Chapter 3

1392 Words
Calista POV Nagta-trabaho ako bilang isang card dealer sa Casino, hindi ko alam kung bakit naging card dealer ako sa Casino, hindi naman Tourism ang course ko, HRM naman. Almost 3 years na rin akong nagwo-work sa Casino. Pero gusto ko talagang mag-apply rati sa Chad Stone Hotel, ang ganda kasi saka sikat na hotel kaso laging na de-deny iyong application form ko sa tuwing mag a-apply ako roon. At saka ayaw rin ni Mama-Ninang na mag-apply ako roon, hindi ko alam kung bakit. Kapag napag-uusapan namin ang Chad Stone Hotel ay umiiwas siya. Hindi ko maintindihan kong bakit. I was 7 years old nang mamatay si M ommy sa isang car accident, naalala ko pa gustong-gusto kong sumama sa kanya no'n pero ayaw niya akong isama kasi may business trip daw sila ng boss niya. Lagi na lang ganoon, may business trip tapos iniiwan niya ako kay Ninang Heather, Mama-Ninang na ang tawag ko sa kanya kasi parang second mom ko na rin siya. Minsan iniiwan niya ako kay Papa-Ninong kapag busy siya. Ang papa Ninong ko naman ay si Ninong Daniel. Naiintindihan ko si Mommy kung bakit ganoon na lang ang pagsisikap niya na magtrabaho kasi mag-isa niya akong binubuhay. Gusto niya akong mabigyan ng magandang buhay. Gusto niya mapag-aral niya ako ng College na hindi nahihirapang magbayad ng tuition. Hindi nahihirapan na maging working student. Noong Grade School siya scholar siya sa private school, noong nag-college siya ay kahit ano ang work na ang pinasok niya makapag-college lang. Kaya naiintindihan ko kung bakit busy siya sa work at halos wala ng oras sa akin. Nang mamatay siya, nahiling ko na sana kasama niya na lang ako na aksidente, nang time na iyon iniwan niya ako kay Mama Heather. Noong mailibing na siya umiyak ako nang umiyak, inubos ko na lahat ang luha ko kasi ayaw ko ng umiyak, nasa tabi ko noon si Papa-Ninong kasama ang asawa niya na si Tita Ruby. At si Mama-Ninang naman ay nasa tabi ko rin kasama si Daddy Marcus. Naging guardian ko si Mama Heather, itinuring nila akong kapamilya, ibinigay nila ang pangangailangan ko. Pinakain, binihisan, pinag-aral at itinuring na parte ng pamilya nila–na walang hinihinging kapalit. Hindi ko naramdaman na outcast ako. Pinaramdam nila sa akin na bahagi talaga ako ng pamilya nila. Kaya ang laki ng utang na loob ko kay Mama Heather at Daddy Marcus, kahit pa sabihing hindi naman sila naghihintay ng kapalit pero nakakahiya pa rin. Hindi naman ako nag-take advantage sa kabaitan nila sa akin, kaya nag-iipon ako kasi gusto ko nang bumukod, masyado nang nakakahiya, nag-iipon din ako para makapag tayo ng sarili kong dance studio. Mahilig akong sumayaw, lalo na kapag pole dancing. Natuto ako noong college, sumali ako sa dancing club. Akala ko wala na akong ka-talent-talent bukod sa kumain. Walang nakakaalam na mahilig akong sumayaw, inilihim ko lang naman ito kasi nahihiya ako. Kaya hindi ako sumasali sa pa-contest sa school namin, tamang assist lang ako sa mga kasamahan ko sa dancing club. In short, hanggang alalay lang ako. Ini-encourage naman nila ako na sumali sa pa-contest dahil nakikita nila kapag nagpa-practice ay magaling ako. Iyon ang sinasabi nila. Pero iyon talaga ang desire ng puso ko eh, maging dance instructor, someday. Ewan ko ba, dapat iyon na lang pala pinag-aralan ko. "Ate Cali! News na, dalian mo na! Nandiyan na si Ms.Alyanna!" Napukaw ako sa pagmumuni-muni ko nang marinig ang pangalan ni Alyanna. Kumaripas ako nang takbo palabas ng kuwarto, buti na lang tinawag ako ni Melanie, pang-apat na anak ito nina Mama-Ninang at Daddy Marcus. Eight years old ako nang pinagbubuntis siya ni Mama kaya 14 years old na ito ngayon turning 15. Pareho naming idol ang reporter na si Alyanna. Napapanganga na lang talaga ako sa TV kapag nakikita ko si Ms.Alyanna, ang tapang niya talaga lalo na ng makunan niya nang scoop ang naganap na kidnapping sa main city ng Baguio. Grabe ang tapang niya talaga, hindi siya natakot na itutok ang camera sa naganap na kidnapping sa Baguio. Buti na lang naisalba na ang mga bata. "Oh tapos na, nakanganga ka pa rin diyan." Narinig kong saad ni Ardell at inilipat na ang channel. Tumabi ito sa akin at isiniksik ang sarili sa akin kaya umusog ako, umusog din ito kaya naipit ako sa dulo ng sofa. Nakakainis talaga! Bakit ba padalas nang padalas ang pang-aasar nito sa akin! "Ano ba! Naiipit na ako, oh! " sita ko rito pero wala pa rin itong pakialam, parang hindi ako naririnig. Bakit ba nandito ito ngayon sa bahay? Ang alam ko namamalagi na ito sa Penthouse ni Daddy Marcus. Kapag na busy ito sa work, doon na ito umuuwi. "Hindi mo ba ako na aamoy?" nakangising tanong nito sa akin. Napakunot ang noo ko sa tanong niya pero lumapit na rin ako sa leeg nito at sininghot ang amoy nito. "Wala namang pinagbago, lagi ka namang mabango, ah." Nakairap kong saad sa kanya saka inilayo na ang mukha sa leeg nito, baka magka-sinusitis pa ako, halos ipaligo na nito ang pabango sa buong katawan. "Grabe ka talaga, Cali! Ano ba iyang ilong mo? Hindi nakaka-identify ng iba't ibang uri ng pabango." Inis na sabi nito. Ano daw? Palagi naman talaga siyang mabango. Ano bang problema ng lalaking ito? "Bagong bili ko ang pabango na ito, tapos parang wala lang sayo?" dagdag pa nito. Natawa naman ako sa hitsura nito. "Ganoon ba, naku sorry ha. Nasanay kasi ako na lagi kang mabango akala ko the same lang." Natatawa kong saad dito saka niyakap ito at inamoy-amoy ko pa ang leeg nito. "Ano ba! Nag-iinit ang katawan ko dahil sa ginagawa mong iyan." Biglang saad nito at siya na mismo ang lumayo sa akin. Napatulala naman ako. Ano ba ang problema ng lalaking ito? Naiinis na talaga ako! Bakit ngayon lang ito nagre-react sa mga ginagawa ko? Dati naman palagi ko siyang niyayakap, magkatabi pa nga kaming matulog. Palagi ko naman itong nilalambing. "Grabe ka maka-react na naiinitan ka! Samantalang ikaw nga ang dikit nang dikit sa akin, malamig naman ang aircon!" inis kong asik dito. Inirapan ko pa ito, napansin kong napapalunok ito sa sariling laway, tumayo ito at hindi mapakaling palakad-lakad sa harapan ko. Nakakahilo! Pero ang tanga ko dahil sinusundan ko pa rin nang tingin ang bawat galaw niya na pabalik-balik lang naman sa iisang direksyon. "Hoy ano ba! Nakakahilo!" saway ko sa kanya. Napahinto ito saka napatingin sa akin, bigla tuloy akong na-concious sa titig nito. "Dinner is ready!" Mula sa kusina ay narinig namin ang boses ni Mama Heather. Kaagad naman akong tumayo at excited na nagtungo sa dining area. Nakalimutan ko na ang makahulugang tingin ni Ardell sa akin nang makita ko ang mga pagkaing nakahain sa mesa. Mabilis akong umupo sa mesa. Kompleto kaming lahat sa mesa lalo na at kadarating ni Daddy Marcus mula sa business trip nito sa ibang bansa. "How's your work, Cali?" tanong ni Daddy. Napangiwi ako, gusto ko na nga mag-resign, ang baba ng sahod. Hindi ako nakakaipon ng malaki. Simula nang maka-graduate ako ng college ay tumanggi na akong tanggapin ang binibigay nilang allowance sa akin. "Okay lang po, Daddy." Pilit ang ngiting sumilay sa labi ko. "Kung magbago ang isip mo puwede ka namang sa company na mag-work, nandiyan naman si Ardell para mag-assist sa'yo." Napatingin ako kay Ardell na ngayon ay nakangiti na sa akin. Katabi siya nina Mallen at Malvyn. Katabi ko naman ang dalawang babae na sina Melanie at Monica. "Okay lang po Daddy, pag-iisipan ko po." Sagot ko. "Ayaw mo ba mag-work sa company, Ate?" tanong ni Melanie sa akin, napatingin ako sa kanya, sa lahat ng magkakapatid siya lang ang green eyes, nagmana daw sa lola nito, sa side ni Mama Heather. "Hindi naman sa ayaw, may work pa kasi ako." Pinandilatan ko ito ng mga mata. "Eh bakit ayaw mo?" Si Monica, inirapan ko rin ito, siya iyong pinakabunso. Isang taon lang ang pagitan nila ni Melanie. Akala ko nga noon hindi na magkaka-anak si Mama kasi may babae na sila, si Melanie, pero ewan ko ba bakit bigla na lang sumulpot si Monica. Natatawa ako sa sarili nang maisip iyon. "Kumain na nga kayo, mga chismosa kayo. Huwag ninyong pilitin si Calista!" Narinig namin ang boses ni Mama at natahimik na kaming lahat. *** All rights reserved||2020 © bluefairy1828
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD