Ang Batang Mahilig sa Halaman

1522 Words
"Orchidiaaa!" halos lumabas na ang mga ugat sa leeg ng matandang babae habang tinatatawag ang pangalan ni Orchidia. Nakapamaywang itong inis na inis sa kanyang nakita sa loob ng kwarto ng batang kanina pa niya tinatawag. "Tiya, nandiyan na po," sagot naman ng dalagitang nagngangalang Orchidia. Pagka-akyat sa kanyang kuwarto ay sinalubong siya ng kanyang tiyahin ng isang kurot sa tagiliran. Napa-aray at todo iwas naman ang dalagita. Hinihimas-himas pa niya ang tagilirang dinaanan ng kurot ng tiyahin. "Aray. Aray naman po, Tiya. Bakit niyo naman ako kinurot?" Late reaction naman ang dalagita sa sakit na naramdaman niya. "At tinatanong mo ako kung bakit? Tingnan mo nga ang silid mo? Silid pa ba ng tao iyan? Gubat na ba ang tawag sa silid mong ito, ha? At ilang beses ko bang sasabihin sa iyo na huwag na huwag kang magtatanim o magdadala ng kahit ano mang uri ng halaman sa kuwarto mo? Bakit ba ang tigas talaga ng ulo mong bata ka!" nanggagalaiti sa galit na turan ng tiyahin niya. Nginitian lang nito ang tiyahin. "Tiya naman e. Sila na nga lang ang mga kaibigan ko rito. Pinagbabawalan niyo naman po kasi akong lumabas upang makipaglaro. Kaya, sa mga halaman ko na lang ibinabaling ang atensyon ko. Payagan niyo naman po ako. Kahit dito sa kwarto ko lang po. Please?" maluha-luhang pakiusap ni Orchidia sa kanyang tiyahin. "Hay! Ewan ko sa iyong bata ka. Kung iyan ang gusto mo, ikaw ang bahala. Basta't huwag na huwag kang magkakalat sa labas. Dito lang sa loob. Naintindihan mo?" sagot naman ng tiyahin ni Orchidia at bigla niyang niyakap ito bilang pasasalamat. Hinigpitan pa nito ang yakap at nadala naman ang tiyahin sa sinserong yakap ng dalagitang si Orchidia. "Maligo ka nga muna. Ang lagkit-lagkit mo. Amoy lupa ka na naman. Pagkatapos mong maligo, pumunta ka sa bayan at bumili ng lulutuin nating gulay. Dating gawi. Ibibigay ko sa iyo ang listahan at ikaw ang bahala. Alam ko naman kasing puro sariwa ang mabibili mo. Kaya siguro napakaraming halaman dito sa silid mo. Naintindihan mo?" utos nito sa kanya. "Opo. Opo. Maliligo na po ako, tiya! Salamat po ulit." Masayang-masayang wika ni Orchidia. Mabilis siyang bumaba ng hagdanan at agad na tinungo ang banyo at nagsimulang magbuhos ng tubig sa kanyang katawan. Pasipol-sipol pa ito at pakanta-kanta kahit sintonado. Ilang taon niya ring itinago sa kanyang tiyahin ang pagiging mahilig niya sa mga halaman. Kahit na obvious na obvious namang hindi lang halaman at bulaklak ang naipapasok niya sa kanyang silid kung hindi pati na rin ang mga baging at iba't ibang uri ng buto ng mga gulay na kanyang itinanim. Si Orchidia ay labindalawang taong gulang at ulilang lubos na. Ang kanyang tiya Becky na lamang ang umampon sa kanya. Kahit hindi siya kadugo ng itinuturing niyang tiyahin, kinupkup siya nito at itinuring ding parang anak. Malimit mang itanong ni Orchidia sa tiyahin kung ano talaga ang tunay na nangyari sa kanyang magulang ay pikit-mata naman ang tiyahin sa pagsagot sa kanya. Iyon nga lang, madalas siyang sinisigawan kapag may mali siyang nagawa pero kapag maayos niya namang natatapos ang ipinag-uutos sa kanya, malambing at mapagmahal din ang tiya Becky niya. Kaya mahal na mahal niya ang kanyang tiyahin kahit pa ilang beses na siyang sinisigawan o minamata nito kapag nagkakamali siya. Lahat ng sinasabi sa kanya ay naiintindihan din niya. Nang matapos maligo ay agad na pumunta si Orchidia sa kusina upang kunin ang iniwang listahan ng bibilhin at perang pambiling iniwan ng tiyahin sa kanya. At dahil ilang metro lang naman ang layo ng bahay nila sa pamilihang bayan, araw-araw itong nilalakd na lamang ni Orchidia. Sasayaw-sayaw at paikot-ikot pa itong naglalakad habang kumakanta ng sintonado ng paborito niyang kanta. Hindi pa man siya nakakalahati sa paglalakad ay napansin niya ang nagkukumpulang tao sa gitna ng palengke. Dali-dali siyang tumakbo roon upang maki-usyuso. Isang matandang lalaki ang pinagsisipa ng mga taong bayan. May akap-akap itong basket ng mga gulay at hawak-hawak na isang uri ng orchids. Isang rare orchid ang nakita niya at gustong-gusto niyang magkaroon niyon. At hindi maaring magkamali si Orchidia dahil ang uri ng orchids na hawak ng matanda ay ang tinatawag na Moon Orchid. Isang uri ng endangered plants na hindi basta-basta makikita sa ibang parte ng Independencia, maliban na lamang kung pupuntahan mo ang isla ng Wanpala. Puno na ng pasa at mga sugat ang matanda. Upang iligtas ang matanda at matigil ang ginagawa ng mga ito, sumigaw si Orchidia nang napakalakas at nilingon siya ng mga taong bayan. "HOYYY! Bakit niyo pinagsisipa ang matandang walang kalaban-laban sa inyo ha? May kasalanan ba siya?" nakapamaywang man ito ay halata naman ang panginginig ng mga tuhod ni Orchidia. Nilakasan na lamang niya ang loob. Nilingon lang siya ng mga tao subalit, hindi naman siya pinansin ng mga ito. Ipinagpatuloy na lamang ng mga lalaki ang p*******t sa matanda. Lalo tuloy naawa ang dalagita. Naiinis na si Orchidia. Binitiwan niya ang dalang basket. Kumuha siya ng maliliit na bato at pinagbabato ang mga lalaki. Panay naman ang ilag ng mga lalaki hanggang sa unti-unting lumayo ang mga ito sa kinaroroonan ng matanda. Dali-dali siyang tumakbo at tinulungang makatayo ang matanda. Ngunit, nabitawan ng matanda ang Moon Orchid. Ang hugis buwang orchid ay nahulog sa lupa. "Ineng, ang orchid! Ibibigay ko iyon sa aking naghihingalong apo," wika ng matanda. Malungkot ang mukha nito at mas nahabag nang marinig ang totoong dahilan kung bakit siya pinagkaguluhan ng mga lalaki. Marahil dahil iyon sa napaka-espesyal na orchid na hawak niyang ireregalo sa apo nito. Binalikan ni Orchidia ang Moon Orchid. Nang aabutin na niya ito ay inapakan nang inapakan ito ng isang lalaki. Halos maluha naman ang matanda sa nakitang pagsira sa orchid na kaisa-isa niyang regalo sana sa kanyang naghihingalong apo. Bigla ring namasa ang mata ni Orchidia. Naawa siya sa matanda. Galit na galit si Orchidia sa mga lalaki at agad na sinugod ang mga ito. Kahit walang lakas ay nagawa niyang sipain sa paa ang isang lalaki. Kinwelyuhan siya at unti-unting sinasakal ng lalaki. Pumailanlang ang katawan ni Orchidia habang sakal-sakal siya ng lalaki. Sa halip na magmakaawa upang kalagan siya ng lalaki ay pinagsusuntok at pinagsisipa niya lang ito kahit hindi niya abot ang katawan ng sumasakal sa kanya. Tinatawanan na lamang siya ng ibang mga lalaki. Ang ibang mga tao naman ay lumisan na sa takot na may mangyari rin sa kanila at hindi man lamang tinulungan ang dalagita. Kinaladkad ng lalaki si Orchidia at dinala sa isang gubat. Inihagis siya ng lalaki sa damuhan at doon lamang nakahinga nang maluwag. "Wala kayong mga puso! Pati ang kaisa-isang bagay na ireregalo ng matanda sa kanyang apo ay sinira niyo pa! Ang dapat sa inyo ikulong!" Sigaw nang sigaw at paninisi ni Orchidia sa mga lalaki. "Bata! Baka nakakalimutan mong kami ang may-ari ng palengkeng iyon. Amin rin ang gubat na ito. At ano mang naisin namin ay magagawa namin dahil utos iyon ng Pinuno na si Damion Kill," pakli nito kay Orchidia. Nagmamayabang pa ito sa harapan ng dalagita habang ang huli ay walang maintindihan sa kung sino ang tinutukoy nitong Damion Kill. "Boss, ang daldal ng batang 'yan. Pakialamera pa. Patayin na natin." sabat ng isang lalaki. Ngingisi-ngisi pa ito. "Te-Teka lang po! Maawa po kayo sa akin. Bata lang po ako. Baka po puwede niyo akong pakawalan?" Ngingisi-ngisi pero natatakot na pagmamakaawa ni Orchidia. Bigla siyang nakaramdam ng pamamawis. Nangangatog naman ang kanyang mga paa. Hindi na rin niya alam ang gagawin. "Bata! Bata ka pa nga pero pwede ka na rin naming gawing parausan." Alam ni Orchidia na nasa panganib na siya matapos niyang marinig ang mga katagang iyon sa lalaking sakal-sakal pa siya. Marahang nagsilapitan ang mga lalaki kay Orchidia habang siya naman ay napayakap na lamang sa kanyang mga tuhod. Ipinikit na lamang ni Orchidia ang kanyang dalawang mata at nanalanging sana ay may magligtas sa kanya. Habang nakapikit ang mga ito ay isang anino naman ang lumabas sa pinagtataguan niyang puno at isa-isang pinakawalan ang maliliit at hugis karayom na bagay. Tumama ito sa leeg, paa, at kamay ng mga lalaki. Bigla silang nakaramdam ng pagka-antok kaya naman bumagsak ang katawan ng mga ito sa lupa. Nang imulat ni Orchidia ang kanyang mga mata, nagulat siya dahil bulagta na sa damuhan ang mga lalaki. Tumayo siya at nagpalinga-linga sa pagbabakasakaling masilayan niya ang taong nagligtas sa kanya, nang dumako ang tingin niya sa kinaroroonan ng matanda kanina ay bulagta na rin ito. Bago pa man masilayan ni Orchidia ang sumagip sa kanya ay tinamaan rin siya ng isang uri ng pampatulog sa kanyang leeg at napahiga sa lupa. Nang makatulog ito ay isang anino ang lumapit sa nakahandusay na dalagitang si Orchidia. Tinitigan pa niya muna ito at nagsalita sa isipan. "Isa kang batang may busilak na kalooban. Karapat-dapat kang mapabilang sa mga indibidwal na biyayaan ng kapangyarihang ipagkakaloob sa iyo sa takdang panahon, Orchidia." Binuhat na niya ang dalagita at iniwan ang mga bulagtang katawan ng mga lalaki. Nang madaanan ang nakatulog na matanda ay pinainom niya ito ng pampagising at inilagay sa mga kamay nito ang isang Moon Orchid.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD