Sa Bulkang Anglaon

1611 Words
Sa bundok Anglaon ay may naninirahang isang diwata. Kung tawagin siya sa kaniyang pangalan ay Reyna Lualhati. Siya ang naatasang magbantay ng mga may buhay at walang buhay na mga bagay sa paligid ng bundok. Sa kanyang mga kamay nananatili ang kapayapaan at katahimikan sa bundok na iyon. Matagal na ring hindi aktibo ang bulkang Anglaon. Kaya mayayabong ang mga puno at halaman tumutubo roon. Dala marahil sa matabang lupang naging pataba sa mga nabubuhay na mga halaman at puno maging mga d**o at iba pang nanari-saring mga hindi kilalang mga halaman. Magtatatlong daang taon na rin kung maituturing na engkantada at diwata si Reyna Lualhati sa bundok na iyon. Hindi kakikitaan ng pagkulubot ng mukha o pagtanda ang hitsura at buong katawan niya pagkat natural na natural na sa kanilang mga imortal na laging bumabata, kahit pa nadadagdagan ang kani-kanilang mga edad. Masaya siyang ginagampanan ang kanyang tungkulin. Sa kanyang pagiging isang diwata ay wala siyang anumang narinig na mga masasamang salita sa mga nakakasalamuha niyang mga hayop at mga halamang nasa pangangalaga niya. Masayang-masaya pa nga ito sa pagiging reyna ng bundok Anglaon. Bagaman at sa mismong bundok ng Anglaon siya nananahan, sa Isaya, Oksidental, sakop pa rin naman niya ang lahat ng kalikasan maging ang karagatan ng Uson, at Indana at buong Independencia. Kaya ganoon na lamang ang kanyang pagbabantay sa kapaligiran ng Uson, Isaya, at Indana. Batid rin ni Reyna Lualhati ang kasamaang nakapalibot sa buong Independencia. Lagi kasi siyang pasulpot-sulpot sa iba't ibang parte ng Independencia, partikular na sa Uson, kung saan labis na nalulungkot at naaawa ang kanyang puso sa mga sinapit at sasapitin pa ng mga Indenden o mga tao roon. Sakim at ganid sa kapangyarihan ang mga nakatira sa Uson habang ang Indana naman ay galit sa taga-Uson at gusto nilang humiwalay sa mapa ng Independencia at magsarili o magtayo ng sarili nilang republika. Ilang beses niyang binigyan ng pagkakataon ang mga namumuno na magbago pero lalo lamang itong nagiging makapangyarihang tinatapakan palagi ang mga inosente at mangmang. Sa halip na manatili palagi sa iisang lugar sa Uson man o sa Indana, ninanais palagi ni Reyna Lualhati na makabalik sa Isaya dahil doon ay tahimik siyang namumuhay malayo sa kasamaan. Alam na alam kasi ng reyna na mabait at may malasakit ang pinuno sa buong Isaya. Matulungin ito at hindi naghihirap ang mga sakop niya. Lahat ay tinutugunan ang bawat pangangailangan ng isa nang sa ganoon ay rerespetuhin pa rin siya ng mga taga-Isaya. Nang magpasya ang bansa na muling maghanap ng taong iluluklok ng mga ito sa upuan ng palasyo ng buong Independencia, alam ni Reyna Lualhati na sa mabuting kamay mapupunta ang mga taga-Isaya maging ang buong bansa. Subalit, hindi niya inasahan ang paglitaw ng isang rebelyosong Independen sa katauhan ni Damion Kill nang mula sa kanyang trono sa bunganga ng bulkang Anglaon, sa tahimik na lawang iyon ay nakita mismo ng kanyang mga mata ang pamamaslang na ginawa nito sa mga tao at sa lahat ng naroon sa panunumpa sana ng bagong halal na uupo na si Juan Miguel Angelo. Lalo pang kumirot ang kanyang puso nang makita rin niyang bumulagta ang katatapos lang sa terminong si Dominador Dimaguiba. Hindi pinalagpas ni Dmitri ang pagkakataon iyon upang maghasik ng lagim. Dinamay pa nito ang mga inosenteng sibilyan, mga bata, at mga matatanda, maging ang mga nagmamakaawa ay hindi nito pinatawad. Tuluyan na sanang maglalaho ang pag-asang ipinunla ni Reyna Lualhati sa kanyang puso nang ang mismong taong nakatakda niyang maging gabay upang masugpo sa hinaharap ang kasamaan ni Damion Kill ay pinagbabaril din nito. At bago pa man tuluyang mamaalam sa mundo ng mga mortal si Dmitri ay si Reyna Lualhati na mismo ang bumisita sa Irina Arena upang kunin ang katawan ng nag-iisang taong magpapatuloy sa kanyang nasimulan. "Sankub atalpor! Sankub atalpor ereneya Irina Arena! (Buksan ang portal! Buksan ang portal patungo sa Irina Arena!)" Sinimulan nang bigkasin ng Reyna ang mahika na magbubukas ng portal upang tunguhin ang Irina Arena. Iyon ang laging binibigkas niya sa tuwing lalabas siya ng Anglaon upang magmasid sa Uson at Indaya sa bawat ikinikilos ng mga tao. At muli niyang ginamit ito upang mabilis na makapunta sa kinaroroonan ni Dmitri. Nang lumiwanag ang bunganga ng bulkan ay agad na tumalon si Reyna Lualhati sa portal na iyon at dinala ito sa misming kalsada, sa paligid ng Irina Arena. Habag na habag ang puso ng reyna sa sinapit ng mga taong hindi nakaligtas sa mga pamamaril, pananaga, pananaksak, at iba pang uri ng karumal-dumal na pagpatay sa kanila ng mga kaanib ni Damion Kill. Nagluluksa ang langit nang mga sandaling iyon at kitang-kita ng reyna ang isang lalaking gumagapang palabas ng Irina Arena. Kahit sugatan ay nagawa pa rin niyang itayo ang sarili at nang tatawid na ito sa gitna ay siya namang pagbundol sa kanya ng isang sasakyan at tumilapon ang katawan nito sa kalsada. Hindi man lamang ito binabaan o tinulungan ng nakasagasa sa kanya. Bagkus ay pinabayaan niya itong nakatihaya sa gitna ng kalsada, ilang hakbang lang ang layo mula sa pinangyarihan ng krimen. Pinaharurot na lamang nito ang minamanehong sasakyan at hindi na binalikan pa ang biktima. Ramdam ni Reyna Lualhati na si Dmitri na ang lalaking iyon. Kaya naglakad siya sa kinaroroonan nito, sa gitna ng kalsada at bago pa ito panawan ng ulirat ay binuhat niya ang lalaki at muling binigkas ang salamangka pabalik sa bundok Anglaon. "Sankub atalpor! Sankub atalpor ereneya Anglaon! (Buksan ang portal! Buksan ang portal patungo sa Anglaon!)" Sa mismong bulkang Anglaon, sa patag na parte ng bundok na iyon ay doon dinala ng reyna ang walang malay na si Dmitri. At dahil hindi siya puwedeng makita ng tao nang personal, ay sa panaginip siya nito nagpakita upang ihatid ang mensahe at misyong dapat na matupad niya. Iyon lamang ang tanging paraan upang maipasa niya ang mensaheng nararapat na malaman niya at nang makapaghanda siya sa hinaharap at kakaharapin pang mga dagok mula sa kamay ni Damion Kill. "Oro. Ara. Rao Ra. Arape! (Sa iyong panaginip ako'y iyong makikita!)" Matapos sambitin ang orasyong iyon ay lumitaw siya sa panaginip ng lalaking iniligtas niyang nagngangalang Dmitri Matapang. "Ikinagagalak kitang makilala, Dmitri. Ako si Reyna Lualhati. Ako ang tagapangalaga ng kalikasan sa buong Independencia. Sa paanan ng bundok Anglaong ito ako madalas na nananahan," pagsasalita niya. Hindi nakaimik si Dmitri. Natulala siya sa angking kagandahan ng isang Reyna, maging ang pananalita nito ay tila makaluma. Malalalim pero madaling maintindihan. "Ito ang kauna-unahang pakikipagkita ko sa tao pero sa panaginip mo lamang ako makikita, Dmitri. Nais ko lamang ipabatid sa iyo na simula pa lamang ito ng iyong misyon," saad niya habang ang kausap ay tila nagulat at bumalik sa wisyo matapos marinig ang kanyang huling sinabi. "A-anong misyon po ang ibig ninyong sabihin?" nagtatakang tanong ni Dmitri. Kunot ang noo nitong naghihintay sa isasagot ng engkantada. "Ang lipulin at puksain ang pamahalaan ni Damion Kill na mula sa taong ito ay magiging masalimuot at magiging marahas. Magiging alipin ang mga tao sa kanyang kasakiman at adhikaing maging Diyos ng bansang ito. At ikaw ang tanging taong alam kong makapipigil sa kanya. Naniniwala akong sa iyong eksperimento ay makalilikha ka ng isang malakas at makapangyarihang nilalang na lulupig at magwawakas sa kasamaang ipinupunla na ngayon ni Damion Kill." pagpatuloy ni Reyna Lualhati. May otoridad at diin ang bawat mga salitang kanyang binitiwan. Sa Dmitri naman ay naguguluhan pa rin. "Ano po ang ibig ninyong sabihin? Ako'y di hamak na ordinaryong tao lamang na nilikha ng Diyos dito sa mundo." wika ni Dmitri. Muli, ay nagbato ito ng isang matalinhagang tanong na alam niyang masasagot ng diwata. "Ang iyong puso ang nagsasabi kung papaano mo magagapi ang iyong mga kalaban. Bibigyan lamang kita ng pagkakataong maisakatuparan iyon. Gusto kong ipabatid sa iyo na isa kang taong may busilak ang puso at alam ng Maylikha ang sinasabi ng puso mo. Ang pagmamahal mo sa bansa at sa buong sambayanan ang magsisilbing tulay mo upang magtagumpaya sa iyong misyon. Sa iyong binhi rin manggagaling ang isang batang lalaking tatawagin mong Wyatt. Ang ibig sabihin ng pangalang Wyatt ay Dakilang Mandirigma. At ang mga potions na ginawa mo ang magsisilbing kapangyarihan ng iyong anak kasama ang anim pang mga taong gagabayan mo. Ang anim na taong ito ay hahanapin mo at sila ang tatawagin mong Underground Superheroes na pupuksa sa kasamaan nila Damion Kill." dagdag ni Reyna Lualhati. Taas ang noo pa nito habang binibigkas ang mga matatapang na mga saita. "Pero... wala namang kapangyarihan ang mga potions na ginawa ko, mahal na Reyna. Hindi ko pa nasusubukang gamitin o ipatak man lamang ang mga potions na iyon sa isang bagay, halaman, hayop, o tao. At paano ninyo po masasabing manggagaling sa akin ang Dakilang Mandirigma?" sunod-sunod na tanong ni Dmitri kay Reyna Lualhati na nakangiti lamang sa kanya habang ibinabato ang mga ito. "Hindi ako magpapakita sa iyo kung hindi kita matutulungan. Sa paggising mo mula sa mahimbing na pagkakatulog, masisilayan mo ang paghilom ng iyong mga sugat. Matutuklasan mo rin ang pag-iiba ng kulay ng mga potion mong ginawa. At ikaw ang gagawa ng paraan kung ano at kung kanino mo susubukan ang mga potions na iyon. Payo ko lamang sa iyo na kapag natuklasan mo na, huwag kang panghihinaan ng loob na turuan silang makipaglaban at ang babaeng magiging iyong kabiyak ang magsisilbi ring gabay upang turuan ang iyong anak sa pakikidigma. Madali mo ring mahahanap ang anim pang magiging kaagapay ni Wyatt dahil kusa silang lilitaw sa mga lugar na pupuntahan mo. Nawa'y magtagumpay ka." Hanggang doon na lamang ang nais na ibahagi ng reyna na mensahe kay Dmitri at iniwan na niya itong pansamantalang makatulog.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD