" Ang lalaki parang Bluetooth, kapag nasa tabi ka nila, they stay connected. Pero kapag wala ka, they search for new devices." ❤️ Napabalikwas ako nang bangon sa pagkakahiga nang marinig ang malakas na doorbell sa pinto, napasarap ang tulog ko. "Anong oras na ba?" mahinang usal ko, saka napatingin ako sa oras, 4pm na. Sino kaya ang kumakatok? Pupungas-pungas akong lumapit sa pinto at binuksan ito. Pagbukas ko ay bumungad sa akin ang isang magandang mukha ng babae. Nakataas ang kilay nito saka sumilay ang nakakaakit nitong ngiti. Napaka-slutty ng datingan nito lalo na sa suot niyang fitted dress na hanggang hita ang haba, feeling ko kapag tumuwad ito makikita na ang kuyukot ng puwet nito. "Hi!" bati ko na lang sa kanya, ngumiti ako, naiilang kasi ako sa hitsura nito. Slim pero curvy