"Smile, it is the key that fits the locks of everybody's heart." ❤️ Naka-pagdesisyon na ako na hindi sabihin sa kanila ang bago kong trabaho, tatlong na rin ang nakalipas magmula nang mapirmahan ko ang contract sa bago kong trabaho. Ang sabi ko lang sa kanila ay na-assign ako sa ibang branch ng pinagta-trabahuan ko, at stay in ako roon. Once a month lang ako may leave pero 3 days naman kaya okay lang. "Saan na branch ka nga ulit maa-assign, Cali?" Narinig kong tanong ni Daddy Marcus sa akin nang nasa hapagkainan kami. "Sa ano po, sa Cebu." Mahina kong sagot, saka yumuko ako. Hindi ako tumitingin sa kanilang lahat. "Sigurado ka ba sa desisyon mo, Calista?" tanong ni Mama. Napatingin ako sa kanya, nakikita ko sa mga mata niya ang lungkot at pag-aalala. "Huwag kayong mag-alala Mama,