Kabanata 12

1988 Words
“ERIC, please, h’wag kang magalit kay Poleng,” pakiusap ko habang isinasarado ang pinto ng study room. Sinundan ko talaga roon si Eric matapos siyang magbitaw ng salita sa harapan namin. He is firing Poleng from her job. “Eric… wala siyang intensiyon na masama. Nagtanong lang siya kanina.” “Nagtanong, nag-usisa o anuman, nakikipagkwentuhan siya sa amo niya sa oras ng trabaho. Don’t you get it, Naya? Hindi ko siya binabayaran para makipagkwentuhan. Hindi niya trabaho ang magpasok ng kung ano-ano sa isip mo. Hindi ko siya binabayaran para alamin ang mga personal na bagay tungkol sa’yo. Ang trabaho niya ay alalayan ka sa lahat ng kailangan mo!” mariing sabi niya. “Ako naman ang naupo roon sa bar at nakipagkwentuhan. Komportable kasi siya sa akin kaya siya nagtanong nang gano’n.” Hindi ako pinakinggan ni Eric. Iritado itong nagbuga ng hangin at nilingon ako. “And why was she telling you na bagay kayo ni Pierre? Ano bang ginagawa ninyo ni Pierre habang wala pa ako?” Natigilan ako sandali sa tanong niya. “W-wala! Anong gagawin namin? Hindi ko nga nakausap ang step-brother mo dahil nasa kwarto lang ako habang narito siya.” Pinagmasdan niya ako. Salubong na salubong ang mga kilay niya. “Eric, please, bigyan mo naman ng isa pang chance si Poleng. Kawawa naman siya kung basta mo aalisin sa trabaho. May mga kapatid siyang pinapaaral sa probinsiya nila.” “Fine! Pero isang-isa na lang talaga. Do you understand, Naya? Huling pagkakataon lang ang ibibigay ko kaya pagsabihan mo ang alalay mo. At h’wag siyang babanggit ng pangalan ng ibang lalake sa’yo. Naya, you’re going to be my wife. I was disappointed na hindi mo man lang itinama ang utak ng alalay mo. She asked you about us and you could not even answer?” “H-hindi ko kasi alam kung anong isasagot ko. Ayoko lang pangunahan ka.” Ilang sandaling tumahimik si Eric. Maya-maya ay nilapitan niya ako at pinakatitigan. “Naya, you’re going to live here as my wife. Sa tingin mo ba, itatago ko ang tungkol doon sa mga kasama natin dito sa bahay?” Hindi ako nakaimik. Hindi ko nga naman naisip ‘yon. Pero… kahit siguro naisip ko, hindi ko pa rin sasabihin. Ayokong pangunahan si Eric. Ang awkward kung sa akin manggagaling ang tungkol sa pagpapakasal namin.  Ilang sandaling katahimikan ang lumipas. Nakita kong naupo si Eric sa swivel chair nito. “Puntahan mo na ang alalay mo. Pagsabihan mo na rin tuloy. I need to do something here. Ipatawag mo na lang ako kay Nay Thelma sa hapunan.” Tumango ako pero hindi ako umalis. Hindi ko magawang iwan agad si Eric. Napansin naman niya iyon. “What?" kunot-noong tanong niya. "May sasabihin ka pa ba? Pinagbigyan ko ang hiling mo, Naya. H’wag mong sabhing malupit ako.” Mabilis akong umiling. Hindi ko naman iniisip na malupit siya. Ang totoo, masaya ako na binawi niya ang desisyon niya. He listened to me. Pakiramdam ko tuloy, napakaimportante ko sa kaniya. Hindi ko kailangang magdalawang-salita kay Eric. Ikiniling niya ang kaniyang ulo. May pagtataka sa imahe niya habang tinitingnan ako. “Naya? May sasabihin ka pa ba?” Nagbuga ako ng hangin. Pagkatapos ay maliit akong ngumiti. Inihakbang ko ang mga paa ko patungo sa kaniya. Umikot ako sa desk niya at tumayo sa gilid ng kaniyang swivel chair. Nakasunod ang tingin ni Eric sa akin. Confusion is written on his face. At para hindi na siya magtaka sa ikinikilos ko, bahagya akong yumuko at saka isinampa ang mga braso sa mga balikat niya upang mayakap siya. I am not surprised at all when I feel the steel-like hardness of his body. Mas lalo ko ring nasamyo ang bango niya. His scent is a mixture of sandalwood, vanilla and musk. “T-thank you for being understanding, Eric,” nakangiting sabi ko. Hindi siya nagsalita pero, ramdam ko ang mararahas na paghinga niya. Binalewala ko lang iyon. Ipinikit ko ang mga mata ko at ninamnam ang pagkakayakap sa kaniya. Maya-maya ay naramdaman kong hinawakan niya ako sa aking magkabilang balikat at saka inilayo. Napatuwid ako ng tayo. Tumayo rin si Eric. Mainit ang mga palad niya na nakahawak sa mga balikat ko pero, nang bitiwan niya ako bigla, para bang siya itong napaso sa akin. I don’t know but I feel embarrassed. Nawala ang ngiti ko. Gumapang ang disappointment sa aking dibdib. And maybe it’s because at the back of my mind, I was expecting that Eric would hug me back. Tumikhim siya nang isang beses. “All right. N-no need for that…”  Hindi ako nakakibo. Tumikhim ulit siya.  “It's fine. Naipaliwanag mo naman nang maayos kaya… let's just leave it behind. You may go now… Naya. May gagawin pa kasi ako.” Ilang sandali akong nakatingin lang sa kaniya bago sapilitang tumango. Paglabas sa study room ni Eric ay pinuntahan ko agad si Poleng para sabihing okay na ang lahat.  Tuwang-tuwa siya sa ibinalita ko at nagpasalamat nang husto. I am happy for her. I just reminded her a few things para hindi na maulit pa iyon. “Yes, Miss Naya. Hindi na ako magsasalita nang ganoon. Pasensiya ka na talaga.” “It’s okay. Tapos na iyon. Kalimutan na lang natin.” Nang iwan ko siya ay pinagsasabihan din siya ni Nay Thelma na sa susunod ay mag-iingat sa sinasabi. Tumuloy na ako sa kwarto ko at kinuha ang aking cellphone. Sinubukan kong tawagan si Liza via videocall. Mabuti naman at online siya. Sumagot siya sa tawag ko. “Is that your room? Ang ganda, Naya! You’re very lucky!” Hindi ko pinansin ang mga sinabi niya. Dumirecho ako sa gusto kong sabihin. “Liza, he did not hug me back.” “What?” Nagusot ang noo niya. “What did you say, Naya?” “Si Eric. Well, it’s a long story. We were arguing over some thing but at the end of our argument, nagpaubaya siya. Pinagbigyan niya ako. Then I hugged him. Pero bakit gano’n, Liza? Hindi niya ako niyakap pabalik?” Ilang sandaling nakaawang ang mga labi ni Liza sa screen bago ito tumawa. “So you’re expecting him to hug you, right? Baka naman… nahihiya siya sa’yo.” “That’s nonsense. I am going to be his wife. Anong ibig sabihin ng reception niya? Hindi kaya, ayaw niya talaga sa akin? Kung ayaw niya sa akin, bakit niya ako pakakasalan?” “Because he likes you. Hindi iyon sa ayaw niya sa’yo, Naya. Malamang nabigla sa’yo ang tao. Maybe he did not expect that you would do that. Ikaw na hindi makabasag-pinggan, bigla mong yayakapin ang mapapangasawa mo?” Tumawa si Liza. Hindi ko naman siya masabayan dahil mas nangingibabaw sa akin ang frustration. “Naya, don’t take it personally. Hmm, excited ka ba sa honeymoon n’yo?” Nag-init ang mukha ko sa tanong ni Liza. Hindi ko iyon naitago sa kaniya. “H-hindi sa gano’n. Ang saya-saya lang kasi sa pakiramdam na lagi niya akong pinagbibigyan. Everything seems easy since I met Eric. He helps me a lot. He listens to me. It’s just overwhelming. Kaya… niyakap ko siya.” “That’s so sweet, Naya. I think you are already in love with him.” Natigilan ako nang ilang segundo. Pagkatapos ay nagkibit ako ng balikat. ”I don’t know, Liza. I admit, gusto ko na siya noong una ko pa lang siyang makita. Then I was wrong thinking that he’s a very difficult person dahil sa nangyari sa Ninong Marty ko. Pero… unti-unti kong nakikita kung ano siya. He easily gets mad, yes, but he cares for me. He’s thoughtful and generous. Physically, he’s perfect. Kaya paanong hindi mahuhulog ang loob ko sa kaniya?” “I see. E, di ‘yan na lang ang isipin mo. H’wag kang madisappoint dahil lang sa hindi ka niyakap pabalik ni Enrico. Naya, once you are married, magsasawa ka sa mga yakap at halik ng asawa mo.” Sinundan niya iyon ng kinikilig na tawa at hindi ko naman napigilang mapangiti. “You think so?” tanong ko. My heart is jumping for excitement and anticipation. “Of course! At baka mamaya niyan, hindi ka na niya palabasin ng kwarto ninyo!” “Liza!” Sa hapunan na ulit kami nagkaharap ni Eric. Pasimple ko siyang tinitingnan. At pakiramdam ko, sa tuwing titingin ako sa kaniya ay naghuhugis-puso ang mga mata ko.  Am I falling in love with him? Bakit ang bilis? Ang sabi sa isang libro na nabasa ko about love, mas nauuna raw talagang ma-develop ang feelings ng lalake kaysa sa babae. Mas magaling lang daw magtago ang mga ito. I don’t know if it's true and I am not sure in my case. Pakiramdam ko kasi ay ako itong unang nahuhulog. “Ipapaasikaso ko kay Connie sa Monday ang lahat ng financial matters mo sa university," wika ni Eric. "Magsimula ka nang mag-review para sa final exams ninyo.” “S-sige,” maiksi kong sagot. I feel his stares at me. Pinigilan kong mag-angat ng mukha para hindi ko masalubong ang tingin niya. “Our wedding will be held after your finals.” Nahirapan akong lunukin ang laman ng bibig ko. Tumango na lang ako. Maya-maya ay narinig ko ang malalim na pagbuntung-hininga niya.  “Are you mad at me, Naya?” Doon ako nag-angat ng mukha. Pilit kong sinalubong ang tingin ni Eric saka umiling. “Why should I?” “Iniiwasan mo ang tingin ko kanina pa. Is there something wrong?” “W-wala. May… iniisip lang ako.” Nagusot ang noo ni Eric. “What is it?” Hindi ako agad nakasagot. Hindi ko kasi alam kung paano ko ilalagay sa tamang salita ang tanong sa isip ko. Lalong nagsalubong ang mga kilay ni Eric. His face shows impatience because of my silence. Tumikhim ako upang alisin ang bara sa aking lalamunan. “Eric… uhm… kapag kasal na tayo…” I paused. Kinuha ko muna ang baso ng tubig at uminom. Tahimik lang si Eric, halatang naghihintay na ituloy ko ang aking sinasabi. Nang makainom ay kinuha ko naman ang table napkin at nagpahid ng bibig. Parang minamartilyo ang dibdib ko nang tumingin ako sa kaniya. “Uhm… kapag kasal na tayo.. are we… are we going to sleep together? M-mag-aanak ba tayo agad?” Natigilan si Eric. His lips parted as he looks back at me. Hindi ko napigilan ang pag-init ng aking mga pisngi kaya mabilis akong yumuko upang itago iyon. “It's all right. Y-you don’t have to answer it. Uhm…” My hands start to shake. Inilagay ko iyon sa aking kandungan sa ilalim ng mesa upang hindi makita ni Eric. Narinig ko ang pagbuga niya ng hangin. Kahit hindi ko siya tingnan, I can imagine the uneasiness that I caused him. Hindi iyon ang intensiyon ko. “Nag-aaral ka pa, Naya. Hindi mo pa dapat iniisip ang mga bagay na ‘yan.” Napalunok ako. Hindi ko alam kung ano ang dapat maramdaman. He thinks that it’s early for me think about bearing a child pero, ako na estudyante pa lang ang pinili niyang pakasalan.  Anong silbi ng pagiging asawa ko sa kaniya? Will I just be a decoration in his palace? “Just focus on your study. Maraming panahon para riyan. Sa ngayon, i-enjoy mo lang ang lahat ng bagay na nabibigay ko sa’yo bilang magiging asawa ko. You’ll get more once I married you.” “Eric… I am not after those things…” walang siglang sabi ko at bahagyang nagtaas ng tingin sa kaniya. “I appreciate everything that you do for me but, please, stop insulting me by saying that.” Tumayo ako pagkasabi noon. “Where are you going?” matigas na tanong niya. Magkasalubong ang mga kilay niya. Kalmado ko siyang tiningnan. “Tapos na akong kumain, Eric. Aakyat na ako sa kwarto ko. Please, excuse me.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD