Chapter 2

1120 Words
"The only way to find happiness is to risk being completely cut open" - Chuck Palahniuk ❤️ Calista POV Kanina pa ako nakasimangot at uwing uwi na talaga ako pero ang kulit ni Ardell dahil ayaw pa niyang umuwi. "Ardell, tama na. Ayaw ko na nga eh!" Reklamo ko rito. Panay naman ang pagbaril nito sa target, wala itong mintis, ang galing talaga umasinta. Kasalukuyan kaming nandito sa Shooting Range, ewan ko ba kung bakit palagi akong sinasama nito lalo na kapag free time nito. "Cali, wala ka pa ngang na aasinta, oh! Self defense rin ito." Maagap na saad nito saka hinubad ang earplug at suot na Wiley X Saber Shooting Glassess. "Ano'ng self defense ang pinagsasabi mo eh may mga police naman para hulihin ang mga criminal. At saka bakit ako magdadala ng baril everyday kung hindi naman ako pulis?" nakasimangot kong saad dito, nakita ko ang malalim na buntonghininga nito na para bang nagtitimpi lang ng galit sa akin. "You don't understand, do you?" Naiiritang saad nito na ngayon ay nakapamaywang na. Para itong Kuya ko, na kung tutuusin mas matanda ako rito ng dalawang taon pero ang tangkad nito, 5'3 lang ang height ako samantalang ito ay nasa 6-feet. "You don't understand, do you?" I mimicked him and I rolled my eyes at him. Pinisil naman nito ang magkabilaang pisngi ko, saka pinanggigilan. "Ikaw huh, kaya ka napapagalitan ni Kuya Cloud eh kapag tinuturuan ka ng self defense dati, ang bilis mong tamarin." Nanggigigil nitong saad sa akin. "Aray naman ang pisngi ko!" asik ko, saka naiinis kong tinabig ang kamay nito at inirapan. "Ewan ko ba sa inyo! Diyos ko pasalamat nga ako nag-Army na iyon." "We're not done yet Cali, tingnan mo nga oh!" saad nito na halatang naiinis, sabay turo sa target. "Nasa labas ng target ang lahat ng asinta mo! Ilang beses na kitang sinasama rito." Tinaasan ko lang siya ng kilay. "Aba! Ate mo ako oy! Kung maka-reklamo ka riyan, dinaig mo pa ang pagiging Kuya ah! Dapat nga Ate Cali ang tawag mo sa akin." Mataray kong sita rito. "Anong Ate? Hindi naman kita kapatid. At saka ayaw kong maging Ate ka." Nakasimangot na sagot nito. Para talaga kaming aso't pusa kapag nagbabangayan na. "Ouch! Wala namang personalan!" kunwari ay nasasaktan ako. "Basta Ate mo ako at kung ayaw mo ako maging Ate, sasabihin ko kay Mama-Ninang at Daddy Marcus na ampunin na ako ng legal." Nakangisi ako sa kanya, iyong klaseng ngisi na maiinis siya. Nagagalit ito kapag sinasabi ko na ampunin na ako ng legal. At ewan ko rin kung bakit inis na inis ito kapag sinasabi kong Ate niya ako at magkapatid kami. "Huwag ka ngang mangarap diyan! Gusto mo ba talaga maging Myles?" Nakangising tanong nito, nakita ko pa ang pagkislap ng mga mata nito. "Oo naman, para maging legal na tayong magkapatid." Masaya kong sagot. Bigla siyang sumimangot, saka umiwas ng tingin sa akin. "Isuot mo na ulit iyang shooting gear mo." Seryoso nitong saad. Kahit nakasimangot, ang guwapo pa rin nito. "Ardell naman eh, umuwi na tayo. Hindi ko na maabutan ang news ngayon." Pagmamaktol ko. Grabe na talaga ang inis ko. Gusto ko na siyang iwan pero hindi ko magawa, mas lalo itong maiinis sa akin. "Ano ba ang news na pinagsasabi mo? If I know hindi naman tungkol sa news ang inaabangan mo." "Pakialam mo ba? Umuwi na nga tayo baka tapos na ang balita ni Ms.Alyanna, alam mo naman hindi kompleto ang araw ko kapag hindi ko siya napapanood sa TV." Nakabusangot kong saad dito pero tinawanan niya lang ako, ang lakas nang halakhak nito na ikinainis ko. "Sabi ko na nga ba eh, ang reporter lang naman na iyon ang inaabangan mo, si Ms.Alyanna Leighton. Tsk! Ano ba ang nagustuhan mo sa kanya? Wala naman iyong nakukuhang malaking scoop sa pagbabalita, puro mga minor lang." Pang-iinis nito sa akin, alam niya kasing idol ko si Ms. Leighton. "Nakakainis ka talaga! Ang galing niya kaya, at saka idol ko siya. Para sa akin siya ang pinakamagaling at pinakamaganda na field reporter na napapanood ko." Inis kong turan dito pero mas lalo pa itong tumawa. "Bakit ba HRM ang course na kinuha mo? Bakit hindi na lang MassCom, eh di sana nakikipagsabayan kana sa iniidolo mong reporter ngayon." Nakakaloko ang tawa nito, mas lalo akong napasimangot. Inirapan ko na lang siya. "Akala ko kasi madali ang kursong HRM, hindi pala. Napasubo na ako kaya pinagpatuloy ko na." Pag-amin ko, nagmukha tuloy akong bata rito. Muli naman itong tumawa sa sinabi ko. Ano ba ang problema ng lalaking ito? Kanina lang inis sa akin ngayon naman tawa nang tawa. "Gusto mo talaga iyong kurso na madali ano? Ano ba kinakatakutan mo matalino ka naman." Saad nito na ngayon ay pinipigilan na ang tawa. "Umuwi na nga tayo! Inaasar mo na ako eh!" naiinis na yaya ko rito, "O, sige na nga! Nandahil sa tulong mo naka-graduate ako ng College!" Katakot-takot na irap ang ibinigay ko rito. Totoo namang isa ito sa tumulong sa akin nang nag-aaral pa ako. "Kasi naman simpleng kurso na nga lang, hindi pa maipasa." Bulong nito sa sarili sabay pasimpleng ngisi, mahina ang boses niya pero sinadyang iparinig sa akin. "Ano'ng simple na pinagsasabi mo? Hindi mo ba alam may Math din iyon! Kapag nagluluto kami, sinusukat namin ang mga preservatives na inihahalo sa niluluto namin, ano! Maski asin, tuyo, paminta at olive oil ay sinusukat, bawal ang wisik wisik!" Inis na inis kong litanya rito! Palibhasa ay naka-graduate ito ng college with flying honors sa kursong BS-BA Major in Business Management, Suma c*m Laude pa ito. "Tara na nga, nakakaawa ka naman baka umiyak ka pa. Nakakatawa ang wisik-wisik mo." Pigil ang tawang saad nito saka inakbayan ako. Inirapan ko lang siya, umiiyak lang naman ako dahil ang bilis kong mapikon. "Ang cute-cute mo talagang asarin." Pang-aasar nito. "Hindi nga ako cute, pretty ako." Nakasimangot kong sagot. Narinig ko ang paghalakhak nito kaya kinurot ko ito sa tagiliran. "Pinaganda mo lang iyong term, pareho lang naman ang meaning no'n." "Nakakainis ka!" asik ko sabay hampas sa braso nito pero para akong humampas ng bato. Naramdaman kong mas lalo niya akong dinikit sa katawan niya at hinalikan pa ang ulo ko. Hindi na ako nagtaka pa, malambing talaga si Ardell sa akin simula nang mga bata pa kami. Halos ayaw nitong humiwalay sa akin. Hanggang sa nitong mga nakaraang araw lang ay napapansin kong kakaiba na ang mga kinikilos nito sa akin, masyado na itong possessive at kinaiinisan niya ang mga kaibigan kong lalaki lalo na kapag mga ka-trabaho ko. Pero hindi ko nalang binigyang pansin, baka nga seloso lang talaga ito. *** All rights reserved||2020 © bluefairy1828
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD