Chapter 4

1419 Words
"Be happy with what you have, be excited about what you want." - Alan Cohen ❤ ️Night shift ako ngayon sa trabaho kaya naghahanda na ako para pumasok. Dala ko na ang shoulder bag palabas ng kwarto. Naabutan ko pa sa sala sina Melanie at Monica, gumagawa ng assignments nila samantalang sina Mallen at Malvyn ay naglalaro ng video games. Nasaan kaya si Ardell? Baka umalis na, buti naman para hindi na mangulit sa akin. "Bye guys! Papasok na sa work si Ate." Masaya kong paalam sa mga ito pero hindi ako pinansin. Ganoon sila kapag inaasar ako, kunwari hindi ako nag-e-exist. Eh, ako naman si tanga pumapatol. "Excuse me, excuse me. Aalis na ang Ate ninyo!" Mas lalo kong nilakasan ang boses. Sabay naman ang mga itong nagtawanan. Lumapit sa akin si Monica at yumakap, likas talaga itong malambing sa akin. "Calista, you forgot your pepper spray again." I rolled my eyes nang marinig ang buong pangalan ko. Nilingon ko ang pinanggalingan ng boses, nakita ko si Mama Heather. Napangiwi ako nang abutin ko ang binibigay nitong pepper spray. Bakit ba kasi kailangan kong magdala nito. "Calista, how many times I told you, don't you ever forget your pepper spray!Makakatulong iyan sa'yo kapag may nambastos o gumawa ng masama sa'yo." Litanya ni Mama Heather sa akin. Napaka-protective nito sa akin, kaya lagi niya rin akong pinapasama kay Ardell kapag nag-aaral ng kickboxing. Hindi na ako magtataka kung maging black belter sina Melanie at Monica paglaki. "Mama, baka mabastos pa ako lalo kapag dinukot ko pa iyan sa bag ko tapos hindi ko mahanap kung saan ko nailagay. Kaya much better ang tumakbo na lang kapag may masasamang loob." Nakangisi kong saad sa kanya, she gave me a poker face at mas lalo pang itinaas ang kilay. Kahit nasa 50's na ito ay mukha pa rin itong nasa 40's. Pareho sila ni Daddy Marcus, matikas pa rin ito at hindi halata ang edad. Si Mama Heather naman ay hindi mapagkakamalang nasa 50's na. Her beauty looks so captivating as always. "Don't give me that dumb excuse Calista Fae!" Naiirita nitong saad sa akin. "Just put it in your bag at mag iingat ka. Ihanda mo ang cellphone mo, ilagay mo sa part ng bag mo na madaling mahugot pati iyang pepper spray." Bumuga ako ng hangin, grabe talaga si Mama, bakit ba kasi napaka-protective sa aming mga babae? Dinaig pa si Daddy Marcus eh, buti na nga lang hindi na ako pinapasundan ni Daddy Marcus ng mga bodyguards. "Yes, Ninang." Saad ko rito and then I rolled my eyes. "It's Mama, Calista! And don't give me that look kung ayaw mong dukutin ko iyang mga mata mo." Galit nitong saad, naging malapad ang ngiti ko rito saka ko ito niyakap at hinalikan sa pisngi. Kunwari lang naman ito na galit sa akin pero hindi naman ako matitiis. "Bye Mama, love you." Nakangisi kong saad sa kanya, hindi ko na hinintay ang response niya dahil tumakbo na ako palabas ng bahay. Mag ta-taxi na lang ako, ayaw ko na ring magpahatid pa sa driver nila, nag-offer naman si Daddy na bilhan ako ng sariling kotse pero tumanggi ako. Masyado nang nakakahiya sa kanila. That's what I love about them, dahil hindi nila ako pinipilit kung ano ang gusto kong gawin. They support and understand me. "Get in." Muntikan na akong mapasigaw sa boses ni Ardell, bigla na lang sumulpot ang sasakyan nito sa likuran ko. Binuksan nito ang katabi ng driver seat. "Sakay na, ihahatid kita." Sumakay na rin ako, pagkatapos ay pinaandar na niya ang sasakyan. "Bakit ba kasi ayaw mo pang mag-resign diyan." Panimula nito. "Magre-resign na rin ako, may ina-apply-yan na ako through online." "Bakit kasi hindi na lang sa company." Pamimilit nito. Hindi na ako umimik, paulit-ulit na lang kasi. Pagkahatid niya sa akin ay bumaba na ako pero nagsabi ito na susunduin niya rin ako. Eh, 'di mas mabuti nakatipid ako sa pamasahe. Napangisi na lang ako. Lumipas ang ilang araw, ganoon pa rin ang routine ko. Trabaho, bahay at minsan pumunta ako sa dance studio kasama ang friend ko, doon kami nagba-bonding through dancing. Nasa kuwarto ako ngayon, kaharap ko ang laptop. Nagse-send kasi ako ng application through online para sa pag-a-apply ko ng bagong work. May pini-fill-up-pan akong form sa isang site, malaki ang sahod, baka wala pang isang taon makaipon na ako ng malaking halaga kapag dito ako magtrabaho sa site na ito. Bumuntonghininga ako dahil may kailangan na fill-up-pan na ang isang row ay nakasaad 'Your parents' palagi na lang deceased ang nilalagay ko. Nakaramdam ako ng lungkot. Tapos sa ibaba naman ay nakalagay doon guardian. Hindi ako nagdalawang isip na ilagay ang name ni Mama Heather doon. "Heather Larkin Myles." Sinasabi pa ng bibig ko habang tina-type ko. Pagkatapos kong mag-fill-up senend ko na. Ilang minutes lang may nag-reply na kaagad sa email ko na hired na ako. Kumurapkurap ang mga mata ko, hindi ako makapaniwala. Ang bilis ng t***k ng puso ko. Para kong nakita ang crush ko dahil sa lakas ng kabog ng dibdib ko. Ano'ng nangyari? Bakit ganito? Binasa ko ang email. Diyos ko! Ano ba napasukan ko? Tama ba ito? Good day! Welcome to the Rampage Society site and congratulations because you are hired as a Casino Dealer. You will be employed in the Royal Casino Department. Please be advised that you will be assigned in the Rampage Island located in Palau. I will send you the contract and the important details in regards of your stay in the Island. Have a nice day! Nakanganga pa rin ako sa harapan ng laptop ko at paulit-ulit na binasa ang email. Ano raw? Ano ba ang napasukan ko? Ano ang site na ito at bakit ang bilis namang maka-reply. Scam ba ito? Pero mukhang hindi eh. Rampage Society site? Mabilis akong nag-search sa Rampage Society, pero hindi ako makapasok kasi kailangan ng VIP access code. Baka nga scam, ayaw ko na. Baka ano pa napasukan ko. Okay, hanap na lang ako ng ibang pagpapasahan. Sabi ko sa sarili ko pero may biglang nag pop-up ulit na email sa akin. Mabilis ko itong binasa, galing sa Rampage. Napanganga ako sa salary, 120,000 per month, tapos may bonus pa. Ay s**t! Bahala na. E-grab ko na ito! Nagtatalon ang puso ko sa tuwa, nakalimutan ko na ang scam na pumapasok sa isip ko. Masaya akong lumabas ng kuwarto, ibabalita ko ito kay Mama, kaagad akong natungo sa kitchen kung saan nagluluto ito kasama ang mga katiwala sa bahay, buti na lang natuto na itong magluto. "Hi, Mama." Nakangiti kong bati sabay yakap sa kanya, ngumiti naman ito sa akin saka hinalikan ako sa ulo. Feel na feel ko talaga ang pagmamahal ng isang ina. Ni minsan hindi niya ako itinuring na ibang tao. "May sasabihin po sana ako about sa Rampage." Panimula ko pero kaagad nitong nabitawan ang hawak na spatula. "Ano? Saan mo nalaman ang Rampage na iyan?" Gusto kong mapatalon sa tono ng pananalita nito. "Magsabi ka nga sa akin Calista, ano na ba ang pinaggagawa mo sa buhay mo? Hinahayaan lang kita simula nang maka-graduate ka ng college, hinahayaan ka na namin sa bawat desisyon mo! Ano ba talaga ang gusto mo?" Napanganga ako sa litanya ni Mama, nabanggit ko lang ang Rampage para na itong bulkan na sumabog. Ano ba ang meron sa Rampage? Sasabihin ko lang naman sana na may work na ako sa Rampage tapos malaki ang sahod. Kumikinang pa ang mga mata ko nang maisip ang sahod. "And what about Rampage? May nag-offer ba sa'yo ng work sa Rampage? Saan mo narinig iyan?" Pigil ang galit nitong tanong. "Po? Naku wala mama, narinig ko lang pero wala iyon." Pagkikibit-balikat ko. Grabe talaga, gusto kong pagpawisan ng malamig dahil ngayon ko lang narinig ang tono ng pananalita nitp, mukhang galit talaga. "Saan mo ba narinig iyan?" Paninigurado nito. "Sa ano po..." I trailed off. "Sa kasamahan ko sa trabaho pero ewan ko ano ang pinag-uusapan nila." Pagsisinungaling ko, saka napansin ko ang malalim na buntonghininga nito. "Basta ayaw kong nadadawit ka sa Rampage, lalo na babae ka." Mahinahong saad nito. Napakunot ang noo ko sa sinabi niya pero hindi ko nalang pinansin. Minsan talaga ang lalim ni Mama-Ninang, napaka-mapagmahal naman nito, malambing saka masyadong protective. Kaya lang minsan hindi ko maiwasan na hindi mag-isip kung bakit siya ganito mag-isip. At higit sa lahat hindi ko maarok kung ano talaga ang tunay na nilalaman ng puso niya. Masyadong malalim at para bang madaming tinatago. ***
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD