagsuka. "Pasensya ka na kung hindi kita na-orient. Ito inumin mo, chewable ang gamot na ito. Pantanggal ng hilo," wika ni Heroina sabay abot ng isang maliit na tablet ng gamot. Pinagmasdan na naman niya ito agad iyong nilunok ni Dmitri. Walang nguya-nguya. Pagkatapos guminhawa ang pakiramdam ni Dmitri ay muli na naman siyang pinahanga ng imbensyon ni Heroina. Pinindot kasi nito ang isang maliit na kulay pulang button sa gilid ng Invisible Car at bigla itong bumalik sa pagiging maliit na kapsula. Kinuha niya iyon at itinagong muli sa kanyang bulsa. "Welcome to my humble home, Dmitri. Welcome to The Heroina in ALiza, Oksidental," saad niya habang nakalahad ang dalawang palad na animo'y proud na proud sa kanyang ipinakitang pook. Sumilay naman ang mga ngiti sa labi ni Dmitri at ilang beses na ba siyang namangha sa mga nakita niya? Hindi na niya mabilang pa. Nang igala pa niya ang mga mata ay kakaibang saya ang ang dulot nito sa kanyang puso. Ngayon lang din siya nakapunta sa isa sa mga sikat na pook pasylan na kung tawagin ay The Heroina of Aliza. Ito ay isang two-storey cellsite kung saan makikita mo ang malaking sign na "THIS WAY TO THE HEROINA". Makikita mo rin sa gitna ng The Heroina ang isang malaking fountain. Berdeng-berde ang mga damuhan at halatang inalagaan sa mahabang panahon. Nang inaya ni Heroina si Dmitri, sumunod naman ito sa kanya habang iginagala pa rin ang mga mata sa kabuuan ng paligid. Sa halip na sa gitna o sa mismong entrada sila pumasok, sa likuran sila dumaan, sa isang tagong area na si Heroina lamang ang nakakaalam, na mas ikinagulat na naman ng bisita. "Please enter your user name and password," tinig na nanggaling sa maliit na pintuang kasya lamang ang isang tao upang makapasok. Tahimik lang si Dmitri na nakikinig sa nagsasalita. "HEROINA. Password: LACSON LEDESMA," sagot naman ni Heroina na binaybay pa ang bawat letra ng kanyang pangalan at password na ibinigay. "ACCESS GRANTED. You may now enter. Welcome back, Miss Heroina," boses muli ng tinig. "Walang anuman, Hermano," sagot naman ni Heroina sa boses na pinangalanan niyang Hermano. Takang-taka naman si Dmitri sa mga nangyayari dahil may pangalan ang boses pero hindi naman niya nakikita. Hindi na lamang nagpahalata ito. Marahil hindi lang siya sanay sa modernong teknolohiya. Hindi naman siya bobo pero lahat ng tungkol sa teknolohiya ay kanya lamang nababasa at hindi pa ito nasusubukan. Halos sa bundok Anglaon na rin niya natutunan ang ibang mga bagay. Nang bumukas ang isang lagusan pababa ay napansin ni Dmitri ang zigzag na hagdanan habang sila'y bumababa at iniilawan ang kanilang dinaraanan. Hindi matigil ang kamanghaang nararamdaman niya sa mga nakikita simula lang na pinayagan siya ng babae na sumama sa kanya. At lalong hindi na siya makapagpigil nang sa mismong ilalim ng The Heroina ay may isang napakalawak na pasilyo at laboratoryong kumpleto sa modernong kagamitan ang kanyang nasisilayan. "Ito ang aking munting tahanan sa ilalim ng The Heroina na ito. Ito ang tinatawag kong Heroina's Finest. Sana'y namangha ka pa sa aking munting pasilidad at laboratoryo. Feel at home. At kung pu-pwede ay maligo ka muna at palitan mo na rin ang mabaho at marurumi mong damit. Mag-shave ka na rin at gupitin mo 'yang mahahaba mong buhok. Ilapag mo na lamang ang storage box na dala-dala mo roon sa storage area. One more thing, ikaw pa lang ang nakakaalam nito. Kaya, ngayon pa lamang ay binabalaan na kitang sa oras na tumakas ka rito, hindi ka basta-basta makalalabas dahil tanging boses ko lamang ang pakikinggan ni Hermano na siyang aking talking machine sa buong pasilidad na ito." Tumango-tango na lamang si Dmitri habang patuloy sa pagnganga sa kanyang nasisilayan. Kulang na lamang ay pasukan ng langaw o bangaw ang nakaawang niyang bunganga. Iniwan ni Heroina si Dmitri at tinungo nito ang kanyang kwarto upang makapagpahinga. Sinunod na lamang din ni Dmitri ang utos sa kanya na maligo muna bago niya isa-isang tingnan ang mga modernong kagamitang naroroon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD